CHAPTER SIX- RUN AWAY

1759 Words
CHAPTER SIX- RUN AWAY     “Hoy! Anong nangyari sa iyo?” gulat na bulalas ni Natalia nang pagbuksan siya ng pinto at makitang umiiyak siya. “Nat…” garalgal ang boses na yumakap siya rito nang mahigpit. “Nag-away ba kayo ni Yheven? Parang kanina lang ay ang saya mo na nagku-kwento tungkol sa inyong dalawa ah. May nangyari ba?” hindi siya sumagot. Mas lalo niya lang itong niyakap at nilakasan pa ang paghagulgol na para bang sa ganoong paraan ay mailabas niya lahat nga mabibigat na bagay na nakabara sa kanyang dibdib sa mga oras na iyon, “Iiyak mo lang lahat.” Gumanti na lang din ito ng yakap sa kanya. Nang mahimasmasan siya ay inalalayan siya nitong maka-upo sa upuan. “Gusto kong malaman kung bakit ka nagkakaganito ngunit kung ayaw mo at wala ka pang lakas ng loob na sabihin sa akin ngayon ay okay lang.” “H-hindi ba uuwi ka sa inyo sa sabado?” “Oo, bakit mo naitanong?” “Pwede bang sumama ako?” “Oo naman.” “Pwede bang bukas na lang tayo umalis imbes na sa sabado? Gusto ko na lang talaga makaalis na lang dito sa lalong madaling panahon. Ayoko na rito, Nat.” “Ano ba kasi ang nangyari? Gaano ba kabigat iyang nangyari at naisip mo bigla na umalis dito? Paano si Yheven? May kinalaman ba ito sa inyong dalawa?” “Nat…” susubukan pa lang niyang ibuka ang mga bibig para magkwento ay gumaralgal na naman angboses niya “Sybelea naman. Kilala kita sa loob ng napakahabang panahon. Alam ko kung kailan ka unang dinatnan ng iyong buwanang dalawa at alam kong may balat ka sa puwet kaya alam ko rin na may hindi magandang nangyari sa inyong dalawa ni Yheven” “G-gusto ko na lang munang makaalis dito ngayon. Sa susunod na lang ako magpapaliwanag.” Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan nito bago tumayo at naka-cross ang mga brasong humarap sa kanya. “Fine. Mag-e-emergency leave na lang muna ako bukas. Ganyang kita kamahal, Sybelea kaya hihintayin ko ang mga paliwanag mo tungkol dito pagdating natin sa bahay.” “Salamat, Nat.” “Sige na. sampung oras ang byahe pauwi sa amin kay simulan na natin mag-ayos ng mga gamit at damit natin. Magdala ka lang ng mga damit na sasapat sa apat na araw dahil apat na araw lang tayong mananatili roon.” “Hindi lang apat na araw akong mananatili roon, Nat.” “Ano? Ilang araw ba ang gustong mong time off?” “Habang buhay. Gusto kong lumayo kay Yheven habang buhay.” “Ano?” halos pasigaw na bulalas nito sa kanya. “Lasing ka bang babae ka? Bakit ka nakapagdesisyon nang mga ganyan kabigat na bagay ha?” “Sigurado na ako. Lalayuan ko na si Yheven,” aniya na kasunod ng isang malakas na hikbi. Alam niyang mahihirapan siya sa gagawin ngunit gagawin niya ito hindi lang para sa sarili niya kundi para na rin kay Yheven. Siguro nga ay nakatadhana na talaga siyang tumandang dalaga at mamuhay nang mag-isa habang buhay.       ****     “Nat…” mag-iisang buwan na siya kina Nat pero hanggang sa mga oras na iyon ay napakalaki pa rin ng mga eyebags niya sa kaiiyak buong magdamag. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay ang nakangiting mukha nito ang bubungad sa kanya. Para siyang lantang gulay na nawalan ng sustansya. Akala niya ay kakayanin niya ngunit bawat araw na dumadaan ay pahirap nang pahirap ang pangungulila na naramdaman niya. “Nandito na naman si Yheven. Halos lumuhod na para sabihin ko lang kung nasaan ka. Alam mo, naaawa na talaga ako sa kanya, Syb. Kung nakikita mo lang kung ano ang itsura niya.” parang papel na ginupit sa ilang libong piraso ang kanyang puso sa narinig. “Sagutin mo daw ang mga tawag niya o kahit text man lang. Syb naman kasi. Bakit iiwan mo ‘yung tao nang dahil sa isang hula na hindi mo naman alam kung totoo nga ba o hindi.” “S-sabihin mo sa kanya na patay na ako.” “Syb naman. Alam mo, kung hindi lang talaga kita kaibigan ay baka noon pa kita sinakal dahil sa walang kwenta mong dahilan na iyan. Ikaw lang siguro ang pinakatangang babae na iiwan ang isang almost perfect nang boyfriend nang dahil lang sa hula.” “W-wala na akong pakialam sa kanya.” Kinagat niya ang labi at tumingala para pigilan ang mga luhang kanina pa nag-aambang kumawala sa kanyang mga mata. “Hindi na talaga maiintindihan. Ikaw itong lumayo tapos iiyak ka rin naman pala. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang nangyari sa iyo. Kung nabagok ka ba o kung may anong kababalaghang ginawa sa iyo ang manghuhula na iyon.” “Sige na, baka pagalitan ka na riyan sa trabaho mo.” “Talagang pinagagalitan na ako rito ng boss ko dahil sa ginagawa ng boyfriend mo. Syb naman kasi. Kahit isang text lang ay pagbigyan mo na si Yheven.” “Hello? Chappy ka, Nat. Hindi kita marinig nang mabuti.” “Gaga ka ba? Paanong maging chappy ang signal mo eh kahit bundok ang baranggay namin ay katabi ng bahay namin ang cellsite ng globe at smart.” “M-may gagawin pa kasi ako. Sige na. Mag-usap na lang tayo kapag umuwi ka na rito.” “Bahala ka nga sa buhay mo. Humanda ka talaga pag-uwi ko riyan.” Kahit hindi niya nakikita ang mukha ng kaibigan ay sigurado siyang labas na litid nito sa leeg dahil sa konsumisyon sa kanilang dalawa ni Yheven.           ****     “Ano?” nagmaang-maangan na tanong niya kay Nat. Tulad nang sabi nito ay umuwi nga ito kinabukasan at siya agad ang una nitong hinarap.  “Isang tanong, isang totoong sagot ang gusto ko mula sa iyo, Sybelea. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit bigla mo na lang iniwan sa ire ang isang nakakaawang nilalang na ang pangalan ay Yheven Vad?” “Nat…” “Huwag mo akong ma Nat, Nat diyan. Sagutin mo ang tanong ko. Pinagbigyan na kita noong nakaraan ngunit puno na talaga ako at tuluyan nang naubos ang pasensya ko.” “D-dahil nga kasi sa hula.” “Anong klaseng dahilan naman iyan, Syb. Hindi mo magagamit sa akin ang pang-grade one section eleven na rason na iyan. Napaka imposible naman na noong umaga lang ay kinikilig ka pa sa kakakwento ng mga nangyari sa inyong dalawa tapos umalis ka pa at sinamahan siya sa pagbili ng damit na susuotin niya sa graduation tapos uuwi kang umiiyak tapos sasabihin mo na ayaw mo na sa kanya, na iiwan mo na siya?” “H-hindi mo kasi naiintindihan ang sitwasyon ko,” nahihirapang  anas niya. “Paano nga kasi maiintindihan kung hindi mo naman sinasabi sa akin ang totoo. Alangan naman kailangan pa nating maglaro ng pinoy henyo rito at hulaan kung ano ang ba talaga ang dahilan mo. Syb,” biglang lumabot ang ekspresyon nito na napaupo sa tabi niya. “Malaki ang utang na loob ko sa iyo dahil halos inampon niyo na ako ni Tito Max at malaki ang naitulong niyo sa akin lalo na noong lumuwas ako sa Capizo kaya iintindihin kita sa abot ng aking makakaya.” “H-hindi lang naman kasi ang hula ang rason kung bakit ko mas piniling lumayo. M-may mas mabigat pang rason kaya nagkapagpasiya akong iwan siya.” “Ano ba kasi iyon, Syb?” “B-basta….” “Syb naman. Alam kong kaibigan mo lang ako pero I care for you. Nag-aalala ako sa iyo to the max. Alam kong hindi ka ‘yung tipo ng tao na basta na lang magdedesisyon nang walang mabigat na dahilan. Ang sa akin lang kasi, naawa ako kay Yheven. Ayokong maging masama ka sa paningin niya dahil tikom ang bibig mo sa tunay dahilan. And Syb, kahit sa maikling panahon lang na magkasama kayo, siguro naman he deserve some explanations at pormal na closure. Kung ayaw mo na, bigyan mo siya ng makataong closure hindi ‘yung basta ka na lang magtatago sa kanya. Kahit isang text lang, ibigay mo naman sa kanya.” “Pasensya at pati ikaw ay nadadamay sa mga kagagahan ko sa buhay.” “Ano ka ba? Parehas tayong gaga remember? Kaya nga tayo naging bestfriends kasi swak ang mga kagagahan natin sa buhay.” “Sorry talaga.” “Tama na sa pag-sorry, okay. So, ano na? Naghihintay ako ng paliwanag mo.” “Nat…” nahihirapan talaga siyang sabihin dito ang totoo. “Isa…” “Please, huwag muna ngayon.” Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan nito bago napailing na lamang. “Hay nako. Fine, kung ayaw mong sabihin ay hindi na muna kita kukulitin basta I-message mo lang si Yheven na ayaw mo na at kailangan na niyang mag-move on.” “S-sige…” “Good at siyanga pala, nagresign na rin ako sa trabaho ko.” Gulat na napatingin siya rito. “B-Bakit naman?” “Dahil mas gugustuhin ko na lang din na dito na lang sa Dinggon maghanap ng trabaho. Maliit lang na lugar ito ngunit marami namang trabaho na pwedeng mahanap dito.” bigla tuloy siyang nakonsyensya. “Hindi ako sanay na wala ka roon sa bahay. Isa pa, parang mas bet ko na lang talagang magnegosyo. Naisip ko na mas gusto kong dito lang ako malapit kina nanay at tatay. Minsan na lang tayo mabuhay sa mundo kaya mas pipiliin ko na malapit lang sa kanila.” “May sapat na ipon din naman ako. Tutulong ako sa capital ng itatayo mong negosyo.” “Sure ka na ba talaga sa gagawin mong pagtatago?” Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang napabuntunghininga nang malalim. “Kakayanin ko. Kakayanin ko kahit mahirap-” hindi na niya naituloy ang mga sasabihin dahil biglang umasim ang sikmura niya at parang nasusuka siya kaya dali-dali siyang tumayo at napatakbo sa malayo para doon ilabas ang lahat ng mga kinain niya kanina. “Syb!” patakbo ring sumunod sa kanya ang kaibigan na nag-aalalang tinapik-tapik ang likod niya. “N-Nat….” nanginginig ang boses na napatingin siya rito. Sesermunan pa siya nito ngunit nang marealized nito ang dahilan ng kabang nakikita pati sa kanyang mga mata ay nanlaki rin ang mga mata nito. Mukhang mas mauuna pa nga yata itong mahimatay kaysa sa kanya. “Anak ng mga punyetang maritess, Sybelea! Buntis ka?!” napatakip sa bibig na sigaw nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD