Chapter 11 PAGKAGISING KO ay sobrang gaan na ng pakiramdam ko. Hindi man ako makangiti dahil sa nangyari ay masaya pa rin ako dahil umalis na 'tong lagnat ko. Nang lumabas ako sa banyo at matapos magbihis, nadatnan ko si Kuya M na mahimbing pa rin na natutulog sa sofa ng sala ko. Napabuntong-hininga ako. Sabi ko naman kasi na ayos lang ako pero ito siya at nagpuyat pa para lang alagaan ako. Kahit sabihin niyang okay lang sa kanya, iba pa rin ang nararamdaman ko. Guilty pa rin ako. Tinapik ko ang balikat niya at bahagya siyang niyugyog. "Kuya Michael," pagtawag ko. "Kuya, aalis na 'ko. Paki-lock na lang ang pinto kung aalis ka na." Mabilis siyang napaupo. Pupungas-pungas pa siya nang tingnan ako. "Ihahatid na kita," aniya. "Hindi na, Kuya. Matulog ka na lang ulit. Basta paki-lock ang