"How did you find this one?"
Sinulyapan ko lang ang lalaki bago bumuwelo para mag-park.
"And it looks like you know the place well. Don't tell me na pumupunta ka pa ng Tarlac for coffee?"
"Sino ba sa atin ang nakaisip mag-coffee rito?" balik-tanong ko sa kanya. "Ang daming coffee shop sa Manila, gusto mo pang bumiyahe ng mahigit dalawang oras para magkape."
"You need this, believe me," aniya at lumabas na ng sasakyan.
Hindi ko talaga mawari ang lalaking 'to.
Agad na akong sumunod kay Markiel sa loob ng coffee shop. Hindi naman ako nag-aalala na dudumugin s'ya rito dahil bukod sa medyo malayo ang La Paz, naka-hood and cap din ang lalaki. Mukhang sanay na sanay magtago sa mga tao.
Pasimpleng pinasadahan ko ang balikat n'ya. "Okay lang ba talaga sa 'yo ang coffee?"
He's now scanning the menu. "Mine would be black. Yours?" Ni hindi man lang n'ya pinansin ang tanong ko.
"Caramel macchiato."
"Still that one?" He shrugged before calling the server's attention.
Markiel ordered some food for us. Lampas lunch na rin kasi at dire-diretso ang biyahe namin kaya hindi na kami nakakain.
"You used to hide that drink when you were doing cheerleading, right?"
Umingos na lang ako.
He's talking about the few incidents na lagi n'ya akong nakikitang tumatakas para bumili ng paboritong inumin. Mahigpit kasing pinagbabawal ni Mama ang ganoong klase ng mga inumin kaya hanggang sa school ay nakabantay sa akin sina tito.
"The last time we saw each other in Wroclaw, you're already rude and cold..." Sumandal s'ya sa upuan while crossing his arms. "And now, you seemed distant."
"Sinasabi mo bang noon pa lang ay masama na ang ugali ko?"
Hindi iyon ang ibig n'yang sabihin pero ayaw kong i-acknowledge na sobrang dali n'ya lang makita ang mga bagay na itinatago ko.
Markiel chuckled. Hindi naman s'ya mukhang tsismoso kaya siguradong hindi na s'ya magtatanong ng kung ano-ano.
"So, what is it?"
Tinanggal ko ang mga mata sa menu at kunot-noong tiningnan ang lalaki. Naghihintay na lang naman kami sa order pero mas gusto kong titigan iyon kaysa kausapin ang kaharap.
Tumaas ang gilid ng labi n'ya. "Your offer. You're desperate to pay me so I think, mas pinag-isipan mo na ang iaalok mo sa akin. Am I right?"
"And you told me na hindi ka naniningil?"
Our order came. Black coffee ang kay Markiel at Caramel Macchiato ang sa akin. He ordered two set of meals for us. May ziti pasta rin na hindi ko alam kung para kanino. One slice of of basque burnt cheesecake and a bowl of vegetable salad.
"Let's eat first, Sofia." He put the bowl of salad beside my plate.
Hindi na ako komontra pa dahil mukhang nagugutom na nga s'ya.
I don't know if he's a picky eater or not dahil ngayon ko lang naman s'ya nakasabay kumain. Kapansin-pansin nga lang na tahimik s'ya habang kumakain. Ni hindi n'ya pinansin ang pagri-ring ng cell phone n'ya.
Sa kamamasid ko sa kilos ni Markiel, naubos ko na rin ang pagkain ko.
"This is for us," aniya habang nakaturo sa pasta.
"Oh, no." I immediately shook my head. "Lactose intolerant ako and we're two hours away from Manila."
"Really?" Pinagtaasan n'ya ng kilay ang inuming napangalahatian ko na.
"There's always an exception," sabi ko na lang.
Kaya ang pasta at cheesecake na in-order n'ya ay mag-isa n'yang inubos. Hindi ko na lang s'ya pinakialaman para mabilis n'yang maubos ang mga 'yon.
Hindi ko sigurado kung mahilig s'ya sa matamis o talagang masarap lang ang cheesecake kaya mabilis n'yang natapos ang pagkain doon.
"So..." Pinunasan n'ya ng tissue ang labi. "May maganda ka na bang offer?"
Markiel looks casual. Malayong-malayo sa aura n'ya kapag naka-uniporme at naglalaro.
"Ang akala ko ay mag-iisip ka ng bagay na puwede kong i-offer sa 'yo?"
"Hmm..."
Sandali s'yang tumingin sa kisame while tilting his head.
"I have nothing I'm interested at the moment so..."
His pause made me a bit nervous.
He eyed me. "You accompany me here so I think, quits na tayong dalawa. It's a long drive after all..." Bumuntong-hininga s'ya. "But this won't suffice your guilt, am I right?"
Muli kong pinasadahan ang balikat n'ya. Wala akong ideya sa kung anong uri ng injury ang mayroon doon pero alam kong muntik nang masira ang career n'ya nang dahil sa nangyari noon. And I'm the reason behind that incident.
Kaya kahit sabihin n'yang wala akong kasalanan, hindi ako matatahimik. Career n'ya ang pinag-uusapan dito at hindi kung ano lang.
"You almost lost your—
"Nagte-therapy ako, Sofia." He lazily put his hand on his cheek. "After a certain time, makakabalik ako sa paglalaro."
"How about Gabriella?" I'm betting my last card.
Mabilis na nawala ang tinatamad n'yang itsura. Nangislap ang mga mata n'ya kahit na pangalan pa lang ang binanggit ko.
Yeah. Mahirap basahin si Markiel but when it comes to her, nawawala ang pagiging misteryoso n'ya.
"How about her?" He's now frowning.
Bahagyang akong lumapit. Itinukod ko ang mga siko sa lamesa at pinagsalikop ang mga kamay.
"I'll help you," mabilis na tugon ko. "Let me do the job. I'll make her fall in love with you."
Markiel laughed. Iyong tawang parang ang saya-saya n'ya.
Nakakapikon man, hinintay ko pa rin s'yang matapos na tumawa. He's laughing at me and my idea, that's obvious.
"You can't force love, Sofia."
Naiiling na nagtaas s'ya ng kamay para tawagin ang server. Matapos makita ang bill ay agad s'yang nagbigay ng pera sa server.
Napatayo na rin ako nang tumayo s'ya. He went towards the exit at nasa likuran n'ya ako.
"Seryoso ako." I pulled his arm. Nasa gilid na kami ng sasakyan. "That's my offer."
Napipilitang humarap s'ya sa akin. "Ilang beses ko bang sasabihing wala kang kasalanan sa nangyari?"
"I can do that," confident na sabi ko kahit hindi ko alam kung paano sisimulan iyon.
"Let's not involve her in this, Sofia." He looks pissed.
Kahit ako ay nai-stress na rin. Kung puwede nga lang kalimutan ang nangyari ng gabing iyon, ginawa ko na. But I can't!
"How about this..." He combed his hair with his hand. "Para mawala na rin 'yang guilt mo at para alam mo ang nangyayari sa balikat ko, accompany me on my check-up and therapy. How about that?"
"Deal!" I offered him my hand.
"Just for a month, Sofia." He's still shaking his head while accepting my hand. "And you should do yourself some favor, you know."
Frowning, I look at him.
"Learn to heal. Not everything involving you is your fault," he said before opening the car's door.
The two hours drive to Manila became a long one. Hindi na nagsalita si Markiel. Nakapikit lang s'ya at hindi ako sigurado kung tulog ba o talagang ayaw lang n'yang makipag-usap sa akin. Hanggang sa ibaba ko s'ya sa kompanya nina Alfon, he looks pissed and yes, bored.
But who cares?
Ang mahalaga sa akin ay mawawalan na ako ng utang na loob sa lalaki. Nakuha ko ang gusto ko at iyon ang importante. Tama s'ya nang sabihin n'yang rude ako, isa iyon sa naging kapital ko para mapunta sa posisyon ko ngayon. Kung naging soft ako, baka wala na ako rito.
Dalawang beses isang linggo lang ang schedule ni Markiel. Martes at biyernes lang at nasa tatlong oras lang naman iyon kada araw. Hindi ko lang alam kung pareho bang sa therapy iyon. Iyon lang din kasi ang ibinigay n'ya at wala naman akong pakialam sa iba pang schedule n'ya bukod doon.
Not my life so I don't have to involve myself.
"Mukhang naging mas normal ka these days," bati ni Vinci nang muli s'yang bumisita sa opisina ko.
Itinaas ko ang makapal na papel na binabasa. "Busy."
"Hindi ka yata problemado."
Nagkibit lang ako ng balikat. Wala naman talaga akong problema.
Peaceful ang S Cosmetics at maganda ang estado niyon sa market. Ang problema lang naman kasi sa kompanya ang itinuturing kong problema talaga.
Dumiretso si Vinci sa lamesa ko at inilapag ang isang magazine. Silhouette ang nasa cover niyon at maikling caption for uncovering someone's identity.
"Unti-unti ka nang umaalis sa dilim," aniya bago muling kinuha ang magazine. Tumitikwas pa ang daliri n'ya habang binubuklat ang bawat pahina niyon. "Ang akala ng lahat, mananatili ka na lang sa likod ng pangalan ng Sofia Cosmetics. Are you really sure na ipakikilala mo na ang sarili mo sa madla?"
I never planned to be mysterious. Lalo na at sa mundong ginagalawan ko, mahirap magtiwala. And in order to trust someone, you have to know the person, mukha at pagkakakilanlan nito.
But when I started S Cosmetics in Poland, mas naka-focus ang lahat sa bawat produkto at hindi sa nagtayo niyon. Walang naging problema sa mga negosyanteng nagkaroon ng kaugnayan dito dahil hindi naman sila nag-demand na makadaupang-palad ang mismong puno niyon. Wala silang reklamo kahit na representative lang ng S Cosmetics ang makipag-usap sa kanila as long as they were in the same page regarding the business deal.
Medyo iba nga lang ngayon and yes, iba rito sa Pilipinas. Masyadong curious ang mga tao at malaki ang trust issues ng mga negosyante. They want the one who founded the company. Hindi sila nagkasya sa ilang executives from S Cosmetics. Mas gusto nilang makaharap ang pinakapuno niyon.
Kung ako ang masusunod, mas prefer kong makilala ang S Cosmetics dahil sa quality nito, dahil iyon ang dapat. Hangga't maaari, ayaw kong makilala ito dahil lang sa pagiging Nuvali ko. But, I always put S Cosmetics first before anything else. I'll do what it takes para mapangalagaan ang kompany.
So, yes. Kung gusto nilang makilala ang taong nasa likod ng sumisikat na cosmetic company, I'm all in.
"Yeah."
"Are you comfortable with this?" nananantiyang tanong pa ni Vinci.
Sinulyapan ko ang magazine'ng hawak n'ya. Ang silhouette na nasa cover niyon akin. They wanted to use my face for the cover pero hindi ako pumayag. Iyon nga lang, nasa limang page sa magazine ang picture ko at ang ilang tungkol sa akin. The details there are limited though. May ilang personal question na sinagot ko pero sinigurado kong sa S Cosmetics lang iikot ang lahat ng impormasyong sasabihin ko.
Iyon naman ang goal ko. Ang makilala ng lahat ang kompanyang itinayo ko.
"This magazine's company is currently reprinting this copy. Sold out ang first batch."
"I'm well-informed. They called me."
Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ni Vinci. Inilapag n'ya sa lamesa ang magazine at tuluyang lumapit sa akin. He pulled me out of my swivel chair. He did that dramatically.
Hinayaan ko na lang at nagpatianod na lang ako hanggang sa maupo kami sa couch na nasa receiving area ng silid.
He's frowning like he's in distress.
"This is a smart move..." simula n'ya. "Pero sigurado ka ba talaga? This is not just letting the madlang people know who's behind the success of S Cosmetics. This is you, letting everyone in in your life!"
"It's okay. Hindi naman lahat ng tao rito sa Pilipinas ay nagbabasa ng magazine. May ilan ding wala namang pakialam sa nangyayari sa bansa. And this involves cosmetics, hindi lahat ay mahilig doon."
Confident ako nang sabihin iyon dahil iyon naman ang totoo.
Sino naman kasing magkakaroon ng interes sa taong nasa likod ng isang cosmetic company, right? Mas gusto ng karamihan ang mga produktong ginagamit, hindi ang gumawa niyon.
Kaya gulat na gulat ako nang mangyari ang hindi inaasahan.
Tatlong araw pagkatapos lumabas ang kopya ng magazine na iyon at dalawang araw matapos naming mag-usap ni Vinci, I was mobbed at the parking lot of my company
Halos hindi ako makapag-park. Kinailangan pa akong daluhan ng security dahil sa mga reporter na nag-aabang sa akin. Lampas kalahating oras yata akong nasa loob ng sasakyan dahil hindi lang mga reporter ang nandoon. There are bloggers and paper journalists!
And after going out from the car, I never had the chance to lift my face. Nabingi ako sa ingay at sandaling nabulag dahil sa nagkikislapang mga camera.
Am I stunned? No. I am terrified. The trauma of the spotlight I had that moment scared the hell out of me.