Chapter 10 MAS UMAYOS na ang pakiramdam ko pagkagising pero kumulo naman ang tiyan ko. Tumayo ako sa kama para sana makapagluto ako kahit lugaw lang. Pero pagkalabas ko sa kwarto ko ay kumunot agad ang noo ko. "Gising ka na. Nakapagluto na ako ng lugaw. Bumalik ka na sa loob ng kwarto mo," sabi ni Marge, suot ang apron ko habang may hinahalo sa kaldero. "Paano ka nakapasok?" tanong ko. "Nasa akin kaya ang spare key mo!" bulalas niya. "Dapat hindi ka na nag-abala pa. Anong oras na oh!" Tiningnan ko pa ang nakasabit na relo sa pader ng sala. Natawa siya sa sinabi ko. "Ano ka ba, Apol! Maliit na bagay. Nag-text ako kay Mama na rito ako magpapalipas ng gabi dahil may sakit ka." "Pati si Tita pinag-aalala mo pa," sabi ko. Imbis na pumasok sa kwarto ay naupo ako sa hapag. Pinaglaruan ko