RUNO's POV
Mahirap maging ina, pero masarap din naman dahil alam mong ikaw ang nag-aalaga sa mga anak mo at nasusubaybayan mo din sila sa paglaki.
Kaso lately nahihirapan akong pagsabay-sabayin ang gawaing bahay, pag-aalaga sa kanila at idagdag mo pa yung makulit nilang tatay.
Makulit sa way na akala mo bata din siya na kailangan indintihin sa lahat ng aspeto dito sa bahay. Minsan nagseselos pa siya sa mga anak niya paghindi ko siya na iintindi.
Hindi nga siguro nagbago si Danrious, isip bata pa din katulad na lang ngayon.
"Runo ba't wala tayong endearments?" nagbikit balikat ako at babangon na sana sa higaan kaso hinawakan niya ang bewang ko.
"Ba't di mo alam? Ayaw mo ba kong tawaging honey? Or mahal man lang?" Umiling ako.
"Hindi ako sanay isa pa na iilang ako," ngumuso siya at sinaklay yung binti niya sa hita ko. Jusco ano na naman ba ito?
"Tapos di mo pa ko pinagbibigyan kahit isang gabi lang, tatlong taon na kong walang s*x life daig ko pa ang isang byudo." Inalis ko ang paa niya at tumayo na.
"Hindi pwede isa pa grabe ka eh, baka mamaya mabuntis ako di pa nga tayo nakakasal may pangatlo na." sabay sara ko ng pinto ng CR.
Alam ko naman may pangangailangan yung asawa ko pero kagaya ng sinabi ko lagi akong pagod at walang time para sa bagay na 'yun.
Tapos ngayon isasama ko ang kambal sa kinder garden dito sa village. Saling pusa lang silang dalawa dahil hindi pa pwede ang age nila.
Mas mabuti na 'yung nag-aaral sila at makasalamuha ng ibang bata kesa sa magkulong silang dalawa dito sa bahay, hindi naman problema sa kanila ang araw o uhaw sa dugo dahil sa hindi namin alam na dahilan at hindi pa sila na giging bampira.
Bampira na naman ako ng pinagbubuntis ko sila pero hindi talaga namin alam bakit nung pinanganak ko silang dalawa ay normal at malusog ang mga ito.
"Tagal ka pa ba d'yan sa CR? Sabay na tayo maligo." kumunot ang noo ko, m******s talaga yang si Dandan kahit kailan.
"Tumigil ka nga mag intay ka matatapos na ko at wag ka masyadong maingay magising ang mga anak mo!" Hindi ko na siya na rinig na sumagot pero na rinig ko ang pagbukas ng pinto at ang tinig ni Aoi.
"Papa inay inay naman eh!" napatawa na lang ako at lumabas na sa pinto nang nakabihis na.
"Oh ikaw na," sabi ko sa kaniya at nagkamot lang siya ng ulo.
Ginising ko yung dalawa at pinagtoothbrush sila saka ako naghanda ng umagahan at pinakain sila.
Lumabas si Danrious sa kwarto na bihis na at handa na pumasok ng trabaho.
"Kain na," aya ko sa kaniya at umupo na siya sa harap ng hapagkainan.
"Papa patok ka na naman?" Tanong ni Akane na medyo inaantok pa at hindi ko pa na iipitan ang buhok.
"Oo eh, uuwi naman ng maaga si papa," sabi niya sa anak at pinanggigilan 'to.
Kumain ng kumain si Akane at katulad ng laging nang-yayari siya ang unang nakakaubos ng pagkain nilang dalawa.
Tinignan niya ang kakambal nyang si Aoi na nilalasap muna ang pagkain niya at inuunti unti. Ngumanga siya sa harap ninto pero hindi siya pinansin.
Akala niya bibigyan siya ng kakambal kung gagawin niya 'yun kaya nung 'di talaga siya pinansin ni Aoi ay sinandok niya ang pagkain ng kambal na kinagulat nito.
Nanlaki ang mata ni Aoi at agad na sumama ang tingin sa kakambal.
"Batit mo tinuha ang pagtain 'to!" Hala nagaaway na sila.
"Tasi ataw mo 'to bigyan!" Ahhh, ang cute pa din nila kahit nag-aaway pero hindi pwede 'to.
"Kukuha na lang si mama ng bago para sayo Akane at dadagdagan ko na lang ulit yung iyo Aoi," sabi ko para hindi sila mag away.
Ngumuso si Aoi at hindi pinansin si Akane.
"Takaw takaw tase ih," bumilog ang mata ni Akane at ngumuso 'to na mukhang papaiyak na.
*sniff sniff*
Kinabahan naman si Aoi dahil pinaiyak niya ang kapatid.
"Aoi masamang madamot, anong sasabihin mo kay Akane?" Ngumuso siya at nagcross arm pa.
"Sowwy," na pangiti na lang ako at pinat ni Dandan ang ulo ni Akane.
"Akane masama 'yung kumukuha ng pagkain ng hindi sayo kaya mag sorry ka din kay Aoi." suminghot singhot 'to at pinunasan ang luha niya.
"Sowwy," bumaba siya sa upuan at niyakap ang bewang ng kakambal habang nakatingkayad para maabot 'to.
Halos matunaw ako sa kacutan ng mga anak ko, nakakagigil silang dalawa.
*krringg kringg*
Naputol ang pagdeday dream ko ng tumunog ang telepono.
"Ako na," sabi ko kay Dandan na patayo pa lang at sinagot ko na ang telepono mula sa sala.
"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya at na rinig ko ang pamilyar na boses.
"Kaelynn? Si kidd 'to." Sabi ko na nga ba at siya 'yun.
"Bakit ka na patawag?" tanong ko naman sa kaniya.
"Pakisabi kay danrious walang pasok ngayon, pakipasa na lang kamo sakin through email yung files. Sige hang up na ko," sabi niya na medyo parang na tetense ang boses.
"Ah ok, sige bye bye." nagtaka naman ako bakit parang na mamadali siya. Ayaw niya ata akong kausap hahah.
Dumaretsyo na ko sa kusina at pinagpatuloy ang pagkain namin.
"Dan wala daw kayong pasok ngayon, paki send na lang daw yung files sa email ni Kidd," sabi ko sa kaniya at bumusangot na ang mukha niya.
"That damn bastard sana inagahan niya yung tawag di yung bihis na ko hindi ba?" Inis na inis nyang niluwagan ang necktie niya.
"Papa whats damm? Taka batrad?" Nanlaki ang mata namin pareho at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ah, wala-wala 'yun anak haha, wag mo na lang sasabihin 'yun ah haha." inapakan ko ang paa niya mula sa baba ng mesa at na pangiwi siya sa sakit saka ako sinamaan ng tingin.
Na tapos kaming kumain at siya muna ang pinaghugas ko ng plato dahil aayusan ko pa ang kambal para sa pagpasok.
Iiwan ko sila sa pag-aalaga ng lola Rose nila na teacher sa kinder garden dito samin. Yung business naman namin na laundry shop ay si ate Sol ang na mamalakad.
❦❦❦
"Yan okay na ang suot niyo, magbebehave kayo doon ah aalagaan kayo ni lola Rose at saka wag kayo makikipag ayaw okay? Kundi magagalit si mami," ngumiti ako sa kanila at niyakap silang pareho.
"Roger dat mama," sabi ni Aoi at niyakap din ako sabay siksik ni Akane saming dalawa.
"Ai ai mimi!" Sabi niya at niyakap din ako. Jusco ang cucute ng mga anak ko, Sakin ba talaga galing 'to?
"Okay, paalam na kayo kay papa, hahatid ko na kayo." tumango sila at mabilis na tumakbo sa kusina.
Maya-maya lang na rinig ko na si Danrious na nagngangawa doon at panay na ang sigaw ni Aoi.
Sure ako pinang gigilan niya na naman yung kambal kaya na aasar si Aoi sa kaniya hahaha.
"Bitawan mo na yang mga anak mo aalis na kami," sabi ko sa kaniya at lumapit siya sakin.
"Hatid ko kayo?" Umiling ako.
"Wag na walking distance lang naman eh, mag palit ka na ng pambahay mo at mag pahinga," sabi ko sakaniya saka ngumiti.
Hinalikan niya ang noo ko at na rinig namin yung kambal na napahagikhik.
"Love na love ni papa ti mimi," sabi ni Akane at niyakap ang binti ng papa niya dahil iyon lang ang abot ng maliit niyang katawan.
"Oo naman syempre kayo ding dalawa love na love namin ni mama," binuhat niya yung dalawa at niyakap 'to.
Hinatid niya kami sa gate at nagpaalam na.
"Balik ako hatid ko lang sila," tumango siya at kinawayan kaming tatlo.
Naglakad kami sa village dahil walking distance lang naman 'to at sa loob mismo ng village ang kinder garden na 'yun.
Karamihan din ng na katira dito ay bampira, hindi lang kami halata dahil na mumuhay na kami na katulad nila.
Naglalakad kami ng parang may sumusunod samin. Lumingon ako at nakakita ako ng itim na kotse.
Sino 'yun? Kumunot ang noo ko at tinitigan maigi yung kotse at bigla na 'tong lumiko ng daan.
Sinusundan ba talaga kami or na padaan lang din dito? Pero bakit ganoon? Nung tumigil ako tumigil din siya sa pag andar?
Sino 'yun? Hindi ko naman maaninag dahil itim na itim ang salamin ng kotse niya. Iniling ko na lang ang ulo ko at dumaretsyo na kami sa school.
Pagpunta namin doon ay andoon na agad si mama, actually medyo parang tumanda si mama dahil na din siguro sa stress? At saka hindi talaga siya umiinum ng dugo at pilit na na mumuhay ng normal.
Iyan tuloy parang ang hina-hina niya na ngayon.
"Lolaaaaa!" bati ng dalawa at sabay nilang niyakap ang lola nila.
"Ang mga angels ko pasok kayo dali pasok madami kayong makakalaro ditto," sabi niya at pinapasok na ang dalawa doon.
Agad naman silang nagtakbuan papunta sa mga iba pang bata at mukhang agad na nagkaroon ng kaibigan si Akane at si Aoi naman medyo nahihiya pa.
"Ang bilis nilang lumaki," sabi ni mama habang tinitignan silang dalawa.
"Oo nga po eh." na pangiti na lang ako kay mama dahil masaya niyang tinititigan ang mga apo niya.
Medyo nang hihina na si mama, yung mahaba niyang buhok noon ay pinagupitan niya na dahil na din sa sagabay ito sa pagtatrabaho niya.
Medyo na ngulubot na ang balat niya at ang ikinagulat ko ay bakit ang bilis niya atang tumanda? Sabagay 68 na din naman siya pero kasi noong unang kita ko sa kaniya parang dalaga pa siya at ang lakas-lakas ngayon parang ang hina-hina niya na.
"Ma umiinum ka pa ba ng dugo?" Pabulong kong sabi sa kaniya saka niya ko nginitian at umiling.
"Hindi ko na kailangan 'yun anak," sabi niya sakin.
"Pero ma nang hihina na kayo oh," umiling siya.
"Ito naman talaga ang normal na magiging itsura ng 68 year old na babae Runo, kaya lang naman tayo nagiging imortal dahil sa pag inum ng bagay na 'yun." nakatingin lang ako sa kaniya habang masayang tinitignan ang mga apo niya.
"Ayaw niyo bang makita na lumaki pa ang mga apo niyo?" Napalingon siya sakin at napatawa kaunti.
"Gusto naman anak syempre, gusto ko lang din maging normal, gusto ko din magpahinga pag oras ko na." medyo kumirot ang dibdib ko sa sinabi ni mama kaya niyakap ko siya.
"Ma I love you," niyakap niya din ako.
"I love you too anak."
"Lola tawag ta po tayo," sabi ni Akane habang tumatakbo papalapit samin.
"Ay naghu-huggie pa kayo? Tige pala," sabi niya at tumakbo pabalik sa mga batang kalaro niya.
Na tawa na lang kami ni mama sa kanya.
"Sige na pala ma tawag na kayo, uwi na din ako at baka nagiintay na si Danrious doon," tumango siya.
"Ba't walang pasok ang asawa mo?" Tumango din ako.
"Wala daw eh, sige ma baka nag aalburuto na 'yun sa bahay sunduin ko na lang sila mamayang 11am," kumaway siya sakin ganoon din ako sakaniya.
At habang papauwi na ko ay may lalaki akong na mukhaan na nakaupo doon, teka si Kidd ba 'to?
"Yo!" Tinanggal niya yung shades niya at lumapit sakin.
"Ang init-init bakit na sa labas ka?" Sabi ko dahil parang hindi iniinda ng isang 'to ang taas ng araw.
"Don't worry naka sun block ako at isa pa 8am pa lang ayos lang 'yan" nagbikit balikat na lang ako.
Hindi ko gaano nakakausap 'tong si Kidd at nung last-last na kita ko pa sa kaniya ay yung pangangak ko sa kambal.
"Ba't andito ka nga pala? ba't hindi ka pa dumaretsyo sa bahay?" Tanong ko sakaniya.
"Hindi ko kasi alam mismo yung bahay niyo, eh na kita-kita kanina kaya inintay na lang kita ditto," siya ba yung na sa sasakyan?
"Ikaw ba yung na sa sasakyan na itim kanina?" Tumaas ang kilay niya.
"No. Red ang car ko at pinark ko siya sa gate ng village niyo, malapit sa entrance." nagtaka naman ako. Sino kaya yung sakay ng itim na sasakyan na 'yun?
Ay bahala na.
"Tara na pala baka nag iintay na si Danrious sa bahay," sabi ko sa kaniya pero ang tagal niya pang nakatayo doon at nakatingin lang sakin.
"Oy!" Tawag ko at na papikit siya at napatawa.
"Ah ahaha, okay sorry." parang ang lalim ng iniisip ng isang 'to ah, sana wag niya naman ako bulihin katulad ng dati niyang ginawa sakin baka isumpa ko na siya.
"Ano nga palang kailangan mo kay Danrious? Kala ko wala kayong pasok." ngumisi siya sakin.
"Actually hindi kay Danrious." kumunot lalo ang noo ko.
"Eh, kanino pala?" nagbikit balikat siya.
"Edi sayo."
To be continued