Magulo at maingay ang eksena sa loob ng malaking kuwarto. Tanging ang dibisyon ng silid ang napansin ko dahil agad nang natuon ang mga mata ko sa mga kaibigan ni Reymond.
Sa ingay at gulo nila, mukhang kompleto nga sila. Their circle never failed to amaze me. Noon man at kahit ngayon.
The noise and chaos overwhelms me. Pakiramdam ko ay sandali akong nasakal dahil sa energetic ang mga nasa silid.
"Oh my God! Sofia! Kumusta ka na?"
Mabilis akong nakapasok sa silid nang hilahin at yakapin ako ni Gabriella. Hindi pa nga ako nakakasagot sa tanong n'ya ay hinawakan na ako ng tumatalon-talong si Sabina. Kung hindi dahil sa namamaga n'yang mga mata, hindi ko iisipin na nagluluksa ang babae.
Someone pulled me for a hug. "Sof!"
I almost freaked out when I looked at Sebastian. One of the most playboy of all time!
"Nakakasakit ka, ha! Ngayon na nga lang tayo nagkita, parang nandidiri ka pa sa akin!" His dimples showed.
"Sofia Laura Nuvali! What a surprise!" Even Josiah approached me with open arms.
Hindi ko na alam kung sino ang kakausapin sa kanila. Lahat naman kasi ay sumalubong at bumati sa akin.
Lahat. Except for one person. Huli na nang mapansin kong wala rito sa silid ang pakay ko.
"Oh, andito na si Mark!" Tinawag ni Chris ang kapapasok lang na lalaki. "Pre, narito si Sofia! Natatandaan mo ba 'tong pambato ko sa Miss U?"
"Tànga!" Binatukan ni Letticia ang lalaki nang makitang halos lumubog na ako sa kahihiyan.
Their energy drained me. And I think, kailangan ko nang umuwi para mag-recharge but...
Pasimple kong tiningnan si Markiel. He's holding a plate with some slices of kiwi.
Tumango lang s'ya sa kaibigan before sitting at the corner. His focus is on the fruit.
I sighed. Paano ko kakausapin ang lalaki kung parang may sarili itong mundo?
Kaya kahit nanghihina ako sa ingay ng magkakaibigan, nakisali ako sa kuwentuhan nila. Hindi naman mahirap gawin iyon, they invited me to stay for a while and I did.
Isa pa, I'm well-trained when it comes to social interaction. Kahit pa ayaw kong makisalamuha sa mga tao, kaya kong mag-switch ng personality sa isang social butterfly kung kinakailangan.
"Kaya pala mayabang ang pagmumukha nitong si Reymond. Backer pala 'tong si Sofia," pang-iinis ni Conrado sa pinsan kong abala sa pakikipagbulungan kay Letticia.
"I have nothing to do with his contract with S Cosmetics." Ngumiti ako. "The board wants him and the brand suits him so..."
Walang specific na topic ang magkakaibigan. Random iyon at sa totoo lang, halos hindi ako makasabay. Nahuhuli ako sa pagpapalit nila ng paksang pinag-uusapan. Sasagot pa lang ako sa tanong ng isa, nasa bagong topic na ang iba.
"Siyempre kapag hinampas or pinutol mo ang puno, masasaktan 'yon!" gigil ni Sebastian. "Alfonso, ikaw kaya ang tadyakan ko. Hindi ka kaya masaktan?"
"Gàgo, hindi ako puno!"
Sebastian raised his two arms. Pinagtabi n'ya ang mga iyon. "Pareho lang kayong mukhang tuod!"
"Tàng ina mo!"
Kanina lang ay ang estado ng produksyon ng palay ang pinag-uusapan. Hindi ko alam kung paano napunta sa mga puno.
"Actually, ang mali rito sa bansa natin, puro plano, kulang sa execution. Kung may execution naman, sa funds nagkakatalo. Corruption ang resulta," si Chris na mukhang pulitika na ang pinupunto.
"Naks! Iba talaga kapag may dugong pulitiko! Pero dahil kaibigan kita, iboboto pa rin kita kahit na puwede kang mangurakot!"
"Dàmn you, Josiah Calian!"
"Siguradong kapag nalaos itong si Reymond, sa pulitika rin bagsak nito!" Gabriella laughed.
And it goes on and on.
Paunti-unti kong tinanggal ang sarili sa nagkakagulong magkakaibigan. Nagkunwari akong may kailangang saguting phone call at hinayaan naman nila ako.
May balkonahe ang silid kaya dumiretso ako roon. Dahil medyo malayo at may sliding glass, hindi ko na naririnig ang ingay ng mga nasa loob.
I looked down. Wala nga lang akong makita dahil mukhang ang malawak na hardin ang nasa ibaba ng kinatatayuan ko.
"Bored or drained?"
Gulat na nag-angat ako ng tingin. Agad na nakahinga ako nang maluwag nang makita si Markiel. Akala ko talaga ay matatapos ang gabing ito na hindi ko s'ya nakakausap.
"Hindi mo gusto ang malaki at maingay na group so it's the latter." Sumandal s'ya sa railing ng balkonahe. "Or maybe, bored ka rin dahil hindi mo naman forte ang mga ganito, right?"
I didn't say anything. Ikiniling ko lang ang ulo. Wala akong ideya kung paano s'ya nakabuo ng ganoong konklusyon.
Tumango-tango ang lalaki. "Hmm. I see."
"What do you mean?"
"You've been like that, Sofia. Ever since." He emphasized the last two words. "Kahit noong college and even when we saw each other in Wroclaw."
Agad na nag-iwas ako ng tingin nang mabanggit n'ya ang lugar na 'yon. Bigla akong nakaramdam ng guilt.
"It's not because of what had happened back then," mababa ang boses na sabi n'ya.
When I raised my eyes on him, Markiel looked bored and sleepy. But aside from that, nandoon na naman ang iyong ekspresyon n'ya na para bang s'ya lang ang matalino. Iyon bang parang may alam s'yang hindi alam ng kahit sino.
"You're far from the social butterfly you're trying to be," walang siglang dagdag pa n'ya. "My best friends would exhaust you, Sofia. You don't have to pretend that you can fit in—
"What are you talking about?" Mahaba ang pasensya ko pero hindi ko maiwasang hindi mapikon sa mga sinasabi nitong si Markiel. Lalo na at mukhang hindi ako puwedeng magkunwari sa harapan n'ya.
Tumaas ang gilid ng labi n'ya.
"You came here because of me." That was a statement. Sigurado rin ang pagkakasabi n'ya.
In the business world, everyone told me that I have the ability to make others shut up. I'm known for using my words wisely.
But tonight, nakita ko na lang ang sarili kong halos nakanganga sa gulat.
Agad nga lang akong nakabawi. Wala naman akong mapapala kung tatanggi pa ako.
I eyed his shoulder. "How's your injury?"
"I told you, this has nothing to do with you. Thanks for the concern by the way." Mapang-asar pa s'yang ngumisi.
"Alam nating pareho kung bakit may injury ka sa balikat mo..." malumanay na sabi ko.
"Well..." Nagkibit s'ya ng mag balikat bago tumingin sa gawi ko. "Kung ang iniisip mo ay ang nangyari noon, wala ka pa ring kinalaman doon. You're not the one who hit me that night—
"That night. Totoo nga..."
Naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod. Kahit paano ay umasa pa rin akong iba ang dahilan ng injury n'ya.
"I never had any incident or accident except that one." Hindi na rin s'ya tumanggi. "Pero katulad ng sabi ko, wala kang kinalaman doon. You just happened to be there at that time."
Matalim ang tinging ibinigay ko sa kanya. S'ya pa talaga ang nagsabi niyon? Dapat ay sa akin manggaling iyon dahil sa aming dalawa, s'ya dapat ang wala sa lugar na 'yon!"
"Anyway, I'm not planning to hold anyone accountable. Nagpabaya rin ako and that's my fault." Namulsa s'ya at itinuro ang loob ng silid. "Don't feel guilty about it, Sofia."
Mas lalo akong nainis. How can I do that kung ni kahit minsan ay hindi ako pinatulog ng gabing iyon?!
"Tell me, anong gusto mong gawin ko?"
Mukhang pabalik na s'ya sa mga kaibigan n'ya pero agad ding humarap sa akin.
"What can I do to compensate you?" ulit ko nang manatili s'yang walang imik. Nakatingin lang na para bang isa akong malaking joke sa balat ng lupa.
Markiel sighed seriously. "I don't need anything, Sofia."
Kahit ako ay napabuntong-hininga na rin.
Bukod sa madalas ko s'yang makitang seryoso, hindi ko ganoon kakilala ang personality ng kaharap. Hindi nga lang kami magkaibigan kaya siguradong iba s'ya sa harap ng mga kaibigan at ganoon din sa mga katulad kong nakakasalubong n'ya lang.
"Naiintindihan ko kung iniisip mong may kasalanan ka sa akin but I'm telling you, wala kang kinalaman sa nangyari sa balikat ko. This is my business alone."
I sighed again. Bumalik naman ang ngisi ni Markiel.
"And one more thing... you don't have anything you could offer, right?" He chuckled. Hindi ko sigurado kung naaaliw o nang-iinis.
Tama rin naman s'ya.
Ano nga bang puwede kong i-offer sa isang international athlete? Sigurado akong mapera ang isang ito. Lahat ng puwede kong ibigay ay mayroon na s'ya.
"How about a project with my company?"
Sandaling nangunot ang noo n'ya bago humalakhak. Huli na nang ma-realize ko kung bakit.
"I would be doing you another favor kapag tinanggap ko ang offer mo." He smirked. "Baka mabaon ka sa utang na loob sa akin, ikaw din."
Dàmn it.
Matagal na nga palang gustong kunin ng marketing team ng kompanya ang isang ito!
Naaaliw na tinapik n'ya ako sa balikat bago tuluyang bumalik sa loob ng silid. Naiwan akong tulala at halos hindi makapaniwala sa nangyari!
Our conversation that night made my mood sour the following day and the day after that. Kahit pa nga ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng gabing iyon, naiinis pa rin ako.
He made me speechless.
Hindi lang naman iyon, hindi ko rin inaasahang napakadali n'ya akong nabasa. I was a bit shocked, aminado ako. Ni hindi ko naisip na may isang taong makakabasa sa ikinikilos ko.
Actually, that just made him dangerous. Para sa akin. Lalo at matagal ko ring pinaghirapang itaas ang pader na nakapalibot sa akin. I made myself look cold and rude para hindi masaktan ng kahit sino. Hindi ko matanggap na nabasa n'ya ako nang ganoon lang.
Hindi nga lang ako matatahimik kung alam kong may isang taong naapektuhan ang career ng dahil sa akin. Ni kahit minsan ay hindi ako humingi ng tulong sa iba kaya hindi ko gusto ang pakiramdam na may utang na loob.
"So, are you asking me kung ano ang puwede mong gawin sa taong pinagkakautangan mo, right?" Litong tumingala pa si Vinci. "E'di bayaran mo!"
I invited him here para bigyan ako ng pagpipilian. Ilang araw na kasi akong nag-iisip pero wala pa rin akong maisip na maiibigay kay Markiel.
"The utang we're talking about is not money or such. It's like something na hindi materyal na bagay..." I leaned on the couch.
"Hmm..." Mas lalong naging interesado si Vinci. "This is the first time na nakita kitang ganyan."
I just rolled my eyes.
"Sabihin mo nga sa akin, Sofi, are you being threatened? Hina-harass ka ba ng taong 'yan? Is that person bothering you?"
"None of the above, Vincenzo." Umayos ako sa pagkakaupo. "But you know me, hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakabayad sa taong iyon. Kahit na hindi n'ya ako sinisingil."
"What a toxic trait of yours," umiiling na komento n'ya. "Ilang beses ko bang sasabihing hindi masamang magkaroon ng utang na loob lalo na kung minsan lang?"
"Definitely not me."
"Yeah, yeah. Your family made you that way," may pasaring na sabi pa n'ya.
He knows me well.
"This person you're talking about has everything he needs, ganoon ba?"
Tumango ako.
"Is this person a he or she?"
"He."
Mabilis na nagningning ang mga mata ni Vinci. "Now, we're talking!"
Inirapan ko na lang ang kaibigan. Alam kong malayo na ang nararating ng imagination n'ya.
"Single ba?"
Bahagyang nangunot ang noo ko. Hindi ako sigurado pero sa pagkakaalam ko...
"Yeah. Sa tingin ko naman."
"Bongga!" Pumalakpak pa ang maharot. "Bigyan mo ng jowa!"
I glared at him. Bakit ko nga ba naisip na may maisa-suggest s'ya sa akin? Dapat talaga ay sinarili ko na lang ang problema.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Pinagtaasan pa n'ya ako ng kilay. "Kung gusto mo talagang gawan ng pabor ang taong 'yan, e 'di hanapan mo ng jowa! Kung wala kang maireto, sacrifice yourself!"
"That was the most stupid thing I heard from you." Umiiling-iling na tumayo ako at bumalik sa lamesa ko.
Nakapamaywang na sumunod naman s'ya sa akin. "Nagtatanong ka riyan, binigyan lang kita ng suggestion! Saka mahirap gawan ng pabor ang taong nasa kanya na ang lahat! Kailangan mong pag-isipan kung may bagay pa bang wala sa kanya!"
Nanlalaki ang mga matang humarap ako kay Vinci. He just said it!
"You have to find that—
"Wait, Vincenzo!" Mabilis na itinaas ko ang isang kamay. "I think, alam ko na ang dapat gawin."