PROLOGUE

3210 Words
Fame disgust me. I hate the spotlight. I dislike glitters and everything that sparkle. I loathed the idea of being the center of attention. It was because, I was in that position since day one. Being the only daughter of the famous baseball player and a known ballerina, my life became a cycle of unwanted expectation and sorrow. Kuya Isko, our oldest followed my parents' path. He's now the world renowned ballerino. Nagmana s'ya ng galing kay Mama kaya kilalang-kilala s'ya sa buong mundo. He's on his late thirties pero sikat at respetado pa rin. Every ballet enthusiast, in any age, wanted to be like him or at least, train under him. Kuya Leon, the middle child is a famous baseball player. Unlike my father who was praised with his pitching, Kuya Leon became a trend because of his flawless home runs when he's still active in the field. Twenty five s'ya nang mag-retire s'ya because of his injury. He was one of the best Major players in his time. Bukod sa chain of resorts na pag-aari namin sa Mindanao, my family owned the largest ballet school in the country. Si Kuya Isko ang namamahala roon. Kuya Leon is the one who's leading Oblique, the largest baseball club in the Philippines. Ang Oblique din ang nagte-train sa mga national players ng bansa. Iyong mga manlalarong nakakarating sa ibang bansa, Minor and Major League at mga national players na para magrepresenta sa Pilipinas sa mga summit, produkto sila ng Oblique. Hindi ganoon kakilala sa Pilipinas ang baseball dahil mas sanay ang mga Pilipino sa basketball ngunit dahil sa consistent na paghubog ng Oblique sa mga magagaling na player ng bansa, unti-unti nang nakikilala ang larong dati nang pinagharian ni Papa. Aktibo sa mga event and parties si Mama. Papa's been busy attending sports conference. Nagco-coach din s'ya minsan sa ibang national team ng ibang bansa, kasama ang nakababatang kapatid n'yang si Tito na lagi na ay pinipiling dito na lang sa Pilipinas mag-coach. See? Almost ninety-nine percent of the Nuvalis are enjoying the glamorous attention and the glittering stage. But not me. Hindi ako magaling sa sports. Kahit sa kung ano-anong uri ng activity like ballet. I can be called as the family's black sheep. Kahit naman ang iba naming kamag-anak, mas engage talaga sila sa sports. Ako lang yata ang tanging naiiba. My Kuyas followed the family's legacy. I can't relate to them. Sinubukan ko naman. I joined pageants when I was in middle school until my senior year. I got bored with it. Wala nga lang akong choice dahil kailangan ko iyong gawin para kahit paano ay maging relevant ako sa pamilya. When I was in college, I joined the cheerleading squad and became the team captain. I enjoyed the thrill but I never enjoyed the attention, the crowd. I tried to fit in. Pero wala talaga. Hindi ko kaya. Lagi akong out of place hanggang sa isang araw, naging vocal ako sa pamilya ko kung gaano ako kagalit sa popularidad, sa atensyon at sa lahat ng may kinalaman doon. Graduating ako sa college nang mangyari iyon kaya hinigpitan ako. Kung hindi ko raw maging kagaya ng kahit sino sa pamilya, hindi rin dapat ako gagawa ng kung ano na maaaring maging mantsa sa pangalan ng mga Nuvali. I am that pathetic to them. Sa halip na tanungin nila ako kung anong gusto kong maging sa future, pinagbawalan pa nila akong huminga sa hanging gusto kong langhapin. Kaya siguro pumayag agad ako nang alukin ako ng kapatid ni Mama na magbakasyon sa Poland, kaagad akong pumayag. Hindi lang simpleng bakasyon as graduation gift ang dahilan ko. I'm always fascinated with perfumes and cosmetics. And Poland being one of the best countries involving cosmetics, I made the decision to try and