KAELYNN's POV
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, ano na naman bang binabalak niya sakin? Inaasar niya lang ba ako? Alam ko matagal na silang ayos ni Danrious eh.
"Hahaha, your face is hilarious, don't worry I will not do anything I swear hahaha, niloloko lang kita." sinamaan ko siya ng tingin at huminga ng malalim.
"Buti naman kasi kung bubulihin mo na naman ako hindi kita uurungan." tumaas ang kilay niya at ngumisi sakin.
"Hahaha, ano tayo high school student na bubulihin pa kita? Haha, grow up Kaelynn," sabi niya at tinignan na naman ako.
"Actually hindi ka nga mukhang tumanda?" Napatawa naman ako.
"Oo nga eh, na pag-iiwanan na ko, bumagal yung pagtanda ko dahil converted na ko sa pagiging vampire." napatango tango na lang siya habang naglalakad kami papuntang bahay.
Pero ang tagal-tagal niya maglakad at patingin tingin pa sa mga store na nadadaan namin,
"Pwede pakibilisan mo kasi tumataas na ang araw oh," tumawa lang siya at na gulat ako ng bigla niya kong akbayan.
"Edi sumilong ka sa bisig ko." hindi ko alam kung tatawanan ko siya o sisikaran ko ang sikmura niya para tumigil na siya eh.
"Oy!" Napalingon kami ng makita ko si Danrious na kumakaripas ng lakad samin.
"Anong ibig sabihin nito?" Sabay hila niya sakin mula kay Kidd.
"Wala lang, na aarawan na kasi siya kaya pinapasilong ko siya sa bisig ko," ngumisi siya at tinignan ng nakakaasar na tingin si Danrious kaya yung isa lalong na inis sa kaniya.
Mag best friend ba talaga ang dalawang 'to? Siguro ganito lang silang dalawa lagi nag aasaran.
"Wag mo nga mahawak hawakan si Runo at baka mapangas ko ang leeg mo, saka ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya kay Kidd at hinila ako nito.
"Para agawin ang asawa mo," bwisit na bwisit na hinila ulit ako ni Danrious mula kay Kidd.
Medyo sumasakit na ang katawan ko sa pinaggagawa nilang dalawa eh.
"Don't f*ck with me." Sabi ni Dan at hinila ako pabalik ng bahay.
"Aray ko naman Dandan!" Hindi niya ko tinitignan ng maayos at daretso ang tingin habang galit na galit.
"Kaya pala ang tagal-tagal mong umuwi 'yun pala may kasama ka nang iba! Ikukulong talaga kita sa bahay e." inagaw ko ang braso ko sakaniya.
"Agnormal ka ba? Inaasar ka lang ni Kidd!" Tumingin siya sa likod namin at andun si Kidd na nakasunod pa din samin.
"Ano bang kailangan mo?!" Tumawa 'to at tumingin na ng seryoso.
"Negosyo," sabi niya at mukhang huminahon naman siya pagtapos nun.
Pumunta kami sa bahay at nag usap sila sa sala, hindi ko alam kung tungkol saan 'yun pero parang sobrang seryoso at mahalaga ang bagay na 'yun.
Pinagtimpla ko sila ng juice at binigyan ng meryenda nila pero tuwing pupunta ako malapit sa kanila tumatahimik silang dalawa.
Medyo na iinis tuloy ako, once na makaalis lang yang si Kidd talagang iintorogate ko yang si dandan.
"Aalis muna ko at susunduin ko na 'yung dalawa ah," sigaw ko, kanina pa kasi sila nag uusap at lumipas na ang oras kaya naman pupuntahan ko na yung dalawa para sunduin.
"Sabay na ko sayo," sabi ni kidd at tumayo na.
Pero bago kami umalis ay tinigna niya muna ulit si Dandan ng seryoso at sinabing.
"Basta hindi pa sure 'yun kaya wag ka munang gagawa ng bagay na ikasisira mo okay?" Tumingin din siya sakin ng seryoso sabay ngiti.
"Okay-okay tara na para masolo na kita, sumama ka na lang kaya sakin? Iwan mo na yang si Danrious at isama mo na ang mga anak mo bubuo tayo ng masayang pamilya," sabi niya sakin habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Ano bang na kain mo? Nasisiraan ka na ba?" Tanong ko sakaniya pero agad na humarang si Dan.
"Ako na nga susundo sa mga bata magluto ka na lang ng tanghalian natin Runo," sabi niya sakin at sinamaan ako ng tingin sabay batok kay Kidd.
"Umalis ka na nga dito at wag ka nang mag papakita pa sakin ah," na tawa na lang ako sa kanilang dalawa habang nag aasaran.
"Sige babye Runo! Date tayo minsan yung hindi alam ni Danrious!" Sigaw niya mula sa gate at inakbayan na siya ni Dandan or let me say sinasakal na siya ng yakap ni Dandan?
"Argh, ano ba let me go tsk!" nag aasaran sila habang naglalakad paalis, yung totoo? Mga isip bata pa din tong mga 'to eh.
Nakangiti akong bumalik sa loob ng bahay at pumunta ng kusina, pero pala isipan pa din sakin yung pinag uusapan nila kanina.
Ano ba 'yun? Ganoon ba 'yun kaseryoso para lang puntahan niya pa dito si Danrious at hindi na lang itawag?
Medyo kinakabahan ako, kasangkot ba dito ang mga Lockhart? Si sir Danilo kaya?
"Hay, kailan ba kami tatantanan ni sir Danilo? Ba't 'di niya ko matanggap?" Halos masabunutan ko na lang ang sarili ko at tamad na tamad na nagluto.
Maya-maya pa ay dumating na yung kambal at nagtatakbo papunta sa sakin.
"Mimi mim! Tinan mo dami to star!" Sigaw ni Akane at panay ang sampa sa binte ko hahaha ang cute.
"Mama ato din po" na hihiyang pinakita ni Aoi yung mga star niya sa kamay na umabot na sa braso.
"Wow ang gagaling naman ng mga anak ko." lumuhod ako para mapantayan sila at niyakap sila pareho.
Nag sihagikhikan sila at tumakbo na ulit sa sala para mag laro, para silang hindi na uubusan ng energy.
"Runo anong niluto mo?" Tanong ni Danrious sabay upo at salumbaba doon sa mesa.
"sinigang," sabi ko at lumapit sa kaniya.
Mukha siyang pagod at ang lalim ng iniisip, lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
"Anong problema?" Tanong ko at nagbuntong hininga siya.
"Pag-usapan natin 'yan mamaya pero pwede makahingi ng isang kiss man lang?" Binatukan ko siya.
"Saka na," ngumuso siya.
"Runo naman eh! Di mo man lang mapagbigyan ang asawa mo? Tapos kanina makikita ko pang kasama mo 'yung panget na 'yun!" Napatawa na lang ako.
"Agnormal ka ba nakita lang ako ni Kidd kaya inintay niya na din ako saka hindi niya alam yung papunta ditto." sumalumbaba ulit siya.
"Eh, ba't hinayaan mo s'yang akbayan ka?" Tumawa ulit ako.
"Sisikmuraan ko na siya kaso dumating ka epal ka eh," nagbuntong hininga siya.
"Hay, kasi naman kailan ba tayo ikakasal? Para naman wala nang makakaagaw sayo mula sakin," sabi niya na parang pagod na pagod at walang gana.
"Malapit na naman 'yun eh, tutal unti-unti na tayo na kakapag ipon." ngumiti siya, kaso yung ngite na 'yun parang hindi naman masaya.
"Sana nga eh," mukhang may problema nga kami, ano kaya yung sinabi sa kaniya ni Kidd kanina?
Tatanungin ko na sana ng biglang tumakbo si Aoi sakin.
"Mama may big guy kamo taninna tatama namin! Ti tito tid tapos binigyan niya to ng tendy!" Binuhat ko siya.
"Eh, nag thank you ka ba? Asan na yung candy ubos na?" Tumango siya.
"Opo, mama bait po ni tito tid tapot mama binuhat niya 'to ta ulo niya taas taas mama," sabi niya at mukhang enjoy na enjoy siya.
Kaso biglang sumingit si Akane at ngumuso.
"Ataw 'to takanya inaatar niya ti papa," sabi niya at nag cross arm pa hahaha ang cute.
"Wah, baby girl ko mahal na mahal mo talaga si papa no? I love you sweet heart!" Pinang gigilan na maman niya si Akane at niyakap kayap 'to.
"Pero love 'to din ti mimi," binaba siya ni Dandan at ngumiti samin.
Lumapit si Akane at niyakap ko din silang dalawa.
"Ang sw-sweet naman ng anak naming." nakangite si Danrious habang tinignan kami at si Aoi naman kwento ng kwento tungkol sa nang-yari kanina at si Akane naman ay tanong ng tanong kung anong ulam.
Natatawa na lang kaming dalawa ni Dandan kasi hindi namin alam kung sino uunahin naming sagutin sa kanilang dalawa.
Kambal ang anak namin at dahil doon double the blessing double the fun ika nga nila.
Masaya ako at kuntento sa dalawang anghel na meron kami ni danrious, alam kong ganoon din siya lalo na kung titignan ang mga mata niya punong puno 'to ng saya at pagmamahal sa mga anak niya .
Halata mong puno ng saya at kuntento na siya. Kahit hindi kami ganoon ka yaman katulad ng yaman nila noon ay kuntento naman na siya at masaya basta magkakasama lang kami.
Iyan ang lagi kong na iisip, na basta magkakasama kaming apat ayos na ang lahat. Namakakaya namin lahat-lahat ng problema basta hindi kami maghihiwalay.
Hindi ko lubos maisip na ang isa samin mawala o kaya iwan kami ni Danrious, iniisip ko pa lang naiiyak na ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Pero thankfully hindi naman gagawin ng asawa ko 'yun dahil alam kong buhay niya din kaming tatlo at mahal na mahal niya ang mga anak niya .
Pero nagkamali pala ako.
Hindi ko inaasahan na magagawa niya din pala kaming iwan.
To be continued