CHAPTER 18

2116 Words
Nagulat kami ni Gilbert at sabay napalingon sa pagbukas ng pinto habang nag-uusap kami tungkol sa pagdating ni Mr. Valdez. Si Ninong Chen dumating at may ilang buwan na ata kami mga di nagkita ng umalis siya ng bansa para magpagamot ng bigla siyang atakihin sa puso. “Kayo po pala Ninong Chen. Halika po at tumuloy kayo at maupo." Aniya ng ayain ko siya at alukin ng mauupuan. Habang si Gilbert tumayo at nagbigay daan sa lumalapit na si Ninong Chen. “Upo po kayo." Anito ni Gilbert. “Gusto niyo po ba maiinom? Ikukuha ko po kayo sa loob." Ang sabi pang muli nito. “Coffee please but without sugar." anito na sagot ni Ninong Chen kay Gilbert na bumaling rin sa akin. “Ikaw Sir Choz baka gusto mong coffee ikukuha rin kita." Alok na aniya nito at saka ako tumango. “Yes please." Sagot ko rito at tumalikod na rin siya at tinungo ang pantry na kembot kembot ang balakang. “Ayos rin itong assistant ba o sekretarya ang matatawag sa baklang kaibigan ni Joyce." Sabay natawa si Ninong Chen habang tinatanaw ang papalayo na kaibigan ng asawa ko. “Nakakatuwa rin ang isang yon. Minsan naaaliw rin ako nung madalas pa ako maparito madalas ko rin siyang makausap na parang asawa mo ang daldal at mapagbiro ay hindi nakakasawang kausap. Lagi rin kasi nakangiti na parang si Joyce." Aniya at napatingin sa akin. “Nasaan na nga pala si Joyce? Hindi ba at kabuwanan na niya?" Anito niya ulit. Tumango ako at saka nasimpleng ngiti. “Nasa bahay po at pinagpahinga ko na. Mahirap na siyang ibiyahe ng araw-araw at baka ano pang mangyari. Napakahirap pa naman din kasama kung minsan sa sobrang kakulitan rin at kadaldalan sa panay ang tanong at kung saan-saan magtutungo kahit sabihin kong dito lang siya maglagi sa loob ng office ko pero lalabas pa rin at duon kay Gilbert aayain para kumain sa labas. Tapos pag sumakit ang tiyan. Ang hirap pang pagsabihan kahit sinabi na bawal sige pa rin siya sa kakalamon at walang pakialam basta makain ang gusto niya huwag lang masira ang mga pagkain na pinaglilihihan at naiisip niya." Anito ko na mahabang lintihiya ko kay Ninong Chen na natatawa ngayon na para raw akong bata na nagsusumbong sa kanya. Sa totoo naman kasi ang hirap pagsabihan ni Joyce lalo ng mga panahon na una pa lang itong magbuntis. FLASH BACK “Babe, gising bangon ka na." Aniya ni Joyce at pilit na pinababangon ako. Walang pang liwanag sa labas at wala akong matanawan na sinag ng araw mula sa bintana na natatapalan ng kurtinang kulay chocolate na pinili ni Joyce. “Babe, gising ka na. Bangon ka na please." Parang bata na nakikiusap na pilit akong hinihila at itinatayo. “Ang aga pa Babe. Wala pa ngang liwanag sa labas. Saka patulugin mo muna ako. Inaantok pa nga ako mula sa pamumuyat mo ng sumakit yung tiyan mo sa dami ng mga kinain mo ng maghapunan tayo kagabi. Kaya naman please patulugin mo muna ako kahit saglit lang naman." Anito ko pagrereklamo rin sa kanya. “Babe please. Bangon na." Anito na naman at pilit na hinihila magkabila kong braso. “Maputol naman braso ko. Masakit Babe." Anito ko ulit ng nasasaktan na ako sa kanyang ginagawa. “Babae babangon ka ba o hindi?" Aniya ng may hawak na palang maliit na plangganita at sabuyan ako ng tubig sa mukha. “s**t!" naibulalas ko at biglang napadilat ng mata. Napabuntong hininga ako ng mawala bigla yung antok ko ng tuluyan na akong magising sa mga pang-iistorbo nito. “Sabi ko sayo bumangon ka na ayaw mo pa ayan tuloy at nasabuyan kita ng tubig sa mukha mo." Aniya ni Joyce na tatawa tawa pang hinalikan ako sa labi pamalit sa inis ko rito. “I love you" aniya ulit sabay yakap pa sa akin. “I love you too." Walang kagana-gana na naisambit ko sa kanya at bumangon na ako para tumungo muna sa banyo para magbanyo at mag pee. Tumagal rin ako ng ilang minuto ng magkakatok na sa labas si Joyce. “Babe, matagal ka pa ba?" “Saglit nalang ako." Sagot ko at naghikab. Nararamdaman ko pa rin ang pagpikit ng mata ko habang kinakatok ng asawa ko ang saradong pinto ng banyo namin sa loob ng kwarto. END OF FLASH BACK Natigil ang pagbabalik tanaw ko ng marinig ko ang boses ni Ninong Chen. “Napatulala ka na?" Anito ng bahagya niya pang tinapik ako. “Sorry po." Napahilamos pa ako sa mukha ko. “May naalala lang po ako." Anito ko ulit sa kanya. “Ganoon ba?" “Opo" Sagot ko. “Buong akala ko may problema ka na. Bigla nalang kasi natahimik ka at bigla ka nalang din di nagsalita. Buong akala ko tuloy na may namamagitan na di maganda sa pagitan niyong mag asawa. Pero kung meron man sana itigil na ng di masira ang mga pinaghirapan niyong buuin ng ilang taon. Maitayo lang at mapanatiling matatag ang pagsasama niyong mag-asawa." Anito ni Ninong Chen sa seryoso na pagpapaalala at sa simple pa niyang mga salita. “Alam mo." Anito niya ulit. “Nung atakihin ako nuon bago ako madala at magpunta sa America. Duon ko napagtanto na mayroon pala akong mali at nagagawang pagkakamali habang nagsasama kami ni Misis. Alam mo ba sa edad ko na ito. Muntikan pa akong mapasok sa isang sitwasyon na di ko lubos na maisip na madadala ako at matatangay ng dahil sa panunudyo ng ilang mga kasama ko sa negosyo." Nabuntong hininga siya ng pagkalalim at napatingin sa kisame. Napapailing at napapaisip pa nga ata siya mula sa sitwasyon na kanyang binanggit na di niya sukat akalaing papasukin niya sa kabila ng labis na pagmamahal ng kanyang asawa sa kanya. “Nung bata ako. Siguro maaari pa. Pero ngayon sa edad ko alangan na rin at saka ayokong masira ang pundasyon na pilit kong tinukuran at nilagyan ng buhos ng semento. I mean yung pagmamahal ko sa pamilya ko yun yung naging daan para maging matatag at manatili na nakatayo ang pundasyon na namamagitan sa amin ng aking pamilya na magpahanggang ngayon ay tangi kong iniingatan na huwag masira at matibag." Anito ulit ni Ninong Chen. Maging ako tuloy napapaisip sa lahat ng kanyang sinabi habang nagsasalita dumating si Gilbert upang ibigay ang tinimplang kape. “Heto po magkape muna kayo. Pasensya na po sa istorbo sa pagdating ko. Sige po at lalabas muna ako ng makapag patuloy kayo sa pag-uusap." Aniya ni Gilbert at saka na umalis. Tuluyan ng nakaalis si Gilbert nang magpatuloy sa pagkukwento si Ninong Chen. “Anthony nababakas ko na sa mga mata mo na may bumabagabag sayo. Kung ano man yan dapat mo rin ilabas o ibahagi sa iba upang malaman mo kung ano ang sagot sa mga di malinaw sayo ngayon. At kung babae naman. Siyang tigilan mo na bago pa masira at matibag ang pagsasama niyo ng iyong asawa. Mahirap masira ang isang pundasyon na siyang nagiging haligi niyo sa inyong pagsasama. Oras na may isang naging mahina tiyak na magsususunod na ang iba at tuluyan ng magiging mahina ang kapit hanggang tuluyan na itong bumigay at matibag ng dahil lang sa may naging mahina at di napangatawanan ang binitawan na mamahalin niyo ang isa't isa sa hirap o ginhawa sa ano mang problema magkasama niyong haharapin at hindi magpapadala sa anumang makasisira sa inyo." anito ng mahaba niyang dialogue. Marami pa nga siya sinabi na nakapagpapalinaw sa mga mali kong ginagawa. Subalit papaano ba gagawin ko na ganun na di ko maiwasan ang di makapaglihim kay Joyce. “Anthony?" tawag sa pangalan ko. “Nakikinig po ako. Naintindihan ko po lahat ng ibig niyong iparating sa mga sinabi niyo. Nauunawaan ko po ang mga bagay bagay na alam kong mali. Pero papaano po ba dapat kong gawin?" seryoso na pagkakasabi. NAPAPAISIP NA SI ANTHONY KUNG DAPAT NIYA BA IBAHAGI SA TAONG NGAYON AY NASA HARAPAN NIYA AT NAKIKIRAMDAM KUNG ANO BA ANG PROBLEMA NIYA NA SA TINGIN NI NINONG CHEN NILA NI JOYCE NA MAY BAGAY NA NAKAPAGPAPAHIRAP AT NAKAKAPAGPABIGAT NGAYON SA KANYA. “Anthony?" tawag ulit ni Ninong Chen sa akin ng Kasalukuyang nag iisip ako dapat bang ibagi ko rito ang pinoproblema ko. “Sorry po." sabi ko na nasambit ko sa kanya ng maisip ang mga naglalaro ngayon sa isipan. “Babae ba?" anito nakatitig mabuti sa mukha ko na nashock ng sobra sa itinanong. Napalunok ako di alam kung dapat bang ibahagi ko na. Napasinghap na mabilis pang napahugot ng malalim na hininga. “Tama ako?" sabi niya pa ulit at tama siya. “Di naman po sa ganon na tulad ng nasa isip niyo." Sagot ko malalakas ang balong ng kaba. Napahinga ito ng sa pagbuga ng malalim niyang hininga sinabi nito. “Tama nga ako. May babae ka?" “Wala po." mabilis ko agad na sinagot. “Wala?" tumango ako. “Kung wala bakit nagbabagsakan yang pawis sa nuo mo." sabay tumawa at ginawa niya nalang biro. Napasinghap ulit ako. “Kasi po.." “Kasi ano?" sabi na itinanong. “Kasi di naman sa may babae ako. Mahal ko po ang asawa ko at di ko magagawa yon sa kanya. Nagkataon lang kasi.." “Anong nagkataon lang? Pwede bang nagkataon lang?" sabi niya ulit ng patanong. Muli ay napahugot ako ng hininga at napatingin ng diretso sa kanya. “Nagkataon po na nagkita kami ni Bianca.." “What?" gulat na nanlaki mata. “You're Ex?" tumango ako “So?" aniya nito ng umayos ng upo at dumiretso ng tingin ulit. Napalunok naman ako kakaisip paano ko ba dapat simulan ng tumunog ang cellphone ko. “Sagutin mo muna." sabi nito ng sinagot ko NANGINGINIG NA SINAGOT NI ANTHONY ANG TAWAG MULA IYON SA KANYANG ASAWA. “Okay sige mamaya nalang sa pag uwi ko." “Si Joyce?" tanong ni Ninong Chen. “Andiyan si Ninong Chen?" tanong ni Joyce. “Yes" “Pakausap saglit." sabi nito pakiusap na iniabot ko naman. “Kausapin raw po kayo." sabi ko at iniabot ang cellphone. Nag usap sila pero di ko alam ang sinasabi ni Joyce dahil di ko naman naririnig maliban sa panay ang tango ni Ninong Chen at seryoso na nakikinig sa mga pinag uusapan nila ng asawa ko. “Here kausapin ka raw ulit." Sabi ni Ninong Chen ng ibalik ang cellphone sa akin. “Babe, uuwi ka ba maaga?" tanong ni Joyce. “Titingnan ko." sagot ko seryoso ng napasulyap ako sa gawi ni Ninong Chen. “Okay sige bye!" saka ko na pinutol ang tawag ni Joyce. “So, ano na? What about Bianca? Huwag mong sabihin na nagkabalikan kayo?" Umiling ako. “So, ano?" pangungulit na tanong. “She's suffering torture with her husband. So I help her as a friend. Pero hanggang duon lang po yon. Nang tumawag siya sa akin at narinig ko ang mga sagutan nila ng asawa niya habang sinasaktan siya naawa ako..." “Duon nga lang ba? O baka may mas higit pang dahilan?" tanong ni Ninong Chen ng putulin na naman ang pagsasalita ko. “Hanggang duon lang po talaga wala ng iba. Saka mahal ko si Joyce. Mahal ko sila ng magiging baby namin at ayoko na masaktan siya kaya't di ko masabi na nagkita kami ulit ni Bianca." sabi ko sa kanya pero seryoso at nag iisip ito. “Pero sa nakikita ko may mas mabigat pa rin na dahilan, tama ba ako?" Umiling ako. “Mahal mo pa rin ba si Bianca o di ka pa rin nakakawala sa pang iiwan niya sayo nuon?" tanong na sabi na nag iintay rin agad ng sagot. Subalit napatahimik ako di agad nakasagot sa kanyang tanong. Mahal? Mahal ko pa raw ba si Bianca? May ibang mabigat pa raw bang dahilan sa pagtulong ko kay Bianca? May mas higit pa nga ba? Para na akong baliw na tinatanong at kinakausap ang sarili ko pero wala naman ako makuhang sagot dahil talagang di naman siguro ganon kung bakit determinado ako na matulungan siya sa kabila ng mga panloloko at pananakit nito ng magawa akong iwan nuon ng mga panahon na halos mabaliw at ikamatay ko ng saktan niya ako. Hanggang duon lang pero ang salita Mahal? Malabo na! Alam ko sa sarili ko na mula sa pagdating ni Joyce sa buhay ko malaki talaga ipinagbago ko. Malaki ang naging parte niya kung bakit nabago ako at naging ganito. Pero sa pagkakataon ngayon... Bakit sa pagdating ni Bianca nagulo ang isip ko. Hindi dahil sa naguguluhan ang puso ko pero nabulabog ang mundo ko sa muli namin pagkikitang dalawa. Haist! napatingin nalang muna sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD