Chapter 2

1751 Words
HUMINGA ng malalim si Bria bago siya humakbang papasok sa mansion ng mga del Mundo. Tinawagan kasi siya ng ama kaninang umaga na dumaan siya ng mansion dahil may importante itong sasabihin sa kanya. Kaya pagkatapos ng trabaho ay sa halip na umuwi ng condo ay dumiretso na siya ng mansion. Pagkapasok ni Bria sa loob ng mansion ay biglang bumigat ang dibdib niya. Ilang taon din siyang lumaki sa mansion pero wala siyang magandang memories do'n. Bria was seven years old when her aunt brought her father's mansion. Kakatapos lang ilibing noon ang ina niya na pumanaw sa sakit na cancer. At do'n lang din niya unang beses na nakilala ang ama. Wala siyang kaalam-alam noon na buhay pa pala ito dahil sa murang edad ang tanging kasa-kasama niya lang ay ang ina. At kapag nagtatanong din siya kung nasaan ang ama ay sinabi nitong patay na ito. At naniwala naman siya. At sa murang edad ay naintindihan niya kung bakit sinabi ng ina na patay na ang ama dahil may sarili pala itong pamilya. Nalaman niyang dating katulong ang ina sa mga Del Mundo. Nang umuwing lasing ang ama ay may nangyari daw dito at sa ina niya. At nagbunga ang gabing pagkakamali. Nalaman iyon ng asawa ng ama kaya pinalayas nito ang ina at binayaran ng malaking halaga para itikom ang bibig nito. Ma-impluwensiya kasi ang pangalan ng mga ito at ayaw ng mga ito ng eskandalo. Umuwi ng probinsiya ang ina. Ginamit nito ang perang ibinigay dito para magsimulang muli hanggang sa ipinanganak siya. At nang mag-pitong taong gulay siya ay nalaman niya ang tungkol sa sakit ng ina, huli na no'ng malaman nila dahil nasa huling stage na ito. Kumalat na ang cancer sa buong katawan nito. Naubos nga din ang lahat ng napundar ng ina hanggang sa nabenta nila ang lahat dahil sa pagpapagamot nito. Baon nga sila ng utang hanggang sa tuluyan ng mawala ang ina niya. At ayaw din siyang kupkupin ng kapamilya ng ina kaya pinili na lang ng mga ito na ibigay siya sa tunay niyang ama. "Good afternoon, Ma'am Bria," bati ng isang kasambahay sa kanya nang makasalubong niya ito. "Good afternoon," bati din niya dito. "Where's Da--Mr. Del Mundo?" kabig niya bigla. Naalala niya ang mahigpit na bilin sa kanya ng asawa ng ama niya na huwag na huwag niyang tatawagin na 'Daddy' ang ama sa harap ng ibang tao. Iisa lang daw kasi ang anak nito at iyon ay ang anak nitong si Francheska. "Nasa library po, Ma'am. Kanina pa niya kayo hinihintay," sagot nito sa kanya. "Okay. Thank you," sagot niya. Umakyat naman na siya sa pangalawang palapag ng mansion kung saan matatagpuan ang library ng ama. Kumatok siya ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya ng nasa tapat na siya ng pinto ng library. "Come in." Narinig niya ang boses ng ama mula sa loob. Pinihit niya ang seradura pabukas at pumasok siya sa loob. "Good afternoon po," bati niya ng tuluyan siyang nakapasok. Nakita niya ang ama na nakaupo sa swivel chair nito sa harap ng table. "Sit down, Bria," malamig ang boses na wika nito. Umupo siya sa visitor chair sa harap nito. "Pinatawag niyo po ako?" Ipinatong ng ama ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. And his stoic expression stared at her. "What's the update on what I'm asking you to do?" "G-ginagawa ko lang po," sagot naman niya sa ama. Kumunot naman ang noo nito sa sagot niya. "It's been one week since I ask you that. Ginagawa mo pa lang?" "S-sorry po. Masyado lang akong busy sa trabaho-- "Mas importante ang pinapagawa ko sa 'yo kaysa trabaho mo, Bria. So, know your priority," putol ng ama sa seryosong boses. You are a real disappointment to this family," dagdag pa na wika nito. Napayuko naman si Bria. His words have the power to pierce her heart like a knife. Kahit kailan ang tingin ng ama ay isang disappointment. He never proud of her. Kahit na ginawa niya ang lahat para maging proud ito sa kanya. At kilalanin siya nito bilang anak. Kahit kasi hindi naging mahirap ang naging childhood niya sa piling nito ay inasam pa din niya na tanggapin siya nito bilang anak nito. She love her father dahil ito na lang ang tanging pamilyang mayro'n siya at inasam niyang mahalin din siya nito pabalik. Kaya nag-aral siyang mabuti, she excel in academic, pero never niyang nakitaan ito ng saya sa mga achievements niya. Kahit nga noong nanguna siya exam sa Architecture, hindi man lang siya kinongratulate ng ama. Pero noong si Franchesca ang nagkaroon ng achievements, nag-out of the country ang mga ito para i-celebrate iyon. Nanalo lang noon si Franchesca sa beauty contest na sinalihan nito sa school. Pakiramdam nga niya ay hindi siya nag-e-exist sa mata ng ama. Well, talagang hindi siya nag-e-exist, dahil never naman niyang naramdaman na magkaroon siya ng ama. Inakala niya ay magkakaroon siya ng panibagong pamilya ng makilala niya ang ama, pero nagkamali siya. Dahil hindi din siya tanggap ng tunay ng pamilya nito. Kung hindi lang siguro sa ama niya ay baka matagal na siyang naging palaboy-laboy sa kalsada dahil pinalayas na siya ni Tita Frada. Wala nga ding nakakaalam na may bastarda ang ama niya. Tanging mga kasambahay lang ng mansion ang tanging nakakaalam sa tunay na pagkatao niya. At mahigpit na binilinan ang mga ito na hindi iyon malalaman ng iba. Naalala pa nga niya, kapag may okasyon o hindi kaya ay may bisita sa mansion, hindi siya pinapalabas ng kwarto niya. At dahil ayaw niyang magalit ang mga ito ay sinusunod niya lahat ng gusto ng mga itong mangyari. At nang mag-eighteen siya, binigyan siya ng sariling condo ng ama. Iyon yata ang paraan nito para malayo siya sa poder nito. Gayunman ay sinuportahan pa din nito ang pag-aaral niya hanggang sa makapagtapos siya. Natigil lang iyon ng naka-graduate siya. Kaya agad siyang naghanap ng trabaho para may pantustos siya sa pangangailangan niya. "S-sorry po." "Don't say sorry, Bria. Just do what I want you do to. Make me proud. Kapag nagawa mo ang pinagagawa ko ay ipapakilala na kita sa lahat bilang anak ko," wika ng ama sa kanya. "Understood?" "Y-yes, Dad." "HI, b***h!" Nag-angat ng tingin si Bria nang marinig niya ang pamilyar na boses na nagsalita mula sa gilid niya. Ipinaikot naman niya ang mga mata nang makita niya kung sino iyon. "Asshole," sambit naman niya dito. Ngumisi naman ito ng umupo ito sa harap niya. "So, how's my acting?" mayamaya ay tanong nito sa kanya. "It's suck," sagot naman niya. "Oh, really?" tanong naman nito. Pagkatapos ay hinimas nito ang panga para ipakita sa kanya ang pasang natamo nito. "Hindi ba sapat ang pasa na ito na maganda ang kinalabasan ng acting ko kagabi, ha, Miss Bria?" dagdag pa na wika nito. "f**k! He punched really hard." Huminga ng malalim si Bria. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang bag at inilabas ang sobre do'n na naglalaman ng pera na bayad niya para sa lalaki. "Here," wika niya sabay abot ng sobre dito. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi nito nang tanggapin nito ang sobre. "Oh, the punched is worth it, too," nakangising wika nito nang tingnan nito ang laman ng sobre. "Hmm...kailan ang sunod?" mayamaya ay tanong nito ng mag-angat ito ng tingin patungo sa kanya. "I will call you," sagot na lang naman niya. "At huwag mo na akong lalapitan baka makilala ka," pagpapatuloy pa niya. "Yes, Ma'am," sagot nito, sumaludo pa nga ito sa kanya. Hindi na siya nagbigay komento, tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya at humakbang na siya palabas ng coffee shop kung saan sila nagkita na dalawa. Hindi kasi sila pwedeng magkita na magkasama na dalawa dahil baka kasi makita sila nito. The man is James. Ito ang lalaking 'bumastos' sa kanya kagabi sa bar. Well, it was her plan. Siya ang nag-plano ng pambabastos nito sa kanya. Her reason? To get Frank Dylan De Asis' attention. She was her target. Sa totoo lang ay kilala niya ang lalaking nakakuha ng atensiyon niya sa bar. At alam niya ang schedule nito kapag nagpupunta ito ng bar. He is Frank Dylan De Asis--a billionaire and one of the triplets of Franco de Asis. Si Frank ang inuutos ng ama niya na lapitan niya. Inutos kasi ng ama na makipaglapit siya sa lalaking nangangalang Frank Dylan de Asis para kunin ang loob nito at para makakuha ng impormasyon tungkol sa buhay nito at tungkol na din sa kompanya. Her father wants to bring down the De Asis Empire. Malaki kasi ang atraso ng ama ni Frank na si Franco De Asis sa ama niya. Isa kasi ang ama na nakatikim ng bagsik ni Franco sa business world. Si Franco ang dahilan kung bakit nawala ang ilan sa mga ari-arian ng ama. Franco was heartless according to his father. Pinapabagsak daw nito ang mga kompanyang threat sa negosyo nito. At isa lang daw ang ama sa naging biktima nito. Sa nangyari ay matagal din nakabawi ang ama. At nagtanim ito ng galit kay Franco at gustong maghiganti ng ama. At ngayon ang naisip nitong tamang panahon para maghigante dahil masyado daw vulnerable ang pamilya De Asis. Ang panganay na anak ni Franco na si Francis ay namatay dahil sa pag-crash ng sinasakyan nitong chopper at ang pangatlo namang anak na si Ford ay naging half-paralyze. At ang ina ng mga ito ay dumaan sa depression. At ayon sa ama ay magandang pagkakataon daw iyon para sa paghihiganti nito. At siya ang naisipan nitong kasangkapan para magtagumpay ito sa plano. Makipaglapit daw siya kay Frank na siyang tumutulong sa ama nito para patakbuhin ang De Asis Empire at kompanya ni Ford De Asis. Gusto ng ama na kunin niya ang mahahalagang impormasyon tungkol sa De Asis Empire. And she wants to please her father kaya sumang-ayon siya sa gusto nito. Pero hindi pa pala madali ang pinapagawa sa kanya ng ama. Mukhang mahihirapan siyang makipaglapit kay Frank. Yes, she get his attention that night. Nakuha niya ang atensiyon nito ng tulungan siya nito sa 'bumastos' sa kanya. Pero hanggang doon lang. Hindi nga nito pinansin ang pagpapakilala niya. And worse, pinagsabihan pa siya nito na magsuot siya ng desente para hindi siya bastusin bago siya nito tinalikuran. Bria took a deep breath. Alam niyang mahihirapan siya sa plano niya, pero pursigido siyang magtagumpay dahil nakasalalay do'n ang matagal na niyang inaasam. At iyon ay ang kilalanin din siya ng ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD