"COME on, guys. Let's go to the dance floor." Narinig ni Bria na wika ni Aliyah--kapwa niya Architect sa pinagta-trabahuan niyang Architectural and Engineering Firm, mula nga din sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagtayo nito mula sa pagkakaupo nito sa sofa. Nakita nga din niyang nagsitayuan ang ilang kasama nila sa mesa.
"Bria, come. Let's dance," tawag sa kanya ni Aliyah nang mapansin nitong siya lang ang hindi pa tumatayo mula sa pagkakaupo niya.
Itinaas naman niya ang isang kamay dito para paghintayin ito. Pagkatapos ay tinungga niya ang natitirang laman ng baso niya na may lamang alak, gumihit ang init at pait niyon sa lalamunan niya pero pinilit pa din niyang lunukin. At saka siya tumayo, medyo namumula na din ang pisngi niya dahil sa alak na nainom.
"To the dance floor!" masayang sambit niya sabay turo sa gitna ng dance floor kung saan maraming partygoer at sumasayaw sa saliw ng tugtugin. Naghiyawan ang mga kasama niya.
Nasa sikat na bar sila ng sandaling iyon. Niyaya kasi niya ang mga ka-close sa ka-trababo na mag-unwind sa bar. Nitong makalipas kasi na linggo ay masyado silang abala sa trabaho. Sunod-sunod din kasi ang mga project nila. Kaya gusto din nilang malibang kahit saglit lang.
Pumayag din ang mga ito dahil matagal-tagal na din daw simula noong huling beses silang nag-unwind.
"That's my girl!" sambit naman ni Aliyah, gaya niya ay namumula na din ang pisngi nito. Sabay-sabay naman na silang nagtungo sa dance floor. Sumiksik sila hanggang sa makarating sila sa gitna ng dance floor.
Her colleague went wild in an instant. Napangiti naman si Bria, saglit siyang napatitig sa mga ito hangggang sa bahagya niyang ginulo ang hanggang balikat at tuwid-tuwid na buhok. At saka din siya umindayog sa saliw ng tugtugin.
She sways her body in a seductive manner. Sa pagsayaw nga niya ay lumilihis ang maikling paldang suot niya, mas lumantad tuloy ang mapuputi at makinis na legs niya. She doesn't care, she keeps swaying her hips. Itinaas nga din niya ang mga kamay sa ere.
Nasa ganoon nga din siyang posisyon ng mapatigil siya nang maramdamang may bumubunggo mula sa likod niya. She ignore it dahil baka nagkataon lang iyon. Lalo pa at siksikan naman ang dance floor.
Pero mukhang nanadya ang taong bumubunggo sa kanya mula sa likod dahil ilang beses niya iyong naramdaman, hindi lang iyon, sadya nitong idinidikit ang sarili. She can almost feel him.
She stop dancing. Hindi nga din niya napigilan ang magsalubong ang mga kilay. Pagkatapos ay nilingon niya ang taong nasa likod niya. At sumalubong sa kanya ang nakangising mukha ng isang lalaki. Pansin niya na namumula ang pisngi nito, mukhang lasing na.
"Hi, Miss. Wanna come with me?" he said with a grin on his face.
Tinaasan ito ni Bria ng isang kilay. Tiningnan pa nga niya ito mula ulo hanggang paa. "Not my type," wika niya ng ibalik niya ang tingin sa mukha nito. "Go away asshole," malamig ang boses na wika niya bago niya inalis ang tingin dito.
Narinig nga niya ang ilang halakhak sa mga nakarinig sa sinabi niya pero hindi na lang niya iyon pinansin.
"b***h," narinig niyang wika nito. At mukhang napahiya ito sa sinabi niya dahil nagmartsa na ito paalis sa dance floor.
Inalis na lang ni Bria sa isip niya ang lalaki at pinagpatuloy na ang pagsasaya. She's here to unwind and to have fun!
Dalawang tugtog din ang pinatapos nila hanggang sa nagyaya na ang isa sa mga ka-trabaho niya na bumalik sa mesa nila.
Akmang iinom si Aliyah sa baso nito ng pigilan niya ito. "Let's order another drink. Walang bantay ang table natin, baka may loko-lokong naglagay ng drugs sa drinks natin," wika niya.
Well, nasa high end bar sila. Pero kailangan pa din nilang mag-ingat. Nagpalinga-linga si Bria, naghahanap siya ng waiter hanggang sa mapatigil ang tingin niya sa gawi ng bartender, nakuha kasi ng atensiyon niya ang isang lalaking nakasuot ng itim na leather jacket. May hawak-hawak itong isang baso ng alak habang nakatingin ito sa gitna ng dance floor.
His brows furrowed while watching the partygoers dancing. Aaminin niya, kahit na magkasalubong ang mga kilay nito ay hindi pa din maitatangging gwapo ang lalaki.
Fair-complexion, well-built and kahit na nakaupo ito ay sigurado siyang matangkad ito. He has a height of six feet or more. Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito. He is dashing handsome, mula sa makakapal na kilay, matangos na ilong at sa labi nitong medyo mapupula. At napansin niyang mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito.
At ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya ng sumulyap sa gawi niya ang lalaki at nang magtama ang mga mata nila. Mukhang naramdaman nitong may nakatingin dito.
Saglit itong tumitig hanggang sa inalis nito ang tingin sa kanya.
Kinagat ni Bria ang ibabang labi ng alisin na niya ang tingin dito at pinagpatuloy na niya ang paghahanap sa waiter. Sakto namang dumaan iyon sa mesa nila kaya um-order sila ng panibagong drinks.
Nagpaalam din si Bria na pupunta ng restroom. "Gusto mo samahan kita?" tanong ni Aliyah sa kanya.
Nakangiting umiling siya. "No. I can manage," wika niya dito.
Tumayo siya. Inayos niya ang skirt na suot. At bago pa siya humakbang patungo sa restroom ay sinulyapan muna niya ang lalaking nakakuha ng atensiyon siya.
Wala na ito sa kinauupuan nito.
Nagpatuloy na si Bria sa paglalakad patungo sa restroom. Agad niyang ginawa ang kailangan niyang gawin do'n. At nang matapos ay lumabas na siya do'n. Babalik na sana siya ng mesa nila ng may humablot sa kamay niya. At kinaladkad pa siya nito sa madilim na parte ng bar.
"What the hell! Let me go!" Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak nito pero mas malakas ang lalaki sa kanya. Isinalya siya nito sa pader, napaigik siya ng maramdaman niya ang sakit.
"Hi, b***h!" Nanlalaki ang mga mata ni Bria nang makilala niya ang lalaking humablot sa kanya. Ang lalaking pinagsabihan niya ng hindi niya type sa gitna ng dance floor!
Ngumisi ito nang makita ang naging reaksiyon niya. "Kung sumama ka na sa akin kanina, eh, 'di nag-e-enjoy ka na," he said and licked his lower lips.
Sa halip na sagutin ito ay sinubukan niyang humakbang paalis. Pero agad itong humarang sa dinadaanan niya. "Aalis ka sa harap ko o sisigaw ako?" Kahit na kinakabahan ay pilit pa din niyang pinapatapang ang boses.
"Fierce. I like it," wika nito. "Sumigaw ka lang kung may makakarinig sa sigaw mo," nakangising wika nito sa kanya. "But it's okay to scream, scream while I am pleasuring you." Nakangisi pa ngang pinasadahan nito ang kabuan niya
Napaatras siya ng isang hakbang ng humakbang ito palapit sa kanya. Hanggang sa ma-corner na siya nito. Pero bago pa nito magawa ang masamang plano nito ay bigla na lang itong bumulagta sa harap niya ng may malalas na sumuntok dito. Bagsak agad ang lalaki.
Napatutop naman siya ng bibig. Nag-angat din siya ng tingin sa gilid at nanlaki ang mga mata niya ng sumalubong sa kanya ang madilim na ekspresyon ng isang lalaki. Pinagpag nito ang isang kamay bago ito tumingin sa kanya.
He looked at her with bored eyes. At lalaking nasa harap niya ay ang lalaking nakakuha ng atensiyon niya!
Bubuka sana ang bibig ni Bria para magpasalamat ng mapatigil siya ng tumalikod ito at umalis na sa harap niya.
Saglit siyang naitulos mula sa kinatatayuan. Pero nang mahismasan ay sinundan niya ang lalaki. Nakita niyang palabas na ito ng bar kaya sinundan niya ito. Malalaki ang hakbang nito at hirap siyang maabutan ito. "Wait!" wika niya nang akmang sasakay na ito sa itim na kotse nito.
Napansin naman niyang napatigil ito at saka siya nito nilingon. Salubong na salubong ang kilay, halos maningkit na nga ang mga mata.
Tinawid naman niya ang natitirang distansiya nila. "What?"
Pakiramdam niya ang nagsitaasan ang balahibo niya sa katawan ng marinig niya ang baritonong boses nito. His voice is husky kahit na malamig iyon.
Tumikhim siya. "I want to say thank you for helping me," pasasalamat niya sa lalaki. Hindi naman ito nagkomento, nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Hindi pa nga nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito ng sandaling iyon. "Anyway," mayamaya ay wika niya, she smiled at him, showing her white and perfect set of teeth. Pagkatapos ay inilahad niya ang kamay sa harap nito. "My name is Bria Sanchez" pagpapakilala niya sa sarili. "And you are?"
Sa halip naman na tanggapin nito ang pakikipagkamay niya ay binalingan siya nito mula ulo hanggang paa. Ibinalik nito ang tingin sa mukha niya and his expression was stern.
"Dress appropriately next time. Para hindi ka mabastos," he said in a cold voice before getting inside his car.
Napaawang na lang naman ang bibig ni Ava habang nakatingin siya tinted na kotse nito.