“Hi Sir! Welcome to SNR." sabi ng greeter's na staff na nakatabi sa guard sa entrance.
Nginitian ko lang sila at nagdire-diretso na ako sa loob.
“Ang suplado! Pero ang gwapo." Rinig kong sabi ng ilang nag-umpukan na babae na binati ako ng daanan ko lang sila.
“Sinabi mo pa ang tangkad pa di ba?" Aniya pa nung isang kausap.
Nagtungo na ako sa pupuntahan ko at di ko na sila pinansin.
“Hi Sir!"
“Hi" Sagot ko sa clerk.
“Dalawa nga nito." Anito ko sa kanya.
Alert naman ito at agad na kinuha ang itinuro ko.
“Heto na po." Anito na iniabot sa akin.
“Pogi" Aniya nung babae sa gilid na may kausap.
Kahit saan talaga napapansin ako. Kung kasama ko si Joyce nasimangot na naman yon tiyak at bubulong-bulong habang naiinis sa mga babaeng pinagtitinginan kaming dalawa.
Ayaw na ayaw pa naman nun na naririnig ang papuri ng iba sa kagwapuhan ko.
“Sir" Tawag nung inutusan ko.
Nasa gitna na ako kung saan may inutusan ako na ikuha ako ng cart. Nalimutan ko pala kumuha ng pumasok ako rito.
“Sorry" Anito ko.
“Okay lang po Sir, anything else po?" Tanong nito.
“Wala na! Thanks." Sagot ko ulit at lumakad na matapos kumuha ng cake na pinabibili ni Joyce.
Kumuha lang ako ng ilan pang mabibili at ang chocolate na pinabibili ni Ellen sa akin. Nakakita ako ng isang bag na malaki na samo't sari ang laman. Kumuha ako at inilagay sa cart.
Makakagalitan na naman ako tiyak ni Ellen ng dahil oras na makita ng asawa ko yon tiyak na di titigilan. Kaya't itatago ko muna sa car at si Ellen nalang papakunin ko mamaya oras na umakyat na si Joyce sa taas.
“Sir!" Tawag ng cashier
“Sorry" sagot ko.
Nawala na naman ako ng di ko naalala na nakapila nga pala ako sa counter para magbayad ng ilang kinuha ko.
“Here" Sabi ko ulit ng iabot yung pera sa kanya.
Two thousand pesos yong iniabot ko sa kanya at inabutan niya rin ako ng sukli.
Lakad na naman ako at pumila sa counter ng SNR Food Service Station para bumili ng pizza.
“Sir!" Aniya ulit narinig ko.
Ako na pala ng mawala na naman ako ng malaglag yung pera na binibilang ko.
Nabunggo kasi ako nung bata na siyang biglang daan ng nakikipaghabulan. Napalingon tuloy ako at sinundan sila ng tingin. Ang cute nung dalawang bata na naghahabulan.
Mas nasabik tuloy ako makita yung baby na isisilang ni Joyce.
“Sir!" Rinig ko na naman.
Tinatawag na pala ako ulit sa kabilang side para sa inorder ko. Dalawang pizza yung kinuha ko at manok. Kumuha rin ako ng fries.
“Thanks" Sabi ko matapos kong makuha at inilagay sa cart.
Lumabas na ako at dumiretso sa parking area kung saan naroroon yung car na dala ko.
Isa-isa kong inilagay sa compartment ng car ko sa likod ang dala ko except sa pizza na inilagay ko lang sa likod.
“Thank you Sir." Aniya nung guard ng iabot ko yung parking number na iniabot sa akin kangina pagpasok ko sa kabilang side.
Nagmaneho na ako pauwi ng bahay. Medyo traffic at mukhang aabutin na ako ng late dinner.
Sinabi ko na nga ba at halos ayaw gumalaw ng mga sasakyan sa dinadaan ko. Sobrang traffic sa edsa kaya't lumiko na agad ako at dumaan sa mga short cut na maaari ko na malusutan makaiwas lang sa sobrang traffic.
“Babe, nasaan ka na? Gutom na ako." Anito nito Joyce.
“Traffic Babe, pero malapit na ako." Sagot ko.
“Okay" Sagot niya at ibinaba na niya.
Ilang minuto pa at nakarating na rin ako sa bahay. “Antagal mo naman." Nang salubungin ako ni Joyce sa labas ng mapansin ako na dumating.
“Sorry! Babe sobrang traffic talaga." Anito ko ng halikan ko siya sa pisngi niya at hinimas ang tiyan niyang malaki.
“Hi Baby!" Anito ko pa tapos ay binuksan yung door ng back seat ko at kinuha yung manok at pizza.
Iniabot ko sa kanya. “Paki bitbit mo na sa loob yan, Babe." Anito ko na pautos sa kanya.
Lumakad na ito at ako nagtungo sa compartment para kunin ang ilan sa pinamili ko.
Kumain na kami at wala ng tanong-tanong pa. Tahimik lang kaming kumain ng walang daldalan. Matapos makakain nagpasya na kami na umakyat at si Ellen ang naiwan sa baba habang nagliligpit ng mga pinagkainan.
Hindi ko na rin kasi naabutan pa si Marco rito at nakaalis na raw bago pa ako dumating.
“Babe, mahiga na tayo." Sabi ni Joyce.
“Kakakain mo lang at marami kang nakain. Magpahinga ka muna ng bahagya bago mahiga." Anito ko sa kanya at nang makatabi ako sa kanya. Inihilig ko siya sa balikat ko at nagkwentuhan lang muna kami hanggang tila ba mapipikit na ito. Saka ko lang naalala na di pa siya nakakainom ng gatas at vitamins niya. Kaya't nagpasya akong bumaba muna.
**********
“Hello, Anthony nasaan ka?"
“Bakit? Bakit napatawag ka?" Tanong ko kay Bianca. Nagulat nga rin ako at napatawag ito at umiiyak.
“Wala naman." Anito ng kanyang sagot.
Wala pero umiiyak?
Ano kayang nangyari sa kanya?
“Bianca, ano bang nangyari? Bakit umiiyak ka? Saka anong oras na napatawag ka pa?" Tanong ko anito ng di maalis sa isip ko ang mga naglalaro at pagtataka ng bigla nalang ito tumawag.
Hating gabi na nga at buti nalang at naririto ako sa baba ng tumawag ito. Dahil kung nasa taas ako tiyak na magtatanong na si Joyce. Kasalukuyang kumukuha ako ng tubig at gatas ng asawa ko ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko at nakita ko si Bianca ang caller.
“Bianca are you okay? Pero sa palagay ko hindi." Anito ko ulit at nag-iintay na sumagot ito.
“Bianca, are you okay?" Muli ay anito ko sa kanya ng tahimik at hindi sumasagot ito pero naririnig ko ang kanyang paghikbi habang umiiyak.
Natapon na tuloy yung isinasalin kong tubig sa pag-iisip kung anong nangyayari sa kanya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumikibo at umiiyak lang ito.
“Sino naman ang tinatawagan mo?"
“Huwag tama na!"
“Gago ka, pota kang babae ka. Napakalandi mo talaga. Papatayin na kita. Tarandato kang babae." Naririnig ko na sigawan mula sa kabilang linya.
Naririnig ko ang bawat yabog at kalabog maging ang bawat pagmamakaawa ni Bianca sa boses ng galit na lalakeng na ngayon ay alam kong sinasaktan siya sa lakas ng pagsigaw nito at lagapak ng pagkakasampal kay Bianca ay pakiramdam ko na ako ang nakakaramdam ng dahil sa lakas at paulit-ulit na pagmamakaawa nito.
“Wala ka talaga kadala-dala. Sinabi ko na sayo na alagaan mo nalang yung mga anak mo at huwag ka ng pumasok sa Club na yon at magpagalaw sa iba't-ibang lalake ron." Muli ay sigaw at kasabay nuon ay ramdam ko na hinampas o pinalo si Bianca ng mabigat na bagay.
“Saan naman ako kukuha ng pera na ipangsusuporta sa mga bata? Kung kahit singko ay hindi ka man lang nagbibigay ng panggastos rito sa bahay. Para saan pa ang lahat ng inipon mo sa ilang taon na pagtatrabaho mo sa ibang bansa? Saan napunta? Sa mga babaeng kinakalantaryo mo? O baka sa mga inanakan mo at iniwan nalang din ng tulad sa ginawa mo sa mga anak mo? Hindi ko naman sinabi na bumalik ka rito at balikan kami ng mga anak mo. Dahil nuon pa man wala ka na dapat pang balikan matapos ng lahat ng hirap na pinagdaanan namin ng ilang taon ng kasama ka namin ng mga anak mo. Mas gugustuhin ko pa ang magpagamit sa iba kesa ang kasamahin ang tulad mong hayop." Aniya na galit na galit na si Bianca.
Pakiramdam ko tuloy ay ito ang kanyang asawa na naikwento niya nuon ng huli kaming magkita nuon sa Bar ng aksidente na makita ko siyang binabastos ng ilang lalakeng customer niya.
Hindi pa rin pala siya umaalis ruon?
Sinabihan ko na siyang umalis ruon pero hindi papala siya talaga umalis matapos kong sabihin na humanap ng maayos na trabaho kahit para sa mga anak niya.
Narinig ko pang muli ang sigaw ng lalake matapos na muli ay saktan si Bianca. “Tumigil ka na. Umalis ka na at hindi ka namin kailangan ng mga anak mo."
“Bakit? Ipinagmamalaki mo ang mayayaman mong customer sa Bar na pinagtatrabahuhan mo? Katawan lang naman ang nais ng mga iyon sayo at matapos kang gamitin para ka lang tissue paper na itatapon nila sa trash can. Wala kang silbi sa kanila kundi iyang makati mong p**e na ilang lalake na ang siyang pumasok at paulit-ulit kang ginagamit. Kapalit ng pera na siyang ipinanggagastos mo sa bata. Hindi ka ba nahihiya na isang pokpok ang ina ng mga anak mo?"
“Kahit anong sabihin mo wala akong pakialam sayo. Umalis ka na kung ayaw mong tumawag ako ng pulis." Pagkasabi pa lang ni Bianca isang malakas lagabag ang narinig ko.
“Demonyo ka." Sigaw ni Bianca. “Maging ba yung television sinira mo? Hayop ka lahat nalang ba ng gamit rito sisirain mo? Tarandato ka umalis ka na rito at talagang tatawag ako ng pulis pag hindi ka pa umalis." Aniya ni Bianca muli habang palagay ko ay naghahatakan sila.
“Hayop ka!" Sigaw ni Bianca
“Mamatay ka na hayop ka! Bakit ka pa kasi bumalik rito perwisyo kang demonyo ka. Bakit hindi ka pa mamatay." Humahagulhol na iyak ni Bianca.
Sinadya ba ni Bianca na tumawag ito sa akin? Upang marinig at masaksihan ko ang mga pagmamaltrato at pananakit sa kanya ng kanyang asawa.
Buti nalang at nairecord ko lahat ng usapan nilang dalawa mula ng marinig ko ang galit na boses at pananakit kay Bianca. Inisip kong tumawag ng pulis ng bigla naman naputol ang tawag nito at hindi ko rin alam kung saan ba ito tumutuloy o kahit ang kanyang tirahan ay hindi ko alam.
Kaya't useless rin kung irereport ko ang mga narinig ko kangina.
“Babe!" Napalingon agad ako ng mapansin at marinig ang isa pa muli na boses sa aking likuran.
“Antagal mo naman? Yung gatas ko?" Aniya na itinanong.
Yung gatas mga pala ni Joyce. Kaya nga pala ako bumaba rito para sa gatas niya na gabi-gabi ay kanyang iniinom.
“Sorry, nalimutan ko." Anito ko sa kanya.
“Sino yung tumawag?" Aniya na itinanong.
Narinig niya ba? naibulong ko.
“Narinig ko na mukhang may nag-aaway sa kabilang linya! Sino ba yun? Bakit parang binubugbog yung babae habang galit na galit ang lalake? Kilala mo ba sila?" Aniya na muli ng magtanong-tanong na naman tungkol sa narinig na tumawag sa akin ng bigla rin naman hindi na sumagot at ang maiingay na lagabag ng pambubugbog ng lalake kay Bianca ang maririnig nalang.
“Wala yon. Wrong call." Anito ko sa kanya ng
maipagtimpla na siya ng kanyang gatas.
Kinabahan ako na magtanong ito ng magtanong at magtanong saka magtanong muli.
“Babe, palagay ko nagsisinungaling ka. Alam kong hindi wrong call yon sa palagay ko na kilala mo ang tumawag sayo. Sino ba sila?"
Napalunok ako at kinabahan. Ayoko na mag-isip si Joyce lalo at tungkol kay Bianca. Ayoko na maging problema ito sa panganganak niya. Lalo at ilang linggo nalang ay manganganak na siya. Ayoko na magkaproblema ng dahil lang rito. Kaya't napahinga nalang ako ng malalim at kailangan kong itago sa kanya ito.