RUNO's POV
Three years na noong isinilang ko silang dalawa, masaya at tahimik na naman ang buhay namin.
Pero hanggang kailan? Minsan naiisip ko hindi naman lahat ng story may happy ending 'di ba? Ito na ba talaga 'yung happy ending namin?
Kontento na ko kung anong meron kami, masaya ako sa asawa ko na ginagawa lahat para saming dalawa at para sa mga anak niya pero actually hindi pa talaga kami kasal hanggang ngayon.
Pano ko ba maipapaliwanag? Mahirap kasi eh, madaming hadlang. Una wala pa kaming ipon para sa kasal kahit sabihin ko pang simple lang ang gusto ko ayaw niya.
Pangalawa minamatyagan pa rin kami ng papa niya kahit na nasa ibang bansa ito, alam ko may binabalak pa 'tong kunin sakin ang mga anak ko, buti hindi pa siya gumagawa ng hakbang ngayon.
At pangatlo, itong asawa ko or sabihin na nating 'tong tatay ng mga anak ko masyadong busy sa trabaho niya.
Isa na kasi siyang reporter s***h web designer ng company ng mga Cross, ewan ko bakit naging reporter siya kahit hindi naman Mass Communication ang kinuha niya.
Pagkakaalam ko lang pinili siya ni Sir. Keith 'yung kuya ni Kidd na business patner din ni kuya Daryl.
Tapos ako busy din sa pag-aalaga ng tatlong taong gulang na kambal ko, si Akana at Aoi.
Hindi naman ako naiitress sakanila at sila pa nga ang pampawala ng lungkot ko, para silang si Darenn noon.
"Mimi tuklayan natin ti Barbie," sabi ni Akane habang buhat-buhat ang laruan n'yang barbie, sabay lapit din si Aoi at kinuha ang laruan n'yang robot.
"Mama gutto ko to robot taruin natin," tumango ako at umisip ng paraan pano ko pagsasabayin ang paglalaro nila ng hindi sila mag-aaway.
"Hmm, ganito na lang si barbie magiging princess tapos kukunin siya ng witch at ililigtas naman siya ni robot," sabi ko sa kanila at nagningning ang mata nila.
"Tige tige mimi!!" Hitak ni Akane sa palda ko.
"Tino ti witch?" Nagkamot ako ng ulo ko at tinuro ang sarili ko.
"Ako ang wicth mwahahahaha!" hinabol ko sila at nagtakbuhan sila papunta sa kwarto namin kung nasan ang papa nila na busy sa pagpoprogram.
"Papa!" Nakakatulig na sigaw ni Akane na nagpagimbal sa ulirat ni Dandan.
"Aah! Ano 'yun bakit?" Agad niyang binuhat si Akane at sumampa din sakanya si Aoi.
"Witch ti mimi hahahaha!" sumiksik pa si Akane sa papa niya at tuwang tuwa naman si Danrious kaya binuhat ko si Aoi na hindi makasampa sa binte niya.
"Naglalaro lang kami sorry kung na istorbo ka naming," umiling siya at tumayo saka sinara ang laptop.
"Ayos lang saka day off ko naman, dapat talaga sainyo nakalaan ang oras na 'to di ba Aoi," sabi ni Dandan sa na kanguso niyang anak at niyakap ako.
"Di ta naman na titigpaglaro tamin eh," binuhat din siya ng papa niya.
"Sorry po boss, may tinatapos lang kasi si papa," ngumuso si Aoi at niyakap din naman ang papa niya.
Sila muna ang naglaro sa sala at ako nagluto na ng hapunan naming apat, pansin ko medyo matamlay si Danrious ngayon at namamayat siya dahil subsob sa trabaho.
Idagdag mo pa 'yung nagmumukha siyang may edad dahil 'yung asawa niya ang tagal tumanda.
Simula kasi ng maging pure blood ako parang bumagal ang pagtanda ko, para pa din akong 19 years old samantalang dapat mukha na kong 26 years old katulad ni Dandan.
Sila nagmatured ang katawan at mukha tapos ako na pag-iwanan. Minsan tuloy akala nila katulong lang ako ng kambal at hindi asawa ni Dan dahil masyado daw akong bata tignan.
Napabunong hininga na lang ako. Bakit ba hindi kami magmukhang bagay ng asawa ko? Tapos hindi pa kami maikasal-kasal!
Samantalang 'yung iba namin kasabayan kinasal na katulad ni Red at Nana nakatira na sa Canada buti pa sila.
Pero ayos lang basta kasama ko ang mga anak ko at si Danrious kaya ko mag intay kahit gaano katagal basta maikasal lang kami.
"Hay," na pabuntong hininga na lang ako at inayos ang pagluluto ko ng makaramdam ako ng kamay mula sa likod ko paikot sa bewang ko.
"Anong binubuntong hinga mo d'yan?" Tanong niya sakin at tinukod niya ang baba niya sa leeg ko.
"Wala naman," nahihiya akong magdemand sa kaniya tungkol sa kasal namin dahil alam kong busy pa siya maigi sa trabaho niya.
"Sure ka? Baka naman miss mo lang ang katawan ko?" Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko at hinampas siya.
"Tigilan mo nga ko nagsasawa na nga ko sa mukha mo eh," binigyan niya ko ng bored na expression at lumingon sa likod namin.
"Talaga?" Nagsmirk siya at bigla akong hinalikan na kinamula ko.
"Busy ang kambal sa paglalaro pwede tayo maglambingan," tinapakan ko ang paa niya kaya na paimpit siya ng hiyaw.
"Awwww sh*t Runo!" sigaw niya.
"Papa ato 'yung siht?" Nanlaki ang mata ko at tinignan ng masama si Danrious saka siya patagong kinurot sa tagiliran.
Kitang kita ko sa mukha niya 'yung sakit at tumingin ako sa kambal.
"Ah sabi ni papa sit, upo daw nak haha," para akong timang dito na nag aalibi.
"Eh, ba't ta natataktan?" Lumingon ako kay Danrious na namamalipit at hawak ang ulo niya na nag pipigil ng galit.
"Ah eh haha, kasi na paso si papa sa kalan. Kaya wag kayo lalapit dito sa kalan okay? Mapapaso kayo sige kayo, balik na kayo sa paglalaro tawagin kayo ni mama pagluto na," tumango sila at hinatak na ni Akane ang kambal niya papuntang sala.
Nilingon ko ulit si Dan na mukhang inis na inis sakin kaya lumapit ako sa kaniya.
"Sorry Dan," sabi ko at mabilis ko siyang hinalikan sa labi na kinamula niya.
"Anong sorry sorry, wala! masakit isa pa!" Kaya muli ko siyang kinurot.
"Araay ko tang---" magmumura pa sana siya ng tampalin ko ang bibig niya.
"Pwede tanggalin mo 'yang pagmumura mo! Pag narinig kong ginaya 'yan ng mga anak mo maghiwalay na tayo." pananakot ko sakaniya kahit 'di ko naman kaya.
"Wag naman ganun Runo, promise pipigilan ko." ngumiti siya sakin sabay bulong.
"O kaya halikan mo ko pag nagmura ako para di ko na maituloy." pinaningkitan ko siya ng mata at alam niyang inis na ko kaya tumigil na siya.
"Okay-okay balik na ko sa sala maglalaro pa kami ng kambal," sabi niya at umalis sa kusina habang nagkakamot ng ulo at inis na inis.
Panget naman kasi talaga 'yung lagi siya nagmumura, dati niya pa 'yan ugali at hindi ko na nga lang syadong iniintindi pero ngayon kailangan niya nang alisin sa sarili niya iyon at baka magaya pa ng kambal mahirap na.
"Luto na ang ulam kumain na kayo." Tawag ko sa kanila at inihanda na ang mesa, hirap na hirap na umakyat si Aoi sa bangko kaya binuhat ko siya at inupo sa pinagpatong na bangkuan.
"Ato tulam?" Sabay nilang sabi.
"Isda at ginisang gulay." Nagningning ang mata ni Akane dahil nakahanda na ang pagkain at agad niya 'tong sinunggaban.
"Delishiis!" Sabi niya at parang dumaan lang 'yung sinandok kong kanin at ulam sa plato niya.
Matakaw si Akane at walang inuurungan basta pagkain hindi katulad ng kambal nyang si Aoi medyo pihikan at sinusuri muna maige ang kinakain.
"Anto?" Tanong ni Aoi.
"Beans 'yan nak." tumango siya at sinubo to saka dahan-dahan na nginuya na parang inaalam pa kung masarap ba o hindi.
Hawig na hawig sila ng tito darenn nila, para nga silang biniyak sa tatlo kaya dumami eh. Si Akane nga lang ay babae pero hawig pa din ng tito darenn niya.
"Pagtapos niyan sabay na kayo kay papa niyo maligo ah, pero mabilis lang para hindi kayo sipunin," sabi ko sa kanila at kumain na din.
"Opo mimi"
"Otey mama"
Sagot nilang dalawa at nang matapos kami kumain ay pinainit ko na ang paliguan nilang mag ama, malamig kasi ang klima at de aircon ang bahay dahil hindi sanay sa init ang mga bampira.
Tungkol nga pala sa bagay na 'yun, sa lumipas na limang taon na sanay na din ako mamuhay na katulad nila.
Umiinum ako ng dugo at takot na sa init ngayon, pero pasalamat kay Danrious ay na iibsan ang uhaw ko.
Sakaniya ako na inum ng dugo at ganoon din siya sakin, palitan lang kami pero minsan umiinum na kang kami ng blood drugs o kaya kumukuha ng dugo sa iba't ibang Hospital.
'Yung dalawa naman wala kaming nakikitang anong problema sa kanila, at mabuti na din at malamig ang klima dito sa nilipatan naming lugar dahil malapit na din 'to sa tagaytay na matataas lugar.
"Runo hindi ka pa sasabay samin?" Tanong ni Dan at kumaway ng kaway sakin mula sa pinto ng CR.
Nag-aasar pa ang hudas.
"Sorry una na kayo 'di tayo kasya." pinakita niya na naman sakin 'yung bored expression niya at sinara ang pinto ng banyo.
Natatawa na lang ako d'yan kay Danrious dahil hindi siya nagbago miske katiting, siguro naging workaholic siya at focus sa mga ginagawa niya pero 'yung ugali niya towards sakin.
Ganoon na ganoon pa din, minsan na pakabossy minsan sweet at minsan bigla ka na lang hahararasin lalo na pagtulog na 'yung kambal.
Kaya minsan doon ako sa kwarto ng kambal na tutulog eh, kasi di niya ko pinapatulog. Kahit busy at pagod siya sa trabaho hindi siya nakakalimot maglambing samin ng mga anak niya.
Iniisip ko nga ano bang pwede kong gawin para matulungan siya? Para naman hindi 'yung lagi na lang siya ang nagtatrabaho.
"Inihanda ko na 'yung damit niyo dito saka 'yung blower ah!" Sigaw ko sa kanila mula sa labas ng pinto.
"Oki mami!" Si Akane ang sumagot at nung matapos sila ay binihisan ko na silang kambal at pinatuyo ang buhok nilang dalawa.
"Anong gusto niyong story?" Tanong ko sa kanila dahil lagi silang nag papakwento bago matulog.
"Ahmm tabi ni papa tya daw magtutwento," sabi ni Akane at si Aoi naman ay nagtago na sa kumot niya.
Isnabero din ang batang 'yan manang mana sa tiyuhin niya nung maliit pa lang ito at kabaliktaran niya 'tong si Akane na masyadong hyper at malambing.
"Ah, sige pala tawagin ko si papa ah." sabi ko sa kanila at hinayaang bukas ang ilaw saka ako kumatok sa kwarto.
"Dan ikaw daw magpapatulog sa kanila?" Biglang bumukas ang pinto at pumose pa siya sa istante nito habang nakatapis lang.
"Yes my love." kumunot naman ang noo ko.
"Edi bilisan mo na d'yan at kwentuhan mo na sila! Dalian mo ako naman maliligo tsk," tinulak ko siya papasok ulit ng kwarto at sinara ang pinto.
"What the hell! Hindi ka man lang na akit sa abs ko?" Sigaw niya mula sa kwarto.
"Ha! Sawa na ko d'yan." asar ko sa kaniya kahit pulang pula na ang mukha ko at hindi pa din masanay sanay katawan ng asawa ko.
Hindi na ko nakarinig ng reklamo at maya-maya ay lumabas na siya sa kwarto, padabog siyang dumaretsyo sa kwarto ng kambal at hindi man lang ako tinignan.
"Tampururut." na tawa na lang ako at pumunta sa kusina para mag init ulit ng tubig dahil ako naman ang maliligo.
Mga ilang minuto pa at na tapos na din ako maligo saka ko sila pinuntahan mag aama sa kwarto.
Pagsilip ko sa pinto patay na ang ilaw at bukas na lang ang dim light. Lumapit ako sa kanila at nakitang tulog na silang tatlo na magkakatabi, mukha silang nilalamig kaya kumuha ako ng kumot.
Napangiti ako at hinalikan ko sila isa-isa sa noo saka kinumutan.
Tumabi ako sa kanila at humiga na din.
"Good night."
To be continued