Chapter 8 KINABUKASAN ay medyo ayos na ang pakiramdam ko. Huwag na lang talaga ako ilalapit sa nakakabwisit na mga bagay ay wala akong magiging problema. Huwag ko lang talaga siya makakausap! At pinakinggan nga ang panalangin ko. Hindi ko siya nakita ngayon sa canteen. Hindi naman sa hinihintay ko, pero nasanay na kasi akong dito siya nagla-lunch. "Mukhang may hinihintay ah?" ani Marge, malawak ang ngisi sa dereksyon ko. "Hindi 'no! Bakit ko naman siya hihintayin?" Itinuon ko ang atensyon sa pagkain ko. "Oh, talaga? Wala naman akong sinabi kung sino pero parang alam mo na agad kung sino ang tinutukoy ko?" Mas lalo akong napikon nang tinaas-baba niya ang kilay niya. "Asa! Wala rin akong tinutukoy!" "Sabi mo eh." Suminghal ako. Gusto kong maasar kay Marge, naaasar naman talaga ako, p