Pag-aari ng mga Nuvali ang Oblique pero halos hindi ako pamilyar sa malaking baseball club na 'to. Hindi naman kasi ako madalas bumibisita sa kahit anong pag-aari ng pamilya. Bilang na bilang lang iyon sa mga daliri. Bukod pa sa wala rin namang interes si Papa na ipaalam sa akin ang pasikot-sikot sa Oblique.
Just by looking at the oval stadium in the center, pakiramdam ko ay nasa isa akong estrangherong lugar. Wala akong makapang familiarity sa lugar kahit na bahagi na ito ng mga Nuvali.
Bukod sa malaki at malawak na stadium ng Oblique, malawak din ang labas nito. May dalawang gusali at malawak ang field. Bukod kasi sa open area na stadium na pinagdarausan ng laro, may outdoor field din para sa practice at kung ano-ano pa.
Bukod sa mga iyon, wala na akong alam sa Oblique. Ni kahit patakaran niyon, hindi pamilyar sa akin. Ang alam ko lang, Oblique produces the best players for baseball.
"Sofia!"
Awtomatik ang pagguhit ng ngiti ko nang makita ang papalapit na kapatid. Ngayon lang ulit kami nagkita, ang huli ay noong bumisita kami sa mansyon ng mga Ricaforte at ilang linggo na rin iyon.
Noong isang linggo ko pa planong bumisita rito para magbaka-sakaling makita si Markiel pero hindi naman ganoon kaluwag ang schedule ko. Marami rin akong trabahong kailangang gawin at tapusin. And of course, mas importante ang mga 'yon.
"Hi, Kuya Leon."
Nasa field ang kapatid ko at sinadya ko s'yang puntahan dito kaysa ang hintayin sa office n'ya.
Bumeso sa akin si Kuya, nangungunot ang noo. "Teka, ano bang date ngayon? Birthday ko ba?"
Natatawang iniangat ko ang paper bag na may tatak ng S Cosmetics.
"I promised you na bibigyan kita ng bagong perfume na ilalabas namin, right?"
That's a lie. Mabuti na nga lang at totoong interesado ang kapatid ko sa pabangong sinabi ko. Binibisita ko lang kasi sila ni Kuya Isko kapag birthday nila.
"Akala ko birthday ko!" He chuckled while pointing towards the field. "In-observe ko ang practice."
Sandali pa kaming nanatili sa field bago dumiretso sa opisina n'ya na nasa fourth floor ng main building.
Nagbabaka-sakali lang naman ako kaya nagpunta ako rito pero aware rin akong mas malaki ang chance na hindi ko makikita si Markiel. Hindi naman kasi ako sigurado kung nagsimula na ba ang therapy n'ya at kung parte ba ng therapy ang pagpunta n'ya rito sa Oblique.
"Dalawa 'to. Kay Kuya ba ang isa?"
Tinanggap ko ang bottled water na ibinigay ni Kuya Leon bago naupo sa receiving area ng kanyang opisina.
"Maiinggit 'yon kapag ikaw lang ang binigyan ko."
Kuya Leon hissed. "E 'di magkaamoy pa kaming dalawa ngayon?"
Mabilis ang naging pag-angat ng kilay ko. "That perfume cost hundreds of thousands, Kuya. Bukod pa sa limited lang ang stock n'yan. There's only five hundred in the market. Three hundred sa Poland at two hundred dito sa Pilipinas."
He hummed. Inilabas n'ya ang laman sa paper bag at inamoy-amoy iyon.
"How's Oblique?"
Ibinalik n'ya sa loob ng paper bag ang laman bago dinala sa kanyang lamesa.
"As you can see, abala sa training. Naghahanda para sa Olympics bukod pa sa ibang international competition." He sat on his swivel chair. "We're planning to join every competition out there. Naka-focus ang lahat sa mga competition sa labas ng bansa."
"Hindi ba masyadong maaga pa para roon?"
Philippines is a basketball country. Nagkakaroon na rin ng interes ang mga Pilipino sa volleyball ngunit hindi pa nangangalahati sa populasyon ng bansa ang mga nahihilig sa baseball. Kakaunti pa lang ang nakaka-appreciate sa sports at kung hindi dahil sa pagkakasali ni Markiel sa Major League few years ago, hindi pa iingay ang larong baseball.
Those years na naghari sina Papa at Kuya Leon sa nasabing laro, kulang pa para makilala ito sa modernong panahon. At ngayon ngang may pagkakataon na maipakilala ang galing ng mga Pilipino sa larangang ito, mukhang handang sumugal ang Oblique.
"Not really." Kuya Leon is now serious. "Hindi porke maka-basketball ang karamihan dito sa atin, hindi na namin sinusubaybayan ang mga nagiging pagkukulang sa sports na 'yon. We're taking notes para masigurong hindi mangyayari sa baseball team ang mga bagay na nangyari sa ibang sports."
"Kulang pa ang Pilipinas ng magagaling na players in basketball." Kuya Leon waved his hand. "At sa bansang hindi ganoon kakilala ang baseball, isa sa goal namin ay siguraduhing makakapag-provide kami ng players sa bawat team na lalahok sa bawat competition..."
"Ibig sabihin ay nagte-train ang Oblique ng mga reserved players?" hindi siguradong tanong ko. Hindi naman ako ganoon kapamilyar sa Oblique at kahit sa baseball.
"Which is dapat lang. Hindi natin masasabi kung kailan may mai-injury. Kailangang handa ang bawat team sa worst scenario," Kuya Leon explained.
He massaged his temple.
"Papa aimed to joined every international competition out there. Wala s'yang planong magsayang ng opportunity dahil lang sa iisa lang ang team na hawak ng Oblique. We're also making sure na bawat team ay may sariling play and strategy. We're supporting them equally. Bukod pa roon ay nagte-train na rin kami ng mga batang may interes sa baseball. We're also scouting from provinces."
"You're quite busy."
"Papa, too," dagdag n'ya. "Kaya hindi ka n'ya nakukumusta these past few days. Nasa Bukidnon s'ya ngayon, he's having a small baseball competition there. He's trying to scout possible players for Oblique."
Ni kahit minsan ay hindi ko kwinestyon ang pangarap nina Papa at Kuya Leon for Oblique. Alam kong hindi lang basta negosyo ang gusto ng dalawa. Oblique is their passion, their dream. Kaya ganoon na lang kalaki ang dedication nila para rito.
"Yeah. He's busy. As always." Hindi ko sinadyang maging sarcastic pero ganoon ang nangyari at hindi puwedeng hindi iyon mapansin ng kapatid.
"Nagtatampo ka pa rin ba kay Papa, Sof?"
Nagtatampo? Paano ba ako magtatampo kung halos hindi ko nga maramdaman ang presensya ng kahit isa sa mga magulang namin?
A knock on the door save me from answering my brother's question.
"Leon?"
Literal ang pagkagulat ko nang si Markiel ang sumilip mula roon.
Nakalimutan na ni kuya ang pinag-uusapan namin, mabilis s'yang tumayo para lapitan ang bagong dating.
"Mark! Akala ko ay mamayang hapon ka pa dadaan dito?"
Sinulyapan lang ako ng lalaki bago humarap sa kapatid ko. "May lakad ako mamaya."
"Oh!" Kuya Leon glanced at me then scratched his head.
Hindi naman ako baguhan para hindi makahalata. Kinuha ko ang bag at tumayo na.
"Mauuna na ako, Kuya. Pakibigay na lang kay Kuya Isko ang regalo ko," paalam ko sa kapatid.
This is another chance to talk to Markiel pero may iba pa namang pagkakataon. Halata naman na gusto na ni kuya na umalis ako. Hindi n'ya lang maisaboses pero obvious naman sa kilos n'ya.
Nakuha n'ya yata 'yon kina mama at papa. Ganoon din kasi ang dalawa kapag gusto na nila akong i-dismiss lalo na kung may mas mahalagang bisita o gagawin.
"I'll visit your office soon, Sofi." Apologetic na ngumiti ang kapatid ko.
I smiled sweetly. He would never visit. Masyado s'yang abala para bigyan ng panahon ang pagbisita sa akin pero katulad ng nakasanayan, hahayaan ko lang iyon.
"Sabihan mo lang ako kung kailan, kuya." Humalik muna ako sa pisngi n'ya bago tuluyang lumabas ng silid.
That's another lie for the day.
Noong una, kapag nararamdaman kong kaya nila akong ignorahin para lang sa ibang bagay na puwede namang ipagpaliban, I cried myself to sleep. Madalas mangyari iyon. Sasabayan ko pa ng hindi pagkain kinabukasan.
Noon kasi, umaasa akong mapapansin nila mama ang pamumugto ng mga mata ko. Na makikita ni papa na kulang sila sa lamesa.
Ilang beses ko pa 'yong ginawa bago ko tuluyang maintindihan. Nakikita nila ang resulta ng pag-iyak ko at aware sila na hindi ako nakakasabay sa pag-aalmusal pero hindi naman importante sa kanila kaya wala silang pakialam.
No one asked me.
Hanggang sa tumigil na lang ako sa pagpapapansin. Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng pakialam.
Kaya sa tuwing mararamdaman kong hindi na nila kailangan ang presensya ko, ako na ang kusang umaalis. Ayaw ko nang mapunta pa sa ganoong sitwasyon kaya inaalis ko na ang sarili bago pa man nila hingin.
"Sofia!"
Pasara na ang pinto ng elevator nang humabol si Markiel. Muntik pa nga s'yang maipit niyon.
"Mas nag-iingat ka dapat. Injured ka," paalala ko bago muling pinindot ang ground floor.
"Ow? Ako ba?" Tumawa s'ya. "Akala ko injured ka rin."
I frowned. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay.
Hindi na ako umimik at hinayaan na lang s'ya sa trip n'ya. Ngayong nagpapahinga s'ya, mukhang madami s'yang oras para sa kung ano-ano.
"Saan ka pupunta?"
Markiel's tall. Hindi puwedeng husgahan ang taas ng lalaki dahil hindi s'ya nagpapahuli sa parteng iyon. Kaya nga kahit mga foreigner ang nasa team n'ya, sumasabay sa mga iyon ang height ng lalaki.
At sa tuwing nagtatanong s'ya, kailangan ko pang tumingala para tingnan kung anong ekspresyon n'ya.
"Sa opisina. Dumaan lang naman ako rito."
"For Leon?" Despite the age difference, he looks comfortable with my brother. "Akala ko ay ako ang ipinunta mo rito."
"Excuse me?" Napapihit ako paharap sa kanya. "Hindi ako stalker."
He chuckled. "Easy there. We both know that."
Gusto ko na namang mainis pero mabilis kong nakalma ang sarili. Hindi ko alam kung bakit parang nababasa n'ya ang iniisip ko.
This man is really dangerous.
"Wala na ba kayong pag-uusapan ni Kuya Leon?"
Halata namang confidential ang pag-uusapan nilang dalawa. Kaya nga halos itaboy na ako ng tingin ni Kuya Leon. Hindi ko lang alam kung anong ginagawa ng isang ito rito.
Nakapamulsang sumandal s'ya sa dingding ng lift.
"Nothing important."
Hindi na lang ako nagsalita. Hindi ko naman alam kung nagsasabi ba s'ya ng totoo.
"Well, nag-start na ang therapy ko noong nakaraan pang linggo," salaysay n'ya kahit hindi tinatanong. "Kababalik ko lang sa doktor kanina. By next week, sisimulan kong mag-training. Some basics and light works."
Kaming dalawa lang ang lulan ng elevator kaya mabilis kaming nakarating sa ground floor.
"How about this..." Humarap s'ya sa akin pagkalabas namin ng lift. "Accompany me for today then pag-iisipan ko kung anong hihingin ko sa 'yo para matahimik ka na."
Bago ko pa mapigilan ang sarili, inirapan ko na s'ya.
Markiel just laughed. "Don't get me wrong. You looked like someone who never stop until she pay her debt. Kahit na sinabi ko nang wala kang utang sa akin, you're still trying to play it fair and square."
"That's one of my rules," tanging sabi ko. "
"Alright. So, let's go?"
Confused, I looked at him. "Akala ko ba ay may lakad ka?" Iyon naman kasi ang narinig kong sinabi n'ya kay Kuya Leon.
"I can reschedule that." He eyed his wristwatch. "Bigla lang akong nag-crave ng coffee."
"May coffee shop sa labas."
"How about a coffee from Tarlac?" He's obviously challenging me.
Hindi ko alam kung anong iniisip n'ya sa mga sandaling ito pero mukhang kahit paano ay nagbago na ang personality n'ya. Mukha pa rin naman s'yang bored at tinatamad but there's something different in him na hindi ko mapunto.
"May sasakyan ka ba?"
Hindi ako sigurado kung may maiisip nga ba s'yang hilingin sa akin pero wala namang masama kung susubukan. Gusto ko na ring makawala sa guilt na matagal ko nang nararamdaman.
"Wala pero may sasakyan ka naman, right?"
Naiiling na dumiretso na ako sa exit ng building. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa parking lot.
Si Markiel naman, 'yon, nahuhuli. Marami kasing players ng Oblique ang nagpapa-picture sa kanya. May ilan pang naka-coach uniform ang humaharang sa kanya para makipag-usap sa lalaki.
Just by looking at him, I finally understand why he looks dangerous. He's famous. Mas sikat pa nga kaysa sa iba pang celebrity. Siguradong mapapaso ako sa liwanag n'ya sa oras na tumagal ang pagdikit ko sa kanya.
Hopefully, magkasundo kami ngayon.
"Marami na talagang players ang Oblique," aniya nang makalapit. He eyed my car. "Puwede tayong mag-taxi kung hindi ka sanay sa pagda-drive sa malayo."
Ako naman ang nagtaas ng kilay. "What kind of coffee do you prefer?"
Sandali s'yang nag-isip. "Something hot. A cappuccino, perhaps?"
My head tilted to the shotgun seat. "Hop in. May alam akong coffee shop sa La Paz."