NAPANSIN ni Bria ang pagsasalubong ng mga kilay ni Frank nang marinig nito ang pagbati niya dito. Lalo na ng banggitin niya ang salitang boyfriend. Pasimple nga din niyang iniwas ang tingin sa lalaki nang mapansin niya ang paniningkit ng mga mata nito.
At kahit na hindi na siya nakatingin dito ay ramdam pa din niya ang paninitig nito.
She sensed his heavy gaze. Sunod-sunod naman siyang napalunok.
"You didn't tell us that you have a girlfriend already, Frank," mayamaya ay narinig niyang wika ni Denisse sa kapatid nito.
Napangiwi si Bria nang marinig niya ang sinabing iyon ni Denisse, mukhang mabubuko na siya ng dalawa na hindi naman talaga siya girlfriend ni Frank. Sigurado kasi siya na sasabihin nito ang totoo, sigurado siyang itatanggi nito na girlfriend siya nito. Pero nagulat na lang siya sa sumunod na sinabi ni Frank.
"Inunahan na ako ng girlfriend ko." Napakagat siya ng ibabang labi sa sinabi ni Frank, binigyan diin pa nga nito ang salitang girlfriend, para nga itong sarcastic ng banggitin nito ang salitang 'girlfriend.' "She has already introduced herself to the both of you," dagdag pa na wika nito.
Nag-angat siya ng tingin kay Frank at sunod-sunod siyang napalunok nang makita niya na nakatingin pa din ito sa kanya. His brow furrowed and his lips pursed. Alanganin naman siyang ngumiti dito pero hindi man lang iro ngumiti pabalik sa kanya.The expression on his face was serious.
"Well, introduce your girlfriend to our parents, Frank. For sure our moms wants to meet her." Sa pagkakataong iyon ay si Danielle ang nagsalita.
"I'll talk to my girlfriend first," wika naman nito, idinin naman ang salitang girlfriend sa kanya. "Anyway, why are you visiting me?" mayamaya ay tanong nito sa dalawa.
"Mom called us. Gusto niyang i-check ka namin dito. Baka daw kasi napapabayaan muna ang sarili mo dahil subsob ka na naman sa trabaho." Narinig ni Bria na wika ni Danielle, napansin niya ang concern sa boses nito. At nang mapatingin siya kay Frank ay napansin niya ang paglambot ng ekspresyon ng mukha nito ng banggitin ni Danielle ang Mama ng mga ito.
"I'm fine," sagot ni Frank. "And I will call Mom later," dagdag pa na wika nito.
"Just tell Mom personally, Frank," wika naman ni Denisse. "We're here to remind you also about our family dinner tonight," dagdag pa na wika nito sa kanya.
"You don't have to remind me. I don't forget."
"That's good," si Denisse. Napaayos siya ng upo nang makita niya ang pagsulyap nito sa kanya. "And bring Bria to our family dinner. Magandang pagkakataon iyon para ipakilala siya sa mga magulang natin," wika nito na nakangiti. "Okay lang ba sa 'yo, Bria?"
"Po?"
Ngumiti ito. "Okay lang ba sa 'yo na makilala ang parents namin?" tanong nito sa kanya.
Bumuka-sara naman ang bibig ni Bria. Hindi kasi niya alam kung ano ang isasagot dito. Pero nang maalala niya ang inuutos ng ama sa kanya ay do'n na bumuka ang bibig niya para sumagot. Naisip din kasi niya na maganda na iyong pagkakataon para mapalapit siya sa pamilya De Asis.
Bria smile sweetly. "I love to meet them po," sagot niya dahilan para ngumiti si Denisse.
"Oh, that's great. Frank, bring Bria to our family dinner tonight."
Pinagdikit niya ang ibabang labi nang wala siyang marinig na sagot mula kay Frank. Ayaw din niyang sumulyap sa gawi nito dahil ayaw niyang makasalubong ang titig nito.
She could feel her hot gaze on her. Mayamaya ay tumayo ang dalawa. "Hindi na din kami magtatagal," mayamaya ay wika ni Danielle.
Napalunok naman siya ng makailang beses do'n. Hindi niya maipaliwamag pero nakaramdam siya ng kaba sa isiping maiiwam silang dalawa ni Frank doon. "Hmm...Bria, it's nice to meet you again," nakangiting wika nito. "See you tonight at our family dinner," dagdag pa nito.
Alanganin siyang ngumiti. "See you po," halos pabulong na sagot niya.
Nagpaalam na din sa kanya si Denisse. Nagpaalam din ang mga ito kay Frank.
Hindi pa din nawawala ang kaba sa dibdib niya, lalo na noong makita niya ang napaka-seryosong ekspresyon ng mukha ni Frank habang nakatingin ito sa kanya. At base sa tingin na ipagkakaloob nito sa kanya ay parang gustong-gusto na nitong masolo siya dahil marami siyang ipapaliwanag dito.
Hindi pa tuluyang nakakaalis ang dalawa sa opisina ni Frank ng tumayo na din siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa.
Napansin naman niya ang pagsulyap ng mga ito sa gawi niya. "Hmm...s-sabay na din po ako. Naalala ko na may gagawin pa pala ako," mayamaya ay wika niya.
Sumulyap siya kay Frank pero hindi na niya sana ginawa nang makita niya ang dilim ng ekapresyon ng mukha nito. Napansin nga din niya ang pagpasada nito ng tingin mula ulo hanggang paa niya. "I'll just call you na lang--
"Stay," Frank cut her off. "Let's talk first about tonight," dagdag pa na wika nito sa seryosong boses.
Pagkatapos niyon ay nilingon nito ang nakakatandang babae. "Take care on your way home."
"Take a seat woman," mayamaya ay narinig niyang wika ni Frank sa malamig pero baritonong boses nang tuluyang nakaalis ang dalawa.
Walang imik na umupo naman siya muli sa sofa. At mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagtayo nito mula sa pagkakaupo din nito sa swivel chair nito. At saka ito naglakad palapit sa gawi niya. Halos dumagundong naman ang puso niya ng umupo ito sa harap niya.
Frank was intently gazing at her. His eyes were devoid of any expression. Frank first loosened his tie before speaking.
"Now, explain," wika nito sa malamig pa ding boses, hindi pa nga din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. "Why did you introduce yourself as my girlfriend. As far as I know, I'm still single."
"You're single?" Hindi niya napigilan na itanong dito, bakas sa boses niya ang gulat.
"I think, not anymore," sagot nito sa kanya habang ang mata ay nakatingin sa kanya.. And then, Frank crossed his both arms above his shoulder. Hindi naman niya napigilan ang pagbaba ng tingin sa braso nito. Napansin kasi niya ang muscles nito doon kahit na may suot itong long sleeves.
"Eyes up here, women." Bahagyang namula ang pisngi niya sa sinabi nito. Inalis niya ang tingin sa braso nito at nag-angat siya ng tingin. "You have lot explaining to do. Don't waste my time. Marami pa akong importanteng gagawin," masungit ang boses na wika nito.
He is grumpy. No wonder, he still single.
Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. "I'm sorry," paghingi niya ng paunmanhim. "Kanina pa kasi ako sa labas ng opisina mo. Hindi ako pinapasok ng secretary mo dahil wala akong appointment at busy ka daw," umpisa niya sa pagpapaliwanag.
"How come you introduced yourself to my sisters as my girlfriend?"
Pinaglaruan niya ang mga daliri. Paraan niya iyon para makapag-isip siya ng isasagot dito. "It's...my way to talk to you."
"You introduced yourself as my girlfriend just to talk to me? You are impossible, woman," wika nito sa kanya.
"Bria," wika naman niya.
His brows furrowed. "My name is Bria. Not woman," sabi niya, mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito.
"Tell me honestly, Bria. Do you like me?" seryoso ang boses na wika nito. Napaawang naman ang bibig niya sa sinabi nito. "And it's that your way to get me?"
Hindi agad siya nakasagot sa sinabi. Pero nang makabawi siya ng pagkabigla ay umiling-iling siya. "Hindi kita gusto," mabilis naman niyang sagot sa lalaki.
Frank clenched his teeth. "Yes, you are handsome. But not handsome enough to like you. You are not my type," dagdag pa niya.
Liar! Halos isigaw naman ng isip niya iyon.
Frank brows furrowed even more. Halos maniningkit na ang mga mata nito. At sa halip na magbigay ito ng komento ay tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa sofa. At halos dumagundong ang dibdib niya ng maglakad ito palapit sa kanya hanggang sa nasa harap na niya ito. Kinailangan pa nga niya na mag-angat ng tingin para magpantay ang mga mata nila.
His eyes were cold. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng itukod ni Frank ang dalawang kamay nito sa sandalan ng sofa sa pagitan ng ulo niya.
Frank leaned closer. Their faces are almost an inch away from each other. She can smell his expensive perfume on her nostril.
Titig na titig si Frank sa kanya. Pilit naman niyang sinasalubong ang titig nito. "I'll bring you to our family dinner tonight. And I want you to fix your mess," wika nito sa malamig pero baritonong boses.
Gusto ngang mapapikit ni Bria ng mga mata ng humaplos sa kanyang mukha ang mainit at mabangong hininga ni Frank nang magsalita ito.
Saglit na nanatili sa harap niya si Frank hanggang sa inalis nito ang pagkakatukod ng kamay nito sa sandalan ng sofa at umayos mula sa pagkakatayo nito. Doon lang naman siya medyo nakahinga maluwag.
Ibinulsa ni Frank ang isang kamay nito sa buksa ng suot nitong pantalon. Ang mata ay nanatiling nakatingin sa kanya. "And by the way, your not my type either," malamig ang boses na wika nito bago ito umalis sa harap niya.