Chapter 9 Dear diary, Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, diary. Ang hirap niya kasing basahin. Isang beses mabait, gentleman at approachable. Pero kanina, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Sure akong nakita niya ako, tapos hindi na niya ulit ako tiningnan. Hindi ako assuming, diary! Nagtataka tuloy ako. What if sundan ko siya sa Monday? Yie. KINAKABAHAN AKO! Malay mo pabebe lang. Kaya mo iyan. Push, Apol! Stalker, Apol HALOS DALAWANG oras yata akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Nakahiga lang ako at wala pang balak na bumangon. Ang boring pala talaga kapag walang practice tuwing Sabado. Marami kasi ang hindi available, pati si Ken, kaya cancelled ang practice. Babawi na lang daw kami sa Monday. Ayoko na isipin kung paano babawi dahil paniguradong bugbugan na naman.