*Gabbie's POV*
"Gabbie, okay ka na ba?" tanong ni Ivan sa akin.
Napalingon ako sa kanya. Halata talagang lumulutang ang utak ko dahil sa nangyari kanina. Kabwisit-bwisitang Rafael iyon.
Ipagtanggol ba naman ang mukhang pugo na babae na iyon kaysa sa aming mag-ina niya. Nakakaasar kaya. Nakakainit ng ulo!
Umiling ako, mas gusto ko muna kasi itago yung inis ko sa lalaking iyon. Wag kaya ako umuwi at isama ko si Ami sa pupuntahan ko. Baka buong NBI ipagising ni Papa Rico dahil doon. At baka katakot-takot na sermon ang abutin ko kapag ginawa ko iyon.
Malapit na kami sa room ng makita kong tumingin sa akin ang ibang ka-blockmates ko. Tinignan ko na lang din sila. Anong meron at kailangan akong tignan?
Ako nga ba ang tinitignan?
Hindi!
Napatingin ako kay Ami. Doon nakatingin ang mapanghusga nilang mga mata. Kinipkip ko nang maigi ang anak ko. Yun bang para akong takot na takot na ipakita sa kanila si Ami. Pagkatapos kasi nilang tignan ang anak ko, sa akin naman sila titingin.
Siguro ang nasa isip nila Ano ang ginagawa ng babaeng iyan at dala dito ang anak niya? Sabagay, sino ba naman ang hindi mag-iisip ng ganun. Hindi ko rin naman hawak ang mapanghusga nilang utak.
I shook my head as I turned to our classroom's door. Maingay. Baka magising si Ami. Tahimik naman kasi sa dinaanan namin ni Ivan. Kung mayroon mang maririnig na ingay ay mahina lang sapat upang hindi magising ang baby ko.
"Gusto mo ako na muna ang humawak sa bata para makapag-review ka." alok ni Ivan.
Ngumiti na lang ako sabay iling, "Huwag na. Ako na. Kaya ko pa naman eh.Tsaka..." tinignan ko si Ami. "...gusto ko kasi nasa mga bisig ko siya habang nag-re-review ako. Siya yung inspiration ko."
Tumango na lang si Ivan tsaka humila ng upuan mula sa room namin "Hoy! Wag nga kayo maingay diyan. Subukan niyong mag-review at ng tumahimik man lang ang mundo natin!" sigaw ni Ivan sa mga ka-blockmates namin.
"Tsaka may baby dito oh! Baka magising. Kapag ito umiyak, uupakan ko kayo isa-isa." pahabol pa nito.
Natawa na lang ako sa ginawa niya. At least hindi lang siya concern sa pag-re-review ko kundi pati na rin sa anak ko.
"Eto upuan para sa iyo." iniayos nito ang upuan malapit sa may pintuan ng room namin. Doon kami pumuwesto.
Ang sweet ni Ivan. Paano kaya kung siya yung naging Tatay ni Ami? Pero hindi na kasi pwede iyon.
Si manhid na kasi ang naging tatay ng anak ko.
"Salamat." sagot sa kanya. Umupo na rin ito sa tapat ko at tahimik na nagbasa ng notes.
Ako naman ay hindi ko maiwasang hindi tignan ang mukha ni Ivan.
Gwapo si Ivan.
Mapungay ang mga mata nito
Matangos ang ilong
Maganda ang mga labi
Matangkad.
Maganda ang kulay ng balat.
Matalino
Gentleman
Hindi katulad ni Rafael.
Yung lalaking iyon. Porket gwapo.
Nakakapang-akit yung mata
Ang ganda ng ilong
Yung mga labi nun, ilang beses akong nahalikan nung binubuo namin si Ami at kay sarap-sarap talaga. Mapupula pa. Hindi ko lang alam kung ilang babae na ang nahalikan ng labi nun basta ang alam ko ay masarap siyang humalik.
Wala namang bisyo si Rafael. Mas gusto nga nito na nasa bahay lang at tumutulong sa pagbasa ng mga paper works ng opisina nila.
Maganda ang katawan ni Rafael. Hindi lang iisang beses kong nakita na walang saplot ang pang-itaas nitong katawan. At talagang hindi na ako magtataka kung bakit napakaraming babae ang naaakit sa kanya.
Kagaya na nga lang nung minsan na nagtalo kaming dalawa.
"Nasaan na ba kasi yung damit ko? Gabbie!" sigaw ni Rafael sa akin.
Papadyak akong lumapit sa kanya. Kakatapos ko lang magpa-breast feed kay Ami that time tapos kakatapos ko lang din maglinis ng banyo ng kwarto ng hudas na ito tapos ang mabubungaran ko lang ay ang katawan nito.
Napahinto nga ako nung humarap ito sa akin eh.
Katulad ng edad niya ay napaka mature ng katawan ni Rafael. May sarili kasi itong gym sa bahay at talaga namang pinipilit niya na mapalaki yung katawan niya.
"Ano tapos ka na bang tignan ako?" nakapamaewang na tanong nito sa akin. I raised my eyes on him, alam pala nito na tinitignan ko siya.
Pakiramdam ko ay sobra akong namula dahil sa kalokohan ko.
Tapos si Rafael. Galante rin at mapagbigay sa mga nangangailangang tao. Laging on time rin ang pagbibigay niya ng mga pangangailangan ni Ami.
Minsan sobrang daldal at maingay pero kapag nasa bahay na iyon at kasama si Ami, tatahimik na ito.
Para bang si Ami ang nagpapaliwanag sa buhay nito.
Anyway, sa bahay ay madalas mong makikita na nakangiti si Rafael. Hindi katulad kapag nandito sa school, talagang nuknukan ng sungit at bihirang ngumiti.
Kaaway ang buong mundo ang drama niya.
Varsity player din si Rafael.
MVP.
Madalas ko nga siyang asarin na, hindi naman siya marunong magshoot tapos tinatawag pa siyang MVP. Ang magiging sagot lang niya sa akin ay isang matalim na tingin.
Pero ang higit sa lahat. Kahit nasa loob lang kami ng condo nito ay super daddy ito kay Ami. Isang bagay na siguro hindi ko maipagpapalit sa iba.
Napakahands on nito sa lahat ng bagay lalo na kapag si Ami ang pinag-uusapan. He cares a lot basta si Ami, kahit wag na ako basta yung anak na lang namin.
Pero teka! Bakit ko nga ba iniisip ang isang kaaway.
Dapat magalit ako sa kanya.
Hindi siya karapat-dapat na purihin
Masama siyang tao.
Duwag!
Hindi pa handa na sabihin sa buong University na asawa niya ako at anak nito si Ami.
"Gabbie."
Parang doon lang ako nagising ng bahagya akong alugin ni Ivan.
"A...ano iyon?" tanong ko sa kanya.
"Tara na. Andiyan na si Prof." tinuro pa nito ang masungit naming professor.
Tumayo na kaming dalawa. Inabot niya sa akin ang gamit ko. Inayos ko naman sa pagkakabuhat ko si Ami.
"Okay Class, kindly leave your things away." Anito.
Tinulungan ako ni Ivan na alisin yung mga kalat na iniwan ng mga kaklase ko sa desk ko. Talaga naman o. Mga isip-bata ang kasama ko.
"This is a 60 items examination. I'm giving you all 45 minutes para sagutan ang exam na ito. Use black pen only.” Reminder pa niya sa amin.
At inabot na nga ni Ma'am yung test paper. Hawak ko na ang test paper ko ng biglang umiyak si Ami.
"Shh!" inalog-alog ko ang anak ko pero umiyak ito ng umiyak.
Nag-angalan ang mga kaklase ko. Ang ingay daw.
"Miss Tomas. Di ba sabi ko alisin ang mga sagabal? Yang anak mo ay isang sagabal sa exam natin." Seryoso niyang sabi sa akin.
Napatingin ako ng masama sa Prof ko. Hindi ba nito alam ang essence ng pagkakaroon ng anak? Sabagay. Ano nga ba ang maasahan ko sa isang matandang dalaga.
Tumayo ako at kinuha ang bag ni Ami "Excuse me lang po." dali-dali akong tumalikod at lumabas ng Room. Nahuli ko pang sumunod ang tingin ni Ivan sa akin.
Nasa gitna na ako ng lobby ng mahagip ng tingin ko si Rafael. Dadalhin ko sana si Ami sa Theater office na muna. Baka nandun kasi si Abby at Hannah. Mapapakiusapan ko na bantayan muna nila ang anak ko habang kumukuha ako ng exam.
Pero hindi lang si Rafael ang nakita ko.
Dahil sa malawak at wala ng taong lobby na iyon ay nakita ko siyang kasama si Babaeng pugo.
Naghahalikan ang mga ito sa isang Freedom wall.
Wala na bang kwarto kaya doon nila naisipang ilabas ang init ng katawan nila.
Sumama ang tingin ko sa kanila.
At mukhang nakisabay si Ami dahil mas lalong lumakas ang iyak nito.
Biglang napaghiwalay ang dalawa.
Gulat na gulat
"G...gabrielle.” tawag niya.
*Rafael's POV*
The subscriber cannot be reached please try to call later.
"Damn it! Sagutin mo ang tawag ko sa iyo, Gabrielle." Inis na sabi ko.
Ilang beses ko ng tinatawagan si Gabrielle pero hindi pa rin ako nito sinasagot. Mula kanina ng makita niya akong kahalikan si Yna ay lumayo na ito sa akin. Kung bakit ko naman kasi ginawa iyon, pero hindi naman ako ang nagsimula ng halikan na iyon. Si Yna.
Bigla akong napahiwalay kay Yna ng marinig ko ang pamilyar na iyak na iyon.
Hindi nga ako nagkamali, dahil ng pagbitiw ko kay Yna ay nakita ko naman si Gabrielle kasama ang umiiyak naming anak.
"Gabrielle.” Tawag ko sa kanya.
Iyon na lang din ang tangi kong nasabi. Hindi ko alam ang gagawin ko ng sandaling iyon, ang tanging alam ko lang ay mali ang ginawa ko.
Oo't ayokong malaman ng buong school na asawa ko si Gabrielle at anak namin ang dala nito pero parang kakaiba ang naramdaman ko ng malaman kong nakita niya kami ni Yna.
Pero...
Fuck! Hindi ko dapat nararamdaman ito.
Pakiramdam ko kasi nagtaksil ako. Pero hindi, alam naman ni Gabrielle na kaya ko siya pinakasalan ay dahil lang sa anak namin. Pero dahil doon nga lang ba? Kahit sa sarili ko kasi ay hindi malinaw kung bakit ko siya pinakasalan.
Kaya ko namang sustentuhan ang panganganak niya at maging ang anak namin pero mas pinili ko pa rin siyang pakasalan. I must be insane when I offered her a marriage.
"What are you doing here Slut?" tanong naman ni Yna.
Noon lang ako napatingin kay Yna.
"At bakit dala mo na naman ang Tiyanak mong anak. Take note, umiiyak pa yan ah. Don't tell me na kailangan niyan ng dugo." Yna rolled her eyes sabay tago sa likod ko "It’s so scary. Baka ako pa ang kagatin niyang tiyanak na iyan."
I shut my mouth tightly at baka kasi kung ano ang masabi ko kay Yna dahil sa ginagawa nito. Si Gabbie naman ay nakatingin sa akin para bang hinahamon ako na sabihin sa babaeng iyon na anak ko ang nilalait niya.
But I can't! Hindi pa ako handa.
"Hindi ko kasi alam na naging public motel na ang lugar na ito. Sa susunod kasi ay subukan niyong magtago ng hindi kayo nahuhuli na naglalampungan dito." matapang na sagot ni Gabbie tsaka ito naglakad palayo.
Gusto ko sana siyang habulin pero baka mahalata ako ni Yna.
The f**k!
The Subscriber cannot be reached please try to call later.
Damn! Ayaw talagang sagutin ni Gabbie ang tawag ko.
Napatingin na lang ako sa may orasan na nakasabit sa may dingding. Past 10 na ng gabi. Wala si Gabbie sa bahay maging ang anak namin.
Oh great! Saan kaya nito dinala si Amii?
Tumayo ako at nagpalakad-lakad sa kabuuan ng condo. Hindi ko alam kung saan ito pupuntahan. Tinawagan ko na halos lahat ng kaibigan nito.
Si Abby
SI Hannah
Pero may nakalimutan akong tawagan. Baka nandoon ang mga ito. May bumangong pag-asa sa dibdib ko. Agad kong dinampot ang cellphone ko tsaka ko tinawagan ang numero ng best friend ni Gabbie.
Si Aileen.
***
*Gabbie's POV*
Napatingin na lang ako ng biglang mag-ring ang phone ni Aileen.
Nasa bahay nga pala kami nila Aileen. Mabuti na lang at na-contact ko ang isang ito at iyon nga ay pinatuloy ako sa bahay nila ni Mama. Kakagaling lang pala ng Mindoro ng mga ito. Nag-bakasyon.
Sumandal ako sa may sofa habang nakapako ang mata ko kay Ami na natutulog na.
"Si Rafael ito." lumapit sa akin si Aileen tsaka pinakita ang nakarehistrong pangalan sa phone.
Si Rafael nga.
She smirked. Hindi ko kasi sinasagot ang tawag nito. After ko kasi kumuha ng exam ay umuwi ako para kumuha ng ilang damit ni Ami tsaka damit ko na rin. Lalayo muna ako kay Rafael.
Mainit pa kasi ang dugo ko sa taong iyon kaya bahala siya sa buhay niya.
Hanapin niya kami ni Ami kung gusto niya.
"Sasagutin ko ba?" tanong ni Aileen sa akin.
Tumango na lang ako "Pero wag mo sasabihin na nandito kami ah." Bilin ko.
Gusto kong mataranta siya sa kahahanap kung nasaan kami ng anak niya. Dahil puro kalandian lang
Aileen winced before pressing the answer button "Hello."
Tumingin siya sa akin bago umupo sa kabilang panig ng sofa, "Eh wala kasi sila dito baka naman naglakad-lakad lang… ANO?! Kanina pa sila nawawala diyan? Try mong hanapin yang mag-ina mo Rafael. Tsk. Sinasabi ko sa iyo na lalaki ka. Kapag may nangyari sa kaibigan ko papakulam kita sa Tita ko...Pwes hanapin mo" tsaka nito binabaan ng phone si Rafael.
Natawa na lang ako sa ginawa niya. Kahit kailan talaga ito.
Aileen, crossed her legs bago nito dinampot ang throw pillow at ibato sa akin. Mabuti na lang at nasalo ko iyon kung hindi babagsak iyon sa anak ko. May saltik talaga ang isang iyon.
"Umuwi ka na! Nag-aalala ang asawa mo sa iyo.” Sabi niya.
"Ayoko." I hugged the pillow; propped my chin on it habang nag-iisip nang malalim.
"Ay naku Gabrielle, hindi na uso ang ganyan. Umaarte ka pa sa lagay na iyan samantalang may anak na kayo ni Pogi na iyon. Tama na yang arte mo bakla."ani Aileen.
Tinignan ko lang siya ng masama bago umismid "Sige nga. Ikaw nga na makita mo yung Tatay ng anak----"
"Hep!" inawat ako nito sa pagsasalita. "Una sa lahat, wala akong junakis kaya wag mo kong daanin sa ganyan."salag nito sa akin.
"Oo na." sabagay tama nga naman ang kaibigan ko na ito. Kumpara sa aming dalawa, si Aileen ang vain sa aming dalawa dati. Marami itong boyfriend. Samantalang ako ay wala ni isa.
Pero heto ako ngayon at may karay-karay na anak.
"Eh kasi naman BFF. Ganyan talaga ang mga lalaki. Hayaan mo na muna si Rafael, malay mo ma-realize niyang mali siya ...which is malamang na hindi nun gagawin." umangat ito sa upuan at tinignan ang anak ko. "Kawawang Ami, baby pa lang siya ay nag-aaway na ang Mommy at Daddy niya."
Huminga na lang ako ng malalim. What's the use of talking pa naman kasi. Bwisit kasi yang Rafael na yan. Akala mo kung sinong hunk na hahabulin ng babae.
"Aileen. Gabrielle. Matulog na kayo mga anak."
Napatingin kami ni Aileen sa nagsalita.
Si Mama Tessie habang may hawak na tray. May nakalagay na dalawang baso ng gatas doon at alam ko na para sa amin iyon ni Aileen. Very nanay talaga si Mama kahit sa akin, sabi nga niya, siguro daw ay kakambal ko yung anak niya kasi parehas kami ng ugali though magkaiba ang hitsura namin.
"Opo." tumayo na si Aileen. Sumunod ako tsaka binuhat ang natutulog ko ng anak.
"Eto at gatas para sa inyong dalawa mga anak." inabot ni Mama ang gatas sa aming dalawa.
"Ako na." sabi ni Aileen at kinuha ang baso ko ng gatas.
"Aakyat na po kami, Ma. " paalam namin.
Tumango lang si Mama tsaka tumingin sa akin "Anak" tawag sa akin ni Mama
"Po?"
"Baka hinahanap ka na ni Rafael." Nag-aalalang sabi nito sa akin.
"Hay naku, Ma. Kung alam mo lang---" sabad ni Aileen
"Psstt. Akyat ka na nga" sabi ko kay Aileen. Ibibisto pa ako nito kay Mama ng wala sa oras. Eh si Mama pa naman once na malaman nito na hinahanap ako ni Rafael ay iuuwi ako nito kahit ayoko.
Ibinalik ko kay Mama ang tingin ko "Hindi ako hahanapin nun, Ma. Nasa Cebu po kasi iyon."sabi ko na lang. Ayoko kasi talagang umuwi. Hindi ako handing harapin siya.
"Cebu na pala ang pangalan ng condo niyo." kalabit sa akin ni Aileen. Tinignan ko uli ito ng masama. Minsan gusto ko ring upakan ang isang iyon. Walang mabuting naidudulot sa akin.
Medyo lumayo na ako kay Mama tsaka ko hinila si Aileen paitaas sa kwarto namin. Ipapahamak pa ako nito eh. Tsk.
Hindi rin naman ako halos nakatulog dahil sa pag-iisip ko. Pero dal ana rin siguro ng pagod na naramdaman ko ngayong araw ay hinila ako ng antok.
37 missed call + 50 texts ang nabungaran ko paggising ko.
Tinatamad na bumangon ako sa kama. Alas-singko pa lang ng umaga kasi nun.
Tumingin ako sa gilid ko.
Si Aileen ay tulog-mantika pa rin sa kama nito.
Si Ami naman ay tulog pa rin sa crib nito. Instant crib kasi ang ginawa namin kagabi.
Yung lumang duyan ng kapitbahay nila Mama ay hiniram namin tapos inayos na lang namin para doon makatulog ang anak ko. Kawawa naman yung baby ko, tiyak na masakit ang katawan nito. Kahit sabihing sandamakmak na kumot at foam ang ginamit namin para lumambot ang higaan nito, iba pa rin kasi yung crib talaga nito sa condo.
Binuhat ko si Ami at inilipat sa higaan ko. Hindi ko siya nakatabi kagabi kasi maliit lang yung kama tsaka baka mapisa ko pa yung anak ko. Hinalikan ko na muna sa noo ang baby ko matapos kong ayusin ang higaan nito.
Kumuha na rin ako ng damit sa bag na dala ko kahapon. Papasok pa ako sa school. 7 am pa naman ang first class ko tapos 11:30 na ang uwian ko. Medyo maaga kaya magagawa kong makauwi agad. Wala lang sanang iba pang asungot akong ma-encounter.
Matapos kong maligo ay bumaba na ako. Naroon na si Mama at nagluluto. May tindahan kasi ito sa labas ng bahay. Doon sila kumukuha ng panggastos ni Aileen sa araw-araw.
"Ma" tawag ko sa kanya.
Lumingon si Mama tsaka ngumiti "Tara anak, kumain ka na muna bago ka pumasok sa eskwela"
Lumapit ako tsaka umupo. Naghain si Mama ng tuyo, itlog tsaka sinangag partner pa nun ay ang mainit na tsokolate. Alam talaga nito ang paborito ko kahit kailan.
"Ma, kayo na muna ang bahala kay Ami ha? Papasok na muna po ako sa school." Paalam ko sa kanya.
Tumango si Mama tsaka lumapit sa akin "Anak, kung may problema kayo ni Rafael. Dapat pag-usapan niyo iyon ha? Hindi ka dapat tumatakbo sa problema. Mag-asawa kayo at higit sa lahat ay may anak kayo kaya dapat magkaroon kayo ng komunikasyon sa isa't isa."aniya.
Tumango na lang ako habang nakikinig kay mama. Ayoko namang suwayin ang sinasabi nito kasi mahal na mahal ko si Mama.
"Intindihin niyo ang bawat isa kahit nahihirapan kayo. May batang umaasa na lalaki siya sa isang buo at masayang pamilya, anak."dagdag pa ni Mama.
Tumingin ako kay mama at marahang tumango. Ayokong sabihin sa kanya ang mga nangyari dahil kahit papaano ay ayoko siyang masaktan sa mga nangyayari sa akin.
" Opo, ma." tangi kong sagot sa kanya.
Marami pa kaming napag-usapan ni Mama bago ako nagpaalam na papasok na ako sa school.
***
*Rafael's POV*
"Dude, ang pangit mo. Tignan mo ang hitsura mo. Haggard na haggard ka. Damn ilang rounds ang nangyari sa inyo ni Yna kagabi?" natatawang sabi ni Jera sa akin.
Tinignan ko na lang ito nang masama. "Buti sana kung ganoon ang nangyari di ba? Pero hindi eh." I massaged my temple as I turned my head left and right. Kailangan kong mag-relax at isiping mabuti kung nasaan ang mag-ina ko.
Tawagan ko na kaya si Daddy para mapaalerto ang buong PNP o kaya ay makahingi ng tulong sa kaibigan nito na Director ng NBI. I'll be insane anytime kapag hindi ko pa nakita si Ami at si Gabrielle.
"Ano bang nangyari kasi?"usisa pa rin nito
"Gabbie is missing" sabi ko sa kanya.
"What?" sigaw niya.
"At kasama niya si Ami" dagdag ko pa.
Naramdaman ko na lang na sinuntok ako ni Jera sa may braso. "Gago ka talaga. Nakita mo na ang epekto ng ginawa mo? Ayan! Magsisi ka. Siraulo" pailing-iling ito sa tabi ko.
"I think I deserved that punch.”sabi ko na lang.
'Yeah. At makakatanggap ka pa sa akin ng marami."dagdag pa niya.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito kasi may nakita akong pamilyar na pigura na palapit sa akin.
Her hair was swaying at suot na naman nito ang paborito nitong salamin habang may binabasa na kung ano.
Lalapitan ko na sana siya ng may isang asungot na lumapit dito. That Nurse again. Ang kaklase na naman nito ang lumapit kay Gabbie.
I squinted my eyes on them. Mukhang natunugan ni Gabbie kaya napatingin din ito sa akin.
No emotion.
No 'Hi' or 'Hello'
Wala lang.
Para lang akong hangin sa harap niya ng dumaan ito. Binati nito si Jera pero hindi ako.
"Gabbie wait!" tawag ko sa kanya.
Huminto ito tsaka tumingin sa akin.Napatingin din sa akin ang asungot na lalaki
"Nasaan yung bata?"tanong ko.
Damn! Ano ito? Nag-alala ako para sa wala?
"Anong pakialam mo?" matapang niyang tanong sa akin.
"Kailangan kong malaman kasi--" pero napahinto ako. Aamin na ba ako? Baki tba naduduwag ako?
"Kasi ano?"tuloy niya.
"Kasi..."
Should I say it? f**k! Kapag sinabi ko malalaman ng buong University. Pero nang mga sandaling iyon ay apat lang kaming magkakaharap.
Ako
Si Gabbie
Si Jera
At ang asungot
"Kasi ano?" ulit nito. Ang mga mata nito ay nanghahamon ulit.
Gabbie smirked before turning her gaze to that jerk. "Let's go Ivan. Wala naman palang sasabihin si Mr. Sebastian" umangkla pa ito sa lalaki bago ngumiti kay Jera
"Damn it! Because I'm the father of your Child, Gabrielle! And you are my wife!" sigaw ko.
Bigla itong napahinto at napatingin sa akin.
Gulat na gulat
Maging ang kasama nitong lalaki ay napatingin sa akin.