CHAPTER NINE- WE MEET AGAIN

2407 Words
  CHAPTER NINE- WE MEET AGAIN     “I am very sorry. I’m late because I got some important things to attend before coming here,” ma-otoridad ng wika nito sa lahat. Boses pa lang nito ay gusto nang kumawala ng puso niya sa sobrang kaba. Gusto niya itong lingunin ngunit mas nanaig ang takot niya na baka makita siya nitong muli. Alam niyang mahihirapan siyang magtago rito at napakalaki ng tsansa na makikita siya lalo pa at ilang metro lang ang pagitan nila sa isa’t isa.     “Lagot…” “He’s so handsome.” “Mukhang hindi naman niya kailangan ng pera at maraming ka-date kaya bakit pa siya sumali rito?”     Umugong ang mga bulong bulungan sa paligid samantalang siya naman ay natatarantang nagtago sa gilid ni Thea. Mabuti na lang talaga at biniyayaan ito ng malulusog na mga braso. Kung pwede lang siyang malunod dahil sa lakas ng t***k ng puso niya ay baa kanina pa siya nawalan ng buhay at nakipag meet-up kay San Pedro sa langit. “It’s okay, Mr. Vad. Mabuti at nakarating ka in behalf of your brother. Kung hindi ka dumating ay mahihirapan talaga kaming maghanap ng ipapalit. Since narito ka na, why don’t you introduce yourself?” “Do I really need to?” “Yes, Mr. Vad. Nakapagpakilala na kasi ang halos lahat maliban sa iyo.” Walang magawang pumunta ito sa harap para magpakilala. Kahit hindi ito masyadong nakikita ay manaka-naka siyang sumisilip para tingnan ito. Gusto niyang maiyak nang matitigan niya ito nang matagal. Hindi na ito ang pa-sweet na Yheven na nakilala niya. Ang laki ng pinag-iba ng panlabas nitong itsura. Nag-mature na ang mukha nito ngunit wala pa ring pinagbago, ang gwapo pa rin nito. Bagay rito ang suot nitong itim na tuxedo na tila ba isa itong bilyonaryo na kagagaling lang sa isang board meeting.  “Fine. What should I say here? The name is Yheven. I’m here because of my brother. That’s all.” Matapos nitong magsalita ay naglakad ito paupo sa tabi ni Jan ngunit bago ito tuluyang umupo at napatingin sa direksyon niya. Natataranta tuloy siyang sumiksik sa ilalim ng kili-kili ni Thea. Wala na siyang paki-alam kung ma-offend man ito dahil sa ginawa niya itong taguan. “Ay, ano ba iyan, Syb? Anong ginagawa mo riyan? Mabuti na lang talaga at nakapag-rexona ako kanina dahil kung hindi malamang kanina ka pa nawalan ng malay diyan.” “Sorry na, Thea. Ano kasi….nilalamig ako. Oo, nilalamig ako. Ang lakas kasi ng aircon. Pwede kaya nilang hinaan kahit kaunti lang?” palusot niya. “Malamig ba? Hindi naman ah. Isang aircon na nga lang ang gumagana eh.” “B-basta nilalamig talaga ako.”  “Hay nako. Bahala ka nga riyan,” wika na lamang nito na muling itinuon ang pansin sa harap dahil nagsisimula nang magbigay ng guidelines at mechanics si Weng. “Okay. Since narito na kayong lahat at nakapagpakilala na kayo sa isa’t isa ay sisimulan ko nang sabihin sa inyo ang guidelines at mechanics ng show. Unang mangyayari ay bibigyan namin kayo ng number at basi sa number na iyon malalaman kung sino ang makakapareha ninyo. Ibibigay namin ang number niyo mamaya at sa unang taping na natin malalaman kung sino ang makaka-partner niyo. Kapag bawat isa ay may partner niya ay tsaka pa lamang magsisimula ang mga challenges na kailangan niyong ipanalo. There will be five challenges na gagawin niyo bilang partner and of course base sa title ng show ay puro ito mga dating challenges. All you need to do is to convince our viewers na bagay kayo sa isa’t isa. Fifty percent ng pagbabasihan ng kung sino ang mananalo ay manggagaling sa text votes ng mga viewers at fifty percent naman sa mga judges na hindi muna namin ipakikilala sa inyo. One challenges per week kaya ang show ay magtatagal ng isang buwan at isang linggo. During that time ay magagawa niyo pa rin naman ang mga usual na gawain ninyo basta at nagagawa niyo ang mga challenges. Nasa inyo na kung ano ang magiging strategy or arrangements niyo para magawa niyo ang mga dapat gawin. Mayroon lang isang cameraman na makakasama niyo sa oras na magsimula na ang taping ng show. One cameraman per contestant  at don’t worry dahil hindi naman namin isasali ang mga personal stuffs niyo na walang kinalaman sa show. Syempre, naiintindihan naman namin na may privacy naman kayo para sa personal niyong buhay. Gets niyo ba or mayroon ba sa inyong may clarifications tungkol sa mga sinabi ko?” unang nagtaas ng kamay si Thea. “Miss Weng, ‘yung sa prize sana. Hindi kasi nasabi sa poster at advertisements kung ano o magkano eh.” “Oo nga po,” segunda naman ni Jan. “Oh, oo nga pala. About the prize. The winning pair will take home a total of two hundred thousand cash and one commercial na ipapalabas dito lang sa region six.” Muling napuno ng mahihinang bulungan ang buon hall. Siya naman ay saglit na nakalimutan si Yheven dahil nakuha kaagad ng premyo ang atensyon niya. Dalawang daang libo! Sobra pa iyon sa sapat para sa operasyon ng kanyang anak. Nabuhay ang pag-asa sa kanyang dibdib. Bigla siyang nasabik.  “May iba pa bang mga tanong?” muling tanong nito. “Yes, Mr. Vad?”  “What if hindi mo gusto ang makaka-partner mo? Pwede bang palitan?” ang sayang nararamdaman niya ay muli na namang napalitan ng takot at kaba. Oo nga pala, ano ang gagawin niya kapag nagkaharap na silang dalawa? Paano kung sila pa ang magkapareha? Aatras ba siya? Paano ang premyong na pwede niyang makuha? “Hoy, ano ang nangyayari sa iyo? Huwag mong sabihin na epekto na naman iyan ng lamig ng aircon?” “H-ha?” gulat na bulalas niya nang kalabitin siya ni Thea.  “Sinasabunutan mo ang sarili mo, girl.” Napatingin siya sa dalawang kamay niya na nakahawak sa kanyang buhok.   “Nope. You can’t change your partner. Kung sino ang makakapareha ninyo ay iyon na at walang palitan na mangyayari. And you can’t back out after ninyong mapirmahan ang kontrata na ibibigay sa inyo in a while.” “Okay. I understand,” maikling tugon ni Yheven na kinuha ang cellphone at may pinindot nang kung anu-ano roon. “Good. Let’s take a break muna after maibigay sa inyo ang kontrata para magkaroon kayo ng time na mabasa iyon at para makapag-isip na rin kung desidido ba talaga kayo. If you want to back out, ito na ‘yung chance ninyo to do it kaya pag-isipan niyo nang mabuti. Bumalik kayo after thirty minutes and tell us your decision.” Pagkatapos nitong magsalita ay may isang lalaki na nagbigay sa kanila ng isang long white na folder at ballpen.      ****   Nang maibigay na sa kanila ang kontrata at nag-signal si Weng na pwede na silang mag-break ay pinauna muna niyang makalabas ang lahat bago sumunod sa mga ito. Balak niyang sa CR na lang magkulong dahil iyon lang ang tanging lugar sa loob ng station na hindi pwedeng pumasok si Yheven. Bakit pa kasi ito sumali? Bakit sa dinami-dami ng pwedeng salihan ay dito pa kung saan kasali rin siya? Gusto niya tuloy isipin na pinaglalaruan siya ng tadhana ngayon.  Para siyang ninja na pasilip-silip muna bago lumiko sa mga hallway. Pinagtitinginan na nga siya ng ilang mga tao roon dahil para siyang baliw na tumatakbo sa loob. Nakahinga siya nang maluwang dahil isa liko na lang ay CR na kaya mas lalo niyang binilisan ang takbo. “Sorry po talaga, Sir.” Bigla siyang napa-preno sa pagliko nang makita si Yheven na kausap si Nida. Nakayuko ito habang humihingi ng pasensya. Kung sasakyan lang siya, siguro ay nagmarka na ang gulong niya sa tiles na sahig dahil sa biglang pagtigil niya. Muntik pa nga siyang masubsob sa unahan mabuti na lang at napigilan niya ang katawan kaya imbes na masubsob ay napaupo siya. Sapo ang dibdib na dumikit siya sa gilid. Malawak naman ang building pero bakit hinayaan ng Diyos na magtapo ang landas nilang dalawa? Alam niyang magkakaharap sila pero hindi pa talaga siya handa. Gusto na sana niyang umalis at maghanap ng ibang pagtataguan ngunit mas nanaig ang kuryusidad niya. Magkakilala ba ang dalawa? “You should have told me the truth, Miss Faeldon. I have other important thing to do, you know that but because you said you’re sick ay napiitan akong umattend sa meeting na dapat ikaw ang nandoon.” “Pasensya na po talaga sir. Nahihiya naman po kasing magsabi ng totoong dahilan kaya ako umabsent ngayon. Hindi ko naman akalain na kasali rin pala kayo rito.” “Next time, don’t lie to me. Nagkakaintindihan ba tayo? Pinapayagan ko naman kayo mag take ng vacation whatever your reason is.” “Opo, sir. Pasensya na po talaga.” “Let me talk with the producer if pwedeng tayo na lang ang magkapartner para hindi na tayo mahirapan pa sa arrangement. For sure ay mga dates lang naman ang gagawin natin.”  “Po?” dalawang letra lang iyon at hindi pa niya nakikita ang mukha ni Miss Nida ngunit ramdam niya sa boses nitong hindi ito sang ayon sa gusto ni Yheven.  “Ayaw mo ba?” “H-hindi naman po sa ganoon, Sir.” Nagtataka na talaga siya kung ano ang ugnayan mayroon ang dalawa pero isa lang ang sigurado niya. Boss nito si Yheven dahil sir ang tawag ni Miss Nida rito. Sa pagkakatanda niya ay isang Librarian si Miss Nida. Malaki ang posibilidad na tama ang iniisip niya dahil Library Science ang kinukuha ni Yheven sa college. Hindi niya napigilang ngumiti dahil natupad pala talaga ang gusto nito na magtrabaho sa library. “Ineng?” “Anak ng manok!” gulat na bulalas niya nang biglang may nagsalita sa likod niya. “Kuya naman. Muntik na akong atakehin sa puso,” ani niya habang nakahawak sa  kanyang dibdib. Gulat na gulat talaga siya. Janitor yata ito dahil sa suot nitong kulay orange na overall. May tulak itong isang malaking kulay blue na drum. “Ano ba ang ginagawa niyo riyan? Bakit ka nakaupo sa sahig? Masama ba ang pakiramdam mo?” sinenyasan niya na tumahimik ito sa pamamagitan ng paglapat ng hintuturo sa kanyang bibig. “Bakit?” “Huwag po kayong magsalita manong at baka mahuli ako- “Who’s there?” “Sh*t!” napamura siya nang marinig ang boses ni Yheven. Natataranta siyang tumayo at hindi alam kung saan magtatago. Kung tatakbo naman siya makikita pa rin siya nito dahil medyo mahaba pa ang hallway na tatakbuhin niya. Napatingin siya sa drum na tulak ni Manong. “Bahala na!” agad siyang tumalon papasok sa drum. Ngayon niya lang nalaman na may ganito palang siyang talent. Akalain mong nakayanan niyang tumalon swak doon mismo sa loob ng drum? “Anong-” gulat na wika ni manong. “What’s the noise all about, Kuya? May problema ba rito?” napatingin sa kanya ang matanda. Muli na naman siyang sumenyas na tumahimik ito. Mukhang na gets naman nito ang nais niya. “Naku, wala po. May nakita lang po akong daga,” nakakamot sa ulong palusot nito. “Daga?” “Opo. Pasensya na po at mukhang nadistorbo ko kayo. Sige po, mauna na ako.” Ilang sandali pa ay naramdaman na niyang umuusad ang kinalalagyan niya.  “Thanks God…” usal niya sa sarili. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mata. Hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang i-delay ang paghaharap nila ni Yheven pero hanggang kaya niyang umiwas ay iiwas siya.       ***  “Okay, I got all the contracts and it seems like everyone has signed it naman kaya all set na talaga tayo for the first taping tomorrow morning. Please be here as early as possible dahil may mga instructions pa kami na bukas na namin sasabihin. For now ay makakauwi na muna kayo to get your yourselves ready. Since holiday naman bukas at wala kayong pasok ng sabado at linggo as per data na binigay niyo sa amin kaya magsisimula na kaagad ang first challenge niyo after mai-announce ang pairing. You have to pack clothes and other basic needs for three days.” “Three days?” maarteng tanong ni Lucy. “Yes. Pero tulad ng sabi ko, bukas niyo na malalaman kung bakit. May mga tanong pa ba?” nang walang may sumagot ay muli itong nagsalita. “Okay. That’s all for today. See you guys tomorrow.” “Ano kaya ang gagawin natin?” tanong sa kanya ni Thea.  “H-hindi ko alam pero baka pupunta tayo sa malayong lugar,” sagot niya ngunit ang mga mata ay nakatuon kay Yheven na may kausap sa cellphone at mukhang aburido. “Bigay mo sa akin ang cellphone number mo para may kasabay akong pumunta rito bukas.” binigay naman niya ang kanyang number dito. “Thanks-hoy! Ano ang ginagawa mo? Para kang espiya riyan. Talagang kina-career mo na ang pagtatago sa akin ah.” “Sorry talaga…” hingi niya ng paumanhin. Bakit kasi hindi pa lumalabas si Yheven? Kaunti na lang silang naroroon. Sino ba kasi ang kausap nito sa cellphone. “Sino ba kasi ang pinagtataguan mo? Talagang nag sombrero ka pa at nag shades.’ akmang titingnan nito ang direksyon ng kung sino ang pinagtataguan niya ngunit agad niya itong pinigil. “Wala akong pinagtataguan. N-nilalamig lang talaga ako.” Napailing lang ito sa napakawalang kwenta niyang palusot. “Ewan ko sa iyo. Halika na at nang makauwi na tayo para makapaghanda ng mga gamit natin.” Hinila siya nito palabas. Nagpatiayon na lang siya dahil natatakpan naman siya nito. Mabuti na lang talaga at balingkinitan siya samantalang mayaman naman sa pagkain itong si Thea. Nagkaroon siya ng human hiding place mula kay Yheven. Nahigit niya ang hininga nang dumaan na sila sa mismong harap nito. Kaunti na lang at mararating na nila ang pinto. Naka ready na ang kanyang mga paa para tumakbo. “Thank you, papa Jesus. Mahal talaga kita,” anas niya nang sa wakas ay nakalabas na siya sa tulong ni Thea. “Paano, text text na lang tayo ha?” “Sige, salamat talaga ng marami, Thea. Hulog ka ng mga bituin sa langit,” mabilis na wika niya. Hindi na niya hinintay na makapagsalita ulit ito dahil kumaripas na siya ng takbo. Kasing bilis na nga siguro niya si Usain Bolt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD