CHAPTER 13

2014 Words
“Sir, tapos ka na?" Napalingon ako si Gilbert pala. “Oo, tapos na." Anito ko na isinagot sa kanya. “So, pwede na ako umuwi siguro?" Aniya na kanyang tanong. Mag seven o'clock na pala ng gabi. Bakit hindi ko napansin ang oras agad. “Seven O'clock na kaya, baka pwede na tayong umuwi?" Tanong at aniya ng kanyang ilapag ang kapeng hiningi ko. “Sorry, hindi ko agad napansin ang oras. Bakit hindi mo sinabi kangina na inabutan na pala tayo ng gabi rito at wala ka pang kibo habang nagtatrabaho ako rito." Sabi ko ng ayusin ko na lahat ng nagkalat sa mesa ko. “Halika na, sumabay ka na at umuwi na." Sinabi ko pang muli ulit sa kanya at saka ako tumayo ng maayos ko lahat ng gamit ko. “Okay! Aayusin ko lang muna yung gamit ko sa mesa at iiwanan ko muna lahat ng hindi ko natapos." Anito nito ng tatalikod na “Teka, papasok ka ba bukas?" Anito na naman ng mapalingon. “Titingnan ko." Sagot ko at bitbit na ang gamit na dadalhin ko pauwi sa bahay at tiyak na nag-aantay na talaga si Joyce. Nawala talaga sa isip ko sa dami ng trabaho na ginawa ko ngayon. At sa pagtawag rin ng ilang mga bagong client na pinakausap sa akin ni Gilbert. Napalinga-linga pa ako sa loob ng office ko. Nagbabakasakali na baka may nalimutan akong bitbitin ng hindi na ako mabalik. Wala naman akong makita o maalala na hindi ko pa nadala. Lahat naman sa tingin ko ay nadala ko na. “Halika na, Sir at hapunan na. Tiyak na iniintay ka na rin ng asawa mo. Naalala ko nagtext pala yun at tinatanong kung pumasok ka rito. Sinagot ko naman. Sabi ko oo, bakit kailangan bang bantayan?" Natatawa na kwento ni Gilbert habang naglalakad kami sa pasilyo ng kahabaan ng hall ng office papunta sa elevator kung saan ay sasakay kami para makababa. “Tingin ko nagdududa yung asawa mo sa biglaan nalang na pagpasok pasok mo rito sa office matapos mong magfile ng a month of vacations. Tapos ngayon papasok ka at magtatrabaho rito sa loob ng office. Minsan talaga nakakaloko ka rin eh! Pabago-bago yung utak mo. Tama bang iwan mo nalang yung asawa mo ng alam mong malapit na mangitlog?" Anito na panay ang daldal at nais ko ng pasakan yung bibig at maging yung laway niya tumatalsik at nahahahip ko at nasasalo. Papasakan ko na talaga ng sabayan pa ng dire-diretso niyang pagtawa habang muli ay dumaldal. “Sir, bakit nga ba pumasok ka? Sa kabila ng nakabakasyon ka? Nag-away ba kayo ni Joyce? O baka sa hindi ka niya lang napagbigyan? Oh kaya may ibang dahilan? Matinding dahilan ba yan para sa ilang araw mong pananatili rito sa office at halos gabi na kung umuwi? Hindi kaya?" Umiikit pa yung mata at tapos ay napahagikhik pa siya ng kanyang tawa at halos mapuno na ata ang office sa malalakas niyang tawa. Buti nalang pala at gabi na kami nakalabas ng office ng dahil sa kung maaga-aga pa at ganito siya. Baka sakali na hindi na ako makasabay sa kanya at ang mga mata ng mga empleyado rito ay sa kanya ang pukol ng tingin sa paraan ng kanyang pagtawa tiyak na pagkakaguluhan siya. Napahawak ako sa pisngi ko. Ano ba itong nasalat ko? Pimples ba 'toh? Pero bakit medyo makati? Hindi ata ako nakapagshaves ng maayos kangina at may nasasalat ako na para bang maligasgas na tila bang dumi. “Ano yan?" Napalingon ako. Si Gilbert kangina pa pala niya napapansin ang aking pagkapa sa aking mukha. “Pimples ba yan?" Aniya ng tanungin niya ang hawak ko at kangina pa kinakapang parang maliit na bukol na bigla nalang tumubo sa aking pisngi. Una buong akala ko nga ay dumi at pagkaliit. “Mukhang pimples nga yan at namumula na. Huwag mo ng kamutin at baka magsugat. Masisira lang yung makinis mong mukha." Anito ni Gilbert at saka ko lang tinigilan ng sabihin niyang namumula na. Tinigilan ko na nga ang pagkapa at pagkamot sa mangati-ngati kong mukha. Saka ako tumungo sa loob ng elevator ng maihakbang ko na ang aking mga paa. “Nagkakapimples ka pa?" natatawa niyang naitanong. Habang nakapasok na rin siya sa loob ng elevator. “Hindi ba pwede magkapimples ang matanda na?" Biniro ko siya. “Wala akong sinabi." He closed his mouth. “Ewan ko sayo Gilbert, halika na at gabi na at wala na akong oras para makipaglaro at makipagkulitan sayo. Bilisan mo na ang lakad mo at huwag puro daldal. Lalo pa tayo gagabihin sa walang katuturan na kadaldalan mo ngayon." Anito ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad ng makalabas ng company elevator at maglakad na ulit habang hahabol-habol si Gilbert mula sa akin. Nagdire-diretso lang ako at nang makarating sa parking lot agad kong isinuksok yung susi sa car na dala ko at pumasok. “Sir Choz teka nga lang. Intayin mo naman ako." Habol at pagsigaw ni Gilbert at mabilis na binuksan yung pinto at pumasok. “Grabe nagpahabol talaga?" Anito niya. “Ang bagal mo kasi alam mo naman na iniintay ako ng asawa kong dragon." Biro ko. “Dragon talaga?" Anito at natawa. “Hindi naman. Biro ko lang at baka isumbong mo pa ako ruon at pag-uwi ko bugahan ako ng mainit init at nag-aapoy niyang walang tigil na kakatalak." “Antindi? Nagtatatalak ba yun? Parang hindi naman. Mahal ka nun bakit tatalak kung wala naman ginagawang masama?" Nalito na ako sa kakabiro ko at kung ano ano na lumalabas sa bibig ko. Puro biro lang naman at nais ko lang malibang ng dahil sa napasok na naman sa isip ko ang sinabi ni Bianca kangina ng tawagan ako nito. “Sir Choz?" Anito ni Gilbert. “Bakit?" Sagot ko. “Naranasan mo na bang maglihim sa asawa mo o kaya magtago ng di mo masabi o maamin sa kanya?" Sa itinanong ni Gilbert biglang napapreno ako. “Sir Choz?" kabado at kinabahan siyang bigla ng muntikan na rin kami mabangga mula sa unahan na sasakyan na biglang preno rin at buti nalang at sakto na pagpreno ko rin ng oras na yon. Dahil kung di ko napansin tiyak na bangga kami. “Bakit naman ganon?" Anito niya ulit at malalakas raw ang kabog ng dibdib niya. Sobrang natakot at nabigla raw siya sa biglang preno ko at kinabahan siya ng husto. Kahit naman ako kinabahan sa nangyari at nabigla rin ako. Pero mas nabigla ako sa kanyang itinanong na hindi ko na nasagot sa tahimik na rin si Gilbert hanggang makarating kami sa mismong bahay niya at maihatid ko siya. “Salamat Sir Choz." Walang kagana-gana niyang usal at isinasarado na niya ang pinto at tumalikod na saka naglakad papasok sa apartment na tinutuluyan nito. Bigla tuloy ako kinabahan tuloy at baka sign ito sa pagsisinungaling ko at pagtatago sa asawa ko. Napasandal nalang ako at napabuga ng humugot ako ng malalalim na hininga. Until now kay lakas pa ng kaba ko. Napapaisip rin ako. Tumunog yung cellphone ko may text message. “Anthony saan ka na? Please puntahan mo ako rito ngayon." Anito ni Bianca sa text messages na ipinadala nito. Iniimagine ko na naman ang possibility na magiging bunga ng ginagawa ko ngayon na paglilihim sa asawa ko. Kinabig ko na ang manubela at lumiko pabalik upang tunguhin ang landas papunta sa bar na pinagtatrabahuhan ni Bianca. May isang oras din ata bago ako umabot roon sa bar na kanyang pinapasukan at nang makarating ako. “Anthony" Sigaw agad ni Bianca at yumakap sa akin. “Buti dumating ka." Anito pa ulit nito ng maiangat ang mukha at magtama ang aming mata. Napansin kong naiiyak ito habang nakatingin at titig na titig sa mukha ko. “Nag-alala ako na baka hindi ka dumating. Buti nalang dumating ka." Ngumiti na siya at sinabi pang muli. “Pasensya ka na. Nais lang kita makita" Sabi nito na akmang hahalikan ako. Mabilis kong iniiwas ang mukha ko sa kanya at kaya dumulas yung labi niya at tumama sa tenga ko. “Sorry! Nabigla ako." Aniya niya ng humingi ng sorry. “Hindi ba nag-usap na tayong dalawa. May asawa na ako at manganganak na si Joyce. Hindi ko kayang lokohin ang asawa ko at lalo na ang makitang masaktan siya." Anito ko sinabi sa kanya ng may inis at seryoso. “Sorry" aniya ulit. “Kung wala ka naman pala na sasabihin aalis na ako." Sabi ko sabay na kumawala sa pagkakayap niya at akmang tatalikod ng biglang pigilan ako. “Dito ka muna samahan mo muna ako saglit uminom." “Hindi pwede at gabi na nag-aantay na sakin si Joyce." sabi ko at pilit na umiiwas sa kanya. Hindi ako maaari magpatalo sa nararamdaman kong awa sa kanya. Awa nga ba? Awa nga ba Anthony ang nararamdaman mo o dahil sa bahid ng mga nakaraan niyo? pangunguwesyon ng isip ko. Napabuntong hininga at napaisip. Bakit ko ba ginagawa ito? Tapos na kaming dalawa pero kung bakit nagagawa niyang pasunurin ako sa tuwing tatawagan niya ako at nais na makita. Muli na naman ako napasinghap at sa pagkakataon na ito muli akong napabuntong hininga ng pagkalalim at naibuga rin agad. “Anthony please." Anito nito nakikiusap at pilit na nagmamakaawa na samahan ko siya kahit saglit lang. “Kahit saglit lang samahan mo ako. Pangako hindi na ako gagawa ng bagay na ikaiinis mo." Anito niya sa akin at saka pilit niyang kinuha ang isang braso ko at hinila papasok sa loob. Una, hindi ko man lang maihakbang yon. Subalit hindi rin nakatiis ang isang paa ko at humakbang rin papasok sa pinto ng bar. Hinila niya ako sa isang lugar kung saan ay madilim at walang gaanong tao. Kung titingnan pa nga ay kami lang dalawa ang naririto ng ang halos iba ay nagsipagsilong sa ilang mas madidilim pang bahagi ng bar. “Maupo ka muna at kukuha lang ako ng alak." Anito niya at nagpaalam ng tunguhin ang counter at pagbalik may dala na itong dalawang baso at isang bote ng alak. “I'm so sorry! Hindi ako iinom at maaamoy ako ng asawa ko. Ayoko na mag-isip o magkaroon ng ipagdududa yon lalo na ngayon na buntis siya at manganganak na." Aniya ko sa kanya ng tanggihan ang pilit na iniaabot na baso na sinalinan niya ng alak. “Konti lang naman." Umiling ako. Wala pang kalahating oras nagpaalam na ako sa kanya. Hindi maaari na magtagal ako rito kahit ngayon na nag-umpisa na umiyak si Bianca at maglabas ng kanyang nararamdaman. “Aalis na ako. Magkita nalang tayo sa susunod oras na matino na isip mo." Sabi ko ng tumayo na ako. Kung di pa ako aalis baka mas lalo pang di ko na siya makontrol at mas mahirapan pa ako na di siya maiwan rito. Tumawag nalang ako ng isang waiter at sinabi ko na baka pwede na itawag nalang so Bianca ng taxi at ipahatid sa bahay nito. Nag-iwan nalang ako ng pera para sa pamasahe at tip ko sa waiter para sa pang-uutos ko sa kanya. Nakahinga na rin ako ng maluwag subalit ang higit na inaalala ko ngayon ay si Joyce na alam kong nag-aalala na sa hindi ko agad pag-uwi. Napasinghap nalang ako saka napasandal muna sa head board ng upuan sa loob ng car saka napatingin sa daan habang nag-iisip kung papaano ang aking ipaliliwanag. Kapag nagtanong si Joyce. “Babe, saan ka na?" sabi ni Joyce sa text messages na ipinadala niya. Ngayon ko lang din nabasa ng maiwan ko rito sa car yung cellphone ko. “Babe" pangalawa na text messages na kanyang pinadala. “Babe please naman magreply ka na." nakikiusap na rin ito. Napangiti pa ako at napaisip na yari na ako nito pag-uwi ko sa bahay at puputaktihin ako ng kanyang pagtatanong. Ibinaba ko cellphone ko at hindi ko na yon tiningnan o nagawang hawakan. Kahit makailang ulit pang tumunog yon hindi ko na pinansin at nagfocus nalang ako sa pagmamaneho upang mabilis na makarating sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD