*Gabbie's POV*
" Hi! " sabi ko nang lumingon ako sa tumawag sa akin.
Si Jera
Yung best friend ni Rafael.
Ang lakas ng tawag nito sa akin kaya napatingin din halos karamihan ng mga estudyante sa school.
Sira ulo talaga. Gusto ko sana siyang sitahin pero kasama nito si Rafael.
Gumana na naman ang laser eyes ni Raf habang nakatingin sa amin ni Ami (Anastacia Mikaella).
Problema ba nito?
Humakbang ako pabalik sa kanila habang inaayos sa mga braso ko si Ami. Nakasunod lang ng tingin si Raf sa ginagawa ko.
"Bakit mo dinala yan dito?" concerned na tanong ni Jera sa akin. Nag-angat ako ng tingin kay Jera, his forehead was in a creased one.
Gusto kong matawa sa sinasabi nitong si Jera, kung makapag-act, akala mo siyang tatay ng anak ko. Eh yung kasama naman nito ngayon ang tatay ni Ami.
Speaking of which ay talagang nakatingin ito ng masama sa akin parang sinasabi nitong, ‘Bakit mo dinala ang anak ko dito?’ Which is hindi naman niya pwede sabihin kasi maraming estudyante ang nakatingin sa amin, alam ko namang ayaw na ayaw nito na madungisan ang image nito.
Ngumiti ako bago tinignan ang himbing na himbing pang tulog kong anak.
"Wala kasi sila Mama kaya dinala ko na siya dito. Uuwi rin kami agad after ng class ko" sabi ko na lang. Hindi ko naman kasi pwedeng pabayaan yung baby ko.
"Gusto mo ba ihatid na lang kita pauwi?" tanong ni Jera sa akin.
Umiling ako tsaka tumingin kay Rafael na masama pa rin ang tingin sa akin.
Siguradong yari na naman ako sa isang ito mamaya.
"Hindi na. Nakakaabala pa ako sa inyo ni Rafael" dagdag ko.
Tumawa si Jera. "Parang hindi kayo mag-asaw----"
"Shh! Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa iyo" mahina pero mariin kong saway sa kanya.
Tinapik ako ni Jera "Ayos lang iyon." kumindat ito sa akin "Para naman wala na ring aaligid-aligid pa dito kay Rafael tsaka sa iyo."
Isang maasim na ngiti ang binigay ko sa kanya. Balak ko na sanang umalis para makaiwas pa sa bulungan ng mga tao, paano ba naman ay nakatingin sa amin ang lahat ng tao sa building ng Nursing.
Sige nga, ikaw na kilala noon bilang nerd at ngayon ay isang dalagang-ina (yun ang pagkakaalam ng tao sa school. Ayoko kasing ipaalam na si Rafael ang ama ni Ami, ganun din naman ang gusto ni Rafael-- ang hindi malaman ng tao na siya ang ama ni Ami) ay kasama ang dalawa sa sikat na lalaki ng University na ito.
Magpapaalam na sana ako ng biglang magsalita si Jera "You know what, Gab. Yang si Anastacia..." he paused midway and took a glimpse of Rafael who’s on his side "...kamukhang-kamukha ni Rafael"
Tinignan ito ng masama ni Rafael. Ako naman ay biglang tumingin kay Ami tsaka kay Rafael. Papalit-palit.
Oo nga noh? Magkamukha ang dalawa. Parehas na may magandang ilong at magagandang mata. Kahit sabihing hindi pa ganun kahalata yung ibang features ni Ami ay masasabi ngang si Rafael ang Tatay ng anak ko kahit sa isang tingin lang.
Agad kong nilagay yung lampin ni Ami sa may bandang mukha niya para hindi na mapansin pa ng iba pero inawat ako ni Rafael.
"Wag." agad na saway ni Rafael at agaw sa hawak kong lampin.
"Huh?" lito kong tanong sa kanya.
Baka mamaya maging usapan pa ng maraming estudyante kung bakit kasama ko si Rafael at Jera. Masyado ng matagal ang oras na kausap ko sila.
"Gusto mo bang hindi makahinga ang bata?" tinanggal nito ang lampin sa mukha ni Ami at sa gulat ko ay binuhat nito si Ami. Inalog-alog pa nito ng bahagya ang anak namin habang mariin na nakatitig sa natutulog na bata.
Napalingon naman ako bigla dahil biglang lumakas yung kaninang bulungan lang ng tao.
"Ah...ah. Raf, akin na yang bata.” Sabi ko sa kanya. Kinakabahan ako para sa ginagawa niya.
Muli kong inilahad ang mga braso ko pero hindi ibinigay ni Raf sa akin si Ami.
"Rafael," mahina pero mariin kong tawag sa kanya.
Nag-angat ito ng tingin sa akin, "Ano bang pumasok sa utak mo at dinala mo ang anak ko dito?" mahina pero mariin nitong sabi sa akin. Ang titig nito ay parang mangangain ng tao any moment.
Naglakad pa ako ng malapit sa kanya.
"Di ba sinabi ko ngang wala si Mama? Hindi ako pwedeng umabsent dahil may exam ako. Matagal naman na siguro yung inabsent ko ng 2 weeks mula ng manganak ako. Kailangan kong bumawi, Rafael. Naiintindihan mo ba?" marahan kong kinukuha sa mga braso niya si Ami pero ayaw pa rin nitong ibigay.
"Isa" banta ko sa kanya.
Hindi pa rin kumikilos ang hudas at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak kay Ami.
"Dalawa" bilang ko.
Ayaw pa rin niyang kumilos.
"Kapag hindi mo pa ibinigay sa akin si Ami, sasabihin ko sa buong University na ikaw ang tatay niyan" banta ko sa kanya.
Bigla nitong inabot sa akin si Ami habang masama pa rin ang tingin sa akin.
Natatawa naman si Jera habang nakikinig sa aming dalawa.
"Sa susunod na lapitan mo ako dito sa school, hindi ako magsisisi na sabihin sa lahat na ikaw ang Tatay ng anak ko." sabi ko sa kanya.
Tsaka ako tumalikod sa kanya.
Huminga ako nang malalim dahil sa ginawa niya. Kinabahan din ako kahit papaano.
Nakaligtas ako sa isang iyon. Kahit minsan dapat naman siguro magpakita ng tapang. Hindi yung lagi kang natatakot. Sa mundong ito, noong unang panahon lang ang may superior at inferior human. Ngayon dapat ay pantay-pantay na.
Inayos ko ang pagbubuhat kay Ami at hindi na nagtangka pang tumingin ulit sa pinanggalingan ko. Mamaya mahuli ko pang nakatingin sa akin si Rafael.
Pero sa totoo lang ay nasaktan ako dahil mas importante pa rin talaga sa kanya yung kasikatan niya kumpara sa makilala siya bilang lalaki na tinanggap ang responsibilidad ng pagiging ama niya.
'Gab!" tawag sa akin.
Kinurap ko ang mga mata ko mula sa pag-iisip dahil sa tumawag sa akin. Tinitigan ko ang tumawag sa akin.
"Ivan." napangiti na lang ako ng lumapit sa akin si Ivan. Classmate ko ito sa NCM 106 (Care of Clients with problems in Cellular Aberrations, Acute Biologic Crisis including emergency and Disaster Nursing)
He clasped his hands as he walked towards my direction "Uy! Dala niya pala ang cute na angel na ito eh" he holds Ami's little hand and played on it kasabay ng pag-coo nito sa anak ko.
Ang cute nilang tignan.
Para silang mag-ama.
Pero siyempre mas magandang tignan iyan kapag si Rafael ang gumagawa niyan kay Ami.
"Pwede ko ba siyang mabuhat?" tanong ni Ivan sa akin.
Tumango na lang ako tsaka inabot si Ami dito.
Nasa lobby pa rin kami ng building ng Nursing kaya sigurado akong maraming nakakakita sa amin ngayon pero bahala sila. Hindi ko naman sila inaano at higit sa lahat ay hindi naman si Rafael ang kausap ko.
"She's so soft" anito habang nakatingin pa rin kay Ami. Ang lambot ng mukha ni Ivan habang nakatingin sa anak ko. "Ang ganda niya, Gab." nag-angat ng tingin sa akin si Ivan. Ngumiti na lang ako.
"Salamat." well that warms my heart.
"What's her full name again?" tanong niya ulit sa akin.
"Anastacia Mikaella Se---" napahinto ako at bahagyang tumikhim "Anastacia Mikaella ang full name niya"
"Kailan naman ang binyag ng cute na baby na ito? Wag mo kong kalilimutan sa list of handsome godfathers ah." natatawang turan nito sa akin.
Bigla ko naman siyang napalo sa balikat. At bahagyang tumawa sa sinabi niya.
"Oo naman. Basta ba malaki ang ibibigay mo sa anak ko every year. Why not?" biro ko.
"Iyon naman ang gusto ko sa iyo, Gab." kaya sabay kaming mas napatawang dalawa.
"Pero hindi ko naman nagugustuhan ang ginagawa niyo"
Napalingon na lang kami bigla ni Ivan sa nagsalita. Parang biglang nag-summer sault yung puso ko ng marinig ko yung boses niya.
Galit pa rin ang tingin nito sa akin. Lalo na kay Ivan na hawak ang anak niya.
"R... Rafael." kinakabahan kong tawag sa kanya.
Anong ginagawa nito dito?
"Give her the kid, boy" seryosong sabi nito kay Ivan. Parang hindi ako nadinig.
Ngumiti lang si Ivan bago sumagot "Hindi ko naman inaangkin ang bata---"
"Just give back the kid to her!" tumaas na ng bahagya ang boses nito.
Ano bang problema nitong si Rafael? Kanina pang umaga ito ah.
"What if I don't?" mapanghamong tanong ni Rafael
"Then better get yourself ready. No one dares Rafael Sebastian" anito kay Ivan tsaka tumingin sa akin "Kunin mo yung bata sa kanya." utos nito sa akin.
Umiling ako "Wala ka sa posisyon na utusan ako. Hindi naman ikaw di ba ang Tatay ng anak ko?" pagdidiin ko sa kanya.
Umarko ang makakapal nitong kilay. Samantalang si Jera, parang any moment ay mas gugustuhin na maging Referee na lang sa amin.
"Am I not?" mapanghamong tanong sa akin ni Rafael.
"Hep! I guess, it's too early for a fight." nakangiting sabi ni Jera sa amin. Pero kami ni Rafael ay nakatingin pa rin sa isa't isa. Yun bang tipo na may nag-iintay na may magsalita ulit sa aming dalawa.
"Yeah. You said" sabi ko sa kanya.
"Would you like me to break the news here?" tanong nito sa akin.
Nanlaki na lang ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Sandali....teka lang...ano bang problema ng lalaking ito? Hindi ko siya maintindihan ah. Seryoso.
"I can do that Gabrielle." seryoso pa rin niyang sabi sa akin.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
Ilang sandali pa ay humarap na ito sa mga taong nakapalibot sa amin. Mga usyiserong gustong marinig at malaman ang mga nangyayari.
"Everyone! I want you all to hear these words..." pagsisimula niya.
NO!
YES!
Bakit no?
Bakit yes?
Nababaliw na ata talaga si Rafael. Parang may sapi ang isang ito. Mula paggising hanggang ngayon ba naman?
"Gabrielle Anne Tomas...also known as the nerdiest person in this University is my ---"
"RAFAEL!" sigaw ng kung sinuman.
I shifted my gaze as I stopped midway. Nakita kong nakatayo sa hindi kalayuan si Yna. Bettyna Denise Alcaraz. My ex-bed partner; well ex, dahil nga nagkaroon na ako ng asawa nang hindi niya alam. Still, we meet, we kissed and f****d. Nothing changes between us.
Nakakunot ang noo nito sabay lapit sa akin.
"What do you think you were doing here?" tanong ko sa kanya.
Yna, wrapped her arms around my waist. Napatingin na lang ako dito tsaka kay Gabbie. Nakataas ang mga kilay nito sa akin. I pursed my lips -- tightly. Nakakapanggigil talaga ang babaeng ito.
Hindi ko sukat akalain na dadalhin niya ang anak namin sa eskuwelahan na ito. Paano na lang kung mapahamak si Ami? Hindi na naman nito ginamit ang utak. Akala ko ba isa sa pinakamatalino ang naging ina ng anak ko? Pero bakit hindi nito naisip na baka mapahamak si Ami.
"Uuwi rin naman kami agad pagkatapos ng exam ko" sabi pa nito kanina na nakapagpainit talaga sa ulo ko.
I was really stunned when I saw her holding my daughter on her arms. Nakatingin na halos lahat ng estudyante sa ginawa nito.
First time!
Unang beses na dinala nito si Ami sa eskwelahan. Oo, alam ng lahat ng nagkaroon ito ng anak. Pero hindi naman alam ng mga tao doon na ako ang ama.
Wala dapat akong ikatakot sa bagay na iyon pero ng makita ko ito at si Ami kanina.
Parang may kakaiba akong naramdaman.
Naiinis ako na hindi ko mawari.
Fondness and a piece of me was missing when I saw them.
Nababaliw na ata ako sa mga sinasabi ko.
"Di ba ang sabi ko sa iyo, wag na wag kang lalapit sa slut na iyan." turan bigla ni Yna.
Lumakas ang bulungan ng magsalita si Yna, doon ako parang nagising mula sa pagtingin kay Gabbie at Ami. Tinignan ko si Yna, she was pointing to Gabbie.
"That slut. Baka mamaya, agawin ka pa niya sa akin. Hindi ako makakapayag doon! Akin ka lang Rafael!" Yna said and moves herself closer to mine.
"What did you say?" tanong ko kay Yna.
Bakit kailangan pa nito pagsalitaan ng ganoon si Gabbie? Masakit iyon sigurado sa parte ni Gab.
Ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkaroon ng anak agad. Kung hindi sana nangyari ang gabing iyon. Hindi sana dumating si Ami sa buhay ko. Sa buhay namin.
Pero hindi. Hindi ko sasabihin sa lahat na ako ang ama ni Ami.
Hindi pa ako handa.
Oo, dapat sasabihin ko na sana kanina pero nagbago na rin ang desisyon ko.
Dala lang siguro ng inis kaya nasaling ang pride ko, hindi lang ni Gabbie kundi ng lalaking may buhat sa anak KO!
Wala itong karapatan na hawakan ang anak ko. Kaya nainis ako lalo na ng lapitan nito si Gabbie at binuhat nga nito si Ami. Ang kapal ng mukha ng sira-ulo.
"H...hindi ko naman ginusto magkaroon ng anak agad eh." Nanginginig at malungkot ang boses ni Gabbie.
Bumalik ang tingin ko sa kanya.
Si Gabbie. Hindi ito nakatingin sa amin. Kay Ami lang siya nakatingin na hawak pa rin ng lalaking mas nilamangan ko ng isandaang paligo. Ilang sandali pa ay kinuha na nito si Ami sa kamay ng lalaki tsaka inayos sa bisig nito.
Nakapalibot pa rin ang tao sa paligid namin. It seems na parang huminto ang mundo ng sandaling iyon para sa kanila.
"Siguro, sa panahon ngayon, talagang may manghuhusga sa iyo. Hindi ko man ito ginusto---" dagdag pa niya.
"Hindi mo ginusto? Eh bakit hawak mo na ngayon ang tiyanak na yan, Slut?" mataray na tanong ni Yna kay Gabbie.
How I loved to wring the neck of this lady. "STOP IT YNA!" I said to her.
"Oh! Please Rafael, hayaan mo akong magsalita na muna ngayon. Para malaman ng slut na yan na kasama ang tiyanak niyang anak----- ARAY!"
Fast.
Quick.
Bigla na lang hawak-hawak ni Gabbie ang buhok ni Yna. Hindi makapalag si Yna sa ginawa ni Gabbie.
Sandali? Si Ami?
Hawak-hawak ito ng lalaking lumapit kay Gabbie. Kukuhain ko sana si Ami pero yung dalawa parang aso at pusa na nag-aaway.
Who should I choose?
Gabbie or Yna?
Ang mga estudyante na naroon ay nakatingin lang sa nag-aaway. Walang nagtangkang umawat. May ilan nga na kinukunan sila ng video.
Damn it!
I choose Yna. Hinila ko siya palayo kay Gabbie. Si Jera naman ang tumulong kay Gabrielle at humawak dito. Parehas na magulo ang itsura ng dalawa; humihingal at parang leon na hindi magpapapigil.
"Damn you slut! Malandi ka kasi kaya ka nagkaroon agad ng anak na mukhang Tiyanak!" sigaw ni Yna.
Napadiin ang hawak ko sa braso ni Yna pero mukhang hindi nito iyon naramdaman.
First and foremost, ay ayokong matatawag na kung ano ang anak ko. Hindi alam ng lahat na anak ko siya pero ayokong nadudungisan ang imahe niya.
"Alam mo nagtitimpi lang ako sa iyo eh! Ayos lang sa akin na tawagin mo akong slut pero yung tawagin mong tiyanak ang anak ko! Aba hindi ko na mapapayagan iyon!" sabi ni Gabbie at nagtangka pang bumitaw sa pagkakayakap ni Jera sa kanya.
Ngayon ko lang nakita si Gabrielle na ganoon kagalit. Marami pa talaga akong hindi nalalaman sa asawa ko.
"Kaya ko pa eh! Kaya ko pa lahat ng sinasabi mo pero wag na wag mong idadamay ang anak ko dahil kahit ganito lang ako. Sinisigurado ko na mawawala lahat ng gusto mo!" tsaka ito tumingin sa akin.
Matagal.
Puno nang galit.
"Bitiwan mo na ako Jera. Kaya ko na ang sarili ko." malamig na sabi ni Gabbie habang nakatingin pa rin sa akin.
"Are you sure?" tanong ni Jera.
Tumango lang ito. At nang bitiwan nito si Gabbie ay lumapit ito sa amin.
Mabuti na lang at hawak ko pa si Yna at that time kung hindi ay nagkagulo ulit although pumipiglas si Yna sa akin.
Isang sampal ang dumapo sa pisngi ni Yna.
"Yan ay para sa anak ko." Madiin at galit na sabi ni Gabbie.
Isa na namang sampal ang dumapo ulit pero hindi na sa pisngi ni Yna kundi sa pisngi ko na.
"Yan naman ay para sa pagiging duwag mo."aniya sa akin.
Matapos nun ay tumalikod na ito at kinuha sa mga braso ng lalaki si Ami at walang sabi-sabing pumasok na sa loob ng building. Ni hindi man lang ito lumingon basta diretso pasok lang.
What's wrong with her?
****
*Gabbie's POV*
Gusto ko nang umiyak kanina pero pinigilan ko ang sarili ko.
Kailangan ko maging matapang. Ayokong ipakita sa lahat na iyakin at duwag ako.
Nang magkabangga kami ng hindi ko kilalang babaeng iyon ay napataas na lang ang kilay ko. Kung makaangkin naman ito kay Rafael. Wagas na wagas.
O sige magsama na sila ng duwag na iyon.
Nakakainis!
Hindi man lang ako nagawang ipagtanggol ng lalaking iyon?
Kahit hindi na nga lang ako eh.
Yung anak na lang sana namin!
Eh ako nga, hindi ko napigilan yung sarili ko na hatakin yung itim na buhok ng mukhang pugong babaeng iyon. Ayos na sana kung ako lang eh. Pero yung idamay pa si Ami, aba hindi ko na kaya pa iyon.
Ayan, nakatikim tuloy ng sampal hindi lang si babaeng pugo kundi maging ang asawa ko na sinala na ata ang lahat ng kaduwagan sa buong mundo.
Hanggang salita lang pala ito. Wala!