“Sir, maaga po ata kayo pumasok?" Aniya na tanong ng ilang mga empleyado.
“Hindi ba po nakaleave rin kayo?" Tumango nalang ako sa kanya. “Bakit po ata pumasok kayo? Bakit po andito kayo ang balita ko manganganak na at malapit nang maipanganak ang baby niyo ni Ma'am Joyce." Aniya na naman ng magtanong ito.
“Bakit nga po naririto kayo ngayon?" Tanong pa ng isa. “Hindi po ba dapat nasa tabi niya kayo ngayon na manganganak na siya? Dapat hindi na po kayo pumasok rito ng mabantayan niyo naman ang inyong mag-ina." Anito ulit.
Napabuntong hininga ako at paulit-ulit naman na ito nalang ang naririnig ko sa tuwing may makakakita sa akin sa pagtuntong ko rito sa opisina.
Sa tuwing papasok ako o sa ilang araw ko na pumapasok rito sa opisina.
Nagtataka lang ata sila sa ilang araw rin akong wala at hindi pumapasok para samahan si Joyce. Pero ngayon biglang nagbaho ihip ng hangin ng nadadalas na ang pagtungo at pagtuntong ko ng office.
Minsan ang hindi ko lang malaman kung bakit ba pinupuna nila ang pagpasok ko gayon na ako ang may-ari nitong kumpanya.
Pakiramdam ko tuloy na isa lang akong empleyado na madalas na punahin ng mga kasama ko.
“May aayusin lang ako pero uuwi rin ako agad." Sagot na sinabi ko at nagdire-diretso nalang papasok sa office ko.
Hindi ko na inantay pa na may iba pang
makakita sa akin at iyon na naman ang siyang maririnig ko mula sa iba.
Agag-agad ako pumasok sa office at naupo sa mesa ko. May ilan pang naiwan pala ako rito at tamang-tama lang ang siyang pagdating ko.
Dumaan ako kay Bianca subalit hindi ko talaga siya maunawaan. Nagfocus muna ako sa pagbabasa at pag-aaral sa ilang papeles na nasa ibabaw ng mesa ko.
Madalas na niya akong tawagan at madalas niya ring iparinig sa akin ang mga usapan at pananakit sa kanya ng kanyang asawa. Nadadalas na rin ang pagkikita naming dalawa ng hindi alam ni Joyce at alam kong nagkakaroon na rin ito ng ilang mga pagdududa.
Pero wala naman akong ginagawa maliban sa sinasamahan ko lang rin si Bianca bilang kaibigan na nakikinig sa mga problema nito. Maliban roon ay wala na at walang dapat ipag-alala ang aking asawa.
Napasandal ako sa pagkakaupo ng maalala ko si Gilbert.
“Gilbert, nasaan ka na?" Tanong ko ng tawagan ko siya. “May mga documents ako na kailangan pwede mo bang madala sa office ko?"
“Nasa office ka ngayon Sir Choz? Bakit hindi ka agad nagsabi at papapunta na sana ako sa bahay mo para dalhin itong tinutukoy mong kailangan mong documents." Anito kanyang sabi at napasinghap pa ito.
“Buti nalang pala at nalagpasan ako ng jeep na pinapara ko. O siya sige, hindi ko malaman at kung bakit naririyan ka sa office gayon na nakafile ka naman ng leave. Papunta na ako riyan at magtaxi na ako. Bayaran mo ahh!" Dinig kong sinabi ni Gilbert at narinig ko rin ang pagpara nito ng taxi.
Ibinaba na niya ang tawag ko habang nagring naman ulit ang cellphone ko. “Bakit?"
“Nalimutam ko, wala pala akong dala na pera. Nalimutan ko yung pitaka ko sa bahay. Pwede mo ba akong antayin sa baba at bayaran itong taxi?" Anito na para bang nang-aasar lang siya.
“Tatawagan ko yung guard sa baba para siyang magbayad ng taxi mo." Aniya ko sa kanya habang pinipindot yung line na konektado sa baba sa may guard extrance.
“Sir, bakit po?" Anito ng guard sa baba sa mismong entrance.
“May extra money ka ba? Paki bayaran naman yung taxi ni Gilbert. Paki abangan nalang siya riyan sa labas. Iaabot ko nalang mamaya yung bayad." Aniya ko rito ng makiusap ako at magtanong na rin muna at baka wala rin pera ito gayong sa susunod na linggo pa ang susunod nilang sahuran.
“Okay sige po Sir, abangan ko nalang siya rito sa labas." Anito na sagot ng sabihin na meron naman siyang extra na naitatabi hanggang magsahod.
Buti naman at talagang nakiusap muna ako sa kanya. At Pumayag rin naman agad. “Salamat." pagkasabi ko ay ibinaba ko na rin ang telephono.
“Okay na, alam na ng guard sa baba at aabangan ka nalang." Aniya ko kay Gilbert ng balikan ko siya matapos na makipag-usap ko sa guard.
“Salamat Choz, sige at iaakyat ko agad dian pagdating ko sa office. Salamat ulit." Anito nito at ibinaba na rin.
Kakatapos ko lang kausapin si Gilbert ng tumunog na naman Cellphone ko. Si Bianca.
“Anthony pwede bang magkita tayo ulit mamaya? Puntahan mo ako sa bar na pinapasukan ko mamaya." Aniya ni Bianca at ibinaba na ulit nito.
Nakapag-usap na kami kangina ng puntahan ko siya pero ano kayang nais niya at kailangan ko pang daanan siya sa kanyang pinapasukan na bar?
Lumalakad ang oras matapos kong mareview ang ilang documents na binabasa ko. Dumating na rin si Gilbert at dala ang hinihingi ko sa kanya.
“Choz" Anito
“Sir pala, pasensya na." Anito ulit.
“Heto na yung hinihingi mong papers. Bali yung sa sahod ng mga empleyado naririto na rin isinama ko na at ipinadala na rin ng accounting kahapon. Isinabay na nila para sa nirerequest nilang kailangan mo raw pirmahan. Budget yan para sa factory natin sa may Tondo at ito sa may Valenzuela. May mga ilan ring isinabay ang finance department. Basahin mo nalang dahil ayaw tanggapin sa accounting ng wala kang approval mula sa nirerequest nila na budget para sa ilang mga kailangan na bilhin. Tapos pala ang sabi nila may mga kailangan na tayong ipaayos at kailangan ng renovation lalo sa ilang factory. So, kailangan nila ng budget pero andiyan na rin sa inilapag ko ang mga proposal nila para sa budget na hinihingi nila." Anitong pagkahaba na sinabi ni Gilbert na pakiramdam ko naman ay paulit-ulit niya lang sinabi para maunawaan ko.
“Tapos si Mr. Delfin pala." Nagulat ako.
Now lang kasi ako nakarinig ng concerned about Mr. Delfine. Napaisip tuloy ako kung anong hihingiin na naman nito habang nawaglit sa isip ko si Joyce sa kakaisip ko sa ilang mga bagay-bagay at siyang naging dahilan para makalimutan ko ang asawa ko.
**********
“Tinapay na naman?" Anito ni Ellen nagrereklamo matapos na makailang ikot kami sa park malapit rito sa bakery.
“Huwag ka ng magreklamo masarap naman kainin mo at direkta mong nguya ng hindi mo maisip at malasahan na tinapay muli ang inilalaman sa iyong gutom na sikmura." Biro ko rito saka ko siya tinawanan ng makainom ng soft drinks habang ako mineral water lang na binili ko rin sa bakery.
“Purga na purga na ako sa tinapay na ito. Sa tuwing sasama ako sayo tinapay nalang pinakakain mo. Wala bang iba? Bakit Hindi tayo magpunta ruon sa Fisher Mall mukhang mas mainam ron at malamig pa saka fresh." Anito niya at saka isinara yung plastic ng tinapay.
“Dami mong reklamo pero mukhang maganda yang naisip mo. Tara at punta tayo ng Fisher Mall ngayon." Nginitian ko siya at saka tumayo.
“Yon! Makakatikim rin ng malamig lamig at fresh air." Aniya na sobrang saya.
“Fresh air ka dian?" Tinawanan ko siya.
“Kelan pa naging fresh air ang masasagap mo sa loob ng Mall? Ang sabihin mo gusto mo lang makakita ng mga lalakeng gwapo." Biro ko.
“Gwapo o gwapo na nga! Basta dun tayo sa Fisher Mall magtambay habang wala pa si Sir Anthony ng makabili na rin tayo ng ilang mga bibilin para sa bahay. Wala na akong soy sauce, patis, ketsup, asin, modess, bra at panty ko." sabay takip sa bibig at natawa.
“Panty? Bra? Maging underwear ba bibilin natin sa supermarket? Bakit di mo pa samahan ng brief ni Kuya Anthony mo ng matuwa na rin sayo. Mukhang masikip na rin maging brief ng isang yon at kailangan ng bago." Biro ko din sa kanya.
“Pwede rin naman Ate Joyce. Kasi napansin ko nga sa tuwing lalabhan ko. Ayy mali pala. Ikaw nga pala naglalaba. Natatanaw ko lang sa labas. Sa bilaran at sampayan kasing liit ng batang maliit yung sukat ng brief ni Kuya Anthony kumpara sa brief ni Sir Allan ng naririto pa siya." Napatakip na naman siya ng bibig at natawa sa sinabi.
“Sorry!"
“Ikaw talaga! Maging ba brief ng kambal na yon?" Nangisi si Ellen. “Siguro inaamoy mo rin?" Anito kong pabiro na naitanong sa kanya at kanyang sinabayan ng may kalakasan na tawa at napabungisngis pa siya.
“Minsan lang naman. Nang maglaba ng brief nila si Sir Allan at naisama yung marumi sa malinis na tapos na niyang labhan. Napadaan lang ako di ko naman sinasadya na maamoy."
“Bakit?" Tanong ko ng biglang tigilan ang pagsasalita at pagkukwento.
“Ano bang amoy?" Tanong ko pang muli.
“Amoy t***d yung bago pa lang alam mo na." Sabi pa niya na nambitin na naman.
“Ano ba kasi?"
“Amoy t***d tapos fresh na fresh pa. Kaya't yung amoy umaalingasaw pa at dala ng hangin papunta sa akin. Resulta nasinghot ko kaya't lumapit ako." Napakagat pa siya sa labi niya ng masambit.
Napailing naman ako. “Ang bata mo pa maging yung kambal na magkapatid napagdidiskitahan mo. Saka papaano mo naman nasiguro na t***d nga yon? Huwag mong sabihin?" Napatakip rin ako ng bibig ng tumatawa si Ellen.
“Ate Joyce huwag mo na nga ako ituring na bata. Dalaga na ako at sa edad ko normal na nga na mag-asawa ako. Pero ayaw ko muna ng dahil sa titikman ko muna sila. Saka ako magdecide kung sino sa kanila. Wala pa akong natitikman na ayon sa panlasa ko. Panay matatabang at walang kalasa lasa, nakakasuka pa. Saka wala naman din kakaiba sa mga nakakarelasyon ko puro gwapo nga wala namang alam sa buhay na meron tayo. Mama's boy ayoko ng ganon. Sakit sa ulo at mahirap pasunurin. Alam mo yon. Kahit anong pagmamahal mo balewala kasi mas mahal yung Mama niya kesa ako yung kasintahan niya. Di dun nalang siya sa Mama niya magsama sila resulta siya ang nawalan." Sabay tawa ulit ni Ellen ng idaan sa biro ang mga pinagsasabi.
“Bakit mo naman nasabi na siyang nawalan?" Aniya ko at tinanong siya.
“Kasi nga kahit anong pagpapakita ko ng maganda, pakikisama ko sa kanya at maging halos ibigay ko lahat at sambahin siya. Minahal ko pa nga ng sobra pero sino nakita? Yung Mama niyang walang alam kundi ang hingin ang sahod niya. Anong kinabagsakan? Ayun ako nagbibigay ng weekly allowance sa tuwing magkikita kaming dalawa. Kasi nga kung di ko naman bibigyan, magmumukha lang siyang kaawa-awa sa mga kasamahan niya sa trabaho na walang bukang bibig sa kanya kundi LIBRE naman diyan TOL."
“Puro ka kalokohan Ellen." Anito ko.
“Totoo yon Ate Joyce. Hindi ko lang mabanggit sayo at nahihiya ako. Narealize ko nalang na ginagamit nalang pala ako at pera ko nalang ang nagpapatakbo sa relationship naming dalawa. Kaya't ng medyo magising ako. Ayun binitawan ko na at hinayaan ko nalang sa Mama niyang walang ginawa kundi maghapon sa sugalan at pag uwi ng bahay wala na kahit singko na dala. Maliban sa katawan niyang bagsak ng dahil sa pagsusugal at walang naiuwing pera." Anito na naman sa pagkukwento ni Ellen at ako nag-iisip kung paniwalaan ko ba ang mga pinagbibigkas niyang pakiramdam ko ay ginagago lang ako at inuuto ng dahil sa bra at panty na kanyang nabanggit.
Nang makarating kami sa Fisher Mall natigil na siya sa kanyang pagkukwento at hindi na muli pa nag banggit sa mga kwentong barbero na palagay ko ay wala naman katotohanan sa mga nasabi niya.
Ewan ko lang!
Ngayon lang kasi siya nagkwento about sa love story niya sa ilang mga nakarelasyon na pala nito ng wala kaming alam. Hindi naman kasi siya pala kwento maliban sa madaldal ito at minsan siyang puno ng kaingayan sa bahay.
Napaisip talaga ako habang naglalakad at nakatingin sa daan papasok sa Mall.