CHAPTER 7

1831 Words
Pag naalala ko ang mga panahon na pagkakataon na dapat ay kasama ko siya nuon. Pero okay lang! Kasi gusto ko rin siyang supresahin at ngayon na papalapit ng papalapit ang takdang araw. Gusto ko na maging special sa aming dalawa ang mga araw na lumilipas subalit bakit kung minsan ay napipikon rin ako ng tulad ngayon. Asar kasi ang baklang yon at napikon na naman ako. Kakabwisit talaga siya! Makikita talaga niya oras na dumating siya rito. Kakalbuhin ko siya at baltakin ko yung pinakakatakip-takip niya. “Ma'am Joyce, natutulog ka ba?" Naririnig ko na tumatawag na si Ellen mula sa labas. “Gising pa! Bakit?" Sigaw na sagot ko sa kanya. At bumukas na yung pinto ng marinig niyang sagot ko. Sumilip pa muna siya habang ako nakahiga pero nakasandal sa heard board ng kama. “Ma'am nariyan na si Dok Marco, hinahanap na po kayo." Sagot na sinabi ng makasilip na sa loob at makita ako. “Sige, paupuin mo muna at pag-antayin at bababa na rin ako." “Kangina pa nakaupo. Kangina pa rin nag-aantay sa baba. Ang sabi niyo kasi matutulog kayo. Kaya ang sinabi ko tulog kayo. Pero ayun at nag-antay pa rin. Naaawa lang ako at may dalawang oras na siya sa baba at nakailang baso na nga ng tubig at juice na ibinigay ko sa kanya. Baka maglaki na tiyan sa busog kakatubig at juice. Sabagay naman pabalik-balik rin naman siya sa banyo. Kaya nailalabas rin yung kanyang iniinom. Pero yung pinanunuod niya pangalawang ulit na ngayon." Natatawa na mahabang pang sinabi ni Ellen. Hindi ko tuloy alam if biro o seryoso na kangina pa talaga itong si Marco sa baba ng bahay. “Nasa sala siya nakaupo sa sofa. Hindi pala nakahiga na nga at tingin ko tulog na rin." sinabi pa rin ng nakangiti at nakatawa. “Naghihikab na nga makailang ulit at pumipikit-pikit ang mata. Baka kako makatulog kaya't tumungo na ako rito. Kawawa naman at baka pagod pa sa duty. Ang sabi pa nga napagod siya sa maraming pasyente at ilang operation na kanyang ginawa sa ilang pasyente niya. Pero ang sabi nagugutom siya. Pero ng alukin ko ng makakakain ay tumanggi naman. Tubig lang hiningi tapos ay binigyan ko ng juice. Kaya't yun lang laman ngayon ng tiyan niya kahit gutom." Tawa-tawa nitong inulit pa ang pagkakasabi. “Ellen, ako ba niloloko mo?" Akin ng itinanong rito. Alam ko nga na may operation ngayon si Marco at tinext niya ako na late na siya makakarating rito para sa ipinadadala ko sa kanya. Pero sa kwento ni Ellen parang sobra naman ang mga sinabi niya na ginawa ni Marco sa maghapon na trabaho. Buti nga at pang-umaga si Marco at si Kuya Nicollo ang siyang panggabi ata ngayon. Pero ang sabi ni Marco, ilang linggo na hindi umuuwi si Kuya Nicollo sa dami ng kanyang pasyente at ilan ay mga follow up patient. Dalawa na yon napakabusy sobra. “Hindi ahh!" sagot ni Ellen. “Bakit natatawa ka?" “Wala naman. Ang tibay kasi ni Dok Marco biruin mong kangina pa nag-iintay sayo sa baba. Parang aakyat lang ng ligaw sa kanyang napupusuan habang ang dalaga na nililigawan ay sleeping beauty pa habang siya puti na mata kakaantay na bumaba yung dalagang iniirog ni Dok Marco." Pabiro na nakatawa na kanyang sinabi. “Puro ka kalokohan, Ellen. Sige na at sabihan ko bababa na ako. At susunod sayo." Utos ko rito at pinaalis na ito para puntahan muna si Marco. “Okay! Sinabi mo eh!" Sabay talikod ng sinabi at saka isinara ang pintuan. Nang lumapat na ang pintuan. Kumilos na ako at saka bumaba ng kama. Nag-ayos lang ako at nagpalit ng damit ng maayos na ako sa salamin. Inisip ko ng bumaba. Lumabas na ako ng pintuan at bumaba ng hagdan. “Kangina ka pa?" Tanong ko agad ilang baitang pa lang ako bago makababa ng tuluyan ng hagdan. “Medyo! Siguro mga apat na oras na ako rito at inaantok na nga habang nag-aantay sayo na bumaba. Pero bakit ba antagal mong bumaba?" Anitong sinabi ng dinaan pa sa biro ng nakangiti at tanong. “Grabe! Parehas talaga kayo ng aniya ng pinagsasabi ni Ellen. Ang sabi niya dalawang oras ka na rito nag-aantay. Ikaw naman apat na oras? Pinaglalaruan niyo ba akong dalawa?" Sinabi ko ng makaupo na sa tapat nito. Pinaglalaruan ata ako ng dalawang ito at pinagloloko ng masambit ko ng makaupo at nakatingin sa kanila. Lumapit na rin kasi si Ellen habang may dalang miryenda. “Miryenda muna kayo at kumain. Masarap yan at ako nagluto. Sabi ko na at sinisipag ako na magluto dahil may paparating na gorilla." Biro pa isa-isang ibinaba ang kubyertos at ang kanyang kinuha na plate para sa ginawa nitong CASSAVA? “Cassava ba yan?" Tanong ko ng mailapag niya ang mga ihiniwa sa plate at ibinigay kay Marco. “Hindi! Minatamisang mais." Biro niya na naman ng bigyan niya rin ako. “Kuha nalang kayo if gusto niyo pa ahh! Aalis muna ako at pupunta sa kusina. Alam niyo na at magready na ako ng panghapunan natin mamaya." Sinabi “Dok Marco rito ka na kumain ngayon at magluluto ako ng masarap. Parang gusto kong mag-ihaw ng bangus. Gusto mo ba Ma'am Joyce? Kaya magprito ako tilapia tapos mag ikaw ako ng talong then gagawa ako ng sawsawan na masarap." Ngiting-ngiti pa na takam na takam sa kanyang sinambit. Ako naman napapalunok ako at natatakam sa sinabi niya. “Paano si Anthony?" “Kumain siya kung anong lutuin ko." Sagot pa nito. “Sige, magluto ka nun. Gusto ko yon. Tapos konting kanin lang ako. Gawa ka sibuyas na may kamatis. Pigaan mo kalamansi at kauting suka. Paminta lagyan mo kaunti at asin bahagya." Sabi ko ng nasasabik sa naiisip ko. “May pipino ba?" “Wala pero if gusto mo. Bibili ako kanto o baka meron sa may talipapa mga tatlo o apat na kanto rito. Mag bike nalang ako." Sabi pa nito. May talipapa na nga pala rito malapit sa bahay. Nang sabihin niya ay tumango ako rito at umalis na rin ng mabilis ng lalabas pa siya para bumili ng ilang ingredients na wala sa bahay. “Ayos talaga iyang si Ellen. Talagang kuhang-kuha mo lahat ng maisipan mo. Ipagluluto ka talaga." Anito ni Marco. “Oo, swerte ko nga sa kanya. Kami ni Anthony. Mabait na, masipag pa at higit sa lahat. Parang pamilya na namin siya. Hindi na rin iba ang turing namin sa batang yan. Kung bakit nakapagtapos na ng pag-aaral naririto pa rin sa bahay. Ayaw pa magseryoso sa buhay. Mas gusto pa na magsilbi rito kesa ang mamasukan sa kumpanya. Inalok na nga ni Anthony na sa office na magtrabaho at pumasok. Pero ayaw at wala raw mag-aasikaso sa akin." aniya ko at isinagot ng sumubo ng cassava. “Nasaan na pinabibili ko sayo?" “Wala tinda si Nancy. Hindi pala pumasok at may sakit anak." Sagot nito at nalungkot ako. Hay naku! Iyon na nga lang yung pinabibili ko sa kanya wala pa pala. Nanunuod kami ng TV ng magtanong si Marco. Wala pa si Demon eh! Siguro ay busy pa sa mga kameeting nito. “Wala ka bang balak sabihing kambal ang anak niyo?" “Sinabi ko surprised pagmakapanganak na ako saka niya makikita. Hayaan mo muna na palaisipan pa sa kanya ang magiging anak namin." Sagot ko naman ng may nagring na cellphone. “Phone mo nagring." Anito ni Marco pa rin. Si Anthony natawag. “Bakit?" Tanong ko. “Ginagawa mo Babe?" “Kumakain." Sagot ko. “Anong kinakain mo?" “Daliri ko." “What?" gulat siya. “Daliri ko kinakain ko. Mauubos na nga kakaisa-isa ko." “Niloloko mo ba ako?" Halata na inis na sa sinabi ko. “Hindi naman." Parang walang kagana-gana na naisabi ko. Naiinis rin kasi ako at hindi ko pa nakakalimutan ang pang-aasar ni Gilbert kangina ng tawagan ko si Demon. “Si Marco, kinakain ko. Sarap nga eh! Ang tamis at maasim-asim. Sukang puro. Hinigop ko nga at dumadausdos sa lalamunan ko. Sabay nahagod pa at talagang nanunuot." Pang-aasar ko pa sa kanya ng ramdam ko na talagang naiinis na siya. “Sige, later nalang at titikim rin ako rito ng sinasabi mo. Baka late na ako umuwi. Huwag mo na akong antayin." Sagot at saka inis na binabaan ako. Asar napikon rin agad! Habang si Marco tawa ng tawa. “Pasaway ka rin talaga? tama bang pag-initin mo ulo ng asawa mo?" “Yaan mo siya. Ako nga ininis niya kangina. Ngayon pang alam kong makakabawi na rin ako sa pang-aasar nila ni Gilbert kangina." Sagot ko at sinabi ng may nararamdaman rin na pagkainis at pagkadismaya ng babaan nalang ako at hindi man lang nangulit dahil napikon agad ito ng banggitin ko si Marco na naririto. “Dito ka na kumain ng hapunan at late na raw siya uuwi. Bahala siya!" Sabi ko at inayos ang mahaba kong buhok na lumaylay at humarang sa mukha ko. “Pagupitan muna nga yang buhok mo." Anito nitong si Marco na pinag-intrisan na naman ang mahaba kong buhok. “Okay naman. Keri pa naman buhok ko." Sabi ko kanya. “Kahit na. Alam mong hindi madali ang pagdadaanan mo sa panganganak." Aniya nito. Kinabahan na naman ako. Sa tuwing pinaaalala nito ang posibleng mangyari sa panganganak ko. Napabuntong hininga ako ng sunod-sunod ng kay lalalim. Ngayon pa nga lang kabado na ako. Papaano pa kaya sa panganganak ko oras na dumating na ang araw na yon. Ayoko kasi ng Cesarean Delivery. Alam kong mas mahirap ang posibleng pagdaanan ko. Pero, ipinaliwanag niyang mahihirapan rin ako sa Normal Delivery ko. “Joyce, sinabi ko na kasi sayo diet ka na. Pero anong ginawa mo? Kumain at kumain ka pa rin at hindi mo pinakinggan ang mga sinabi ko sayo. Oo at nakinig ka sa una pero hanggang duon lang at sinige mo lang ang pagkakataon na makain lahat ng gusto mo ng hindi ka naglagay ng limitations para sa sarili mo." Eto na naman at manermon na naman si Dok Marco. Tumawa nalang ako ng dahil sa tama naman siya sa kanyang mga sinasabi ngayon na matigas ulo ko at hindi nakikinig sa kanyang sinabi. Konti lang ang nasusunod ko at ang ilan ay hindi ko na sinusunod lalo na ang pagdating sa pagkain. Ang sarap naman kasi kumain. Paano ko mapipigilan? Sa ayaw tumigil ng tiyan ko at gusto ng lumamon ng lumamon. Matatanggihan ko ba lalo kung nasasaharap ko ay naglalaway na ako? Pero yung kaba at takot ko sa panganganak ang nasasaisip ko na ngayon. Ang pagkakataon na alam kong mahihirapan na ako sa mga paparating na araw at kakapiraso nalang ang mga nalalabing araw para makapagdiet pa ako. Anlaki kasi masyado ng tiyan ko at ang timbang ng kambal sobrang bigat at anlalaki nila sa loob ng tiyan ko. Bahala na nga at magdadasal nalang ako at sana mairaos ko sila ng maayos at malulusog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD