Maaga pa lang umalis na ako sa bahay. Hindi na sana ako papasok ngayong araw ng bigla naman tumawag si Mr. Valdez na tutungo sa office ngayon para sa isang negotiation sa isang proposal project na sinusuggest nito may ilang buwan na ang nakakaraan.
“Sir ang aga mo ngayon? Pumasok ka pa rin?" tanong ni Gilbert halos araw-araw nga ay yun ang kanyang agad na tanong sa tuwing makikita ako sa pagdating niya ng office.
“Tumawag si Mr. Valdez papunta raw rito. Nakiusap na pumasok ako rito ngayon para sa proposal project na iginigiit niya nung nakaraan pa. Nareview mo ba?" Tanong ko sa kanya.
Tumawa si Gilbert.
“Bakit ako tinatanong mo? Ako ba yung boss rito?" Tawa siya ng tawa.
“Hindi ba? Akala ko isa lang akong ordinaryo na empleyado rito at ikaw ang amo ko." Tinawanan ko rin siya at tinaasan ako ng kilay at pinagsalikop ang magkabila niyang braso.
“Sir Choz huwag mo nga ako pinaglalaruan rito. Ako yung kinakabahan sayo at baka di mo binasa yung proposal project na ipinasa ko sayo." Aniya niya at habang nakatingin nakakagat pa siya sa kanyang labi.
“Nareview mo ba o binasa mo lang ba?" Anito na kanyang tanong sa akin.
“Sa tingin ko ay di mo man lang binigyan ng maikling panahon para mabasa o mapag-aralan yung ibinigay ko sayo na ipinasa lang din sa akin rito sa office. Abay nakakahiya mamaya oras na di ka makasagot man lang o walang maisagot kasi di mo binasa." Aniya pa muli at saka nanermon.
Sa totoo binibiro ko lang siya at nais ko lang maalis ang bahagyang distraction na nararamdaman ko ngayon ng hindi ko malaman ang mga pinaggagawa ko at napapasok.
Nahihirapan ako na baka ito pa maging dahilan upang masira at magkaroon ng distraction ang masaya at magandang pagsasama namin ng asawa ko.
Pero natatakot naman ako sa maling napapasok ko ng maging buhay ni Bianca ngayon napapakialaman ko na.
Hindi dapat pero nasasali na ako sa sitwasyon na hindi ko inaasahan na madadawit ako sa muli naming pagkikita.
Simula ng magkrus ang landas namin ni Bianca nagulo na ang isip ko at hindi na maayos ayos sa pumapasok si Bianca rito kahit pilit kong iniiwas pilit rin ang pagpupumilit na makapasok ito at dahilan para madistract ako ng tulad ng nangyayari ngayon.
“Sir Choz okay ka lang ba? Kasi kung hindi dadalhin nalang kita ruon sa clinic para matingnan ka ng nurse natin roon." Biro ni Gilbert ng mapansin raw niya ang pananahimik ko habang sinesermunan niya ako at dumadaldal. Hindi na raw ako nakikinig at bigla nalang lumipad isip ko.
“Sorry may bigla lang akong naisip." Napabuntong hininga pa ako saka napasandal sa upuan ko.
“Stress na naman ba sa asawa mo?" Umiling ako.
“Naku tama na nga yan pag-iisip mo ng baka mamaya hindi kayo magkaintindihan ng kameeting mo. Anong oras raw ba darating?" Anito na kanyang tanong saka ako napatingin sa relos ko.
“Baka hapon pa siguro." Anito ko.
“Bakit ang aga mo pumasok eh mamaya papala hapon ang dating ni Mr. Valdez?"
“Wala naman. Nais ko lang basahin ulit yung naipasa niya proposal project na kanya nabanggit na nais niyang muli na buksan." Sagot ko rito at saka bumangon sa pagkakasandal ko sa head board ng upuan na inuupuan ko.
“Ganoon ba." Sabi pa niya ng bigla nalang may kumatok at bumukas ang pinto at sabay kami napalingon ni Gilbert sa taong inilabas non.
***********
“Marco salamat sa food at pagsama sa akin. Sa totoo lang magulo isip ko sa ngayon at hindi ako mapalagay nitong mga nakaraan na araw. Para bang pakiramdam ko may nagbago sa asawa ko at may inililihim siya na hindi sinasabi sa akin. Kinakabahan nako sa bawat pagkakataon na makikita ko siya o makakasalubong sa loob ng bahay namin..." Nairelease ko agad yung hininga ko ng mapabuntong hininga ako ng malalim habang napahinto ako mga sinasabi ko.
“Marco sa inyong mga lalake kadalasan ba nagsisinungaling kayo sa aming mga babae?" Nang naitanong ko naman sa kanya at tumawa siya.
“Bakit mo naman naitanong? Palagay mo ba nagsisinungaling si Anthony sayo?" tanong nito ng mapahinto na sa pagtawa ng mapansin ang pagseryoso ko habang nakatingin sa kanya.
“Naisip ko lang! Siguro o baka lang naman. Kaya naiisip ko at nais ko lang malaman kung nagagawa niyo rin bang madalas na maglihim sa amin sa tuwing mayroon kayong di masabi-sabi? o kaya naman may bagay kayo na ayaw niyo talagang sabihin." Aniya ko sa kanya habang napapaisip pa rin at napahawi pa sa buhok kong biglang laylay ng di rin kasi ako mapakali sa mga gumugulo ngayon sa isip ko.
“Bakit sa tingin mo ba talaga na may tinatago sayo si Anthony na ayaw niyang sabihin? Baka naman pakiramdam mo lang na dala ng pagbubuntis mo?" Tanong niya sumeryoso.
Magpapaalam na sana ako ng bigla akong dalhin sa panibagong pag-iisip ng mameet ko ang babae na yon.
“Dahil ba yan sa babaeng nakilala mo kangina?"
“Ewan ko Marco pero.."
“Pero dahil ngayon nararamdaman mo na baka mayroon pa rin sa kanila ng sabihin sayo na may nakaraan sila? Nakaraan na nga ang sinabi di ba? Nakaraan means past na yon at lumipas na. O depende kung may present sila di ba?" nakatawa na biro pa ni Marco habang iniinis ako.
“Tigilan mo na nga ako." Sagot ko sa kanya ng maitulak ko siya palayo.
“Ang arte mo! Tigilan mo na nga pag-iisip sa kung ano-ano na bagay na makakasama lang sa inyo ng ipinagbubuntis mo. Saka past na yon siguro naman na tapos na ang sa kanila. Wala ng present na namamagitan ng dahil ikaw na yung present ng asawa mo ngayon. Bakit pa siya hahanap ng iba kung mas swerte naman siya sa present kesa sa kanyang past di ba?"
Tama si Marco bakit di ko nalang tigilan ang pag-iisip at past na yon tiyak na wala ng present na namamagitan sa kanila. Pero papaano kung nagkikita pa sila?
“Naku Joyce tigilan mo na pag-iisip at baka mapaanak ka pa riyan. Gusto mo bang mag ice cream?" tanong ni Marco.
“Kala ko ba iwas na ako ngayon?"
“Ngayon lang naman ng bago mo ilabas yang kambal makakain naman sila." Sagot ni Marco na naglakad na kami patungo sa floor kung saan may nagtitinda na ice cream.
“Masarap ba?" tanong niya at tumango ako.
Nakangiti na ako habang kumakain ng ice cream na Avocado flavor habang kay Marco mango flavor.
“Patikim ako." sabi ko ng bigla ako sumandok sa ice cream niya.
“Ang daya naman."
“Tikim lang naman." sabi ko.
“Ikaw talaga meron ka na kukuha ka pa talaga ng sa akin." parang bata na sinabi
Nginitian ko nalang siya hanggang maubos ko na yung ice cream ko.
“Marco salamat talaga sobrang saya ko ngayon at medyo nalimutan ko ng bahagya ang lungkot na nararamdaman ko. At ang iniisip ko tungkol sa asawa ko na madalas na di ko mabasa at pinagtataka ang kanyang ikinikilos."
“Huwag mo na isipin yon. Baka wala lang naman yon at talagang busy lang siya sa kanyang trabaho. Hayaan mo at makikita mo babawi rin sayo yon at sa anak mo oras na makapanganak ka na. Iba na kasi pag may bata na sasalubong sa pag-uwi mo tapos papakarga sayo habang nilalambing ka kahit pagod mawawala lahat ng dahil sa munting angel na nag-iintay palagi sa pag-uwi." anito ni Marco seryoso.
“Marco may di ka sinasabi sa akin ano? May di ka nakukwento about sa buhay mo maliban sa nalaman kung doctor ka pala." Sabi ko seryoso na pinagmamasdan ko ang mukha nito at binabasa siyang nakangisi lang habang ako kinukulit siya upang umamin sa bagay na di niya pa nakukwento sa mga lumipas na taon ng magkakilala kaming dalawa.
“Saka nalang Joyce. Saka nalang tayo magkwentuhan tungkol sa buhay ko. Ayoko na makaapekto pa sa iniisip isip mo ang bagay na pinagdadaanan ko ngayon." sinabi lang niya at di kinumpleto ang mga detalye at nag-iwan pa ng palaisipan.
“Isang araw malalaman mo rin ang mga tungkol sa buhay ko. Makikita mo akong nakangiti sa harapan mo pero tulad mo, gaya mo dumadaan rin ako sa sitwasyon na gaya ng normal na pinagdadaanan ng iba. Pero sa kabila ng lahat sinisikap kong unawain at magpakatatag dahil alam kong di naman ako nag-iisa ng dahil naririyan ka." Sinabi niya bago pa kami nagbalik sa hospital.
Ano kaya yon?
“Aray! Magdahan-dahan ka naman." inis na naibulalas ko ng bigla nalang ako mabangga sa isang matigas at malaking katawan.
“Joyce" napasinghap ako ng makita ang mukha nito.
Sa dinami rami rin ng makikita at makakabangga ko siya pang itsura pa lang manyakis na.
“Ikaw pala." walang gana na sinagot.
“Kamusta? mukhang manganganak ka na?" sabi niya.
“Oo malapit na." Ganon pa rin ang uri na pagsagot ko sa kanya
“Huwag ka naman ganyan. Pakiramdam ko di ka masaya na makita ako." sinabi niya.
Sino ba sasaya na makita siya?
Kung pwede nga lang huwag ko na makita kahit kelan ang pagmumukha niya at nakaiirita.
“Okay lang!" walang pakialam na sagot ko sa kung anong isipin niya.
“Sa nakikita ko nga na di ka talaga masaya." Sabay tumawa siya ng malakas.
Napabuntong hininga naman ako sa punto na yon parang ayaw ko siyang makita at nais ko ng sipain palayo sa harapan ko ng di na makita o masulyapan ng mata ko.
“Ano ba kasing ginagawa mo rito?" inis na naitanong ko sa kanya sa pagtawa tawa niya.
“Ahh wala may dinalaw lang ako. Alam mo parehas na parehas kayo ng asawa mo ayaw na ayaw na makita pa ako. Ano ba yan! Ano bang nagawa ko at galit na galit kayo sa tuwing makikita niyo ako? Wala naman akong ginawa na natatandaan para magalit kayo ng ganyan?" anito pa niya na kangina ko pa siya nais talaga tadyakan.
Ang yabang talaga kahit kelan kakainis sana umalis na siya at ayoko madagdagan pa ang nagpapabigat sa akin na kangina ko pa naiisip.
“Okay! So di ka pa ba aalis?" sabi ko pabalang.
Tumawa na naman siya ng pagkalas nakakainsulto na.
“Talaga bang pinaaalis mo na ako? Sa sinabi mo parang kangina ka pa nagnanais na huwag na akong makita?"
Obvious ba at kailangan pang itanong ng siraulo?
“Yung asawa mo mag-iingat ka roon ahh! Baka mamaya di mo alam na tinitira ka na patalikod. Este niloloko ka na pala harap-harapan ng di mo alam. Kaya mag-iingat ka at baka mas masakit oras na malaman mo na." Ang iwan pa siya ng mensahe na malabo sa akin.
“Ano bang pinagsasabi mo?" Sabi ko ng pasigaw na medyo malayo na siya sa kinatatayuan ko.
“Wala naman! Isang paalala lang na di ka masaktan. Isang paalala ng isang kaibigan para sa kaibigan na ayaw naman sa kanya." nangisi na sambit pabalik sa akin.
“Take note! Huwag kang maniwala basta sa sinasabi o pinakikita sayo. Maging mapagmatyag at mapanuri ng di ma mabulag sa magagandang bagay na ginagawa o pinakikita nito." Sinabi pa muli niya ng tawagin ko siya.
“Hoy! Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan at ano bang tinutukoy mo?" sigaw ko pa rin habang sinubukan kong lumapit sa kanya.
“Anong sinasabi mo?"
“Sorry! Busy na ako. Next time nalang ulit sa susunod na magkita tayo. Sa ngayon isipin mo nalang muna at hanapin ang sagot sa ilang paalala na nabanggit at sinabi ko. Pero tulad ng paalala ko maging mapanuri at mapagmasid para di ka mabulag sa panlabas mong nakikita." Sinabi na naman nito at tuluyan na siyang lumakad palayo ng di niya sinabi ng malinaw ang mga tinutukoy nito.
Naiwan na naman ako nag-iisip habang nag aantay kay Marco na may dinaanan lang saglit ng magawa akong iwan ng makita mo naman ang isa pang demonyo sa buhay namin ng asawa ko.