CHAPTER 20

2022 Words
“Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ng minamadali niya akong magbihis matapos namin mag-almusal. Hindi rin siya nakatiis at bumaba rin makaraan na sunduin ni Ellen para againw kumain. “Basta gumayak ka nalang." Anito niya pilit na pinagagayak ako habang siya tumungo ng mabilis sa banyo para maligo. Ano bang nangyayari sa kanya ngayon? Alam naman niyang naiinis ako sa kanya. Bakit kailangan niya ako pilitin kung ayaw kong sumama? Napahilamos ako sa mukha ng masalat na basa na pala yon ng pawis. Hindi kasi nakaopen yung aircon at kakaakyat lang din namin ng buhatin ako. Binuhat niya ako paakyat ng kwarto kahit napakalaki na ng tiyan ko. Para bang walang pakialam na napakabigat ko kaya! “Joyce may time ka ba mamaya?" Si Marco nagtext pala. Bakit kaya? “Bakit? May problema ba?" tanong ko ng replyan ko siya. “Magpapasama lang ako sana." sagot niya sa reply ko. Bakit sa'kin talaga magpapasama kahit alam niya at madalas sabihin na huwag na ako pagala-gala sa kung saan ko gusto magtungo. “May ipakikita lang ako sayo sana." Anito na sabi pa ng magpadala ulit siya ng text. Pupunta lang pala siya rito at susunduin ako. Sabi ni Marco. Dadaaan lang pala at sasamahan ko lang siya duon sa store na may bibilin raw sana siya. Reply niya pa ulit. Hindi raw magtatagal! sabi pa niya ulit sa text messages na sunod-sunod na kanyang pinadala. “Kaya lang aalis raw kami ni Demon. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Pwede bang bukas nalang?" aniya ko sa reply ko at tinanong si Marco. Huwag lang sumama loob at hindi ko masasamahan siya ngayon. “Okay sige! Walang problem bukas nalang tayo magkita susunduin nalang kita." Anito niyang sagot ng tumunog ulit. “Saan pala kayo pupunta? Bati na ba kayo?" tanong ni Marco ng maalala siguro yung pinag-uusapan namin ng huli kaming magkita. FLASH BACK “What?" Nagulat pa si Marco sa naikwento ko. “Baka naman busy lang talaga. Huwag mo muna lagyan ng malisya yung napapansin mo sa kanya." Aniya. “Pero hindi! Iba talaga pakiramdam ko. Lalake ka rin Marco at maaari mo rin mabasa ang nasasaisip ng isang lalake na tulad mo. Babae ako, asawa at alam mo kung bakit ganito ang pakiramdam o nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko si Demon at sa ilang taon na natutunan ko siyang mahalin ngayon ko lang siya napansin na tila ba may kakaiba sa kanya. Hindi naman siya ganyan nuon. At lalong hindi pa kahit kelan siya nagkaganito. Ngayon lang sa hindi ko mabasa o malaman kung ano bang dahilan at parang ang laki ng ipinagbago niya." Anito ko ng sagutin ko yung sinabi ni Marco. “Pero kasi! Anong malay mo na busy lang siya sa kanyang trabaho? Baka naman maling conclusions lang yang nararamdaman mo o tulad ng madalas kong marinig rin sa iba o magkakarelasyon. Tamang hinala! Oo, tama. Tamang hinala at dahil diyan madalas masira ang pagsasama ng isang couple. Baka naman may ibang dahil at hindi babae ang dahilan. Anong malay mo ba may ilang problema na gumugulo ngayon sa isip ng asawa mo o baka mamaya nastress lang yon sa nalalapit mong panganganak." Wika na naman ni Marco habang nakikipagtalo sa kanya. “Hindi Marco. Sigurado ako may naiiba sa kanya. Maari na may babae nga siya at ayaw niya lang malaman ko iyon kaya siya nagkakaganyan at umiiwas sa akin para lang maiwasan niya ako magtanong." Sagot ko pa sa kanya. “Saka Marco! Kung may problema sa kanya o sa akin. Sa aming dalawa. Hindi ba dapat na pag-usapan naming dalawa hindi ang umiiwas siya?" Pumatak na pala yung luha kk at napaiyak. “Kasi Marco kung may babae siya. May problema ba siya sa ugali ko nitong mga nakaraan. Maaari naman namin na mapag-usapan yon di ba? Maaari naman naming ayusin. Hindi sa paraan ng pag-iwas niya." Sabi ko pa muli habang pinunasan ang mga luha ko “Marco, nasasaktan rin ako sa nararamdaman ko at ipinararamdam niya sa akin. Mahal na Mahal ko siya. Kaya't sa punto na ito ako yung higit na nasasaktan sa kakaisip ko kung bakit tila ba umiiwas ang asawa ko. Sino bang papasok sa kumpanya na ganuon kaaga? Wala pang liwanag sa labas kung minsan umalis siya at madalas na rin siyang gabihin kung umuwi. Sino hindi magdududa roon? Hindi hindi masasaktan sa ganuong ginagawa niya?" Sabi ko napahagulhol sa iyak. “Tumigil ka na nga alam mong buntis ka maawa ka sa kambal na dinadala mo. Dahil kung nasasaktan at nahihirapan ka. Higit na nahihirapan yung kambal habang nasa loob mo pa lang sila. Kaya huwag ka na mag-isip pa at kalimutan mo na yang problem mo sa asawa mo. Bakit di tayo mag-enjoy ngayon? Maglaro tayo gusto mo ba?" Sabi ni Marco pangungumbinsi para maiwasan ko na ang mag-isip at mag-alala sa mga ginagawa ni Demon. END OF FLASH BACK “Hoy! Joyce sumagot ka! Huwag mong sabihin na nag-iisip at nag-iinarte ka na naman? Sinabi ko na sayo na tigilan mo na yan di ba?" Aniya na nanermon pa ulit at para bang galit ang kanyang pagsasalita at pasigaw. Natigilan ako ng bumukas yung pinto ng banyo at inilabas si Demon. Ang asawa ko na tanging towel nalang ang nakatakip sa matikas na pangangatawan nito. Pumayat na nga eh! Sa dami siguro ng isipin. Ang sabi niya nuon sa akin. “Joyce!" naririnig ko na tawag ni Marco. “Babe sino kausap mo?" Aniya ng papalapit tinanong agad ako. “I am sorry later nalang tayo mag-usap tatawagan nalang kita." Mabilis kong ibinaba yung tawag ni Marco at tumayo. “Babe di mo sinagot tanong ko. Sino yung kausap mo?" tanong pa muli ng asawa ko na mabilis kong iniiwasan. Tumakbo na ako sa banyo at binitbit ang damit na kinuha ko habang nakikipag-usap ako kay Marco nakuha naman ako ng damit na masusuot. Nakahinga ako bahagya pero buti rin sa kanya. Tama lang di ko sabihin kung sino kausap ko ng di naman din niya sinabi o sinagot ng ilang beses ko siyang tinanong kung sino kausap niya sa tuwing may tatawag ng biglaan sa kanya. Naligo ako ng mabilis at saka nagbihis na sa loob ng banyo. Hindi na ako lumabas at dito na rin nag-ayos ng mukha ko ng maging pala bag ko nabitbit ko ng sa pag-iwas ko sa kanya akin pala nadala. Ayan okay na ako! Malaki lang talaga tingnan sa akin ang umbok ko na tiyan. Nang matapos makapag-ayos lumabas na rin ako ng banyo ng makapagdesisyon ng mapansin kong ayos na itsura ko. Pero nagulat ako ng papalabas na si Demon at nagmamadali na bitbit ang bag niya. “Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya bago pa mapihit ang seradura. “Babe, I am sorry may kailangan akong ayusin. May kailangan akong puntahan. Pasensya na talaga." Sabi niya at nagmamadali na siyang lumabas. Mabilis na tumulo ang luha ko at umagos sa mukha ko ng lumapat ang pinto. Hindi na niya kasi inantay na makasagot ako at lumabas na siya ng pinto. Napaupo nalang ako sa kama ng makalapit roon at umiiyak. Iniisip ko kung ano bang problema sa asawa ko na bakit ba lagi nalang siyang ganito nitong mga nakaraan lang. Punas ko ang aking luha ng may kumatok sa pinto. “Ate Joyce" Si Ellen pala tumatawag mula sa labas. “Bakit Ellen?" Tanong ko ng sagutin ko siya at buksan niya ang pintuan sa kwarto naming mag-asawa. “Ate Joyce okay ka lang ba?" Umiling ako. Hindi ako okay ang pakiramdam ko may mali talaga ngayon sa pagsasama naming mag-asawa. Hindi ko alam kung ako ba may mali o siya. Hindi ko rin alam kung dapat ko ba siyang komprontahin o huwag nalang at manahimik nalang ako at mag-intay hanggang masabi niya. Napakasakit ngayon pang malapit na ako manganak saka pa siya nagkakaganito. “Ate Joyce gusto mo bang ikuha kita ng maiinom?" Tanong ni Ellen at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. “Sige Ellen, please paki kuha mo muna ako ng tubig at nauuhaw ako." pagsisinungaling ko. Sa totoo lang ayaw kong makita niya pa ang patuloy na pagpatak ng luha ko habang mabibilis ang pag-agos. Pinahid ko ng kamay iyon habang di napigilan ang mapahagulhol. Pinahid ko muli ng aking kamay ang luha ko. Napasama ng loob ko at sabi niya babawi siya ngayon pero anong ginawa at nilayasan na naman niya ako. “Ate Joyce tissue po." iniabot niya yung tissue na nakuna ni Ellen sa table ng asawa ko. “Salamat Ellen." sambit ko ng sumabay ang aking pag-iyak. “Ate Joyce okay ka lang ba talaga? Bakit ka umiiyak? Nag away ba kayo ni Kuya Anthony? Kasi nagmamadali rin siyang umalis at di ko mabasa ang itsura niya." Sa sinabi ni Ellen mas lalo pang bumuhos ang luha ko. “Ate Joyce tama na po. Makakasama lang sayo at sa baby mo ang labis na pag-iyak. Bakit di po kayo mag-usap ni Kuya Anthony at ayusin kung may namamagitan na problema sa inyong dalawa? Bakit di mo siya tanungin kung ayaw niya po magsabi. Baka lang natatakot yon at ayaw lang na mag-alala ka pa kaya't ayaw niya lang na mag-isip ka at masali sa kung ano man ang pinagdaanan ni Kuya Anthony. Parang di mo pa kilala yong asawa mo at pasasaan ay sasabihin rin niya sayo kung ano yung problema niya kalaunan." “Pero, Ellen pakiramdam ko talaga may kakaiba sa Kuya Anthony mo. Ibang iba talaga mga kinikilos niya nitong mga nakaraan na hindi na man siya naging ganon sa ilang taon na magkasama kaming dalawa. Oo, madalas kami magkatampuhan, mag-away at kung minsan nagiging matanong ako at makulit pero dala lang naman yon kung gaano ko siya kamahal. Pero ngayon pakiramdam ko talaga may mali at hindi ko alam kung ako ba may mali rito o siya. Baka rin naman kaming dalawa pero di ba dapat na pinag-uusapan yon tulad ng normal na mag-asawa?" Tumango si Ellen sa mga sinabi ko sa kanya. “Nangako kami Ellen na anuman ang problem sa pagsasama namin dapat lang ayusin namin yon ng sabay. Pero si Kuya Anthony mo oara bang iniiwasan talaga ako. Kita mo nga ang sabi niya babawi siya sa amin ng anak niya. Pero paglabas ko ng banyo naabutan ko nalang siyang papalabas na ng pinto at nagmamadali. Hindi nga sinagot ng maayos ang tanong ko sinabi lang niya na kailangan niyang umalis at may kailangan siyang ayusin." “Baka nga meron pala Ate Joyce. Hindi naman basta magtatago yon sayo at maglilihim sa takot na mawala kayo ng anak niya sa tabi niya. Alam mo naman mahal na mahal ka non at alam ko dahil saksi ako sa ilang taon niyo na rin nag sama ng kayo rin mag-asawa ang siyang kasama ko sa mga taong lumipas na yon. Intayin mo nalang muna at tiyak na magsasabi rin siya sayo. Si Kuya Anthony pa ba takot lang non sayo at kahit dulo ng daliri mo di kakayanin nun na saktan." Biniro pa ako ni Ellen at saka siya tumawa ng malakas. “Puro ka kalokohan Ellen. Seryoso na usapan dinaan mo pa sa biro kahit alam mo nang nahihirapan ako at nabibigatan sa mga iniisip ko tungkol sa Kuya Anthony mo. Dadaanin mo pa ako sa pagbibiro mo na di naman nakakatawa." Sabi ko ng mapahugot ako ng hininga sabay mapahikab. “Kita mo na Ate Joyce antok lang yan itulog mo nalang at nang mabawasan ang bigat na sinasabi mo. Malay mo paggising mo ay mawala na lahat o kahit sana gumaan nalang." Sabi pa muli ni Ellen. “Ikukuha lang kita ng tubig sa baba. Dito ka lang muna at pati prutas ipaghihiwa nalang kita ng kainin mo baka sakali yang sinasabi mong nagpapabigat sayo masama sa pagkain mo at matangay ng mawala na." Biro na naman niya saka lumabas ng kwarto. Pero ang bigat talaga. Sobrang bigat at parang nanikip pa ang dibdib ko sa kakaiyak. Kaya't sumandal muna ako habang nag-aantay sa pagbabalik ni Ellen para sa tubig na pinakukuha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD