CHAPTER EIGHT- THE DATING SHOW

2269 Words
CHAPTER EIGHT- THE DATING SHOW “Sabihin mo kay Jay-r na regards ha,” bilin ni Nat sa kanya nang ihatid siya nito sa sakayan ng bus. Inagahan nila kasi halos isa at kalahating oras din kasi ang byahe papunta sa RBW Broadcasting Station.  “Oo, ako ang bahalang mag-sabi basta at basta ikaw rin ang bahala muna kay Viggo. Ikaw na rin ang bahalang magsabi sa kanya na umalis lang muna ako saglit.” Tulog pa kasi ang anak niya nang umalis sila. “Areglado. Don’t worry about my inaanak. Mabait naman iyon at nakikinig sa akin kahit na may pagka makulit mana sa akin. Ducks with the same feather, swim together.” Umarte pa ito na parang bebe na lumalangoy. “Baliw ka talaga kahit kailan,” natatawang wika niya na napatakip na lang siya ng mukha dahil pinagtitinginan ito ng ibang mga pasahero.  “O ‘di ba, nawala ang kaba mo riyan. Relax, okay? Inhale, exhale lang. Hindi ka naman pababayaan ni bakletang friend ko roon.” “Oo na.” “Sige, akyat ka na sa loob at nang makabalik na ako sa clinic. Baka gising na si Viggo.” itinulak na siya paakyat. “Text mo ako kapag nandoon ka na. Ingat sa biyahe.” “Opo,” parang bata na wika niya dahil para itong nanay kung magsalita sa kanya. Hindi na nito hinintay na makaalis ang bus na sinakyan niya dahil kailangan na nitong bumalik sa clinic. Hindi pa kasi sila pinayagang makauwi dahil hindi pa stable ang paghinga at oxygen level ng anak niya. Ayaw man niyang iwan ito sa ganoong sitwasyon ay wala na siyang ibang choice. Kailangan niya iwan muna ito saglit para madagdagan ang ipon niyang pampa-opera dito. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago ipinikit ang mga mata mata para matulog muna saglit. Halos wala pa kasi siyang tulog dahil sa pagbabantay sa anak.  **** Simpleng bestida lang ang suot niya na hiniram pa niya sa mga binebenta nilang ukay-ukay. Kulay blue iyon na medyo sa hapit sa kanyang katawan at hanggang tuhod lamang. Mula kasi nang mapunta siya sa Dinggon ay halos hindi na siya nakabili ng bagong damit dahil nasa bahay lang naman siya lagi. Maliban kasi sa ukay-ukay business nila ni Natalia ay nagtayo rin silang dalawa ng maliit na sari-sari store. Dahil hindi naman ganoon karami ang mga kapit-bahay nila kaya hindi rin ganoon kalaki ang kinikita mula roon.  Ayon kay Nat ay para sa region lang nila ang show. Sa probinsya kasi nila naroon ang main office ng RBW Broadcasting Station na pagmamay-ari ng isang mayamang negosyante. Doon lang sa region six napapanood ang istasyon na iyon kaya medyo may lakas siya ng loob na sumali kasi kaunti lang naman ang makakapanood.  Higit ang hiningang pumasok siya sa lobby. Agad naman siyang sinalubong ng security guard. “Good morning po. Ano po ang sadya natin?” bungad nito. “Good morning din po, Sir. Isa po ako sa kasali ‘dun sa TV show na magsisimula raw ngayon?” “TV show? Teka…” saglit itong nag-isip. “Ah, ‘yung Dating Show.” “P-po?” kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Dating Show? Baka namali lang siya ng dinig. Ang alam niya kasi ay cooking show ang sasalihan niya. Nagdala pa naman siya ng apron. “Hindi po-” “Sybelea?” hindi na niya naituloy ang mga sasabihin dahil napatingin siya sa isang lalaki na pakending-kending na lumapit sa kanya at agad nag beso-beso. “Ay, bet! Ang ganda mo pala talaga sa personal, para kang latina.” “Ay, hindi naman po. Kayo po ba ‘yung friend ni Natalia?” “Yes na yes! I’m one of the producer ng show s***h Director. The name is, Jaya pero Jay-r sa birth certificate but you can call me Jaya dahil iyon ang name na gusto ng pusong babae ko.” Natawa siya sa sinabi nito. Tuluyan na tuloy nawala ang kaba na nararamdaman niya. “Nice meeting you po, Miss Jaya.” “Same here pero ang sarap mong kurutin. Ang ganda mo talaga. Nakakainis dahil nasasapawan ang beauty ko. Nabwisit ako kay Natalia bebe, sinabi niyang maganda ka pero hindi sinabing diyosa pala. Ilang taon ka na nga pala?” Namumula na talaga siya dahil sa mga papuri nito sa kanya. Sa totoo lang kasi ay maraming tao na ang nagsabi na maganda siya. Mayroon pa nga nagsabing kamukha niya si Marian Rivera. Dahil marahil sa dugong espanyol niya. Half-spanish kasi siya pero hindi na niya nakilala ang tatay niya dahil ipinagbubuntis palang siya ng kanyang nanay na namatay din matapos siyang ipinanganak ay bumalik na ito sa Spain.  “Thirty-seven na po.” “Seryoso? Bakit baby face ka pa rin?” “Mahilig lang siguro akong kumain ng gulay.” “Nakow, bakit ako halos gabi-gabi kumakain ng talong pero hindi naman baby face.” ilang segundo rin siyang nag-loading muna bago nakuha ang joke nito. Napakamot na lang siya ng ulo dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Natatawang tinampal nito ang balikat niya.“Anyway, let’s go na dahil mamayang alas-otso ay magsisimula na ang orientation ninyo para sa show.” Sumunod na lang siya papasok paakyat sa second floor.  **** Siyam silang lahat na naroon. Lima silang babae at apat na lalaki. Hindi pa raw dumadating ang isa pa. Nagkaroon yata ng emergency ayon sa narinig niya. Nasa isang conference room sila na may maliit na stage sa harap.  “Okay, all ears na po tayong lahat dahil magsisimula na tayo in a few minutes,” ani ng Production Assistant na Weng ang pangalan. “May hihinintay na lang tayong isang participant-” natigil ito sa pagsasalita nang bigla itong lapitan ng isang lalaki at may ibinulong. “Mukhang may problema ‘run sa isang participant.” Napatingin siya sa babaeng katabi niya. Mukhang magkasing-edad lang sila.  “Mukha nga,” pabulong din na sagot niya.  “Thea nga pala,” inilahad nito ang kanang kamay para makipag shake hands na agad naman niyang tinanggap. “Sybelea pero Syb na lang.” “Nice meeting you, Syb. Ano pala ang dahilan mo kaya sumali ka dito sa The Dating Show?” sukat sa sinabi nito ay automatic na namang kumurba ang kilay niya. Ito na ang ikalawang pagkakataon na narinig niyang Dating Show itong nasalihan niya.  “Teka, anong sabi mo? Dating Show? Hindi ba ito cooking show?” mulagat na tanong niya.  “Oo. Hala, hindi mo ba alam?” Napanganga na lamang siya. Hindi pala siya talaga nabingi lang kanina. Dating show pala talaga itong nasalihan niya at hindi cooking show.  “Okay, sorry for the interruptions, ladies and gentleman.” mabuti na lang at biglang nagsalita muli si Weng dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Thea. Isang malalim na inhale, exhale ang ginawa dahil sa inis na nararamdaman. Sasakalin talaga niya si Natalia pag-uwi niya. Parang gusto na lang tuloy niyang umatras bigla kaso nahihiya siyang magsabi lalo pa at instant close na sila ni Miss Jaya na in full support daw sa kanya. “Nagkaroon lang tayo ng kaunting problema na kaagad namang nasolusyunan. Hindi raw makakasali ang isang contestant na makakasama niyo pero don’t worry at may substitute naman daw na mahuhuli lang ng ilang minuto. So, without further ado, let us formally start our show’s orientation. As you already know, ang title ng show na sasalihan niyo ay The Dating show. Sasabihin ko sa inyo ang tungkol sa show after ng first part ng program natin this morning. Simulan natin sa pamamagitan ng pagpapakilala niyo sa isa’t isa. Tell us your name, taga saan at ano ang iyong rason bakit ka sumali rito.” Tuluyan nang nalaglag ang balikat niya dahil confirmed, Dating Show at hindi nga Cooking Show. “Hello guys.” naunang tumayo ang isang lalaki na nakaupo sa pinakaunang upuan mula sa kanan. “Ako nga pala si Benny. Twenty five years old. Nagtatrabaho ako bilang staff sa isang private university sa Rozon. Taga doon talaga ako. Isang kaibigan ang nagsabi sa akin na sumali raw ako rito na agad ko namang sinubukan dahil malay natin, baka dito ko mahanap ang babaeng para sa akin.” Naghiyawan ang lahat ng mga naroon maliban sa kanya. Halos wala nga siyang reaksyon dahil sa naguguluhan na siya sa mga oras na iyon. “Okay next.” Tumayo ang kasunod na lalaki na katabi ni Benny. “Magandang sa inyong lahat. Ako nga pala si Marlon. Twenty eight years old at kasalukuyang nagtatabraho sa Rozon Memorial Hospital bilang nursing aid. Sumali ako sa show na ito dahil gustong mag-artista at malay natin dahil sa show na ito ay madiscover ako.” Nagpalakpakan ang lahat matapos nitong magpakilala. “Hello po! Ako po si PJ. Thirty years old. Isa po akong cosmetology expert. Marunong po akong mag-rebond ng buhok, mapa-brazillian o keratin ay kering-keri ko iyan. Sumali po ako rito kasi natalo ako sa dare. Iyon lamang po at mabuhay sa ating lahat.” Napuno naman ang tawanan ang conference room dahil parang beauty queen na kumaway ito sa kanilang lahat. May pahabol pang flying kiss na pinalipad nito kay Marlon na siyang katabi nito.  “Ako naman po si Jan. College student pa lang po ako. Graduating na po this coming November sa kursong criminology. Isa po akong working student at kaya po ako sumali rito para may panggastos po ako sa aking review.” “Ang bait namang bata nitong ni Jan. Since wala pa ang pang limang contestant sa mga lalaki at pumunta na tayo sa mga girls. Simulan natin sa kay Miss bangs,” ani ni Weng. “Magandang araw sa ating lahat ng nandito. Sana ay pagpalain tayo ng mahal na Panginoon na nawa’y matapos natin ang ating mga dapat tapusin para sa programang ito. Gusto kong malaman niyong lahat na mahal tayong lahat ng Diyos at hindi niya tayo pababayaan kahit anuman ang mangyari basta at gumawa tayo ng mga bagay na ikakasiya niya. Huwag nating kalimutang magsimba tuwing linggo para manalangin at magpasalamat sa lahat ng biyaya na ating natatanggap sa araw-araw. Bago maparami ang aking mga sasabihin ay magpakilala muna ako. Ako nga pala si Nida. Isang Librarian sa isang malaking unibersidad sa Capizo. Siyanga pala, gusto ko lang idagdag-” “Ahm, Miss Nida baka puwedeng next time na ang iba mo pang sasabihin. For sure kung ano man iyan ay masasabi mo rin iyan sa lahat. Okay next naman po.” Nakakamot sa ulong wika ni Weng dahil mukhang marami pa yata itong i-sermon este sasabihin. Nagkatinginan nga lang sila ni Thea dahil one-eight lang yata ang introduction na sinabi nito tungkol sa sarili. “Hello everyone, my name is Lucy and I am from Capizo. Actually, I am already a professional model but I have decided to join because I just want to. Gusto ko lang kasi ng bago naman because I am tired being in a limelight. That’s all.” “Ang arte naman…” bulong sa kanya ni Thea. Nang makaupo na ito ay agad namang tumayo ang katabi nito. “Hello po. Ako po si Gemma. Thirty five years old. Isa akong businesswoman at ang dahilan bakit ako sumali rito ay dahil sa pagpupumilit ng aking anak. Isa kasi siya sa mga writer ng show na ito.” “Kayo pala ang mother ni Bless?” “Opo.” “Welcome po rito, madam. Okay, next please.” Turo nito kay Thea. “Good day sa lahat. Ako nga pala si Thea. Kaka-graduate ko lang last year. Kaya nga pala ako sumali rito dahil gagamitin ko sana pang-abroad ang pera kung sakaling manalo man ako.” “Halos lahat nang nandito ay may kanya-kanyang rason kung bakit sila sumali. Ano kaya ang rason nitong huli nating contestant?” tukoy nito sa kanya. Dumaan ang ilang sandali pero nanatili lang siyang naka-upo. Halos lahat ng mga kasamahan niya ay sa kanya na nakatingin. Kung hindi pa siya sinenyasan ni Miss Jaya ay hindi pa sana siya tatayo. Bigla kasing nablangko ang isip niya.  “H-hi. Sybelea nga pala. Thirty seven years old.” biglang nagkaroon ng mahihinang bulong-bulungan sa paligid niya. Marahil ay hindi makapaniwala ang mga ito na ganoon na ang kanyang edad. “Taga-Dinggon po ako at ang dahilan po kung bakit ako sumali ay dahil kailangan ko pong makapag-ipon ng pera para sa operasyon ng...taong importante sa akin.” Nakagat niya ang labi matapos magsalita. Kung kanina ay tila gusto na niyang umatras, ngayong naalala niya kung para kanino kaya siya narito ngayon ay nabuo na ang kanyang loob na sumali na lang.  “That is amazing everyone. Alam kong may kanya-kanya kayong dahilan kaya kayo napasali rito at ang masasabi ko lang ay sana huwag niyong kalimutan mag-enjoy habang nandito kayo dahil sigurado akong isa ito sa magiging unforgettable moment niyo habang kayo ay nabubuhay. Anyway, mukhang hindi na talaga aabot ang last contestant natin kaya let us proceed to the next part nitong orientation natin-” napatigil ito sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok ang isang lalaki na naka suot pa ng itim na tuxedo. “I’m sorry, I’m late.”  “Sh*t!” may narinig siyang nagsabi niyon ngunit hindi na niya nakita kung sino dahil para siyang natuklaw ng ahas sa kanyang kinatatayuan nang makita ang mukha ng lalaking kadarating lang. Kung pwede lang na magpalamon siya sa lupa ay gagawin niya ora mismo.  “Yheven?!” nanlaki ang mga matang bulalas niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD