Sa buong araw na iyon, pumutok ang balita tungkol sa pagpanaw ng mag-asawang Ricaforte. Both the business and fashion world mourned for them.
Mas maingay nga lang ang parte kung saan ay hindi maiiwasan. Kung sjno ang maiiwan para pamahalaan at pamunuan ang kompanya ng mga Ricaforte. That's the cruel part of being in business, gaano man kasama o kasakit ang pinagdadaanan ng isang negosyante, lagi at lagi pa ring inuunana ang kapakanan ng kompanya.
Once na vulnerable ang kompanya, gagamitin iyon ng mga kakompetensya for their own gain. One company's vulnerability is another opportunity for the others.
The law of the jungle is the law in the world of business. And no one wants to be a rabbit, they all thrive to be the tiger.
Walang pakialam kung sino man ang masagasaan. Katulad na lang ngayon. Tagilid ang status ng stocks ng mga Ricaforte. May nauna nang nagbenta ng stocks at dahil negosyante rin ako, I used the opportunity to buy some.
Hindi naman kasi ako naniniwalang mawawala sa limelight ang kompanya ng pamilyang iyon. That's given, they've been here for decades.
There's Rafael Ricaforte. Bukod sa isyu regarding sa ina nito, matalino at magaling naman sa negosyo. Kaya nga kahit may ilang naging isyu ang kanilang kompanya, nananatili pa rin ito sa itaas. And there's the superstar Ricaforte, ang balita ko ay nagte-training na to lead one of their companies. Mukhang maayos din naman at nagmana sa ama.
Ilang taon pa lang ako sa mundong ito pero marami na akong natutunan. Hindi naman kasi pang-mahina ang pagnenegosyo. Dapat alam mo kung kailan ka hahakbang o aatras. Kailangang buo ang loob sa kung anong desisyon.
Ganoon pa man, I never do illegal deals. Against iyon sa paniniwala ko. Malaking bagay din na kahit paano ay medyo naiiba ang linya ng negosyo ko.
"You bought some stocks from the Ricafortes?" gulat na tanong ni Kuya Leon. "Akala ko kahit paano ay kaibigan mo 'yong si Sabina?"
Kunot-noong sinilip ko ang binabasa n'ya sa cell phone. Isa iyong online news at nakalagay doon ang listahan ng mga bagong naka-acquire sa stocks ng nasabing kompanya.
"Buying some stocks from them is not enough to define my relationship with her, Kuya. Negosyante ako and I did that for my business." I leaned on my seat. "And one more thing, we're just old acquaintances and its been years since then."
Sakay kami ng family car at wala pang sampung minuto mula nang sunduin ako sa condo. Magkasama kami ni Kuya Leon sa sasakyan at nauuna ang mga magulang namin kasama si Kuya Isko.
Mahigit na isang araw pa ang pinalipas nina Papa para bumisita sa lamay ng mga namatay na Ricaforte. Para raw bigyan ng pribadong panahon ang mga naulila. My parents are very much aware of that etiquette.
"But they're losing millions!"
I glanced at my brother. Minsan, napapaisip ako kung bakit sobrang magkakaiba kaming magkakapatid kahit na wala namang pekeng anak sa amin.
Sa isang sagot lang ako dinadala ng isiping iyon. Of course naiiba ako dahil forte ko ang pagnenegosyo at sila naman ay sa sports. Oo nga at pinamamahalaan na nina kuya ang ibang negosyo ng pamilya pero iba pa rin iyon kumpara sa akin na nagsimula talaga sa umpisa.
"This is an opportunity for me and an extra help for them. Matatahimik ang negative rumors about their company kung makikita ng publiko na marami pa ring interesadong bumili ng kanilang stocks," mabagal na paliwanag ko. "And I never bargained for the price. Malaking bagay iyon dahil hindi rin naman biro ang halaga niyon."
Kuya Leon sighed. "Hindi pa rin magandang tingnan."
Hindi na ako nagsalita. Tinapik ko na lang ang balikat ng kapatid at ipinikit ang mga mata.
Kung tatanungin ako kung nadismaya ba ako sa reaksyon ng kapatid. Kahit ilang beses pang itanong, mananatiling hindi ang sagot ko.
I'm so used to it. Iyong nami-misinterpret ang mga bagay na ginagawa ko, sobrang sanay na ako.
That's old news, really.
Nahuhuli ang sasakyan namin kaya natural lang na mahuli rin kami ng dating sa mansyon ng mga Ricaforte. Marami pang ibang sasakyang kasunod ng sa amin kaya kaagad kaming bumaba nang mag-park ang kotse sa grand staircase ng mansyon.
Kung hindi lang lamay itong pinuntahan namin, pagkakamalan kong isa itong gala event. Bukod sa bigatin ang mga bisitang nakikita ko, panay negosyo rin ang naririnig kong paksa ng usapan sa paligid.
Nakaalalay sa akin si Kuya Leon nang akyatin namin ang staircase. Nasa dulo niyon ang mga magulang namin at kami na lang ang hinihintay.
"Ma, 'Pa," bati ko bago humalik sa pisngi ng dalawa.
"I want you all in your best behaviour, understand?" Papa asked in his usual cold tone. Tatlo kaming sinabihan n'ya pero sa akin nakatingin.
"Let's not draw some attention, Sofia Laura," my mother's sweet voice resonates. Her voice, as sweet as it may sound pero kapag ako ang kausap, it's like a poison.
Tumango na lang ako.
Para sa akin naman talaga iyon. Sofia Cosmetics is thriving. Talk of the town kaya kahit ayaw ko, laging sa akin napupunta ang atensyon ng mga negosyanteng nakakasalamuha ko.
And my parents, instead of feeling proud, they never acknowledged that. Naroon pa rin sila sa paniniwalang isang kasalanan sa legacy ng pamilya ang ginawa ko.
That I am a Nuvali so I must do what the Nuvalis do the best.
Nang pumasok ako sa malawak na bulwagan to pay my respect, agad na natunugan ko ang kaplastikan ng kalahati ng mga bisita. Some are really here to mourn with the bereaved. Mas madami nga lang ang pumunta rito for their own agenda.
I'm with the latter.
Nasa malawak na hall ang mga labi ng grandparents nina Sabina. May isang oras din akong nanatili roon para ipagdasal ang kaluluwa ng mga yumao. Marami rin kasi ang gustong magbigay ng respeto kaya kinailangan ko pang maghintay na matapos ang mga nauna.
"Thanks." Tinanguan ko ang server na nagbigay sa akin ng red wine.
Nakalabas na ako mula sa hall at kanina ko pa pinagmamasdan ang mga taong naglalabas-pasok doon. Sumilip na rin ako sa mga dumarating pero hindi ko pa rin nakikita ang sadya.
Imposible namang wala rito si Markiel! Pero kahit 'yong mga kaibigan nila ni Sabina, hindi ko pa rin napapansin. Kahit isa sa kanila!
I sighed. May press na nasa labas ng village kaya baka nag-iingat lang ang lalaki dahil may rumor sila ni Sabina at hindi pa iyon natatapos.
But I really need to see him.
"Sofia Laura!"
Mabilis ang naging paglingon ko sa lalaki.
"I never thought of seeing you here," dagdag pa n'ya. His dimples are showing.
"Prosecutor Ledesma," bati ko.
"Ow! Wala ako sa court kaya let's be casual. We're friends, after all." Tumawa pa s'ya. "I think?"
Bahagyang natawa na rin ako sa pagiging easy-going ng lalaki.
"So..."
Itinuro n'ya ang loob ng bulwagan. "Same reason why you came here. I was one of their scholars. It's a pity na nawala na sila."
Parehong mahilig sa pagtulong ang dalawang matanda kaya siguradong nandito rin ang iba pang nilang natulungan para makiramay.
"How about you? Anong ginagawa mo rito sa labas?" He pointed inside. "I saw your parents and brothers there."
Nagkibit ako ng mga balikat. "You tell me."
Humalakhak lang ang guwapong prosecutor, hindi sapat para makakuha ng atensyon.
"Well, let me accompany you. Hindi ko kayang makipag-plastikan sa mga nasa loob. Bukod sa negosyo ang pinag-uusapan, puro mayayaman ang nandoon!"
Natatawang lumapit ako sa may fountain at agad naman s'yang sumunod. Naglakad-lakad kami hanggang sa makarating sa malawak na hardin.
"You're not bad yourself."
He came from a very humble background. Mula s'ya sa isang bayan sa Ilocos Sur at lumuwas sa Maynila para makipagsapalaran. Scholar s'ya ng mga Ricaforte hanggang sa makatapos s'ya ng law. And the rest is history. He's now one of the best prosecutor out there.
Aside from the rumors I heard about him being a devil in the court, he really made a name for himself. Kaya nga kahit paano ay magkasundo kami. Pareho kaming nagsimula sa wala hanggang sa makamit namin ang tagumpay na mayroon kami ngayon.
With Prosecutor Ledesma's presence, kahit paano ay nalibang ako. Hindi nga lang nawala ang pagmamasid ko sa paligid.
"Parang may hinahanap ka," komento ng lalaki nang sa wakas ay makalabas na kami sa hardin. Malawak iyon at talagang nangawit ang mga paa ko sa paglalakad.
"Not really. Tinitingnan ko lang kung sinu-sino ang mga bumibisita rito." I shrugged. "For future purposes, you know."
Tumaas ang kilay n'ya. "Really?"
Hindi ko na nabigyan ng atensyon ang reaksyon n'ya dahil bumulaga na sa amin si Reymond Ricaforte, Sabina's cousin and the current superstar in Asia.
"Sofia!" Bumeso sa akin si Reymond bago kinamayan ang kasama ko.
Sandaling nagbatian ang dalawang lalaki kaya nagawa kong pagmasdan ang bagong dating. Halatang nagluluksa dahil namamaga ang mga mata. Nevertheless, he still got the looks. The Ricaforte genes never disappoint, I guess.
"I have to go now, Sofi," paalam ni Prosecutor Ledesma while pointing to Reymond. "Mukhang hindi busy ang isang 'to so he can accompany you here."
Tinawanan ko na lang ang lalaki bago tumango. Hinabol ko pa ng tingin ang papalayong prosecutor bago hinarap ang nakangising si Reymond.
"Well, plano na ba ng mga Nuvali na magpapasok ng mula sa legal department?"
Umirap lang ako sa lalaki.
Sa circle ni Reymond, s'ya lang ang madalas kong nakikita at nakakausap. We also hang out sometimes at madalas din s'yang bumisita sa S Cosmetics. Natural lang dahil isa s'ya sa mukha ng brand ko.
"It's been a hard week, isn't it?"
Bukod kasi sa tuluyang pamamaalam ng mga yumao, nabalitaan ko rin na ilang beses pa silang dinala sa ospital. Kaya alam kong naging mahirap ang linggong ito sa mga Ricaforte.
"Worst." He hissed. "You bought some stocks?"
Nagkibit ako ng mga balikat. "Yeah. Business."
He nods. Inilagay n'ya ang mga kamay sa likod ng batok bago tumingala sa madilim na kalangitan.
Nanatili s'ya sa ganoong posisyon habang ako ay tahimik na nasa gilid lang. I let him ponder for the things he couldn't think these past few days.
"Kumain ka na ba?" Reymond asked after several minutes. "Ang sabi sa akin ay kanina pa kayo dumating. Nakita ko rin sa hall ang parents mo."
Tiningnan ko ang wine glass na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin. Kanina pa naubos ang laman niyon at hindi ko na nga na-refill-an.
"Just a wine for dinner?" Mabilis na napangiwi si Reymond. "That's a bad diet."
"Hindi rin naman ako magtatagal. Naglakad-lakad lang talaga ako sa garden n'yo."
A lie of course.
Wala sa plano ko ang magtagal pero hindi ko rin kinonsider na umuwi nang hindi man lang nakakausap ang taong pakay ko rito.
Reymond pulled my bag a bit. "Let's go upstairs. May pagkain doon and nandoon din ang mga kaibigan ko."
Mabilis ang naging pagtaas ng kilay ko. Plano ko talagang gamitin si Reymond para makita ang hinahanap pero hindi ko akalaing kusa n'ya akong tutulungan.
"Sino namang mga kaibigan?" kunwari ay walang pakialam na tanong ko. "Hindi ko magugustuhan kung irereto mo na naman ako sa mga kaibigan mong artista."
Reymond laughed cheekily. Kaya puro babae ang fans ng lalaking ito, e.
"Nah. Hindi ako nagpapa-overnight ng mga katrabaho rito sa mansyon." Itinuro n'ya ang ikalawang palapag. "All of my best friends are present upstairs. Siguro naman ay natatandaan mo pa sila, right?"
I faked a frown.
"Hey! Naging kaibigan mo rin sila back then." He pushed my shoulder playfully.
"Of course." I forced a laugh.
Totoo iyon. Bukod kasi sa maingay ang pangalan ng mga iyon during college, halos lahat ay nasa mundo ng pagnenegosyo ngayon kaya hindi puwedeng hindi ko maaalala.
Nagpatiuna si Reymond at ako naman ay nakasunod sa kanya. Iyon nga lang, tumitigil s'ya para hintayin ako kaya hindi nakaligtas sa akin ang ilang nagtatanong na tingin ng mga taong nadadaanan namin.
Pasimple akong napabuntong-hininga.
Sikat na artista si Reymond kaya normal iyon but for me, mas maganda kung hindi ako madadamay sa atensyong nakukuha n'ya. Mukhang hindi nga lang n'ya nahahalata na sinasadya ko ang mabagal na pag-akyat dahil talagang hinihintay n'ya ako sa tuwing titingin s'ya sa tabi n'ya at wala ako roon.
"Nandito rin kanina sina Gian and Ric," tuloy pa rin ang pagkukuwento n'ya. "Maaga nga lang umalis si Ric, may emergency yata. Si Gian naman, may meeting daw pero babalik din mamaya."
Tanging tango ang naging sagot ko. Wala naman kasi sa mga nabanggit n'ya ang interes ko.
Nang tuluyang makaakyat ay dumiretso na kami sa harap ng isang silid.
"They're here." Reymond opened the door.
And right there and then, I was greeted by chaos.