CHAPTER 8

1904 Words
“Mr. Cabreras, the best ka talaga pagdating sa lahat. Biruin mong kahit isa-isa ka ay napapalago mo ng maayos ang kumpanya na naiwanan sa inyo ng inyong mga magulang." “Hindi naman. Siguro nagagawa ko dahil sa asawa at magiging anak namin. Mahirap mawala ang kaisa-isang pamilya na nakasama ko maging sa paglaki ko. Siguro kung wala asawa ko sa tabi ko baka hindi ko kinaya lahat ng ito." Aniya ko at sinagot ang kanyang sinabi habang tumawa sila. Halos patapos na itong meeting ko na inabot rin ng ilang oras. Tinawagan ko si Joyce bago pa nagsimula itong meeting. Subalit nainis lang ako mula sa pang-aasar niya. Dumating na pala si Marco sa bahay kaya't nakaganti rin siya sa pang-aasar ni Gilbert kangina. “Paano na Mr. Cabreras. Hindi ko na papahabain pa itong meeting natin ng makauwi ka na sa asawa mo ang balita ko ay malapit na manganak ito? tama ba?" “Oo, Mr. Santos." Sabi ko sa isang kasama niya “Agila ang itawag mo nalang sa'kin." Anito nito. “Okay! Agila Santos." Sambit ko at ngumiti ng kamayan ko isa-isa ng tapusin na namin itong meeting na tumagal rin ng halos tatlo, apat na oras ata. Masyado matagal ito kumpara sa kinasanayan kong mga meeting. Masyado sila mabusisi at matanong. Tapos ang market place nila halos naman tabi-tabi lang naman pero iba-iba ang kanilang kita. Depende raw kasi sa season ng tao kaya nais ilang sumugal at sa kumpanya ko nila napili na sumugal basta huwag lang magkaproblema. “Sige, salamat sa inyo sa oras at pakikinig ninyo. Sana ay tumagal itong ating partnership ng sa ganon sabay-sabay tayo na lumaki at mabawi ang ating puhunan. Makita niyo konting panahon bawing-bawi na niyo lahat. Salamat sa tiwala at pagbubutihan pa ng aming team sa buong kumpanya para hindi mawala at masira ang lahat ng tiwala na ibinigay niyo at pagsisikap natin na mapalago ang ating mga negosyo. Makakaasa kayo." Sinabi ko muli sa kanilang lahat ng isa-isa na sila nagsitayo sa kanilang mga upuan. “Aasahan namin yan, Mr. Cabreras, aasahan namin ang salita mo at kakapitan namin at sana nga, sabay-sabay tayo na iangat ang bawat ating negosyo." “Pero! Saglit nga lang. Naalala ko pala, may possibility bang maliban sa mga sapatos ay maglabas ng ibang products ang iyong kumpanya?" Anito ni Mr. Santos ng biglang napalingon at mapahinto. “Hopefully ay pinag-iisipan na yan ng buong team ko, Mr. Santos. Sa ngayon wala pa akong maibibigay na information pero once na mafixed na lahat at mapagdesisyonan ng mabuti, baka sakali na magkaroon ng pagbabago sa kumpanya. Iniintay ko rin kasi ang pagbabalik ni Allan ng sa gayon ay kasama ko siyang magdecide sa bagay na naitanong niyo sa akin." Nginitian ko sila. Medyo matagal-tagal na rin nasa isip ko ang maglabas ng ibang produkto. Maliban sa sapatos at slippers na bagong nailabas at pinupush ngayon ng aming buong team. Nagbigay na rin sila ng bagong suggestions about sa ilang produkto na nais nilang subukan na mailabas sa pamamagitan ng online. Sa online nila nais muna subukan mag-umpisa magmarket ng bagong products at once na maganda ang maging feedback saka ilalabas sa buong Market na hawak ng mga negosyante na parte na ngayon ng lumalaki naming kumpanya. “Sige, naitanong ko nga. Dahil maganda sana maliban sa mga sapatos ay magdagdag ka ng ilang produkto ng baka sakali ay tangkilikin sa buong Merkado." “Yes, Mr. Santos. Darating tayo riyan at asahan niyong makararating agad sa inyo oras na may sagot na sa naitanong mo." Sagot ko at matapos ay lumabas nasila ng pintuan at hindi na sila muling lumingon. Nakahinga na ako ng maluwag ng makaalis na silang lahat. Habang lumalaki ang aking kumpanya. Lumalaki rin ang mga taong nagiging bahagi ng paglawak ng kumpanya na pagmamay-ari ng mga yumao kong magulang. Kaya't dapat ko pang pagbutihan ng sa gayon ay hindi masayang ang mga tiwala na nakukuha ko. Isinandal ko muna ang likod ko at nangalay kangina sa pakikipag-usap sa kanila. Maya-maya naisip ko ay uuwi na rin ako para kuhanin ang pitaka kong naiwan para lang balikan at bilhin ang mga pinabibili ni Joyce. “Sir! Uuwi ka na ba?" Tanong ng may kasalanan ng lahat-lahat kung bakit naiinis ngayon ang asawa ko. Si Gilbert na nakatayo sa harap ko at nakangiti. “Oo, uuwi na ako." Sagot ko sa kanya ng maalala ko. Kesa uuwi ako para kunin lang yung pitakang naiwan ko bakit hindi nalang ako mangungutang rito sa baklang nasa harap ko. Tama, sa kanya nalang muna ako manghiram ng aking kailangan na pera. “Pautangin mo nga muna ako. May pera ka bang hawak riyan?" “Magkano ba?" Anito at tanong nito. “May five thousand ka ba?" “What? Five Thousand?" Gulat at nanlaki ang mata. “Aanhin mo naman ng pera ang dami mong pera sa pitaka mo nangangapal pa nga sa kapal. Tapos ngayon mangungutang ka sa akin na gagarampot lang ang sinasahod at natitira sa tuwing darating ang payday." “May bibilhin kasi ako. Si Joyce may pinabibili siya kaya nais ko huwag na dumaan sa bahay para lang kunin ang nakalimutan kong pitaka." Aniya ko sa kanya. “Baka maaari mo akong pautangin at babayaran ko pagpunta mo sa bahay. Di ba at kasasahod mo pa lang naman?" Anito ko at nginitian siya. “Okay!" Anito, sumimangot at saka dumuko na sa kanyang pitaka at tiningnan ako sa mukha. “Limang libo?" taas kilay na inabutan niya ako ng limang libo ng kanyang madukot sa pitaka matapos na dukutin ang pitaka sa bulsa. Tumango ako, nakangiti na alam kong di rin matitiis nitong bakla na ito ang kanyang kaibigan na buntis. “Ikaw rin may kasalanan nito. Nagagalit sa akin si Joyce ng dahil sa pagbibiro mo. Nakakainis pa ron kung bakit sa akin nagagalit rin siya." Anito ko saka tumawa si Gilbert. “Naku, buntis kasi at huwag mo nalang pansinin. Sabagay, buntis o hindi ganyan na ugali ng asawa mo." “Siraulo ka, kaya tuloy ng tumawag ako sa kanya ulit kangina. Ako naman ang siyang ginantihan. Binawiaan ako ng makarating si Marco sa bahay at ako naman ang siyang inasar." “So, selos ka naman?" Tumawa pa ng malakas “Selos ka diyan!" “Naku, kabisado na kita. Alam ko naman na anlaki ng pagkaselos mo duon kay Marco. Ako pa ba maloloko mo na bakas naman sa itsura mo na may malaking pagseselos ngayon ang nababasa ko sayo." “Baliw" anito ko ng pinagtatawanan niya ako. Ewan ko at tama rin itong baklang kaibigan ni Joyce. Pero yung asawa ko kahit kelan ay sumpungin pa rin. “Parang ikaw?" nakatawa na bigkas ni Gilbert. “Huh" “Parang ikaw lang naman yung asawa mo nagtaka ka pa." Anito niya. “Paano?" Di ko pa naituloy ibang sasabihin ko may sagot na ito. “Hinulaan ko lang." Tumawa. “Sa ilang taon kong kasama kayo ng asawa mo. Papaano di ko makakabisa at mababasa ang mga iniisip niyo pa lang. Iisa lang naman ang madalas na maglaro diyan sa mga utak niyong dalawa. At madalas rin kayo magreklamo sa bawat isa kahit bago pa lang kayo nuon na bagong kasal. Sweet niyo nga pero may mga times na kakatawa niyong tingnan lalo kung ganyan kayo na parang praning at hindi mga mapakali at kung ano-ano ang mga iniisip. Kaya di niyo na ako mapagtataguan ng kahit kaliit na sekreto malamang ay madali ko lang mapagtanto malalaman ko agad sa sobrang pagkabisa sa mga kilos at ugali niyong mag-asawa." Pagkahaba na alintiya ng may panenermon pa sa huli sa ibinigkas ni Gilbert. Natawa nalang ako at sinabi. “Salamat." “Salamat ka diyan, umiiwas lang?" Tumawa pa ng malakas na naman. Inaasar ako nito. “Inasar ka ng asawa mo at napikon ka naman." Anito niya. “Sa itsura mo pa lang kahit di mo sabihin lahat alam kong ikaw naman ang talo sa mga pangungutya ng makulit mong asawa. Sa tingin ko rin na ata't na rin yang mga binti at paa mo at hinihila ka na papauwi ng bahay niyo ng dahil sa nandoon si Marco at hindi ka mapakali at baka maungusan ka nuon?" Tumawa na naman. “Boss Choz asawa mo na, pinagseselos mo pa kay Marco? Magkakaanak na nga kayo but Joyce. Bakit kailangan mo pang magselos duon sa gwapong doktor na yon? O dahil mas gwapo siya sayo?" “Mas gwapo ako ruon." Anito ko sa kanya sa pang-aasar nito. Pero tama siya sa tuwing naroroon si Marco sa bahay ang kaba ko sobrang lakas at bilis lalo once makita ko silang masaya na nagkakatawanan. “Huwag ka na magselos ruon." Aniya ni Gilbert ulit. “Sinisiguro ko sayo na ikaw lang ang nasa puso ng asawa mo. Except kung ikaw ang magloloko baka mapunta ng tuluyan yon kay Marco. Kaya't siguraduhin mong yang batuta mo kay Joyce lang patungo at di kakabig at kakaliwa papunta sa iba. Dahil baka sa oras na yon. Wala ka ng asawa na uuwian at aasarin sa tuwing totopakin ka rin." Seryoso na siya at hindi na tumawa na kanyang naiwika. Napabuga nalang ako ng aking hininga ng napahinga ako ng malalim habang naiisip ang mga pinagsasabi ni Gilbert at napatingin sa aking orasan. “Oo late na at oras na ng uwian." Nakangiti siya. “Tara na at umuwi na tayong dalawa ng makauwi ka na rin sa bahay niyo. Sabihin mo duon sa buntis mong asawa. Tama na drama niya at bentang-benta na. Puro kayo selos-selos sa huli bati rin naman at lambingan rin ang bagsak." Aniya ulit ni Gilbert at sinabi niya. “Paulit-ulit lang din naman ang pagiging sumpungin ni Joyce na parang ikaw." Itinuro pa ako ng pinahaba niyang nguso at tumawa. “Sabihin mo na magpahinga nalang siya ng hindi palaging galit at mainit ulo. Ganyang malapit na siyang mangitlog bakit di niya muna patahimikin isip niya at huwagag-isip ng kung ano-ano. Mas makakatulong pa sa inyong dalawa at lagi kayong mag-usap na mag-asawa at anuman na problema pag-usapan niyong dalawa at tama na tampuhan kukurutin ko na kayo." Aniya na nagbiro. Nagbuntong hininga nalang ako at andami pang sinabi but Gilbert na kung ano-ano. Humaba na usapan namin dalawa at ako naririto pa sa office habang kangina ko pa naiisip na umalis at umuwi na rin. “Tama na nga, saka mo na ako sermunan at uuwi na muna ako, Gilbert aalis na ako. Ikaw na bahala muna rito sa opisina. At tawagan mo nalang ako incase may urgent or problem na kailangan mo ng tulong." Anito ko at lumakad na papalapit sa pinto. Sinabayan naman ako but Gilbert lumakad palabas ng office ko. “Don't worry di ko naman pinababayaan ang trabaho ko rito. Lahat ng bilin mo ginagawa ko. Kaya enjoy mo lang ang vacation mo habang nalalapit na ang panganganak ng asawa mo. Wala kang dapat alalahanin, gagawin ko lahat-lahat ng makakaya ko ng makatulong sa inyo." Aniya niya at saka na ako humiwalay sa kanya. “Sige salamat." Anito ko ng makasakay sa elevator. Buti nalang at nakahiram ako ng pera ng diretso na ako SNR para bumili ng mga pinabibili ni Joyce. Kahit papaano nabawasan ang isipin ko sa tuwing nakakausap ko rin si Gilbert at may naaasahan akong tao na naiiwanan ko rito sa kumpanya na napagkakatiwalaan ko. Kaya't palagay na ako kahit nasa bahay nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD