CHAPTER 14

2012 Words
Bakit ba anong oras na at wala pa siya? Paikot-ikot na ako sa kakaantay sa kanya subalit wala pa rin siya. Nakailang text na ko kahit isang sagot wala siyang pinadadala. Nahihilo na ako kaiisip kung anong nangyari ba sa kanya. Sabay Napabuntong hininga ako at napaupo na. “Wala pa ba si Kuya Anthony?" anito ni Ellen ng pumasok sa sala matapos ang tumungo sa kusina at may bitbit na siyang binalatang mansanas at saging. Ano na bang nangyari sa kanya? Saan naman kaya siya nagpunta? Ganitong oras hindi pa ba sila nakakauwi ni Gilbert? Sa isip ko hindi mawala wala ang pag-aalala ko. “Ate Joyce" Bigkas ni Ellen ng tawagin ako sa pangalan at para bang nagising sa kung saan napunta at naglakbay ang isip ko na di mapakali maging dibdib ko sobrang bilis ng dahil sa kabang bumabalot sa puso ko. “Sorry Ellen." Anito ko. “Huwag ka ngang masyado mag-isip. Baka mamaya natraffic lang at dahil super rush hour na kaya. Baka kaya nalate pa siya ng uwi. Malamang hinatid pa nun si Gilbert sa bahay at kaya pagbalik natraffic pa ng husto. Kaya tigilan mo na pag-iisip ng baka makasama pa diyan sa ipinagbubuntis mo. Mapaanak ka pa ng di oras ako naman yung matuliro ng dahil sa hindi malaman na pag-iisip kung papaano kita dadalin sa ospital ng wala man lang si Kuya Anthony. Kaya't tigilan mo na at kumain ka nalang nitong dala ko ng matahimik na rin ng bahagya yang utak mo." “Puro ka kalokohan sa mga pinagsasabi mo. Manahimik ka na nga lang at maupo." Aniya ko sa kanya ng mapatigil sa panenermon ng wala naman saysay at mas lalo lang akong kinabahan. Tinatawagan ko naman si Gilbert subalit hindi nasagot. Patay yung cellphone niya at wala, hindi makontak kangina pa. Itatanong ko pa naman sana kung magkasama sila o baka naihatid nga siya ng aking asawa bago iyon nauwi rito. Pero wala! Patay ata cellphone malayo naman na mawalan siya ng signal. Si Demon ay hindi rin nasagot, siguro nagmamaneho. Pero kahit sana tumawag siya kangina, hindi naman niya ginawa o kahit magreply nalang sana siya sa akin sa dami ng text messages na pinadala ko rito. Para alam ko kung nasaan ba siya at nang mapalagay na ang puso at isip ko na nakingina pa nawawala na sa kanilang mga katinuan. “Ang OA mo Ate Joyce parang ngayon lang nalate ng ganito si Kuya Anthony. Napapraning ka agad." Nagawa pa talaga magbiro ni Ellen. Sinimangutan ko nga at inirapan. “Antaray ng Ate Joyce. May pairap irap pang nalalaman. Bakit di ko kaya sundutin mata mo o dukutin ko nalang..." nang di na naituloy ng biglang bukas ng pinto. “Ayan na pala ang kangina pa nagpapabaliw sayo." Anito na pagbibiro sabay alis at tumungo sa kusina para maghanda ng hapunan. Hindi pa kami kumakain ng iniintay namin itong si Demon dumating. “Babe, anong oras na?" Naitanong ko pabulalas ng biglang pasok nito at litaw sa bumukas na pintuan. “Sorry, nalate ako. Hinatid ko pa si Gilbert at may dinaanan lang ako. Kumain na ba kayo? Gutom na ako." Sabi niya at nagdire-diretso sa taas. Hindi pa nga ako nakakasagot umakyat na siya at hindi man lang ako pinansin sa isasagot ko sana na hindi pa kami nakain ng dahil sa kakaantay sa kanya. “Anong nangyari run?" Aniya ni Ellen na maging siya nagtataka ng makabalik ito. Isinalang raw muna niya ulit sa kalan ng maiinitan ang niluto niyang hapunan na lumamig na rin sa kakaintay. “Maghain ka nalang. Gutom na rin ako. Ikaw ba?" tanong ko tapos ay inutusan na rin. “Nagugutom pero kasi nagkape ako sa loob ng kusina at kumain na rin ng isang hiwa ng slice. Maghahain na ako. Sumunod nalang kayo pagbumaba na asawa mo." Anito nito at naglakad na patungo sa kusina. Makaraan lang ilang sandali bumaba na rin siya ng matanawan ko na bumababa ng hagdan. “Kain na tayo." Aya niya at inalalayan ako. Kumain kami ng tahimik at walang mga kibo. Hanggang matapos at umakyat na rin. “Babe, bakit pala ginabi ka na ng uwi kangina? Marami bang trabaho sa opisina? si Gilbert bakit hindi mo ata kasama ng umuwi ka rito? Usually madalas naman siyang dumidito pagdating ng gabi at dito na naghahapunan. Bakit kaya ngayon wala siya?" Aniya ko sunod-sunod na tanong ng magtaka ako na wala si Baklang Gilbert. Nanibago lang naman ako at dalawang araw na siyang hindi dumadaan rito. Ano kayang nangyari? napapaisip ako habang kakaakyat lang namin mula sa baba matapos namin maghapunan. “May daraanan pa raw kasi siya kaya't hindi na makakadaan. Baka bukas, hindi ko rin kasi alam. Alam mo naman yung isa na yon, mas inaasikaso ring sarili matapos na matapos ang trabaho niya. Huwag mo na siyang isipin at maglinis ka na ng katawan mo at mahiga ka na para magpahinga. Maliligo rin muna ako at medyo pakiramdam ko ay nanlagkit ako." Anito ni Demon. Naglagkit? Ano yon? Muli ay naibulalas ko pabulong at natatanong habang nagtataka rin ako na naglakad papasok ng banyo si Demon. Buong akala ko ako mauuna na pumasok ng banyo ng sabihin na maglinis na raw muna ako ng aking katawan. Hindi ko nalang pinansin at kumuha na ako ng mga damit. Pero hindi ko rin maalis sa isip ang pag-aalala ko. Maaga na nga siya umalis kangina at wala pang liwanag ay umalis na. Papaano maglalagkit gayong sa office lang siya nanggaling bago umuwi? Malamig naman ruon at maraming aircon papaano maglalagkit? Maliban sa mayroon siyang itinatago talaga sa akin ng di ko alam na nangyayari sa kanya. Ewan ko sa kanya! sambit na naglakad na ako matapos kumuha ng damit na bihisan ko sa drawer at dumiretso na sa banyo ng makalabas si Demon. Hindi ko na pinansin so Demon at mabilis na tinungo ang banyo para makapaghugas ng katawan. Sinabayan ko na rin ng pagtoothbrush ng ipin ko at nang matapos ay lumabas na rin ako. Si Demon naman ang siyang pumasok ulit at sumunod sa paglabas ko ng banyo. Ano yon? kalalabas lang niya bakit pumasok ulit? May ilang minuto pa ang siyang itinagal nito sa loob bago siya nakalabas. “Antagal mo naman maligo? Hindi ba naligo ka na matapos mong lumabas kangina?" Aniya ko at tanong sa kanya habang punas niya ang basang buhok. Nakatapis lang din siya ng tuwalya habang naglalakad sa loob ng kwarto. “Nagbawas pa ako kangina pero bigla ulit kumulo tiyan ko kaya't nagbanyo ulit ako matapos mo." sagot niya at saka nagpalit ng bihisan. Nagsuot lang siya ng white shirt at panjama at natabi na rin sa akin. “Kamusta kayo ni Baby?" anito na tanong ng makahiga padapa sa tabi ko. Humalik siya sa pagkalaki kong tiyan at matapos umangat na ito at ako naman hinalikan. “Ayos lang ba kayo ng baby natin?" tanong ulit niya at ngitian ako. “Yes, okay lang naman. Nainip lang ako kasi ang tagal mong umuwi rito. Kangina pa ako nag-aantay sayo pero hindi ka naman umuwi agad. Kaya ayun tuloy at puro nalang tulog ang maghapon namin ni Baby." sagot ko. Napahikab na naman ako at may ilang patak na luha ang nangilid at pumatak sa magkabilang mata ko. “Inaantok na naman ako." Nakatawa ko na sabi sa kanya ng punasan ko ng makailang ulit ang mga pumapatak na luha sa mata ko. “Ako medyo napagod rin ako sa office sa dami ng trabaho na ginawa ko ngayon. Nakakapagod maghapon na nakaupo. Namiss ko tuloy kayo ni Baby." Sabi niya na hinimas niya pa ulit ang aking tiyan. “Sure? okay lang kayo? Baby okay lang ba kayo ni Mommy? Hindi ba nagpakasubog na naman kayo ngayon?" Biro niya. “Diet na nga kami." Sagot ko Pagkatapos, hinalikan ako sa nuo ulit ng maisandal niya ako sa kanya. “Babe, are you sure na okay ka lang?" Tumango ako. “Okay lang! Wala kang dapat ipag-alala okay lang kami." Sagot ko ulit. “Pasensya na kinailangan ko lang ang pumasok sa opisina at may inaasikaso ako. Hayaan mo at babawi ako sa inyo ni Baby." Aniya ni Demon at niyakap na ako habang nakahilig sa kanya. “Babe, namiss kita." sabi naibulalas niya ng mahina. “Namiss ko kayo ni Baby. Namiss kong andito lang sa bahay kasama kayo. Pero kasi may biglaan lang na dapat kong ayusin. Oras na matapos kayo naman ni Baby ang siyang asikasuhin ko pangako yan." Sabi pa niya ulit sa akin habang mas niyakap pa niya ako ng mahigit. “Babe alam mo ba na malapit na tayong magbukas sa US ng factory at ilang branches pa na siyang bubuksan sa mga susunod. Pero siguro once na makapanganak ka na baka gawin ko na tumungo ron para makita ang area. Gusto ko kasi kasama kayo ng baby natin once na magpunta ako ron." Aniya ulit at sinulyapan ako. “Dito naman sa Pinas ilang factory yung inaayos pa at may ilan rin tayo na itatayo sa ngayon talagang dapat na magfocus lalo at wala pa rin si Allan. Nag-aalala na rin ako sa kanya pero umaasa ako sang araw na babalik na rin siya sa atin kasama ang pamilya niya." Sabi pang muli ni Demon. “Tapos Babe may isa pa akong inaayos. Pero surprised." Ako yung napalingon. “Ano?" Tanong ko. “Supresa nga di ba? Papaano magiging supresa kung sasabihin ko sayo." Aniya niya at napangiti. “Bakit di pa sabihin?" “Basta malapit na Babe." Anito niya na naman. “Okay sinabi mo" Nginitian ko rin siya kahit nag-aalala pa rin ako sa mga kilos niya. “Babe nabanggit ng ilang business partners natin na mabuti raw sana na makapag labas tayo ng di lang bagong designs. Kundi mga bagong products na di nakahilera sa sapatos na main product natin sa kumpanya. Anong sa tingin mo Babe? Tama ba na maglabas na rin tayo?" tanong ni Demon at napasinghap. “Pwede rin. Di ba yan na matagal na pinag aaralan natin sa kumpanya? Pero dahil sa pag-aakala mo na makababalik agad sila Allan naatras ng naatras at hindi na natuloy hanggang ngayon. “Kaya nga eh! Kaya nag-iisip ako. Simula ng mabanggit yan sa akin napaisip na naman ako na bakit di natin subukin at trial lang kung sakali na tangkilikin ng mga tao. Push na natin sa market. Total marami na rin ang siyang nag-aantay sa project na yan." Anito ni Demon hawak pa kamay ko at pinisil. “Subukan mo na Babe, baka sakali na pumatok sa market dagdag pa sa sales natin at tama rin ng di lang sapatos mayroon rin tayo na ilang specific na products na pwede mapagpilian at bago sa mata ng mga masusugid nating customer." Sabi ko pagpapalakas na rin ng kanyang loob. “Saka Babe tama naman din sila. Oo at kilala ang kumpanya mo sa larangan ng sapatos at duon siya nakilala at nag number one. Pero kasi Babe sa totoo lang dapat may bago. Yun rin ang madalas na hanapin ng ilang customer na matyaga na tumatangkilik sa kumpanya at products ng kumpanya. Pero kung may bago kang ilalabas di ba kakaiba? Magiging kakaiba sa mata at panlasa ng mga customer at tiyak maging sa marami mong investor at business partners na matiya na nag-iintay na maglabas ka ng bago ay tiyak na unang una pang susuporta sayo." Sinabi ko pang muli sa kanya. “Sabagay tama ka Babe at pag-iisipan kong mabuti lahat ng sinabi mo. Salamat Babe the best ka talaga kaya naman Mahal na Mahal kita." sabi niya at hinalikan na naman ako. Napahugot ako ng hininga at napatingin sa kanya muli at nginitian siya. “Mahal na Mahal din kita Babe. Mahal na Mahal kasama si Baby." Sagot ko sa kanya at humiga na ng maayos. “Inaantok na ako Babe. Tulog na tayo." Sabi ko pang muli at yumakap ng mahigpit. “Good night Babe." narinig ko pabulong na bulalas ni Demon at tinugon ang mahigpit na yakap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD