RUNO's POV
"Runo saglit lang ako babalik din ako."
Mga huling salitang iniwan niya sakin at sa mga anak niya.
Mga salitang hindi na natupad at na pako na lang.
"Ma, ketan dadati ti papa?" Hinila ni Aoi ang blouse ko at nabalik ang ulirat ko saka ngumiti sa kaniya.
"Ah, baka matagalan pa busy kasi si papa," sabi ko sakaniya para hindi niya na gaano isipin pa ang papa niya katulad ng ginagawa ko ngayon.
"Batit tabi ni papa ilan days lan daw tya eh," ngumuso si Akane at sumimangot.
"Babalik din 'yun, mag laro muna kayo tapos pagkatulog niyo bukas andito na 'yun," ngumiti ako sa kanila sa abot ng makakaya ko at na pasunod naman sila.
"Okay." Sabay nilang sabi at masayang tumakbo sa kusina.
Patuloy lang akong ngumiti at dahil doon patuloy din akong nasasaktan.
Nung tuluyan silang umalis tuluyan na din bumagsak ang tuhod ko at napaupo saka daredaretsyo lumabas ang luha ko sa mata. Pinigilan ko 'to at inipit ang boses na gustong kumawala sa lalamunan ko. Sobrang sakit! Bakit hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon?
Ni hindi niya ipinaliwanag sakin ang mga nang-yayari at nangako pa siyang babalik pero hanggang ngayon wala pa siya.
Nagsimula ang kakaibang kilos niya nung dumating dito si Kidd. May pinag-usapan sila at tapos noon ay subsob na ulit siya sa pagtatrabaho. Parang dumoble pa ang oras na nilalaan niya doon kesa sa dati. Wala na siyang oras samin, saming pamilya niya pero inintindi ko 'yun dahil alam ko para din samin ang ginagawa niya.
Pero dumadalas ang pag-alis niya sa bahay. Hindi ko na din siya nakikita na nagrereport sa TV at pagtatanungin ko naman siya kung anong nang-yayari o ayos lang ba siya sa trabaho niya hindi niya ko pinapakinggan o lagi niya lang sasabihin na ayos lang siya.
Ang dami niyang nililihim sakin nitong mga nakaraang araw, pagpapasok ako sa kwarto mabilis niyang isasara ang laptop niya o kaya ibababa ang cellphone niya pag may kausap siya.
Nag iiba din ang mood niya na parang laging galit at aburido sa kahit anong bagay, ni hindi niya na nga maalagaan ang kambal at lagi pang mainit ang ulo niya.
Wala na siyang oras sakin at sa anak niya, lagi siyang umaalis ng bahay at babalik pag tapos ng ilang linggo pero ngayon isang buwan na at mahigit hindi pa din siya bumabalik samin.
Kinuha niya ang mga importanteng bagay sa kaniya dito sa bahay at hindi na bumalik.
Nakakatanggap na lang ako ng pera sa ATM account namin ng mga anak niya at minsan itetext niya ko na hindi pa daw siya makakabalik.
Pero ngayon kahit tawagan ko siya hindi niya na sinasagot, 'yung mga pera padagdag lang ng padagdag sa bank namin pero isang message niya wala akong nakukuha.
Unti-unti na kong na wawalan ng pag-asang babalik siya, pero tinatatagan ko pa ang loob ko. Ako mismo ang maghahanap sakaniya at ako mismo ang aalam kung anong ginagawa niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo saka kinuha ang phone ko.
"Mama are you otey?" Tumango ako kay Aoi na mukhang alalang alala sakin.
"Yes dear, masakit lang mata ni mama kaya tatawagn ko si lola Rose para bantayan kayo ah. Pupunta lang ako sa doctor then babalik din agad si mama." tumango siya at lumapit si Akane.
"Aatis na din ba taw mimi?" Umiling ako.
"No! Babalik ako at pagbalik ni mimi baka kasama niya na si papa. Hahaha, kaya wag kaya makulit dito kay lola Rose ah," tumango silang dalawa.
"Alagaan niyo ang isat isa babalik din ako," tumango sila at hinalikan ko ang mga noo nila.
Agad kong tinawagan si mama at pinaliwanag agad ang problema ko pag dating niya sa bahay. Agad ako nagbihis at kumuha ng pera sa drawer namin at umalis na.
"Babalik ako promise susunduin ko lang si papa niyo," tumango sila ng nakangiti sakin at ganoon din ako sa kanila.
Promise mga anak hahanapin ko ang hudas niyong papa at ikukulong dito sa bahay.
"Mag iingat ka Runo." tumango ako kay mama.
"Babalik din ako mamaya ma, titignan ko muna siya doon sa mansion nila." Niyakap niya ko at umalis na ko ng bahay.
Habol-habol ako ng tingin ng kambal na nagpapasikip ng dibdib ko at parang pumipigil sakin sa pag-alis.
Hindi ko kasi sure kung makakabalik talaga ako mamayang gabi eh, hindi ko alam kung saan hahanapin si Danrious at kung sa mansion nga ba siya andoon kailangan kong maghanda dahil alam kong mahihirapan akong makapasok doon.
Byumahe ako ng dumaretsyo sa likod na gate ng mansion kaso katulad ng inaasahan ko hindi na ganoon kabilis makapasok sa mansion dahil mas dumami ang nagbabantay dito.
"Asan si Danrious?" Bungad ko doon sa guard na napansin agad ang pagdating ko.
"Wala po ditto." matigas niyang sabi kaya lalo kong na isip na nasa loob lang si Danrious.
"Si Daniel? Tawagin niyo siya kundi magwawala ako ditto!" madiin ko din sabi sa kaniya at minata niya lang ako.
"busy po lahat ng tao sa loob ng mansion bumalik na lang po kayo sa susunod na araw," pinaningkitan ko siya ng mata.
"pano kung hindi ka na sikatan ng araw?" Matapang kong sabi kahit alam kong mahihirapan akong lumaban sa kanila.
"Wag niyo na lang po ipilit miss bumalik na lang po kayo sa susunod na araw," huminga ako ng malalim at tumango ako sa kaniya, naglakad ako patalikod sa kaniya at biglang bumuwelo pa takbo sa gate.
Sumampa ako doon at sumigaw.
"DANRIOUS! LUMABAS KA D'YAN!" Iskandalosa na kung iskandalosa pero kailangan ko siyang makausap tungkol dito. Ayokong lumaki ang mga anak ko ng walang tatay hayup siya.
"Bumaba po kayo d'yan!" Hindi ako nagpatinag ng ipakita niya ang baril niya at lalo ko pang kinalampag ang gate.
"DANRIOUS! LABAS SABI!" Naiiyak na ko sa sobrang galit! Bakit kasi hindi pa siya lumabas dito at kausapin na lang ako ng maayos.
Kung ayaw niya na sakin oh ano!
"Anong kaguluhan 'to?" Nakita kong lumabas si kuya Daryl at si Daniel.
"Kaelynn!" Sigaw ni Daniel at inutusan ipabukas ang gate.
"Ahahaha, ang ingay mo!" nung nakita ko 'yung mukha ni Daniel na iyak ako dahil parang nakita ko na din ang mukha ni Danrious.
"Oh, teka-teka bakit ka umiiyak!!?" Sabi niya at niyakap na ko, umiyak na ko sa bisig niya at parang batang nag susumbong sa kanilang dalawa.
"Si Danrious kasi asan ba siya andyan ba siya? Pakilabas naman oh, mag usap kamo kami please!" Iyak na ko ng iyak at panay lang ang patahan sakin ni Daniel.
"Pwede pumasok muna tayo doon natin pag usapan 'to, kumalma ka muna Kaelynn," sabi ni kuya Daryl habang pinapat ang ulo ko.
Tumango ako at pumasok kami sa mansion, muling bumalik sa alaala ko lahat ng nang-yari dito sa na karaan, dito kami una nagkakilala ni Danrious at dito ko din siya unang minahal.
Napayuko na lang ako habang na kaupo dito sa loob ng office ni kuya Daryl.
"Sige ipaliwanag mo Kaelynn ano bang nang-yari?" Napahawak ako sa mukha ko at pilit na pinipigilan ang pag-iyak.
"Hindi siya umuuwi samin isang buwan na," sabi ko at parang na gulat silang dalawa.
"Nagpunta ako dito kasi akala ko andito lang siya," Tumingin ako kay kuya Daryl.
"Kuya Daryl please kung may alam ka sabihin mo naman sakin oh," na payuko din siya.
"Kung meron man sana na tulungan na kita pero hindi napapadpad dito si Danrious. Ni hindi na nga siya tumatawag sakin eh," na payuko ulit ako.
"Pero hayaan mo tutulungan kita hanapin ang mokong na 'yun." Sabi ni kuya at ngumiti na lang ako kahit pilit.
"Nakakagulat lang dahil siya 'yung taong hindi ka kayang iwan," sabi ni Daniel sakin at parang takang taka.
"Anong na iisip mo ngayon Kaelynn?" Tanong niya sakin.
"Iniisip ko na baka sawa na siya maging mahirap? Or baka may babae na siya," Naiyak na naman ako.
Hindi naman kasi maiiwasan isipin ng isang babae 'yun kahit sobrang laki pa ng tiwala niya sa lalaking mahal niya.
"Hala baka nang babae na!" Sabi pa ni Daniel kaya lalo akong na iyak at nakarinig na lang ako ng malakas na batok sa kaniya ni kuya Daryl.
"Stop it Daniel lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon." natahimik si Daniel at nag sorry sakin.
"Umuwi ka na muna ngayon and leave the rest to me, ako na maghahanap sa kaniya," umuling ako.
"Tutulong po ako, pupuntahan ko muna si Kidd kung may alam ba siya kung asan si Danrious" seryoso kong sinabi kay kuya Daryl at nagbikit balikat na lang siya sakin.
"Wala akong magagawa, okay ipapahatid kita sa driver namin okay?" Tumango ako at pinunasan ang ilang luha na nasa mata ko.
"Thank you kuya Daryl, alis na po ako." nagbow ako sa kanilang dalawa at inihatid ako ni Daniel sa labas.
"Sure ka okay kana?" Tumango ako sa kaniya pero malungkot pa din ang mukha niya.
"Pagtapos mo kong paiyakin kanina titignan mo ko ng ganiyan?" Sabi ko sa kaniya at napakamot siya sa batok.
"Akala ko kasi tatawa ka at hahampasin lang ako pero hindi pala, na patunayan kong mahal na mahal mo talaga ang kambal ko. Uuwi din 'yun." sabi niya sakin at nagthumbs up.
Nagwave ako sa kaniya at pumasok na sa koob ng sasakyan.
"Salamat Daniel," ngumiti ako at umalis na kami sa mansion.
Mabilis lang kami nakarating sa mga Cross at agad na sumalubong sakin si Kidd.
"Hey, are you okay?" Agad na bunga niya siguro na kita niya 'yung maga kong mata.
"Ah haha oo, may itatanong lang sana ako," sabi ko sa kaniya at pinapasok niya ko sa office niya.
"Drink some coffee, mag relax ka muna," sabi niya sakin at umupo na sa sofa nakaharap ko saka dumikwatro ng upo.
Habang hinihigop ko 'yung kape titig na titig siya sakin na kala mo eh, awang awa sakin.
"Bakit ganiyan ka makatitig?" Tanong ko at na gulat siya.
"Ah, no nothing." Sabi niya at lumihis na ang tingin.
"Itatanong ko lang sana kung alam mo ba kung asan si Danrious ngayon? Hindi kasi siya umuuwi ng bahay." nahihiya man ako magtanong dahil para akong asawang iniwan ng asawa ko at pinagpalit kung kanino dahil wala akong kaalam alam kung asan na ba ang hudas na 'yun.
"I have no clue sorry," sabi niya sakin pero bakit iba 'yung feelings ko? Bakit parang may itinatago si Kidd.
"Kidd bakit 'di na nagrereport sa TV sa Danrious ngayon? May iba ba siyang work or assignment?" Umuling siya at nagbuntong hininga.
"You see, mahirap kalaban ang mga Lockhart kaya binitawan na namin si Danrious." na gulat ako sa sinabi niya.
Ibig sabihin wala ng trabaho si Danrious? Bakit lagi siyang busy? Teka pero asan na siya?
"Pero asan na siya ngayon? Wag mong sabihin na dahil sa pang gigipit saniyo ni sir Danilo binitawan niyo na siya at siya sumama na sa papa niya?" Tumungo siya.
"Wala akong magagawa kung ganoon nga Kaelynn, pero ginagawa kasi ng Lockhart company lahat ng paraan mabawi lang nila si Danrious. At sorry kung iyon lang ang alam ko." tumayo siya at tinapik ang balikat ko.
"Hindi ko alam kung asan siya sorry Kaelynn," napatulala ako.
Asan ko siya hahanapin ngayon?
Na kay Sir Danilo ba siya ngayon? Pero saan 'yun? Bakit hindi niya man lang sakin sinabi 'to?
Asawa niya ko 'di ba?
"Mabuti pa umuwi kana dahil gabi na at walang magbabantay sa mga anak mo, ihahatid kita," at sumunod na lang ako sa kaniya.
Inihatid ako ni Kidd sa village namin at buong byahe ay hindi kami nag-uusap, siguro na halata niyang wala akong gana makipag-usap pa matapos ng na laman ko.
Hindi ko siya maisisi kung bibitawan niya si Danrious sa trabaho dahil na kasalalay dito ang buong company nila.
Ang akin lang bakit hindi sakin sinabi ng maaga 'to ni Danrious? Bakit kailangan niyang sarilinin ang lahat?
Pagbalik ko sa bahay ay nag-iintay sakin si mama sa sala.
"Ano kamusta? May na laman ka ba kung asan ang asawa mo?" Umiling ako at tumayo siya para yakapin ako.
"Mag intay ka pa ng ilang araw nak, magtiwala ka pa sa asawa mo babalik 'yun." tumango na lang ako at tahimik na umiyak sa balikat ni mama.
Nung pag uwi niya sinilip ko ang dalawa sa kwarto nila.
Nung makita ko sila muli na naman akong umiyak. Pano na kayang iwan ni Danrious ang mga anak niya?
"Nasan ka na ba kasi?" At tahamik akong umiyak habang pinagmamasdan matulog ng mahimbing ang mga anak namin.
To be continued