CHAPTER FIVE- MADAM TULISAN’S PREDICTION

1788 Words
CHAPTER FIVE- MADAM TULISAN’S PREDICTION       “Oh, bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa riyan? Sa sobrang haba ng nguso mo ay pwede nang  gamitin iyan pang-sungkit sa bunga ng mangga ni Mang Bryan. O baka naman may balak ka nang mag-change career at gusto mo nang palitan si Ninoy Aquino sa limang daan?” litanya sa kanya ni Nat. Inilapag nito sa harap niya ang isang tasa ng umuusok na kape at dalawang piraso ng pandesal. “Huwag mong sabihin na hindi ka nasarapan kay Yheven kagabi?” muntik na niyang maibuga ang kaiinom palang na kape dahil sa sinabi nito. “Uy, ang bibig mo naman Nathalia!” saway niya rito. “Asus. Hindi ako ipinanganak kahapon, Syb. Alam ko ang ginawa ng isang babaeng hindi nakauwi dahil magkasama sila buong gabi ng boyfriend niya. Huwag mong sabihin na magdamag kayong naglaro ng plants bersus zombies? Sigurado akong ibang pagtatanim ang ginawa niyong dalawa.” lumipat pa ito ng upuan sa tabi niya. “Malaki ba ang tangke de gyera niya, manens?” “Baliw!” tinampal niya nang malakas ang balikat nito. “Sige na, sabihin mo na kasi. Malaki ba? Ang unfair naman. Ako nga kinukwento ko sa iyo lahat pati na kung anong posisyon ang ginawa namin ‘nung long time ex-boyfriend kong mukhang matsing. Come on, tell me baby, nasarapan ka ba?” nakangising tanong nito. “Gaga ka talaga kahit kailan,” ani niya na bigla na ring napangisi. “Pero, oo. Malaki.” “Gaga ka rin! Ang lande mo! Pakurot nga ng singit.” halos mabali na ang balikat niya sa kahahampas nito. “Malaki ba?” “Oo. Extra jumbo ang size. Hehe.” “Gaga talaga! Mahaba?” muli siyang tumango. “Oo. Mga kasinghaba ng ruler.” “Langhiya!!! Ang swerte mong bruha ka! Masarap?” “Syempre naman. Kulang ang salitang busog.” At iyon na nga. Tuluyan na siya nitong sinabunutan. “Na-satisfied ka naman palang babae ka eh. So, ang tanong, bakit ka parang problemado riyan?” tanong nito nang mahismasmasan na ito at tumigil na sa kahahampas sa kanya. “Huwag mong sabihin na kinulang ka pa sa jumbo size at sing haba ng ruler? Naku manens, makontento ka naman. Above average na nga ang natikman mo.” “Gaga. Hindi ako nabitin. Ganito ako ngayon kasi nag-change mind si Yheven. Dapat sa byernes ko pa siya sasamahan na mamili ng susuotin niya para sa kanyang graduation sa susunod na buwan pero nag-text siya ilang minuto lang matapos niya akong ihatid na ngayon na lang daw.” “So? Eh di samahan mo. Iyon lang naman pala pero kung maka arte ka riyan parang pasan mo na ang daigdig.” “Kasi nga ang sabi sa horoscope ko, bawal akong makipagkita sa taong mahal ko kasi may mangyayaring masama.” Muli siya nitong tinampal nang malakas. Sinimangutan niya ito dahil sobrang sakit na talaga ng balikat niya. “Gaga ka talaga. Mas uunahin mo pa iyang mga horoscope mo kaysa sa nobyo mo? Haler, kaya ka tumandang dalaga kasi halos lahat na lang ibinabase mo sa horoscope at mga hula na iyan.” “Walang masamang maniwala sa mga ganyang bagay. Isa pa, never pang nagkamali ang mga hula tungkol sa akin. Halos lahat ng horoscope ko ay nangyayari talaga.” “Ewan ko sa iyo pero isipin mo ‘yung mararamdaman ni Yheven kapag nalaman niyang hindi mo siya sinamahan dahil lang mga horoscope na iyan. Nasa twenty first century na tayo, Sybelea kaya bawas-bawasan mo na ang paniniwala sa mga ganyang bagay. Tayo ang gumagawa ng sarili nating buhay at kung ano man ang mangyayari sa atin ay dahil iyon sa mga choices na pinili natin.” Mahabang sermon nito sa kanya. Kulang na ay sumabit siya ng amen matapos nitong magsalita. “Hindi mo naman maiaalis kaagad sa akin ang mga pinaniniwalaan ko dahil simula bata, iyan na ang kinalakhan ko.” “Ikaw bahala. Malaki ka na at hindi na virgin kaya alam mo na ang mga dapat mong gawin pero tulad ng sabi ko sa iyo, huwag mo naman sanang hayaan na diktahan ng mga superstitious belief na iya ang buhay mo.” Napabuntunghininga na lang siya. “Oo na. Sasamahan ko na si Yheven.” “Very good. Mabuti at nakinig ka.” Umarte pa ito na may binunot na tinik sa lalamunan at hinipan. Napailing na lang siya sa mga kalokohan ng kaibigan.     ***   “About this one, bagay ba?” tanong nito sa kanya. Sa tuwing lalabas ito sa dressing room ay nakanganga lang yata siya dahil sa sobrang kaguwapuhan ng kanyang nobyo.  Proud na proud tuloy siya dahil pakiramdam niya ay ang swerte-swerte niya dahil boyfriend niya ito. Para itong greek god na nag-anyong tao. Yummy, masarap, at nakakatakam. “Halos lahat naman bagay sa iyo, Langga.” tumayo siya at inayos ang kurbata nito. “Pa-autograph nga po,” biro niya dahilan para matawa ito. “Ikaw talaga. Pero seryoso, hindi ko talaga alam kung alin sa mga ito ang pipiliin ko.” Tiningnan niya lahat ng mga sinukat nitong polo at slacks. Tulad ng sabi nito ay halos lahat nga bagay dito at maging siya ay nahihirapan ding pumili kung alin ba sa mga iyon ang pinakabagay dito. “Ano ba ang favorite color mo? Or ano ba iyong kulay na damit na feeling mo super gwapo ka kapag suot mo iyon?” “Blue?” “Eh di itong blue na lang ang piliin mo. Ano ang second na pinaka favorite mo?” “Black.” “Solve na ang problema. Itong blue at black na ang kunin mo. Sa slacks naman ay color black lang kahit ano naman ang ipartner mo ay babagay sa kulay na iyan,” ani niya bago inabot ang dalawang kurbata na nagustuhan niya. “At ito ang kurbatang gagamitin mo.” “What can I do without you, Langga. Mabuti na lang at isinama kita dahil kung hindi ay siguradong mahihirapan akong mamili.” “Asus. Maliit na bagay.” “Magpapalit lang ako ng damit para makapagbayad na tayo. After that ay punta muna tayo sa parking lot sa likod nitong mall.” “Uuwi na ba tayo?” “Nope, nakita ko kasing mayroon silang mga pakulo roon nang pumasok tayo rito. Guess what kung ano ang nakita ko.” “Pagkain?” natawa ito sa sagot niya. “Syempre may pagkain pero sigurado akong magugustuhan mo iyon.” “Ano ba kasi ang nakita mo?” “Malalaman mo mamaya,” natatawang wika nito na pumasok na sa loob ng dressing room. Napailing na lang siyang hinintay itong makalabas. Matapos nilang bayaran ay mga polo at slacks na napili nila ay dumeritso na nga sila sa sinasabi nitong pakulo sa likod na bahagi ng mall. Para iyong maliit na carnaval. May mga nagbebenta ng mga street foods at kung anu-ano pang mga pagkain. Mayroon ding maliit na feres wheel at ‘yung kabayo na umiikot-ikot. Hindi niya alam kung ano ang tawag ‘dun. Pero ang mas nakakuha ng kanyang atensyon ay ang maliit na both na napakapamilyar sa kanya ang design. “Madam Tulisan?” nanlaki ang mga matang basa niya sa karatulang nakalaga sa taas. Si Madam Tulisan ang pinakapaborito niyang manghuhula na nakapwesto sa paseo ng kanilang simbahan. “Sinasabi ko na nga ba matutuwa ka kapag nakita mo ang manghuhulang iyan.” “Syempre naman. Number one fan ako ni Madam Tulisan dahil halos lahat ng hula niya sa akin ay nagkatotoo. Alam mo bang siya rin ang nakahula na magtatagpo ang landas nating dalawa?” “Really? She’s really that good?” “Oo naman. Halika, magpahula tayo sa kanya,” parang bata na wika niya bago itohinila papunta sa tent ni Madam Tulisan. Walang magawa na sumunod naman ito sa kanya. Tamang-tama dahil pagpasok nila sa loob ay walang tao na nagpapahula. “Kumusta, Sybelea? Alam kong makikita ko ang iyong napakagandang mukha ngayong araw,” bungad nito pagpasok palang niya. Siya ang kausap nito ngunit ang mga mata nito ay nakatutok kay Yheven. “Hindi ako nagbibigay ng hula kapag may ibang taong nakatingin. Maaari ka ba munang lumabas dito, iho?” “Sure po.” lumapit ito sa kanya. “Hihintayin na lang kita sa labas.” “Sige, langga,” nakangiting wika niya rito bago muling humarap sa manghuhula. “Boyfriend ko po siya, Madam.” “Masaya ka sa kanya?” wika ni Madam Tulisan nang makalabas na si Yheven. Iniabot nito ang kamay niya at mataman na tinitigan. “Opo. Sobra.” matagal bago nagsalita muli ang matanda. “ “Iha…” hindi niya gusto ang ekspresyon na nakabalandra sa mukha nito. “M-may problema po ba?” hindi niya alam ngunit biglang lumakas ang tahip ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay biglang sumama ang kanyang pakiramdam at parang gusto na lang niyang tumayo at umalis na lang. “Tapusin mo ang kahit anong namamagitan sa inyong dalawa habang maaga pa, iha. Hindi magiging masaya ang buhay mo sa piling niya. Gagawin niyang impyerno ang buhay mo.” Agad niyang binawi ang mga kamay. “A-ano ba iyang pinagsasabi niyo, Madam. Hindi naman po yata magandang biro iyan. Nagmamahalan po kaming dalawa ni Yheven. Ikaw pa nga mismo ang nakahula na dadating siya sa buhay ko eh. Sigurado po ako na hindi ako sasaktan ni Yheven kahit kailan.” “Hindi pa nagkakamali ang aking mga pangitain, iha. Magaan ang loob ko sa iyo kaya sundin mo ang aking ipapayo, layuan mo siya kung ayaw mong maramdam ang sobrang sakit na idudulot niya sa iyo.” “H-hindi po mangyayari ang sinasabi niyo. Nagkakamali po kayo ng hula sa akin dahil hinding-hindi ako sasaktan ni Yheven,” nanginginig ang mga kamay na isinukbit niya sa balikat ang strap ng bag niya. “P-pasensya na po mali po ang hula niyo tungkol sa amin.” Kahit pakiramdam niya ay nawalan ng lakas ang kanyang mga paa dahil sa narinig ay pinilit pa rin niyang makalabas ng tent. Sapo ang dibdib na napaupo siya sa pinakamalapit na bench. Nanlalamig ang mga kamay at paa niya sa mga narinig. Naiiyak na napalinga-linga siya sa paligid para hanapin si Yheven ngunit wala ito. Hinanap niya ang kanyang cellphone sa bag para tawagan ito ngunit buungad sa kanya ang text nito na susunduin daw muna nito ang nanay nito. Kahit parang maiiyak na ay inipon niya ang buong lakas na muling pumasok sa mall para maghanap ng cr. Nang makalabas na siya ng restroom ay mas lalong nanghihinang nag-text siya kay Yheven na nauna na siyang umuwi dahil biglang sumama ang pakiramdam niya.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD