CHAPTER 10

1805 Words
“Good morning!" “Good morning! Aalis ka?" Tanong ko sa kanya. Nakabihis kasi siya at tila aalis ng sa nakasuit ito. “May meeting sa office." Anito na kanyang sagot. May meeting? napaisip agad ako. Matagal-tagal na simula ng magtrabaho nalang siya rito sa bahay imbes sa office niya. Simula ng tumuntong ang kabuwanan ko nag-umpisa na rin siyang dumito nalang sa bahay at si Baklang Gilbert nalang ang siyang naghahatid at nagdadala ng lahat ng mga trabaho na kailangan niya. Specially yung mga documents na kailangan na mareview at mapirmahan. Pero ngayon, bakit siya aalis at tutungo sa opisina? Meeting? Usually naman sa computer nalang siya madalas makipagmeeting kaharap ang ilang tao na importante niyang makausap. “Sorry, Babe aalis na muna ako." Sagot niya pa at humalik sa akin at sa baby na nasa tiyan ko saka na tumalikod at lumabas sa pinto. “Hindi ka ba mag-almusal?" Pahabol na aniya ko ng tanungin na muna siya at sobrang aga pa para tumungo sa opisina. Kailangan talaga ganitong mababa pa ang sikat ng araw para umalis siya at tumungo sa kanyang opisina? “Hindi na Babe, sa office nalang. May mga kailangan pa kasi akong ayusin bago ang meeting." Anito na sagot at nagmamadali ng lumabas ng pinto. Nagtataka talaga ako. Ganito kaaga? Napaisip muli ako at napakamot sa ulo habang iniisip ko saan kaya ito tutungo muna at napakaaga naman niyang umalis. Aayain ko pa sana siya na magtungo sa Luneta para duon magpasikat ng umaga. Madilim pa sa labas umalis na agad si Demon. Kaya hindi mawala sa isipan ko kung bakit ganito na maaga ay nagmamadali siyang umalis ng bahay. May pupuntahan kaya siya bago tumungo sa office? Naguguluhan ako at paulit-ulit lang ang naglalaro sa utak ko. ************** Hindi ako pinatulog ng kakaisip kung ano na ba ang nangyari kay Bianca. Iniisip ko ngayon kung ayos lang ba siya o baka mamaya mas malala pa ang nangyari sa kanya? Bakit ba kasi pumapayag siyang saktan ng asawa niya. Gayon sinabi naman na niya na matagal na silang hiwalay matapos na mangbabae ng asawa niya. Pero bakit ngayon tinanggap pa niya? Gayong nasasaktan naman siya. Lumabas ako ng bandang alas tres ng umaga ng nakarecieved ako ng text mula rito. Kaya ang ginawa ko ay tinawagan ito. Tinawagan ko si Bianca at kinausap ito. FLASH BACK “Sorry, naabala kita." Ang sabi niya ng sagutin ang tawag ko. Naririnig ko pa rin ang kanyang pag-iyak at paghikbi habang nagsasalita ito. “Bianca are you okay?" Tanong ko sa kanya habang nag-iintay ako ng sagot maingat ako na lumakad palabas ng bahay at sa gargen ako pumupwesto. Medyo malamig ang ihip ng hangin at giniginaw ako. Kumakapit ang lamig sa balat at nanunuot. “Okay na ako. Nakaalis na siya." Sagot nito. “Bakit pumapayag kang saktan? Bakit hindi ka lumaban? Kaya isuplong mo sa pulis ang mga ginagawa sayong pananakit ng lalake na yon." Anito ko sa kanya “Asawa mo yon di ba?" Aniya ko pa ulit at pinakakalma ito. Umiyak na naman kasi siya ng dahil sa mga ilan pang nasabi ko. Hindi naman sa parang sinisisi ko siya o pinupuna ang kanyang pagpapaubaya sa mga pananakit sa kanya ng kanyang asawa. Nais ko lang din malaman kung bakit tinitiis niya gayon na ang sabi niya ay matagal ng hiwalay sila “Mahal ko pa rin kasi siya at siya pa rin ang ama ng mga anak ko." “Pero hindi reason yon para hayaan mo lang siyang saktan ka ng ganon. Huwag mo siyang panatilihin na sinasaktan ka niya at inuuri ang pagkatao mo. Ang kapal ng mukha ng lalakeng yon para saktan lang ang kanyang asawa matapos na anakan ka. Siya na nga iyong nagluko pero may lakas pang humarap sayo at saktan ka pa matapos niyang saktan ka ng kumaliwa ito. Hay naku! Bakit ba may mga lalakeng gaya ng asawa mo." Napabuntong hininga ako sa mga pinagsasabi ko. Naisip ko na lalake rin pala ako pero kung usigin ko ang asawa nito parang may mali rin pala. Mali na husgahan ko ito ng hindi ko alam ang tunay na sitwasyon. Pero ang pinaka important ruon ang hindi siya dapat nananakip ng babae at lalo kung asawa niya. “Hindi ko rin naman siya masisisi." “At bakit naman?" naitanong ko rito. Si Bianca parang may lungkot ngayon sa kanyang pagsasalita habang nasagot. “Huh? What do you mean?" Napaayos pa ako ng upo at napasandal ng mabuti sa bench na kinauupuan ko ngayon. Buti nalang may sandalan ito at sa lamig rito sa labas baka hindi na ako nakatiis ay pumasok na ako at tinapos ang tawag ko kay Brian. “Nalaman niya yung naging relasyon nating dalawa ng maging sekretarya mo ako sa kumpanya mo." pag-amin niya at ikinabigla ko. “Nuon kasing nagtatrabaho pa ako sa kumpanya mo. Madalas na siyang magtanong kung may mga lalake ba ako. Ang sagot ko sa kanya wala. Nuong araw na magjowa pa lang kami madalas ko rin siyang mahuli na may mga babae siya at kaya nagagawa ko pumatol at sumama sa ibang lalake ng dahil sa ilang ulit na panloloko niya. Nang mag-abroad siya ang sinabi niya nagbago na talaga siya at hindi na mauulit ang mga panloloko niya sa akin. Subalit ako naman ang siyang nagluko ng makilala kita. Hindi ko akalain na lalalim ng ganon ang nararamdaman ko sayo. Pinipigilan ko ang sarili ko at itinatatak sa utak ko na Mahal ko si Gringo. Pero habang tumatagal at napapalapit ako sayo tuluyan ng nabuwag ang pader na inilagay ko upang maging harang at hindi na tuluyan bumigay. Pero wala dahil natibag rin ang harap na yon hanggang sa punto na hindi ko na napigilan at may nangyari na nga sa atin. Kala ko nuon parang wala lang baka dala lang ng init na nararamdaman ko at pagkasabik dahil sa malayo si Gringo. Pero naulit ng naulit ang mga nangyari sa atin at hindi ko malaman ang gagawin ko ng biglaan umuwi si Gringo para sa kasal naming dalawa. Pero ng maikasal kami sa mismong honeymoon namin duon na nagsimula ang lahat ng pagbabago sa relasyon namin ng mapansin niya ang ipinagbago ko lalo na ang kanyang iniuwian na matagal niyang kinasasabikan ng umalis siya ng bansa. Matapos ang gabi namin dalawa duon niya napansin na maliban sa kanya may iba pang lalake ang dumadaan sa akin. Galit na galit siya at halos mapatay na niya ako " Aniya na kwento na pagkahaba-haba. “Sinayasat ng asawa ko lahat at duon nalaman niya ang naging relasyon ko sayo at ang mga nangyari sa atin. Nasabi ko sa kanya sa takot na baka mawala ang anak ko dahil buntis na ako ng mga sandali na yon." Aniya pang muli ulit nito habang iyak ng iyak pa rin siya. Masyado na matagal ang mga nangyari sa aming dalawa. Mga panahon na halos ikabaliw ko ang lahat matapos na magpropose ako subalit tinanggihan nito. Sobrang nasaktan rin ako ng mga panahon nq yon at nakuha ko pang magmakaawa sa kanya at lumuhod. Pero mas pinili niya ang boyfriend niya na asawa niya ngayon. Nawalan ng ending ang pag-iibigan naming dalawa sa pagdating ng kanyang boyfriend na biglang umuwi at binalikan siya ng mga panahon na yon at ngayon na asawa na niya ito. Naaawa ako sa kanya sa mga pananakit sa kanya ng kanyang asawa na mas pinili niya sa meron kaming dalawa nuon. Pero nasasaktan lang siya ang hindi ko maintindihan bakit pumapayag siya. “Bianca okay ka lang ba talaga? Bakit di mo hinwalayan yang asawa mo ulit at baguhin ang sarili mo? Hindi na mas maganda kung mabubuhay ka ng tahimik malayo sa asawa mong mapang abuso? Bianca marami pang pwede na magbago sa buhay mo kung ngayon pa lang na maaga ay itutuwid mo na lahat ng mga maling nangyayari sa buhay mo." Aniya ko sa kanya habang napabuga ako ng hininga. Kahit minamahal ko nun si Bianca natuto rin ako na magparaya at hayaan nalang din sila na maging masaya. Dahil alam ko sa sarili ko nuon dun sasaya si Bianca sa pagdating ng kanyang boyfriend nuon na kanyang pinili na pakasalan. “Hindi ganon kadali. Alam mo na kung ano ang buhay ko ngayon Anthony. Hindi na madali sa akin na baguhin iyon at alam mong wala na akong ibang babalikan kundi ang meron lang akong buhay ngayon. Alam mo kung saan lang umiikot ang buhay na meron ako at duon ko lang kayang kunin ang lahat para masuportahan ko yung mga anak ko." Aniya pa habang humihikbi hikbi pa siya. “Sa itsura ng buhay na meron ako. Palagay mo ba may tatanggapin pa ako ng mga lalake? Tama naman asawa ko." Napahagulhol na naman siya sa kanyang pag-iyak. “Huwag mong isipin sinabi ng asawa mo. Ang isipin mo ngayon papaano mo aayusin ang buhay mo ng di ka sinasaktan ng asawa mo. Marami pang lalake ang siyang pwede mo mahanap na tatanggapin ka ng kung ano ikaw. Humanap ka lang at marami ka pang makikita na siyang higit na magmamahal sayo at tiyak na di ka uuriin ng gaya ng ginagawa sayo ng wala mong pusong asawa. Tiyak na di ka rin sasaktan ng gaya ng wala mong kwentang asawa." Anito ko sa kanya sa inis ko sa asawa nito sa pananakit sa kanya. “Bianca maawa ka sa sarili mo. Isipin mong mabuti lahat ng sinasabi ko sayo. Bilang kaibigan maaari mong ikunsedara ang lahat ng mga sinambit ko." Anito kong muli sa kanya. “Salamat" Aniya ni Bianca. END OF FLASH BACK Matapos na makapag usap kami ni Bianca at nagtext ito na baka pwede na daanan ko siya. Kaya't napatungo ako sa bahay niya at hinatiran ko lang ng perang hinihiram niya. Kaya't maaga ako umalis ng bahay ng dahil sa may kalayuan ng bahay nito sa bahay ko. Kita ko ang pamamaga ng mga mata niya sa buong magdamag niyang pag-iyak. Umalis rin ako agad at baka maabutan pa ako ng asawa nito. Iniabot ko lang yung pera na siyang ipinunta ko ron. “Sir! Coffee?" tanong ng isang guard na naabutan ko ng ganito kaaga sa office. Panggabi siya at wala pa ang kanyang kasama na papalit sa kanyang pwesto. “Ang aga niyo pumasok Sir!" Anito muli at inabutan ako ng kape na kanyang dala. “Oo nga! Napaaga pasok ko." Sabi ko at nagpasalamat sa kapeng ibinigay niya. Umakyat na ako sa taas at pumasok sa office ko. Wala pang mga empleyado at maaga pa maliban sa guard na nadaanan ko sa baba. Naupo na muna ako at sumandal. Habang humihigok ng kape sinubukan kong ipikit ang aking mga mata at subukan na makaidlip sandali habang wala pa si Gilbert na bakla na siyang pinagkakatiwalaan ko rito sa office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD