Hindi ko lubos na naisip na ito ang magiging buhay ko kasama ang aking mapagmahal na asawa.
Relax pa rin ako, nakangiti at nakatingin sa kanyang mga masayang ngiti, habang nasa harap kami ng mesa dito sa lugar ng kainan.
Sa pagdaan ng mga taon, mas nakilala ko ang aking asawa at ang aking sarili, kung gaano ko siya kamahal sa paglipas ng mga taon, buwan, linggo, araw na lumipas, kahit na minuto at segundo.
Nagbibilang ako, binabalikan ko pa rin!
"Babe, gusto mo ba?" Napansin kong tinanong niya ako.
Hindi ko namalayan na nagtatanong pa pala siya, habang nilalakbay ko ang aking isip.
Natutuwa lang talaga ako, dahil napakaswerte ko din sa kanya.
"Sige" sagot ko, ngumiti pa rin ako ng matipid sa napakabait kong asawa.
Mula sa ugali ng Demonyo, siya ay naging isang anghel, na may isang mabuting puso at napaka mapagmahal.
"Sige, sige maghintay ka lang ipagbabalat kita ng mansanas." Anito habang binabalatan ang hawak niyang mansanas.
Tinadtad niya ito at saka inilagay sa isang platito at kumuha ng isang tinidor, pagkatapos ay ibinigay sa akin.
"Here"
"Kain na." Aniya, pagkatapos ay inilagay sa harap ko ang plate ng mansanas na hiniwa niya.
"Salamat" sabi ko.
Pagkatapos ay tinusok ko ang isang hiwa ng mansanas at isinubo sa aking bibig.
Ang sweet ng apple, ngumiti ako.
"Masarap?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako "O, sweet, masarap." Ngumiti ako, sagot ko.
"Pinagpapagandahan mo lang ako, babe." Biro niya, sabi sa akin ni Demon.
Siya ang nagpapa-cute sa akin!
"Ewan ko sayo!" Sabi ko, sabay irap sa kanya.
Ngumisi din ako sa kanya, pinagalitan at saka tinalikuran.
Naririnig ko ang tawa niya.
Hinawakan niya rin ako.
Bahala ka sa buhay mo
Bulong ko ng parang gusto kong tumawa ng tumawa.
Napaka-makulit niya
Ayaw niyang tumigil, ramdam ko ang paghalik niya sa balikat ko, hanggang sa leeg ko.
Ramdam ko rin ang maiinit na hininga niya habang hinahalikan niya ako.
"Huwag kang magalit please" Bulong niya sa ilalim ng tainga ko.
Nakikiliti ako sa haplos na halik niya.
“Kaya naman talagang napaka lamig at mahangin dito ngayon. Nagsisimula na naman kayo." Isang biro na boses ang biglang nagsalita.
Si Ellen ulit, pagbalik mula sa kusina.
"Ano ang dala mo?" Tanong ko, amoy ang mainit na mga macaroon na ginawa niya.
"Macaroons, upang idagdag sa inyong labis na kasweetan." Sinabi niya at inilapag ang dala niya sa mesa.
"Puro ka kalokohan, Ellen!"
"Halika at umupo ka, kumain ka na lang ulit at baka nagugutom ka pa." Sagot ni Anthony sa sinabi ni Ellen.
"Puro biro ka nalang"
"Ikain mo na lang." Muling sinabi ng asawa ko sa makulit na si Ellen.
Si Ellen ay naging miyembro na din ng aming pamilya, wala siyang pinagkaiba sa aming mag-asawa.
Napakabait nito, kahit na madalas itong maloko.
"Salamat, Daddy" Isa pa nitong biro.
"Busog na ako, dahil sa inyo." Nakangiting sabi ni Ellen.
Gustong-gusto kong matawa sa pang-aasar niya sa asawa ko. "Itigil niyo na yan." Inutos ko sa kanilang dalawa.
"Busog na rin ako, aakyat muna ako sa kwarto." Sinabi ko ulit sa kanila, bumangon mula sa kinauupuan ko.
Tatayo na sana ako, nang tulungan ako at suportahan ni Demon.
"Salamat, Babe" sabi ko, ngumiti ako sa kanya at maingat na lumakad paakyat, upang pumunta sa aming silid.
Binagalan ko talaga ang aking paglalakad, kasi minsan halos madulas ako, dahil sa madulas na sahig.
Sinasabi ko kay Ellen na madalas hindi siya dapat umalis na basa pa ang sahig, dahil madulas ito.
Habang naglalakad ako, iginala ko ang aking mga mata sa buong bahay ng Demon.
Matagal na rin akong nandito, kung dati, sa isang masikip at maliit na silid na ako ay nagsisiksik at nakatira sa loob ng maraming taon.
Ngayon, masyadong malaki ang bahay niya para sa amin ni Ellen.
Magiging lima na kami dito sa malaking bahay na ito, sapagkat sa lalong madaling panahon, madadagdag ang aming mga kambal na anak.
Umaakyat din ako ng ilang steps, makarating lang sa kwarto.
Bigla akong nakaramdam ng antok pagkatapos kumain ng agahan.
Nasobrahan pa ang aking kinain.
Dahil ang kambal ay nagiging reklamador sa loob ng aking sinapupunan.
Kapag konti lang ang kinain ko, nagrereklamo.
Nasa loob pa sila ng aking tiyan, marunong na silang magreklamo.
Pero nakakatuwa lang, dahil nasa loob pa sila ng aking sinapupunan, nararamdaman ko na, kung ano sila sa kanilang paglabas.
Hiling ko lang sa panginoon.
Maging malusog sila, matalino at higit sa lahat, may takot sa Diyos.
Napabuntong hininga ako, sa wakas ay narating ko na rin ang aming kwarto.
Hinihingal pa nga ako, sa dami ng batang na inakyat ko makarating lang dito.
Kadalasan napapagod na rin kaya ako.
Pwede lang magreklamo sa asawa ko, ginawa ko na…
Pinihit ko ang seradura ng pinto, pagbukas ko..
Mabilis rin ako pumasok sa loob.
Nagtungo muna ako sa banyo, upang maglinis muna ng aking katawan. Hindi pa kasi ako nakakapaghilamos, nang bumaba kami kangina sa baba.
Upang mag-umagahan.
Teka?
Bakit????
Bigla nalang ako napatawa….
Anlaki pala ng muta ko sa aking mata…
Kung..
Bakit hindi man lang sinabi sa akin ng sawa kong kasama, kumain ng agahan..
Mga lokoloko talaga mga yun…
Hinanap ko agad ang tissue tray..
Bakit walang laman???
Kakaasar…
Saka ko naalala..
Naubos ko na nga pala ito kagabi, nang magbanyo ako.
Napakamot nalang ako sa aking ulo..
Natawa..
Saka tumungo nalang sa toilet bowl at naupo.
Ilang minuto rin ako nagbanyo, bago ko naisipan na tumayo. Nang matapos ako..
Lumabas na rin ako, matapos kong mahilamusan ang mukha ko na may malaking muta sa bungad ng aking mata.
Nagbihis na rin ako, dahil sa nakapantulog pa ako kangina ng bumaba kami, nang tawagin kami ni Ellen.
Dahil natapos na ako sa makailang ulit kong pag-iikot sa kwarto. Huling destination…
Sa Kama…
Nahiga na ulit ako, ngunit bago ko pa mailatag ang katawan ko sa kama..
Naglagay muna ako ng dalawang piraso ng unan banda sa aking paanan. At saka ko ipinatong ang magkabila kong paa.
Utos at bilin ni Marco sa akin ito. Kaya ginagawa ko. Mainam raw sa nagbubuntis gaya ko. Pati ang paglalagay ng unan sa aking balakang.
Ang dami niyang bilin, minsan dinaig pa ang asawa ko sa dami ng mga paalala.