Chapter 1

2003 Words
It was never my intention. Hindi naman ako ganoon kasama para lang hingin na may mangyaring hindi maganda sa kahit sino, gusto ko man o hindi. Hindi ko rin hiningi ang tulong ni Markiel noong mga sandaling iyon. Hindi ko sigurado kung ano ang puwedeng nangyari kung hindi s'ya dumating at nakialam noong gabing iyon pero alam ko rin na kaya kong protektahan ang sarili ko. I know martial arts. Kaya nga malakas ang loob kong gawin ang gusto ko dahil kaya kong protektahan ang sarili ko, pisikalan man iyon. But he intervened! Kung sana ay hindi pero nangyari na at kinakain ako ng konsensya ko. Muli kong nilingon ang newspaper na nasa lamesa. Nasa sports section niyon ang recent update sa baseball prodigy dalawang linggo matapos lumabas ang balitang magpapahinga muna ito sa darating na season. "What the hell are you doing, Kuya? Why aren't you replying?" Inis na binitawan ko ang cell phone. Hindi pa rin kasi nagre-reply si Kuya Leon kahit na nakadalawang text na ako sa kanya. Oo, dalawang text pa lang pero para sa akin ay sobra na iyon lalo na at hindi ko naman ugaling mangulit sa mga kapatid, lalo na kung tungkol sa mga bagay na wala akong interes, mas lalo kung tungkol kay Markiel. Wala nga lang akong paraan para alamin kung ano talagang nangyayari kay Markiel, iyong balita na hindi galing sa mga newspaper o TV. Kung kumusta ba s'ya, nagte-therapy ba at uuwi ba s'ya rito sa Pilipinas o hindi. I glanced at the newspaper again. Ang sabi roon ay nasa bakasyon ang lalaki. Nasa isang bansa sa Europa at kung ano-anong historical places ang binibisita. May larawan pa ni Markiel at ng isa sa mga kaibigan nito. Kung hindi ako nagkakamali ay iyong maloko sa babae, Sebastian yata ang pangalan. "Sofia!" Muntik na akong mapatalon sa gulat. Nagtaka pa ako dahil nasa loob na ng opisina ko ang kaibigan at investor na si Vinci, ni hindi ko man lang s'ya naramdaman. "Wala ka na naman sa sarili, sissy?" Pinaliit pa n'ya ang malalim na boses. I tilted my head and looked at the door bago sa kanya. "Huwag mo nga akong tingnan na para bang isa akong nakakaakit na kriminal!" He laughed heartily. "Kumatok ako pero hindi ka nagbubukas ng pinto. Wala ka raw namang appointment sa kahit sino sabi ng secretary mo kaya pumasok na ako." Naupo s'ya sa katapat na sofa at nangungunot ang noong tumitig sa tambak na mga papel sa lamesa. "May problema ba?" I asked. Namimilantik ang mga daliring tumayo s'ya at dumiretso sa table ko. Kinuha n'ya roon ang newspaper. "Himala at natatambakan ka ng trabaho ngayon, Sofi?" Nagtaas ng kilay ang mahaderang lalaki. Naiiling na tiningnan ko ang kaibigan na may matipunong katawan pero may pusong-babae. He's wearing a corporate attire, mukhang kagagaling lang sa kung anong meeting. "Napapadalas yata ang pagbisita mo sa sports section ng newspaper na 'to?" Bumalik s'ya sa sofa at muling naupo. "Narinig ko rin ang tsismis na malapit ang pamilya mo rito kay Fafa Antonio dahil sa Oblique pala 'to nag-train?" Antonio. How ironic, ni kahit minsan ay hindi ko man lang naisip na mas makikilala s'ya sa pangalang iyon. Nagkunwari akong hindi interesado at hindi na lang magkomento. "In fairness, ang pogi ng isang 'to! Wala ba 'to sa circle of friends mo?" Nalipat na ang interes ni Vinci sa nakabalandrang larawan ni Markiel. "We're schoolmates in college," sagot ko. Mas mabuti nang bigyan ko s'ya ng kahit ilang detalye para hindi ako pag-isipan ng kung ano lalo na at mabilis makabasa itong si Vinci. Halos maghugis puso ang mga mata n'ya. "Really?" "But no, hindi kami magkaibigan. Malayo rin ang circle ko sa kanya way back." Ako naman ang naningkit ang mga mata. "Why?" Vinci giggled. "May lumabas kasing article online na nasa France itong si Fafa Antonio at may naglabasang old photos na magkasama sila niyong sikat na Pilipina'ng supermodel!" Malayo nga sa circle ko si Markiel pero agad na nahulaan ko kung sino ang tinutukoy ng kaharap. Iisa lang naman kasi ang kilala kong sikat na modelo na malapit sa lalaki. Si Sabina Ricaforte. "The heiress of the Ricafortes!" manghang wika ni Vinci. "At base sa mga espekulasyon, noon pa lang ay super sweet na ang dalawa at mukhang may relasyon talaga!" Muntik na akong masamid dahil sa narinig. Itong si Vinci, sasagap na lang ng tsismis, mali-mali pa. "There are theories about the two na dating couple pero dahil busy sa mga career, naghiwalay at mukhang seryoso si Fafa Antonio na i-pursue itong si supermodel. Pero syempre para hindi halata, kung saan-saan muna sa Europa gumagala!" dagdag pa n'ya. Nakagawa agad ng kuwento. "Talaga?" Pigil ang tawang tanong ko kunwari. Wala akong planong itama ang hinala n'ya dahil hindi naman ako involve roon, not my life to start with. "Oo, bruhilda ka!" Kilig na kilig pa ang mahadera. "Kaya nga usap-usapan na baka talagang itong si supermodel ang dahilan kung bakit nag-decide mag-sit out si Fafa. Isinama siguro iyong kaibigan para may alibi. Nagbakasyon siguro para asikasuhin ang kasal nilang dalawa!" Tuluyan na akong nasamid kahit wala namang iniinom. Dàmn this man! Kung ano-anong tsismis ang pinaniniwalaan! Si Markiel at Sabina, ikakasal? Nakakaloka. Iyon pa ngang ikakasal si Markiel, nakakatawa nang pakinggan, e. Well, may chance naman sigurong ikasal ang lalaking iyon pero alam ko rin kung kanino. Sa iisang babae lang naman nakatuon ang atensyon ng taong iyon. "You okay, Sofi?" Concerned pa ang itsura ng tsismoso kong kaibigan. "You should go," halos pagtataboy ko. "Marami pa akong gagawin at nakakaabala ka sa pagpapahinga ko." Inis na pumadyak pa si Vinci pero tumayo rin naman agad. "Ano ba 'yan? Ngayon na nga lang ako nagkaroon mg time na tsumismis, e!" Umiiling na hinila ko s'ya at halos itulak palabas ng pinto ng opisina. "Bye, Vincenzo!" Mapang-asar na nginitian ko pa ang nanggigigil na kaibigan bago mabilis na isinara ang pinto. Iyon ang naging routine ko sa sumunod pang mga araw. Kahit wala naman akong hilig, lagi kong inaabangan ang kahit anong news para makibalita sa nangyayari kay Markiel. Wala nga lang akong mabalitaang matino. Puro theory kasi ang nandoon at katulad ng sinabi ni Vinci, sina Markiel at Sabina ang bida sa mga espekulasyon. Mas dumami pa ang mga naglabasang pictures ng dalawa, iyong iba nga ay kuha pa noong college sila. Mas lalo tuloy nabuhay ang pagiging tsismoso ng mga tao. "Nagkalkal na nga lang sila, ni hindi man lang nila nakita na may Gabriella sa kuwento," naiiling na kausap ko sa sarili habang pinapanood ang isang entertainment news. Weekend at nasa condo ako. Katatapos ko lang tumakbo sa treadmill at tumigil lang talaga ako para bigyan ng atensyon ang nasa balita. Pilipino ang reporter at live ang balita. Nasa France ang nagre-report, sa mismong harapan ng kompanya ni Sabina. Hindi na ako nagulat nang itanggi ng side ni Sabina ang kumakalat na mga isyu. Mabilis lang ang report at dahil alam ko namang walang tungkol kay Markiel doon, pinatay ko na lang ang TV. I'm still trying to reach out, hindi nga lang sa kanya kundi sa kahit anong tungkol sa kanya. Mahigit dalawang linggo na yata mula nang hindi na ako makatulog nang maayos dahil sinusundot ako ng guilt. Kung sana lang ay umuwi na si Markiel nang personal ko s'yang matanong tungkol doon. Iyon lang naman kasi ang paraan. Wala naman kasing ibang nakakaalam ng nangyari noong gabing iyon sa Wroclaw kundi kaming dalawa lang. Malakas ang kutob kong doon nagmula ang injury n'ya pero gusto ko pa ring makasiguro. Kahit na hindi ko alam kung anong gagawin kung ganoon nga, kung ang pagliligtas n'ya sa akin ang dahilan ng pagkakaroon ng pause sa career n'ya. Ang tunog ng doorbell ang pumukaw sa atensyon ko. Kaagad na inilapag ko ang face towel at tinungo ang pinto ng unit. "Kuya!" Napoleon Nuvali graced my living room like a wounded warrior. Mukha s'yang tumanda ng ilang taon, stress siguro. Hinayaan kong makaupo ang kapatid. Dumiretso ako sa ref at kumuha roon ng bottled water. "It took you almost two weeks bago magparamdam sa akin." Iniabot ko ang tubig na kaagad n'yang kinuha. "Naging busy sa Oblique lalo na at tutulong tayo sa therapy at training ni Markiel," ani Kuya. Tumango-tango ako. Ibig sabihin ay uuwi nga ang taong iyon. Kailan naman kaya? Parang gusto yatang isa-isahin ang mga bansa sa Europe bago umuwi ng Pilipinas! "What training? Akala ko ba ay injured s'ya?" Kuya Leon looked at me. Nangunot pa ang noo n'ya. "Hindi ko alam na ganito ka ka-interesado kay Markiel, Sofia." I rolled my eyes dramatically. Sa oras na sabihin kong posibleng ako ang may kasalanan mg injury ni Markiel, siguradong isusumpa ako ni Papa. "Nagkasama naman kami for a couple of times during college, Kuya. Lagi pa nga akong ibinibilin ni Tito sa kanya noon kaya kahit paano ay naging magkaibigan naman kami. Concern lang ako," palusot ko. What a liar, Sofia Laura! Kuya Leon nodded. Ni hindi man lang n'ya naramdaman na nagsisinungaling ang paborito n'yang kapatid. "What I told you is very confidential, Sofia," he said seriously. "Hindi gustong ilabas ng Cardinals ang tungkol sa injury ni Markiel dahil wala rin naman s'yang sinasabi kung saan at kailan n'ya nakuha ang injury na 'yon. Kaya nagkasundo na lang si Markiel at ang kompanya n'ya na ilihim na lang muna ang tungkol doon habang nagpapagaling pa lang s'ya. Palabas lang ang tungkol sa training na sinabi ko. May ilang training naman s'yang gagawin sa Oblique pero parte iyon ng kanyang therapy." "Then, why did you tell me?" takang tanong ko. He hissed. Napakamot pa si Kuya sa batok. "I didn't intend to. Katatawag lang ni Papa sa akin noong nag-text ka. Galit na galit s'ya at pinapakumpirma sa akin ang totoong nangyari. Na-wrond send ako sa 'yo at kilala kita. Kaya hindi ko na binawi ang sinabi ko sa 'yo." Ako naman ang napailing. "So, please... wala kang ibang pagsasabihan, alright?" "Not my story to tell," magaang sabi ko. Of course, hindi akin... involved nga lang ako. "Kaya hindi rin kita ma-reply-an nitong mga nakaraan. Nag-iingat lang kami lalo at hindi kung sino lang ang pinag-uusapan natin— My brother stopped talking when his phone rang. "Excuse me, I meed to take this." Ipinakita n'ya sa akin ang caller. Si Papa. Sinundan ko na lang ng tingin si Kuya Leon nang tumayo s'ya para lumayo. I sighed. The call seems urgent. Hindi nga lang ako sigurado kung tungkol saan iyon, sa negosyo ba o sa personal na dahilan. Well, kahit naman alin sa dalawa, wala rin naman akong paraan para malaman iyon. Hangga't hindi sila ang magsasabi, mananatili akong walang alam. They always excluded me when it comes to those matters. Na para bang hindi naman ako parte ng pamilya. I already made a name for myself pero wala pa rin iyon, hindi pa rin sapat para sa recognition ng mga Nuvali. I may be behind S Cosmetics but for them, kulang pa rin, hindi pa rin ako karapat-dapat dahil lumihis ako sa legacy ng pamilya. "Sof..." Kuya Leon sighed. Mabilis lang ang tawag at katulad ng dati, he looks apologetic. I forced a smile. "It's okay, Kuya. Maayos naman ang lahat, right?" As Sofia Laura Nuvali, ako ang huling taong makakaalam sa kung anong nangyayari sa pamilya at negosyo. Minsan nga ay nakakalimutan pa nila akong sabihan kaya sanay na ako. I'm used to it. Masakit pero nakasanayan ko na. My brother sighed. "Papa told us to get prepared. We're going to visit the Ricafortes." Ricaforte? Ang pamilya ni Sabina? "Why?" "Their elders was rushed to the hospital but due to age, they passed away. Kanina lang." Agad ang naging pagtayo ko, gulat sa narinig. "Your schoolmate is said to be rushing home. She's with Markiel and mukhang magkasama na silang babalik dito sa Pilipinas." May mga sinabi pa si Kuya Leon pero iisa lang ang malinaw sa akin. Markiel Antonio is going home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD