CHAPTER ELEVEN- WHEN FATE MESS THEIR LIVES UP

2381 Words

CHAPTER ELEVEN- WHEN FATE MESS THEIR LIVES UP “Kaya mo ba talaga? May chance ka pang umatras. Sabihin mo lang at ora mismo ay tatawagan ko si Jay-r,” wika ni Natalia sa kanya nang muli siya nitong ihatid sa terminal ng bus. Halos iyon ang bukambibig nito mula nang makaalis sila sa bahay.  “Okay lang ako. Kaya ko ito.” “Sure?” “Oo nga kasi. Huwag kang mag-alala.” tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay napailing na lamang na muling tiningnan siya sa mata. “Kinakabahan talaga ako para sa iyong babae ka eh. Alam kong strong and independent woman ka pero gurl, si Yheven iyon. Ang one and only man na minahal mo. Ang lalaking iniwan mo nang walang paalam. Ang tatay ng nag-iisa at poging anak mo na magiging ka-arranged marriage ng future anak ko.” Sinamaan niya ito ng tingin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD