“Good Morning, Ma'am Joyce"
Iinat-inat pa mga braso ko ng makababa rito sa kusina. Si Ellen pala nasa baba na rin nagluluto ng ganito pa kaaga. Hindi pa sana ako bababa ng mauhaw ako at magdesisyon na bumaba nalang.
Umalis kasi ang asawa ko ng hindi ako nabilan ng buko juice sa kanto. “Good morning" Aniya ko at sagot ng dumiretso ako sa refrigerator at naglabas ng malamig na tubig.
“Malamig na naman? Hindi ba bawal sayo at pinagbawalan ka na ni Dok Marco na uminom ng malamig n tubig? Nakakalaki raw kasi ng tiyan yan. Bakit di ka magmaligamgam nalang." pangingialam ni Ellen at napairap ako.
Naibalik ko nalang sa loob ng refrigerator yung kinuha kong malamig na tubig at isinarado muli ito. Napabuntong hininga ako at lumapit sa thermos at kumuha ng mug at nagsalin ruon.
“Alam mo naman na masyado na marami na ipinagbabawal si Dok Marco sayo ngayon. Iwasan mo muna ang malamig na tubig at ito nalang muna kainin mo."
Para naman matanda na nagsalita itong si Ellen at iniabot sa akin ang mainit-init pang pandesal.
“Ang aga mo naman bumaba. Nasaan si Sir Anthony? Hindi ko ata siya nakita na bumaba ng maaga para bilhan ka ng sabaw ng buko sa kabilang kanto." Anito at sinabi habang nagtatanong pa siya at naggigisa ng bawang at sibuyas
“Ano bang lulutuin mo?" Tanong ko sa kanya.
“Mag adobo sana ako. Nakakita ako ng manok sa palengke kangina bumili ako. Tapos bumili na rin ako ng liempo ihahalo ko sa adobong manok." Anito habang hinahalo-halo yung kawali na kangina pa niya paulit-ulit na hinahalo-halo. “Ang bango nung bawang?" tanong niya.
Bawang pa talaga yung kanyang itinanong. “Anong gusto mo? Tuyot o may bahagyang sabaw?" Aniya ulit habang nilagyan niya ng pamintang buo.
“Huwag mong damihan." Anito ko ng mapansin kong lalagyan na niya ng siling labuyo.
“Sorry, nakalimutan ko na ayaw mo pala ngayon na buntis ka ang maraming sili at maanghang. Buti ipinaalala mo."
“Ellen, nagsaing ka ba?" tanong ko ng bigla nalang ako nagutom.
“Nalimutan ko pala. Saglit at magsasalang na ako. Buti nalang talaga nababa ka na. Nalimutan kong magsalang ng sinaing. Iniintay ko kasing bumaba si Sir Anthony at pag naririto na sa baba yun saka pa lang ako magsasalang ng sinaing." Daldal ng daldal pa si Ellen habang naghuhugas ng bigas at isinalang na sa kalan.
“Huwag mo na intayin. Kasi naman tayo lang dalawa ang siyang kakain ng agahan. Samahan mo pala ako mabili ng buko sa kabilang kanto. At nang makapaglakad-lakad na rin at makapag-exercise na rin ng maibsan itong nangangalay kong binti."
“Bakit masakit na naman ba?" aniya at tanong ng makalapit sa akin at dala ang bimpo na may mainit-init na pagkakabasa ng mainit na tubig.
“Akin na binti mo ng haplusin natin nito. Malamig na rin kasi at natural na madalas kang ngangalayin. Naka-aircon rin kayo di ba sa loob ng kwarto niyo?" Aniya pa ulit ng tingnan ako sa mukha.
Tumango nalang ako at habang dinampi-dampian niya ng bimpo ang medyo nalaki na binti ko. “Bakas na talaga sayo ang nalalapit na panganganak mo. Kita mo itong binti mo anlaki na at para bang manas sa tigas." Aniya ulit at saka siya tumayo at binalikan ang kanyang niluluto.
Napakadaldal talaga ni Ellen pero nakapa-alaga rin nito. “Ellen, pwede bang Joyce nalang ang itawag mo sa akin at alisin mo na ang Ma'am sa una. Joyce nalang para mas comfortable ako sa tuwing binabanggit mo ang pangalan ko at sa tuwing magkaharap tayo ng ganito at magkausap. Matagal ka na rin naman namin kasama. Dapat lang na mas comfortable tayo sa isa't-isa. Lalo kung banggitin natin ang ating ngalan." Aniya ko sabi sa kanya.
“No, problem. Sige Joyce nalang ang itawag ko sayo or maybe baka pwede Ate Joyce nalang total mas matanda ka naman sa akin. Mas comfortable pa akong itawag sayo." Aniya ulit na tila nanunukso lang siya at saka sumandok ng adobo at kanin mula sa kanyang isinaing.
Iniabot at inilapag niya sa harap ko ang adobo at kanin na sinaing ni Ellen. “Mukhang masarap?" Aniya ko saka sumubo matapos kong amuyin iyon.
Masarap nga at sakto ang alat at anghang pero pinigilan na niya ako ng makita na kukuha pa sana ako ng akmang sasandok ako.
“Tama na!" aniya
“Masyado ng malaki tiyan mo at sinabi na di ba ni Dok Marco na magdiet ka na." Inulit na naman nito ang pagpapaalala sa akin ng matapos akong pigilan at ilayo ang lalagyan ng kanin at ulam.
“Bawi ka nalang oras na matapos kang makapanganak. Kahit ilang sandok pa gusto mo o kaya ay ilang kaldero ng kanin at ilang kilo ng adobo ang lutuin ko sayo. Hindi kita pipigilan kahit ubusin mo pa at huwag mo kaming tirhan. Pero sa ngayon Ate Joyce tama na muna at sumunod na muna tayo sa utos ng doctor mo. Mahirap nga naman ang masyado mong spoiled yang baby mo sa lahat ng gusto. Paglabas nila at lumaki laki na maaari naman nila kainin lahat yan pero ngayon diet muna at tigilan. Sige ka! Cesarean Delivery yata ang talagang gusto mo." Aniya ulit at napangiwi pa yung mukha at para bang nananakot pa ito.
“Hoy Ellen, nananakot ka ba? Sasabunutan kita riyan sa sobrang kadaldalan mo. Nawalan tuloy ako ng gana at diyan ka na nga." Anito ko at tumayo na sa pagkakaupo sa harap ng mesa.
Nainis ako rito sa kanyang pinagsasabi.
“Teka binibiro ka lang naman pikon ka agad." Anito na habol at may dalang himagas.
Kala ko ba pinagdidiet niya ako pero ngayon bakit may bitbit itong slice na cake at pilit na iniaabot at pinahawakan sa akin yung kanyang hawak.
“Masarap yan" nakangiti at matapos ay ngumisi.
“Pukpukin kita riyan. Matapos mo akong inisin at bitinin sa pagkain. Aabutan mo ako nito." Anito ko at saka bumalik sa pagkakaupo.
“Sorry na! Parang di ka pa nasanay sa ugali na meron ako. Ikaw naman pikon ka agad at tinalikuran pa ako. Pero tama naman sinabi ko di ba? Dapat lang natin muna lagyan ng harang ang pagitan niyo at para naman lahat ng sinasabi sayo ay para rin sa ikakabuti ninyo ng baby mo."
“Tama na nga mga pagpapasaging mo at baka madulas pa ako at matangay di ko na mapigilan mapatulan na kita. Kumain ka nalang riyan at pagkatapos mo samahan mo ako maglakad lakad sa labas ng village at tumungo sa kabilang bakery na bagong tayo. Masasarap tinapay ruon bili tayo ng makapagmiryenda tayo mamaya." Anito ko na sinabi ng diretso habang nakasubo pa ang kutsarita sa bibig ko.
***********
“Ginagawa mo rito?" nagulat ako ng biglang makasalubong ko si De Silva ng papalabas ako sa labas ng office.
Manananghalian na sana ako subalit bigla itong sumulpot at nakangisi.
“Kamusta?" Anito niya.
“Kailangan ko bang sagutin?" Anito ko rin na sagot.
“Grabe! Hanggang ngayon ba di ka pa makarecover sa mga past na lumipas na at nakaraan na yon." Tumawa ito.
“Kung narito ka lang para mabuwisit. Maaari ka ng lumabas ng opisina ng kumpanya ko. Duon ka sa iba manggulo at maghatid ng nakakayamot mong itsura. Umalis ka na." Aniya ko ng lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya akong harangan.
“Bakit ba ganyan ka?" Tanong niya ulit habang ayaw akong padaanin at ayaw nitong umalis sa dadaanan ko. Ano bang ikinagagalit mo hanggang ngayon?" Napaismid pa siya at tumayo ng maayos sa harapan ko.
“Alam mo Anthony sa ilang taon na pagkakakilala ko sayo ever since pa ng mga college tayo ganyan na ang pakikitungo mo sa akin at pagtrato. Kahit kelan hindi mo ako pinakiharapan ng maayos ang tingin mo sa akin kalaban at katunggali sa lahat ng bagay."
“Hindi ba't ikaw ang tumuturing sa akin nuon? Bakit sa akin mo ngayon ibinabalik at itinuturo? Ikaw ang college pa lang tayo kakompetensya na ang turing mo sa akin kahit sa maghawak na tayo kapwa ng mga negosyo ganyan pa rin ang iyong ginagawa. Pilit mong iniaangat ang sarili mo at pilit na ibinabagsak ang kumpanya ko sa pagnanais mong matapatan. Pero ano? Sa kayabangan at ego mo na matalo ako at maungusan ang kumpanya na ipinamana sa amin ng mga magulang ko. Ano nangyari sa kumpanya mo? Hindi ba nalugi? Bumagsak at dinamay mo pa ang ilang mga negosyante na umaasa sa mga pangako mo sa kanila. Sinira mo lahat De Silva. Sirang-sira ang kinabagsakan mo ay lupa. Ngayon pilit ka na naman umaahon sa kinabagsakan mo. Pero bakit naririto ka na naman sa mismong kumpanya ko? Para ba balaan ako at pagmayabangan na umaahon ngayon ang kumpanya mo dahil sa mga kayabangan mo? Anong plano mo? Maninira ka na naman ng mga negosyante at idadamay sila sa pagbagsak mong muli? Hindi pa nga nakakabawi at nakakabayad sa mga pinagkautangan ang mga naapektuhan sa katarantaduhan mo ng malugi ang dati mong negosyo. May plano ka na naman mandamay?" Anito ko at hinabaan ng husto ng nais ko pang ipamukha sa kanya lahat.
“Umuwi ka nalang at wala akong balak na makipagbiruan sayo o makipag plastikan. Ayusin mo nalang buhay mo at negosyo ng maging maganda naman ang maging kinabukasan ng magiging pamilya mo. Hindi ganyan nabubuhay ka lang sa mga nais mo. Umalis ka na bago pa kita ipadampot sa mga guwardiya rito sa opisina." Anito ko pang muli at naiinis talaga ako na makita siya rito.
“Sobrang haba naman ng sinabi mo. Kakamustahin lang naman kita at makikipag-ayos. Nais ko rin humingi ng patawad sa mga nagawa ko nuon pero hanggang duon lang yon. Wala akong balak na manggulo rito gaya ng iniisip mo ngayon ng dahil sa pagpunta at pagdalaw ko rito sa kumpanya mo." Napahinto pa siya at huminga.
Bakas na ang pagkapikon nito mula sa dami ng mga sinabi ko sa kanya. Alam kong galit na rin ito at matapos niyang sabihin pa ang ibang sinabi nito ay umalis na rin ito ng wala ng kahit anong salita at hindi na nalingon.
Hindi ko na rin pinansin pa ang pag-alis niya at lumakad na rin ako palabas ng opisina ng wala na rin kahit anong sinabi basta lumakad lang ako.
Subalit nakasalubong ko naman ang ilang empleyado na binati rin ang pagdaan ko ng makasalubong ko sila. “Kakain ka na poh ba Sir?" Tumango ako.
“Sige po eat well nalang po." aniya na sinabi nila at nagkasabay sabay pa sila ng kanilang pagsasalita.
“Salamat." Sagot ko sa mga ito at saka nagpatuloy ng paglakad.
Nagugutom na rin ako pero dahil sa may tatapusin pa ako kailangan kong makabalik rin agad ng office bago pa maghapon ay dapat kong matapos ang mga dapat kong tapusin.