find my call. Tita Pola urged me to study again. Kaya kahit ayaw nina Mama, wala silang nagawa. I studied Cosmetic Science for four and a half years. Isang taon din akong nag-intern sa isang malaking kompanya ng cosmetics sa Poland. Kaya medyo natagalan bago ko nakuha ang degree for being a Cosmetic Chemist. I studied how to make cosmetics. Mula sa pagpili ng mga tamang sangkap hanggang sa paglalagay ng label sa mga finished products. Inaral ko talaga lahat ang bawat hakbang. At dahil ayaw kong cosmetic lang ang kaya ko, after I got my degree, inaral ko rin kung paano maging perfumer. I love making cosmetics and perfumes. Pakiramdam ko, sisikat ang bawat produktong gawa ko nang hindi ako napupunta sa spotlight. Kaya kong magtago sa bawat brand ng Sofia Cosmetics o mas kilala bilang S Cosmetic. Ang brand na nagawa kong ma-establish pagkatapos ng limang taon ko sa Poland. Pero kahit saan ka talaga pumunta, hahabulin at hahabulin ka ng nakaraan. Two years before I returned to the Philippines, my past came to mock me. "Mabuti at sumama ka sa blind date na ito, Sofia Laura!" Aleksandra chuckled. "Makakakuha ka na ulit ng degree as perfumer pagkatapos ng ilang buwan pero ngayon ka palang pumayag na sumama sa amin!" "Mabuti nga at napilit natin ang isang ito. Mare-register na ang S Cosmetics kaya siguradong magiging busy na ito!" Si Kryzia naman iyon. Umirap na lang ako at hinayaan sila. We're in a restaurant in Wroclaw. Pinagbigyan ko lang naman talaga sila ngayon dahil malapit nang ma-register ang kompanya ko. Plano kong simulan muna rito sa Poland ang S Cosmetics Two years, iyon ang plano ko. But I planned to go back home after that, gusto kong manguna sa market sa Pilipinas while S Cosmetic here in Poland will stay as my main branch. "You're from the Philippines, right?" Napatingin ako sa lalaking kaharap ko. I smiled sweetly and nodded. Blind date as a group. Tatlo kami ng mga kaibigan ko at tatlo rin ang mga lalaking nasa harapan namin. Magkakatapat kami sa isang mahaba ngunit payat na lamesa. Sapat ang laki niyon para sa kaunting distansya sa pagitan naming apat. May mga bote ng beer at pagkain sa lamesa. "Antonio, you're also from there, right?" tanong ng lalaking nasa kanan ko sa lalaking nasa tapat ni Aleksandra. Kung alam ko lang na kasama s'ya sa blind date na ito, nagburo na sana ako sa bahay. Kryzia, ako at Aleksandra. Ryugi, Markiel at Donn. Yes, Markiel, the baseball prodigy. My father and uncle's descendant. My schoolmate in college. Hindi ko alam kung paano napapayag nina Aleksandra na makipag-blind date sa kanila itong mga players ng Major! Alright, my friends are charming and beautiful. Pero ang mga lalaking ito? Busy sila at ano bang ginagawa nila rito sa Poland? Laro? Training? Bakasyon? Ewan ko! "Yeah..." walang interes na sagot ni Markiel. Hindi pa rin talaga s'ya nagbabago. He get bored easily. Hindi naman talaga kami close noong college. Ang alam ko lang, naging magkapitbahay kami noong elementary kami. Hanggang grade two lang yata bago kami lumipat. Noong college naman, magkaiba ang circle namin at ayaw kong madikit sa circle n'ya. Mga sikat sa school ang mga kaibigan n'ya at allergic ako sa mga ganoon. Ako naman, mga bookworm ang nasa circle ko at ako lang yata ang miyembro ng cheerleading squad doon. Minsan lang kami magkasalubong. Mas madalas ko s'yang makita dahil coach n'ya si Tito Mael. Bukod doon, wala na. "Magkakilala ba kayo?" Markiel chuckled. Ako naman ay nagtaas ng kilay. Ito sana iyong isa sa mga pagkakataong ang sarap sabihing, not because we came from the same country ay magkakilala na kami. Philippines is not a small country. There are millions of people living there. But to my dismay, hindi puwede dahil magkakilala nga kami ni Markiel. Hindi ko nga rin lang aaminin iyon dahil nasisilaw ako sa kanya. "No," I said flatly. I glanced at Markiel. Tumaas ang kilay n'ya bago nag-iwas ng tingin, nangingiti. Magsisimula pa lang ang winter dito sa Poland pero nanginginig na ako sa lamig. Maybe because my life has been like this? Cold and sometimes, freezing. Wait, pareho lang naman iyon, mas may intensity lang ang huli. "So, you're a chemist?" tanong ni Donn. Itinuro si Kryzia para yata ipaalam na iyon ang may sabi. Tumango ako at pasimpleng tiningnan ang relo. May kalahating oras na yata mula nang magsimula ang group date na ito. And it's getting boring. Hindi ko rin nagugustuhan na kahit kinakausap ng dalawang lalaki ang mga kaibigan ko, lagi pa ring napupunta sa akin ang kanilang atensyon. Are they oblivious that I hate their attention? "I saw your last game! Mabuti at naligaw kayo rito sa Poland?" Si Aleksandra sa parang tuod na si Markiel. "Oh. We're her for two months now. Training. Next week na ang alis namin." Gusto kong mapairap. Aleks didn't get the hint but I did. This guy knows how to put a line. He's telling my friend that he's not interested. But because of his nice guy facade and subtle words, hindi iyon halata. "So... what do you do for now?" Halata ang interes sa boses ni Ryugi. Sa halip na sumagot ay tumayo na ako. Hanggang dito lang ang kaya ko. Hindi ko gusto ng ibinibigay nilang atensyon at kanina ko pa gustong mahatsing. Major players are like celebrities. Minsan nga ay sobra pa roon ang turing sa kanila. I don't lord them. And I preferred to be away from them. I'm allergic to their kind. "I'm sorry but can I excuse myself? I just need to call my aunt." Ipinakita ko ang cellphone sa kanila. "Do you want me to accompany you?" Tumayo na rin si Donn. Men and their animalism. "No, thank you. I'm not a kid or someone who'll be lost outside." "Naku, okay na 'yan! Kaya na ni Sofia 'yan!" Halos itulak ako ni Aleks para makaalis. Napangisi ako at bumeso sa dalawa. Alam na nila na nauubusan na ako ng pasensya at kung hindi ako aalis, masisira ang group date dahil sa akin. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makalabas na ako ng resto. Pagabi pa lang pero madilim na ang paligid. Ganito talaga rito sa Poland, minsan ay lito pa rin akong intindihin ang panahon. Pataas ang kinaroroonan ko at dahil gusto ko lang namang makawala sa atensyon sa loob, nagpasya akong maglakad-lakad pababa. Hindi rin naman ako puwedeng umalis na lang at iwanan sina Aleks, mas lalaki ang pagtatampo ng mga iyon sa akin kapag ginawa ko iyon. May ilang minuto na yata akong naglalakad at naaaliw na ako sa pagtanaw sa hilera ng kabahayan nang may maramdaman ako sa likod ko. I stopped walking and looked at the back. I rolled my eyes when I saw Markiel. Nakapamulsa s'ya at nakataas pa ang kilay. He's wearing a parka jacket. May makapal na scarf sa leeg at bahagyang nakaangat iyon sa may bandang bibig, para siguro itago ang halos kalahati ng kanyang mukha. He looks like a tall snow man with his black bennie. Hindi ko mabasa ang mga nasa mata n'ya pero nakasanayan ko na iyon. He look like that to almost everyone. Iyong parang nangmamaliit, iyong tinging para bang s'ya lang ang matalino sa mundo. Alright. Ibibigay ko sa kanya iyon, matalino talaga s'yang maituturing aa larangan n'ya. Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Malayo na rin naman kami sa resto at hindi naman lalabas sina Kryzia para tanawin ako. "We're not that close when we were in college pero hindi ko naman alam na considered pala iyon na hindi tayo magkakilala?" Nasa boses n'ya ang pagkaaliw. I sighed and stopped walking again. Dahil nanatili s'ya sa likod ko ay kailangan ko ulit s'yang lingunin. "Look, we're in Poland. Ang layo natin sa Pilipinas at sa totoo lang, mas prefer ko kung magkukunwari talaga tayong hindi magkakilala." Hindi yata s'ya napapagod sa pagtataas ng kilay. "I'm very curious, Sofia Laura..." His voice almost made me tremble. "Why I have this feeling na ayaw mo sa akin? Kahit noon pa. May nagawa ba ako sa 'yo na hindi ko alam?" I sighed. Pinagkiskis ko ang mga palad. Ang lamig talaga at hindi matalinong desisyon na hindi ako nagsuot ng gloves. "I don't have any reason. Tama ka, ayoko lang talagang mapalapit sa 'yo o sa kahit sinong katulad mo." I simply put my hands on my pockets. Ang lamig talaga. "Really? Why?" Patamad na tiningala ko s'ya. Kasasabi ko nga lang na walang rason, magtatanong pa? Just by looking at him like this... iyong nakatingala ako sa kanya dahil sa higit s'yang mas mataas, na-realize ko na naman kung bakit ayaw kong mapatapak man lang sa mundo ng mga taong katulad n'ya. I hated the spotlight. I can't bear the light which sparkled around him. Siya iyong tipong nasa ituktok, sa pedestal at mahirap abutin pero wala akong pakialam dahil wala rin naman akong planong umabot sa kanya. He's a threat to my peaceful zone. "I told you.. ayoko lang talaga. Is that hard to understand?" I tilted my head and looked in front. "Let's not see each other again, Mr. Pitcher." Hindi ko na s'ya ulit tiningnan. Hindi ko na rin nilingon kahit na nakalayo na ako. Hindi nagbago ang bilis ng mga hakbang ko. Hindi naman ako umiiwas sa kanya para tumakbo, ayoko lang talaga sa kanya. He himself is fame. His name screams popularity. Dumiretso ako sa isang alley. Ang alam ko ay may night market kapag ganitong araw at oras kaya titingnan ko iyon. Nagbakasyon lang kasi kami rito at kahit na dalawang linggo na kami rito ay ngayon pa lang ako nakakalabas nang ako lang. Madalas ay sina Aleks at Kryzia ang namamasyal dahil abala ako sa pag-aayos ng sisimulang negosyo. So much for a vacation, Sofia! Malapit na ako sa dulo ng alley nang may humarang sa akin na dalawang lalaki. Bored na tiningnan ko ang dalawang foreigner. Hindi ganoon kadilim sa alley pero kami lang ang nandito. "Please, excuse me," I said without trying to walk between them. Mas mabuti itong may distansya ako sa kanila para kung hindi ko sila mapapakiusapan ay makakatakbo agad ako. "Can you accompany us? The winter here is freaking freezing!" Sabay ngisi ng isa. Bobo ba 'to? Saan s'ya nakakita ng winter na hindi nakakapanginig ng laman? "Magkasama naman kayong dalawang bobo, bakit hindi n'yo i-accompany ang isa't-isa?" mataray na tugon ko. "What did you say?" At ang isa sa dalawang bobo ay hindi nakaintindi ng tagalog. Siyempre ay hindi nila alam 'yon. Iba rin ang accent nila, mukhang hindi taga-rito at baka ay nagbabakasyon lang din. I stared at them like they were the most stupid of all the stupid in this world. Hindi yata nagustuhan ng isa dahil agad na humakbang palapit sa akin. I was ready to back off and run when I felt someone in my back. "Sofia?" Great! "Anong nangyayari?" Markiel asked. Hindi pa nga lang ako nakakasagot ay nahila na n'ya ako papunta sa likuran n'ya. He's so tall and bulky. Naitago n'ya talaga mula sa akin ang dalawang bobo at kung hindi ako sisilip, hindi ko makikita ang mga iyon. "Oh! Who's this dude? Is he your lover?" Puno ng kabastusan ang boses na tanong ng isa. Umirap ako. "Stupid." Agad ang pagsiklab ng galit ng isa. "What?!" Mabilis na nakalapit ang isa pero bago pa n'ya ako mahawakan ay napigilan na s'ya ni Markiel sa balikat at naitulak. Agad na natumba sa semento ang lalaki. And when I thought I can run away from trouble, the other idiot attacked Markiel. The latter is very flexible, kaagad s'yang nakaiwas at itinulak ang isa pa. Nasubsob din iyon sa dingding ng alley. Sa sobrang galit ng dalawa ay sabay silang sumugod, nahawakan sila ni Markiel sa mga braso at pinag-untog. I called the local police bago pa man makabangon ang dalawa. May nagpa-patrol sa malapit at alam kong agad silang reresponde. But what I didn't expect is the pipe the other idiot was holding. When Markiel let his guard down to check on me, mabilis iyong sinamantala ng lalaki. Isang segundo lang iyon, sandali lang akong nilingon ni Markiel pero agad nang naihampas sa kanyang balikat ang tubo. I screamed. Sanay ako sa mga away na ganito but that pipe is not on the list of the things I got used to! Markiel faced the man and held the pipe. Mabilis n'ya iyong initsa at sinipa ang lalaki. Bago pa nga lang s'ya makalapit ulit doon, napaluhod na s'ya hawak ang balikat. The police came before the drunkards got the chance to run away. That memory from two years ago in Wroclaw resurfaced when I heard the news. Dalawang taon na ako rito sa Pilipinas at masasabi kong maganda ang nangyayari sa career ko pero hindi ko inakalang hahabulin ako ng gabing iyon hanggang sa kasalukuyan. Natutop ko ng mga kamay ang bibig. Nanginig ako at halos hindi makahinga. That night gave me trauma. Hindi dahil sa takot sa maaaring nangyari kundi sa guilt. Ang akala ko ay okay na. Akala ko nga ay wala namang problema dahil sinigurado n'ya sa akin iyon. I also called him the day before they went back to their camp. Kung kumusta ang check up, kung may injury ba. He told me he's okay pero ano 'tong nasa TV? "The baseball prodigy and Major player, Antonio Ronquillo is set to return to the country. Walang sinabi ang kampo ng baseball player kung kailan pero base sa espekulasyon, iyon ay dahil sa kailangan niyang magpagaling dahil sa natamong injury..." dagdag na pagbabalita pa ng sports reporter. "He decided to sit out from this season..." dagdag pa nito. "The Cardinals is now threatened because of the situation. They were at the lowest but since Ronquillo joined, ilang taon na rin silang nasa itaas..." May ipinakita pang interview ni Markiel na panay tawa lang ang lalaki at nagsasabi sa mga fans na huwag mag-alala dahil gusto rin naman n'yang magbakasyon. He didn't confirm the speculations about his injury pero halata ang pag-iwas n'ya sa mga tanong tungkol doon. Natulala na lang ako habang nakatingin sa TV. Natapos na't lahat ang balitang iyon pero hindi pa rin ako makagalaw. He's right. We're not that close pero kahit paano ay kilala ko s'ya bilang atleta na inalagaan ng kompanya namin. Masyado s'yang magaling mag-alaga sa sarili. Hindi rin n'ya inaabuso ang katawan dahil hangga't maaari ay ayaw n'yang magkaroon ng injury. Alam n'ya kung gaano kaimportante ang kanyang katawan at kalusugan. His life depends on baseball and he's not that stupid para hindi maglaro ng isang buong season! Vacation? That's a lie of course! And I remembered it again. That freezing night. The pipe that was used to hit him. The pain I saw in him when he knelt down in that alley. Nanginginig ang mga kamay na nagtipa ko ng mensahe. I need to know! Ako: Kuya, I saw the news. May injury si Markiel? What kind of injury? Kuya Leon: I'm not sure, Sof. We're all shocked. Busy na si Papa at galit na galit s'ya dahil mukhang sa isa sa mga training nakuha ni Markiel ang injury. I don't know the details but I heard it's his shoulder, kaliwa. Nanginig ang mga kamay ko. Mabilis na nawalan ng pakiramdam at nabitawan ko ang cellphone. That night in Wroclow, he was hit on his left shoulder!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD