CHAPTER SEVEN- FIVE YEARS LATER

2026 Words
CHAPTER SEVEN- FIVE YEARS LATER     “Mga hayop kayo. Nagbebenta po ako ng mga ukay-ukay hindi tanungan ng mga walang kwenta niyong mga tanong.” Napatakip siya ng tenga dahil sa lakas ng boses ni Natalia na nasa harap ng camera at may hawak na isang kulay berdeng bestida. Mayroon na kasi silang maliit na ukay-ukay store at nag mauso ang mga live selling ay naki-gaya na rin sila. Mukhang effective naman kasi tumaas nga ang benta nila kahit puro mura ang naririnig nila mula kay Natalia. Sa loob ng halos higit limang taon ay iyon ang bumubuhay sa kanila. Nakaka-survive naman sila kahit papaano. “Hoy!” sinenyasan niya ito na lumapit. “Tigilan mo nga iyang pagmumura at baka ma-report na naman ang f*******: natin,” pabulong na wika niya rito. “Paanong hindi ako mapapamura eh imbes na mag-mine ay puro love advice at mga tanong ang kino-comment ng mga ito. Tulad nito,” kinuha nito ang cellphone at may binasa. “Ano raw ang tawag sa nakahintong escalator. Aba, anong akala niya sa akin, bobo? Syempre ang sagot sa tanong ng mokong na ito ay temporary stairs. Di’ba, kapag hindi umaandar ang escalator ay nagiging hagdan siya so ayun, temporary stairs muna siya.” “Huwag mo na lang kasing pansinin ang mga hindi nagma-mine.” “Paanong hindi papansinin? Kung hindi ko papansinin ang comment nila ipa-flood comment nila ng parehong tanong ang live natin. Oh heto may isa pang tanong. Ano raw ang pinaka hindi mo makakalimutang ginawa mo sa isang hayop noong bata ka. Teka, naalala ko ito ‘yung pinalaya ko ang lamok matapos  na tinanggalan ko ng pakpak.” napailing na lang siya dahil kahit panay ang mura nito ay mukhang nag-eenjoy naman ito sa pagsagot ng mga tanong. Hinahayaan na lamang ito. Pumapasok lang siya sa eksena kapag halos puro mura na ang lumalabas sa bibig nito. Matapos ang halos isang oras na pag-live selling ay naibenta rin nila ang halos lahat ng mga ukay nila. “Juice?” tanong niya rito matapos pahilatang naupo sa kanilang sofa. “Yes, please. Kakapagod talagang magsalita nang magsalita nang matagal.” Tinungo niya ang kusina at ipinagtimpla ito ng juice. “Ilang bale ba ang kukuhanin natin sa susunod?” tanong niya nang makabalik na at mailapag sa harap nito ang baso. “Lima na kuhanin natin. Mukhang effective naman ang ginagawa kong pagmumura dahil palagi nang nauubos ang mga tinda natin ngayon. Balak ko na ngang bumili ng libro tungkol sa kung paano magmura nang magaling para mas dumami pa buyers natin.” “Baliw!” natatawang wika niya dahil sa sinabi nito. “Totoo naman kasi. Isa pa, alam natin pareho na kailangan nating magdoble kayod ngayon dahil may pinag-iipunan ka.” hindi niya maiwasang mapabuga nang hangin dahil sa sinabi nito. “Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin ang offer ni Jay-r na sumali ‘dun sa TV show. Malaki ang makukuha mong pera kapag nanalo ka roon. Malaking tulong din iyon kung sakali. Kung ang ikinakatakot mo na baka makita ka niya kung sakaling lumabas ka sa telebisyon ay huwag kang mag-alala dahil ang huling beses kong narinig na balita ay umalis na siya ng pinas para mag-aral sa ibang bansa.” Natigilan siya sa sinabi nito. Matagal-tagal na rin noong huling beses nilang nabanggit sa kanilang usapan si Yheven ngunit hanggang ngayon ay sobrang apektado pa rin siya. Nadudurog pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang mga nangyari tungkol sa kanilang dalawa. “H-huwag na.” Nagkunwari siya na busy sa pagtutupi ng mga damit. “Hay nakung babae ka. Hanggang ngayon nagdadrama ka pa rin. Naiintindihan naman kita friend kasi mahirap naman talagang kalimutan si lalaking-hindi-pwedeng-pangalanan-dahil-masasaktan-si-Sybelea pero huwag mo naman sanang limitahan ang sarili mo na sumubok ng mga bagay bagay dahil lang takot ka na magtagpo ulit ang landas niyo. Isa pa, maliban sa nasa labas na ng area of responsibility ng Pilipinas ang taong iyon ay baka prince charming na iyon ng iba.” Bull’s eye! Sapol na sapol ang puso niya sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ay pranka itong kaibigan niya. Nag-iisa na nga lang ito na bestfriend niya pero ang hilig pa siyang saktan. “H-hindi na ako affected.” “Ladies and gentleman pati mga bakla at tomboy, the winner of pinakasinungaling na babae of the year goes to tantararan!” itinaas pa nito ang kanang kamay na tulad ng mga boksingero kapag nanalo. “Sybelea Blueth! Ang babaeng half spanish at pinaka paboritong ampon ng kanyang tatay Max!” “Gaga ka talaga…” tinampal niya nang malakas ang balikat nito matapos bawiin ang mga kamay. “Gaga pero maganda.” nag-flip hair na wika nito pagkatapos ay nag-spahetti pababa pa dahilan para matawa siya. Kahit kailan talaga ay napakagaling nitong patatawanin siya matapos saktan. “Teka, ano ba ulam natin? Nagutom ako bigla,” himas ang tiyan na wika nito. Maging siya ay nakaramdam din bigla ng gutom. Lagpas tanghali na kasi at tinapay lang ang agahan nila kanila. “Bumili yata si Nanay Susana ng pang-pakbet kanina,” tukoy niya sa Nanay ni Natalia. “Puntahan ko muna para-” naputol ang kanyang mga sasabihin dahil sa malakas na sigaw na nanggagaling sa labas ng kubo kung saan sila nagla-live. Doon lang kasi malakas ang signal. “Si Nanay ba ‘yun?” napatayong tanong ni Natalia na nauna nang lumabas ng kubo. Kinakabahang sumunod naman siya dito. Bumungad sa kanila ang patakbong si Nanay Susan na mukhang hinahabol ng sampung demonyo. “Sybelea!” dumagundong ang dibdib niya dahil sa pagtawag nito sa pangalan niya. “N-Nay Susan, m-may problema po ba?” nanginginig ang mga kalamnan na tanong niya. “Si Viggo! Nahihirapan na namang huminga!” sukat sa sinabi nito ay halos talunin na niya ang hagdan at patakbong tinungo ang bahay nila Natalia na hindi naman masyadong malayo sa kinaororoonan nila. Wala na siyang pakialam kung masakit man ang mga batong tumutusok sa kanyang talampakan basta at mapuntahan lang agad niya ang kanyang anak. Sa sobrang pagkataranta kasi ay hindi na pumasok sa isip niya ang pagsuot ng tsinelas.         ***     “Syb…” napatingin siya sa kaibigan. May iniabot itong isang bote ng tubig sa kanya at isang biscuit. “Kumain ka na muna.” Nanghihinang iniabot niya iyon. Hindi na niya naalalang gutom na pala siya dahil sa takot para sa kanyang anak. Nang makita niya kanina na halos hinahabol na ang hininga ay wala na siyang inaksayang panahon. Agad niya itong dinala sa maliit at natatanging clinic sa kanilang lugar para makapag-nebulizer. Oo, nabuntis siya at pitong taon na si Viggo. Pitong taon na rin na wala siyang balita kay Yheven. Unti-unti naman na niyang natatanggap na hindi talaga sila nakatadhana sa isa’t isa. Isa pa, kontento na rin siya sa buhay dahil kahit papaano ay nabigyan siya ng isang anak na siyang pinagtuunan niya ng kanyang atensyon at pagmamahal. Okay naman sana ang lahat kung wala lang itong sakit na Atrial Septal Defect. Isa iyong uri ng congenital heart disease. Kaya sobrang ingat siya sa pag-aalaga rito dahil madali itong mapagod kung minsan ay namamaga pa ang mga paa. Iyon ang dahilan kaya kahit gabi ay ginagawa na niyang araw para makapag-ipon lang ng pangpa-opera rito. “Thanks, friend.” Pag-inom palang niya ng tubig ay ramdam niya ang hapdi na dulot niyon sa kanyang tiyan. “Ilang beses na yatang palagi siyang nahihirapan huminga nitong linggo ah.” “Hindi ko rin alam kung bakit. Ginagawa ko naman ang lahat na huwag siyang mapagod. Halos gulay at prutas na nga lang ang kinakain niya para mas lalong lumakas ang resistensya niya.” “Syb naman kasi. Open heart surgery na marahil ang kailangan ni Viggo.” “Kulang pa ang naipon ko, Nat. Kung ako lang ang papipiliin, ngayon mismo ay papaoperahan ko na siya kaso kulang pa talaga.” parang hinihiwa ang puso niya nang sabihin ang mga iyon. “Pakiramdam ko nga, parang ang malas niya dahil ako ang naging nanay niya. Siguro kung isa ibang sinapupunan siya galing baka healthy siya at hindi nahihirapan. Minsan, napapa-isip tuloy ako kung ito na ba ‘yung karma ko sa pag-iwan kay Yheven.” “Syb…” tinapik-tapik nito ang balikat niya na para bang sa ganoong paraan ay mapagaan nito ang bigat na nararamdaman niya. “Alam kong nagkamali ako pero hindi ko talaga mapigilang hindi mag-isip ng kung anu-ano lalo na kapag sa mga ganitong sitwasyon.” “Wala ka ba kasi talagang balak na sabihin ito kay Yheven? Mayaman iyon, sigurado akong wala pa sa katiting ang pera na maitutulong niya sa operasyon ni Viggo kung sakali.” “Nat naman. Kung may tao mang huli sa listahan ng hihingan ko ng tulong, si Yheven iyon. Ayaw kong guluhin pa ang buhay na mayroon siya ngayon. Hindi pa naman ganoon kakapal ang mukha ko para magmakaawa sa kanya. Kung nahihirapan man ako ngayon dahil sa naging desisyon ko noon, sa akin na lang iyon. Hahanapan ko ng paraan ang pampa-opera ng anak ko.” Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan nito. Marahil ay suko na ito sa katigasan ng ulo at sa mataas na pride siya. Mahirap ngunit alam niyang kakayanin niya lahat ng pagsubok na nasa kanyang harapan nang walang tulong mula sa taong sinaktan niya nang sobra. “Alam kong wala akong karapatan na diktahan ka ng mga dapat mong gawin pero hanggang saan ka dadalhin ng pride na iyan. Isa pa, aminin mo man o hindi, may karapatan ‘yung tao sa anak niya.” Napatungo na lang siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang isasagot kasi alam niyang may punto ang sinabi nito sa kanya. “W-wala akong balak na manggulo sa buhay niya, Nat.” “Hindi naman panggugulo ang gagawin mo. Wala masama sa pagsabi sa kanya ng totoo. Hindi mali na ipaalam sa kanya na may anak kayong dalawa. Hanggang kailan mo itatago sa anak mo at kay Viggo ang totoo? Ayokong magsalita ng masama ngunit hahayaan mo bang mawala dito sa mundo  ang anak mo na hindi man lang nakilala ang tatay niya? Makakaya mo bang sa langit na niya malaman kung sino ang tatay niya?” “Nat naman, huwag ka namang magsalita nang ganyan,” matigas ang boses na wika niya rito. “Nagsasabi lang ako ng totoo. Magalit ka kung gusto mong magalit pero sasabihin ko iyo ang katotohanan. Tanggapin na natin na bawat araw na dumadaan ay mas lalong nagiging komplikado ang kalagayan ni Viggo. Hanggang sa hindi siya naooperahan ay para tayong mga lutang na nag-aalala rito. Kailangan niya ng operasyon. Kailangan mo ng pera pero iyong ang bagay na kulang ka kaya mamili ka, pride mo  o buhay ni Viggo.” Mas lalo siyang napatungo sa sinabi nito. Alam niya ang bagay na iyon ngunit ayaw lang talagang tanggapin ang mga posibilidad na maaaring mangyari kasi natatakot siya. Si Viggo na lang ang tanging mayroon siya kaya sigurado siyang hindi niya kakayanin kapag nawala ito. “H-Hindi ko talaga kaya. Hindi ko na alam ang gagawin ko pero buo ang desisyon ko na kakayanin ko itong mag-isa. Mas pipiliin ko ang ibang bagay na makakatulong sa akin kaysa lumapit kay Yheven.” Muli na naman itong napabuga ng malakas na hangin. “Ikaw ang bahala. Alam ko naman matigas ang ulo pero nagugulat pa rin talaga ako. Kung iyan ang desisyon mo ay wala na akong magagawa. Pero baka magbago ang isip mo at maisipan mo na lang na sumali doon sa show na sinasabi ko sa iyo. Malaki rin ang premyo kapag nanalo ka roon. Hindi mo na kailangang mag-audition dahil ipapasok ka ni Jay-r. ‘Yung friend ko na isa sa mga producer ng show.  Parang contest lang naman daw. Cooking show yata. Wala pa akong ideya talaga kung anong klaseng show pero tatagal lang daw ng isang buwan ang taping. Ano, sasali ka ba?” saglit siyang napa-isip. Ilang araw na rin niya iyong pinag-iisipan mula nang sabihin sa kanya ni Natalie. “S-sige. Sasali ako,” pagpayag niya.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD