“Kararating mo lang?"
Naalipungatan si Joyce na kanyang naitanong ng magmulat siya ng mata ng maramdaman ata ang pagtabi ko ng halikan ko siya sa kanyang nuo.
“Sorry!" Aniya ko.
Dahan-dahan pa siyang gumalaw at pilit na ibinabangon ang kanyang katawan. “Bakit ngayon ka lang? Hindi ka naman ganyan?" anito na kanyang tanong na naman at tila pa magsususunod na siyang mangunguwestyon sa kanyang uri ng pagtatanong.
Napasinghap ako na tila ba nauubusan na ako ng dahilan sa paulit-ulit at iisang dahilan na madalas kong sabihin sa kanya.
“Babe matulog na tayo inaantok na ako." Sabi ko nalang sa kanya pag-iwas sa kanyang tanong.
“Pagod ako magpahinga na muna tayo." Aniya ko pa at nauna ng nahiga sa tabi nito habang siya nakaupo at yakap ko ang tummy niyang pagkalaki.
“Baby kamusta? Sorry late si Daddy. Namiss ko kayo ni Mommy." aniya ko ulit saka humalik.
Subalit sa pagpikit ko ng mga mata ko. Nakatulog na pala akong nasa ganoong pwesto at sa paggising ko nakatalikod si Joyce at hindi ko man lang namalayan at naramdaman ang siyang paghiga o kahit ang pag-alis nito ng braso ko na nakayakap sa kanya.
Maingat akong bumangon at saka tumungo sa aking lamesa para magtrabaho at ayusin ang mga ilang dapat kong tapusin.
“Hindi ka papasok?" tanong ni Joyce ng mapalingon ako sa kanya habang nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa kong report para sa ilang reports rin na naisubmit sa akin ng team.
Nirerevised ko lang at kailangan na rin ni Gilbert ito sa pagpasok niya mamaya sa opisina.
Hindi ko man siya napansin ng magising. Narinig ko nalang na nagtanong ito at sinagot ko.
“No, I decided na magstay ako this day for the whole day. Dito muna ako sa bahay magtatrabaho para naman makabawi sa inyo ni Baby." Aniya ko na isinagot sa kanya ng hindi na nalingon matapos na ibalik sa ginagawa ko ang atensyon ko.
Hindi ko na siya narinig pang nagsalita at hindi ko rin siya naramdaman na lumapit sa akin. Dahil wala naman na Joyce ang lumapit madalas niyang ginagawa sa tuwing magigising at tatanungin ako.
Ramdam kong nagtatampo talaga siya
Ramdam kong may kakaiba rin sa kilos niya ng lumagitik nalang ang pinto ng sumara iyon.
**********
“Oh! Bakit ikaw lang bumaba? Nasaan na asawa mo?" Aniya ni Ellen ng makitang wala sa likod ko at hindi sumunod si Demon.
Nagtatampo rin kasi ako sa kanya at umaga na siya nakauwi ng maalipungatan ako at maramdaman siyang tumabi sa tabi ko ng magawa niyang halikan ako sa nuo.
“Busy pa! Hayaan mo lang." Anito ko sagot ko at sinabi. “Pahingi naman ng water nauuhaw ako."
“Wait lang." Nagmamadali pang lumakad si Ellen sa pagbalik bitbit ang baso na may tubig.
“Heto inumin mo. Nagugutom ka ba?" Tanong niya at tumango ako.
“Sige maghahanin na ako. Intay ka lang muna." Anito na sagot sabay lakad takbo na nagmadali na tinungo ang loob ng kusina at naiwan ako sa dinning table na nakaupo.
“Bumili ako pandesal. Gusto mo ba?" Anito na bitbit ang dalawang plato na laman ay tusino, itlog at piniritong hotdog.
“Walang tuyo?"
“Huh?" gulat na napalinga.
“Dried fish ba? Wala kang pinirito?" Tanong ko ulit sa kanya.
“Tama na, lagi nalang maalat ang inuulam mo."
“Bakit yang hinanda mo ba walang alat?" anito na inis na isinagot ko sa kanya.
Sumasagot pa ako naman kakain at hindi siya. Ngayon lang din naman ako naghanap at di naman madalas.
“Bukas nalang." Sabay talikod na at sa pagbalik kanin ang siyang bitbit.
“Kumain ka na. Baka magutom pa yang bata sa loob ng sinapupunan mo. Samahan mo nalang ng saging at heto kangina ipinagbalat at pinagtadtad kita ng prutas at gumawa nga pala ako ng salad. Mamaya ilalabas ko matapos nating mag-umagahan." aniya ni Ellen na pilit na nilagyan ng kanin ang plato ko.
“Aakyatin ko lang si Kuya Anthony sa taas para tawagin at makasabay na natin sa umagahan." Aniya niya ulit saka lumakad papuntang hagdan na nagawa ko pang sundan ng tingin.
Dapat hinayaan nalang niya na hindi mag-umagahan si Demon. Tila wala naman pakialam at sabi babawi. Hindi nga siya lumingon sa akin ng sagutin niya ako ng tanungin ko kung hindi ba siya papasok ngayon. Pero saglit siyang nalingon pero bumalik rin ang tingin sa ginagawa matapos na makita ako at saka sumagot habang siya nagsususulat at hindi man lang ako tinanong kung nagugutom na ba ako.
Napakalaki ng pagdududa ko na may kakaiba sa mga kilos nito at yon ang nais kong malaman at tila ba naiwas siya sa mga nakalipas na araw.