CHAPTER TEN- WORLD PEACE

1871 Words

CHAPTER TEN- WORLD PEACE Malayo pa ang bahay nila ngunit sumisigaw na siya dahil sa sobrang inis niya kay Natalia. Umuwi raw kasi ito para kumuha ng ilang mga gamit na kakailanganin nila sa ospital. Si Nanay Susan muna ang nagbantay kay Viggo sa clinic. Nakakuyom ang mga kamaong binuksan niya ang pinto. “Natalia!” sigaw niya. “Hoy! Ang ingay mo! Nambubulabog ka ng mga kapitbahay. Ang lakas-lakas ng boses mo. Para kang lasing na naghahanap ng away,” sita nito sa kanya na kagagaling lang sa CR. May tuwalya pang nakabalot sa ulo nito. “Ano ba ang problema mo?” tanong nito sa kanya na pumasok sa kanilang kwarto at naglagay ng lotion. “Mag-usap tayo!” labas ang litid sa leeg at nakapamewang na pumwesto siya sa harap nito. “Ano ba ‘yan, Syb. Kadarating mo lang tapos highblood ka na kaagad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD