Chapter 3

1794 Words
TUMINGALA si Bria sa malaking building kung nasaan siya ng sandaling iyon. De Asis Empire. Basa niya sa signage na nakasulat sa itaas ng building. Saglit siyang nakatitig sa pangalan ng kompanya hanggang sa humakbang siya papasok sa loob ng nasabing building. Nasa De Asis Empire siya ng sandaling iyon. Ayon sa report na ibinigay sa kanya ng ama, every friday daw ay nasa De Asis Empire si Frank Dylan. Pero kapag weekdays ay naroon ito sa sarili nitong kompanya. Nagpupunta lang ito doon para tulungan ang ama nito na mamahala sa De Asis Empire. Nag-retiro na kasi dati si Franco, pero noong mawala ang panganay na anak nito na si Francis ay bumalik ito para pamahalaan ang kompanya na tinatag nito. At saktong wala naman siyang masyadong gagawin kaya nag-desisyon siyang puntahan ito para isagawa ang plano niya. Binigyan kasi siya ng ama ng limang buwan para isagawa ang pinag-uutos nito. Bitbit ang box ng cake ng pumasok siya sa loob. Dumaan pa siya sa bakeshop para bumili niyon. Ibibigay niya iyon kay Frank bilang pasasalamat sa pagtulong nito sa kanya sa bar. Iyong ang magiging dahilan niya kung bakit naroon siya. She needs to have an alibi. Napansin naman niya ang kakaibang tingin na pinagkakaloob sa kanya ng mga empleyado nang makita siya. Napansin nga din niya ang pagtingin ng mga ito sa suot niya at napansin niya ang pag-ngiwi nito. Bumaba nga din ang tingin ni Bria sa suot niya. It's not her usual get up. Sa sandaling iyon ay nakasuot kasi siya ng mahabang palda, umabot nga ang haba niyon sa bukong-bukong niya, tinernuhan niya iyon ng kulay pink na blouse. Para siyang Maria Clara sa suot niya ng sandaling iyon. Bagong bili nga ni Bria ang mga suot. Wala kasi siyang mahabang palda, maiiksi at kung hindi naman ay puro corporate attire lahat ng laman ng wardrobe niya. Ganoon ang suot niya ng sandaling iyon dahil hindi pa din maalis-alis ang sinabi ni Frank sa kanya noon. "Dress appropriately next time. Para hindi ka mabastos," naalala niyang sinabi nito kaya sinunod niya. Pero sa totoo lang, kung nagkaroon siya ng pagkakataon noong gabing iyon ay gusto niya itong kontrahin. Wala naman sa klase ng pananamit ng isang babae kung mababastos ka o hindi, wala sa iksi ng kasuotan. Kundi nasa lalaki iyon. Kung matino kasi ang lalaki, maiksi o hindi man ang suot ay hindi ka babastusin. Hindi na lang pinansin ni Bria ang tinging pinagkakaloob ng mga ito sa kanya. Lumapit na siya sa reception area para magtanong kung saan niya makikita ang opisina ng pakay niya. "Good morning," nakangiting bati niya sa babae. Gumanti nga din ito ng bati sa kanya. "How may I help you, Ma'am?" magalang na tanong nito. "I'm looking for Mr. Frank De Asis, saan ko siya pwede makita?" tanong niya. "Sir Frank is in his office right now," sagot nito. Sinabi nga din nito kung saan matatagpuan ang opisina nito. "Oh, thank you," sagot naman niya. Bago siya nito pinayagan na umalis ay kinuha muna nito ang ID niya, ibinigay naman niya. At nang sandaling iyon ay lulan na siya ng elevator paakyat sa palapag kung saan matatagpuan ang opisina nito. Inayos niya ang hanggang balikat na buhok bago siya lumabas ng elevator ng bumukas iyon. "Hi," nakangiting bati niya sa babaeng nasa cubicle, mukhang secretary iyon ni Frank. "Good morning, Ma'am," ganting bati din nito sa kanya. "Well, I'm here to speak with, Mr. Frank," wika niya sa pakay kung bakit naroon siya. "Name, Ma'am?" magalang na tanong nito. "Bria Sanchez," pagpapakilala niya. Apilyido pa din ng ina ang gamit niya, ayaw din kasi ni Tita Frada na dalhin niya ang apilyidong 'Del Mundo.' May tiningnan naman ito sa hawak nitong IPAD. "Oh, sorry, Ma'am Bria. But you don't have any appoinment po today," sagot nito ng mag-angat ulit ito ng tingin sa kanya. Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. "Hindi ko ba pwedeng makausap saglit ang boss mo kahit na wala akong appointment?" tanong niya, umaasa siyang pagbibigyan siya nito. Umiling ito. "Pasensiya na, Ma'am. Pero mahigpit po ang utos sa akin ni Sir Frank na huwag siyang istorbohin ngayon, lalo pa at wala po kayong appointment ngayong araw," wika nito. "Kung gusto niyo po, balik na lang kayo sa susunod na araw. I'll make you an appointment with him." Ayaw niyang mawalan ng saysay ang effort niya sa pagpunta do'n kaya hihintayin na lang niya itong matapos kung ano ang ginagawa nito. "I'll wait na lang here," wika niya sabay turo sa sofa na naroon. Akmang magsasalita ang babae ng unahan niya ito. "I'll wait," wika niya dito. Hindi na nga din niya ito hinintay na magsalita, tinalikuran na niya ito at humakbang na siya patungo sa sofa na naroon. Umupo siya do'n. At habang hinihintay niyang lumabas si Frank sa opisina nito ay inilabas niya ang cellphone at nilibang ang sarili, hindi nga niya namalayan ang oras, halos dalawang oras na siyang naghihintay do'n, mukhang walang balak na lumabas si Frank sa opisina nito. Sobrang busy yata talaga nito. Naramdaman na nga niya ang pananakit ng pantog, naiihi na siya. At nang hindi makatiis ay tumayo siya at lumapit siya sa babae. "Miss, saan ang restroom?" tanong niya. "There, Ma'am," wika nito sabay turo sa restroom. "Pwedeng makigamit?" Tumango ito. "Thank you," sagot niya dito. Humakbang naman siya patungo restroom para gawin ang dapat niyang gawin. Naisip nga din niyang i-retouch ang make-up sa mukha. At nang matapos ay lumabas na siya ng restroom. "Miss, anong oras lalabas si Sir Frank?" tanong niya sa babae ng madaan ulit niya ito sa cubicle nito. "Ma'am kakalabas lang po ni Sir Frank sa opisina niya," sagot nito. Nanlaki ang mga mata niya. "Ha?" tanong niya. "May meeting po kasi siya, Ma'am," sagot nito. "Sinabi mo bang may naghihintay sa kanya?" Tumango ito. "Anong sabi?" "Wala po," sagot nito. Humugot ulit si Bria ng malalim na buntong-hininga. "Babalik pa ba siya dito?" "Yes po, Ma'am." "Okay. I'll wait again," sabi niya. Kaya matiyaga siyang naghintay, kahit nga lunch break na ay nanatili pa din siya do'n, nagugutom na siya pero tiniis niya ang gutom. Hindi siya pwedeng umalis baka kasi magkasalisihan naman sila ni Frank. Ilang beses nga din siyang tumingin sa wristwatch na suot. She was checking the time. Hanggang sa nag-angat siya ng tingin sa gilid niya nang makarinig siya ng mga yabag. At napakurap-kurap siya mga mata nang makita niya ang dalawang pamilyar na mukha ng babae na naglalakad palapit sa opisina ni Frank. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang dalawang babae ay nakakatandang kapatid ni Frank. Si Danielle at si Denisse. Napansin naman niya ang pagsulyap ni Denisse sa gawi niya. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo niya at saka siya ngumiti. "Hello po," bati niya sa dalawa. "Hi," halos sabay din na bati ng dalawa, may ngiti nga ding nakapaskil sa labi ng mga ito. Napansin nga niya ang pagpasada ng tingin ni Denisse sa sa suot niya. Pero wala naman siyang napansin na kakaiba sa mga mata nito, nakangiti pa nga din ito sa kanya. "You're here for Frank?" tanong nito sa kanya. Tumango siya. "Opo." "For business?" "Hindi po," sagot niya. Napansin naman niya ang pagbaba ng tingin nito sa hawak niyang box ng cake. "You are?" tanong ni Denisse ng ibalik nito ang tingin sa mukha niya. "Bria po, Ma'am," pagpapakilala niya. Parang hindi ito kontento sa pagpapakilala niya kaya dinagdagan niya. Hindi naman niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at nagpakilala siya bilang... "Frank's girlfriend." "HOW old are you, Bria?" Napatingin si Bria kay Danielle nang marinig niya ang tanong nito. Nang magpakilala siyang girlfriend ni Frank ay napansin niya ang gulat sa mukha ng mga ito. Mukhang hindi inaasahan ng mga ito na girlfriend siya ni Frank. Pero nang makabawi ay humingi ang mga ito ng pasensiya sa naging reaksiyon ng mga ito. Wala daw kasing ipinapakilala si Frank na girlfriend nito kaya nagulat ang mga ito. At pagkatapos ngang iyon ay niyaya siyang pumasok sa loob ng opisina ni Frank para hintayin na ito do'n. Naroon ang dalawa dahil naisipan daw ng mga ito na kamustahin ang kapatid. "23 po, Ma'am," sagot niya. "Ma'am?" wika naman ni Danielle. "You can call us, Ate Bria," dagdag pa na wika nito. "After all, your Frank's girlfriend." Ngumiti naman siya. "Kung iyan po ang gusto niyo, Ate," wika naman niya dito. "You know what, Bria. I almost shocked when I learned that you're Frank's girlfriend," mayamaya ay wika ni Denisse. "No offense meant, ha. But you're far from the women he dated," dagdag pa na wika nito. "Oh, dahil po ba sa style ng pananamit ko?" "Oo," honest na sagot ni Denisse. "Sa totoo lang po ay hindi naman ganito ang style ng pananamit ko?" Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Denisse. "What do you mean?" tanong nito. Nagkamot siya ng ulo at napangiwi. "Si Frank po kasi ang may gusto na ganito ang isuot ko," sagot niya. Hindi agad nakapagsalita ang magkapatid pero mayamaya ay narinig niya ang pagtawa ng mga ito. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata habang nakatingin siya sa dalawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "I didn't know that Frank is a possessive man with her girlfriend," natatawang wika ni Denisse. "A conservertive man, ha," wika naman ni Danielle, may ngiti din sa labi. Sa reaksyon ng mga ito ay parang hindi naniniwala ang mga ito na ganoon si Frank. Anong klaseng lalaki ba si Frank? At mayamaya ay sabay-sabay silang napatingin sa gawi ng pinto ng bumukas iyon. At pumasok do'n si Frank. Napansin niya ang gulat na bumalatay sa mga mata nito nang makita nito ang dalawa, mukhang hindi pa siya nito napapansin. "Frank," tawag ni Danielle sa pangalan ng kapatid. "Ate," sambit naman ni Frank. "What are you two doing here?" tanong nito habang naglalakad ito palapit sa executive table nito. "We're here to visit you," sagot naman ni Danielle dito. "Oh, by the way, nakita namin ang girlfriend mo sa labas ng office mo," mayamaya ay inporma nito. Napansin ni Bria na napahinto si Frank sa akmang pag-upo nito sa swivel chair ng marinig nito ang sinabi ni Danielle. "Girlfriend?" kunot ang noo na tanong nito ng sumulyap ito kay Danielle. "Yes. Si Bria," sagot nito bago ito tumingin sa kanya. Napansin naman niya ang pagsunod ng tingin ni Frank sa dereksiyon kung saan tumingin si Danielle. At sunod-sunod na napalunok si Bria nang magtagpo ang paningin nilang dalawa. Frank brows furrowed even more as he stared at her. At dahil nakatingin sa kanya sina Danielle ay pilit niyang ngumiti kay Frank. "Hi..." bati niya dito. "Boyfriend," pagpapatuloy pa na wika niya habang hindi niya inaalis ang titig dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD