CHAPTER 5

1814 Words
KAELYNN's POV Nagising ako bigla at parang naalimpungatan sa ingay na narinig ko mula sa sala. Napabangon ako sabay tingin sa orasan. "4 A.M," bulong ko sa sarili ko at tumingin sa mahimbing na pagkakatulog ng kambal ko. Napangiti ako kaso bigla akong nakarinig ng kaluskos at ingay galing sa sala kaya tumayo na ko at ako na mismo ang sumilip sa sala. Bukas ang ilaw kaya na bigla ako at hindi ko pa man nakikita kung sino ang taong na doon ay tumulo na ang luha ko. "Danrious?" Tanong ko sakaniya at na bigla siya sakin. "Na gising ba kita? Pasensya na ngayon lang ako," sabi niya at tumakbo na ko papunta sakaniya saka siya niyakap. Niyakap niya din ako ng mahigpit at na gulat ako ng bigla niya kong hinalikan sa labi na una ay agresibo pa at parang sabik na sabik sakin. Hindi ko na naisip ang dapat kong gawin at ginantihan na siya ng halik. Halik na sa mga sumusunod na minuto ay tumatamis. Una akong bumitaw at niyakap siya ng mahigpit. "Bwisit ka asan ka ba galing?" Iyak ako ng iyak sa kaniya at hindi siya makasagot agad at panay lang ang patahan sakin. "Sorry magpapaliwanag ako mamaya," sabi niya at humiwalay na ko ng yakap. "Nakakainis ka alam mo bang ilang buwan na ang lumipas at lagi kang hinahanap ng mga anak mo?" Tumango siya. "Sorry, talaga kinailangan ko 'yung gawin para sa inyo. Please maniwala ka," sabi niya sakin ng seryoso at tumango na lang ako dahil kilala ko siya. Alam ko may dahilan siya para gawin samin ng mga anak niya 'yun. Umupo siya at inalok ko siya ng maiinum. "Wag na tabihan mo na lang ako ditto," sabi niya at hinila ako sa bisig niya. Hindi siya umiimik at hindi rin ako makaimik dahil sakanya, yakapy-akap niya lang ako habang na kaupo ako sa harap niya at na kabaon ang baba niya sa leeg ko. Mukhang pagod siya at malalim ang iniisip, gusto ko man magtanong kinakabahan ako sa maari niyang sabihin. Pero hind naman pwede 'yun kaya nilakas ko na ang loob ko at kinausap siya. "Dan saan ka ba galing?" Tanong ko sa kaniya at umayos ako ng upo sa tabi niya. "Nagtrabaho ako promise," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Maniwala ka. Pero Runo may sasabihin ako sayo," sabi niya ng seryoso at yumuko sa harap ko. Ilang minuto pa siyang tumahimik at lalo tuloy bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa katahimik niyang 'yun. "Maghiwalay muna tayo," tumingin siya ng seryoso sakin at ako parang na istatwa sa kinauupuan ko. Dumating na sakin ang kinatatakutan ko, hindi pa nga kami kasal maghihiwalay na agad kami? Anong klaseng pamilya ba 'to? "Wait don't get the wrong idea," sabi niya at biglang hinawakan ang mukha ko at pinokus ang tingin ko sa mga mata niya. "Maghiwalay muna tayo sa ngayon, pero pangako ko babalik ako," sabi niya sakin ng seryoso. "Bakit? Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit kailangan ilihim mo sakin 'to? Pwede naman natin sabay na harapin 'to kung may problema man di ba?" Tumango siya sakin. "Kaya ako umuwi para sabihin 'to sayo, may inayos lang ako saglit para maitago kayo nila Aoi at Akane," sabi niya sakin at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko. "Bumalik na si papa sa bansa at balak niyang kunin ang kambal satin," na gulat ako at napatayo. "Teka? Bakit naman? Anong kinalaman nila dito?" Inis kong tanong. "You see gustong gusto ni papa magkaroon ng babae sa pamilya natin para magkaroon ng pure royal blood sa angkan natin. Isang babae at isa ding lalaki na galing sa parehong dugo." kumunot ang noo ko at lalong kumulo ang dugo ko. "Anong ibig niyang sabihin? Gusto niyang ipakasal si Akane sa mismong kakambal niya? Nasisiraan na ba siya ng ulo?" Halos magngitngit ang mga ngipin ko sa galit at na walan na ko ng respeto sa ama niya. "Pag nagkaroon ng pure royal blood sa angkan ng mga Lockhart kami ang ituturing na pinakamalakas na clan sa mga vampire kaya gustong gusto niya magkaanak na babae," sabi ni Danrious na halos hindi rin mapakali. "Wala akong laban kay papa ngayon kaya gumagawa ako ng paraan para mailayo kayo sakaniya. Gigipitin niya ang kompanya ng mga Cross kung mag-iistay pa ko sa trabaho ko doon kaya kung ano-ano ang ginawa ko at ito ako ngayon bumagsak din sa puder niya," nagbuntong hininga siya. "Kaya hindi ko magawang makauwi noon sa inyo, pero ngayon umalis siya at medyo nakukuha ko na ulit ang tiwala niya kaya naman nakabalik ako dito pero baka tatlong araw lang," sabi niya sakin na lalong nagpasakit sa na raramdaman ko ngayon. "Runo may hiningi sakin si papa na kundisyon," Tumingin siya sakin at tumayo na din. "Bumalik ako sa puder niya at sundin lahat ng utos niya kapalit ng kalayaan niyong tatlo." na paiyak na lang ulit ako. "Pero wala na bang ibang paraan? Bakit ba hindi niya ko matanggap? " "Hindi ko din alam, siguro kasi anak ka ni tita Rose? Siguro dahil kinalaban ko siya dahil sayo? Hindi ko alam pero ang tanging alam ko lang ay itong paraan na 'to." Niyakap niya ulit ako at lalo akong napaiyak sa yakap na 'yun. "Babalik ako, hahanap ako ng paraan para makalaya sa kaniya at pangako ko babalikan kita," sabi niya sakin at tumango na lang ako. Wala nga siguro kaming mahahanap na paraan ngayon kundi ito lang. Ang maghiwalay muna kami at lumagay sa kaniya-kaniya naming buhay. Buhay na hindi namin kasama ang isat isa. "Runo," tawag niya sakin at pinunasan ko ang luha ko. "Ano 'yun?" Tanong ko sa kaniya at seryoso niyang sinabi na. "Let's have s*x please," nanlaki ang mata ko at binatukan siya. "Ano na naman pumasok sa kokote mo? Pano pag nabuntis ako edi manganganak ako ng wala ka sa tabi ko? Ayoko nga," na pasimangot siya. "I just want to embrace you before I leave," gano ba kami katagal na hindi magkikita? Iniisip ko pa lang parang madudurog na ang puso ko eh. "Matatagalan ka ba talaga?" Nagbikit balikat siya. "Hindi ko alam, at for the meanwhile binago ko ang user name niyong tatlo at ipapadala ko kayo sa japan doon kay Ashley," lalo akong na bigla at naitulak siya. "Ano? Bakit?" naiinis na ko lalo niya kaming nilalayo sa kaniya. "Kasi nga na laman ni papa na pureblood pala ang dalawa at dahil doon gustong gusto niyang makuha ang kambal, hindi ako sure sa pinangako niya sakin kaya ginagawa ko 'to." lalo akong na pasimangot at na paiyak na naman sa kaniya. "Ipapadala mo kami doon? Bakit ganoon? Hindi ba kami pwedeng tulungan ni kuya Daryl?" Umiling siya. "Para makuha ang pinakaplano namin ni kuya kailangan nating 'tong gawin. Ilang taon na lang sure ako hahatiin na ang yaman niya samin tatlo at pag nang-yari 'yun pwede na namin gawin lahat," sabi niya sakin ng seryoso. "Pero ilang taon 'yun?" Umiling siya sakin. "Hindi naman aabutin ng dalawang taon 'yun isa pa ipapadala lang namin kayo doon para makalimutan niya ang kambal at magfocus sa company niya na ibabahagi niya samin." sumimangot pa din ako. "Pano kung di niya makalimutan? Pano kung mahanap niya kami?" Pinaningkitan niya ko ng mata. "Gusto mo ba talagang mahanap niya kayo? Isa pa sa japan andun si Ash at madami kayong kapangalan doon. Medyo tago kayo at mahirap hanapin," sabi niya sakin pero hindi pa din ako sangayon sa paghihiwalay namin. "Pero kasi," Napangisi siya at niyakap na naman ako. "Alam ko naman na mahal na mahal mo ko na hindi mo ko kayang iwan at mahiwalay sayo pero Runo kailangan eh, saka promise ikaw lang din naman ang mamahalin ko," sabi niya sakin at medyo na inis ako kasi parang pinamumukha niya sakin na patay na patay ako sa kaniya. "Oo na aalis na kami at hindi na babalik sa puder mo!" Na bigla siya at biglang hinigpitan ang yakap sakin. "Wag naman ganoon, kailangan niyo kong balikan dito kundi susunduin ko talaga kayo doon." Napatawa na lang din ako at humarap sakaniya saka siya niyakap. "Okay po," iyon na lang ang na sabi ko at dinama ang yakap niya. Kaso mga ilang minuto pa nakakaramdam na ko ng pag gala ng kamay niya sa katawan ko. "Oy?" Tanong ko sa kaniya at hinampas ang kamay niya. "Grabe ka naman di mo ba ko pagbibigyan?" inirapan ko siya, matapos niya ko pag-alalahanin ng ganoon ka tagal. "Ayoko isa pa galit pa ko sayo," sinamaan niya ko ng tingin at hindi na ko na kagalaw ng bigla niya kong hinila sa sofa at pumaibabaw sakin. "Teka nga ba't parang lalo ka atang bumata ngayon?" Tanong niya sakin sabay hawak sa mukha ko. "Tingin mo lang 'yun lalo ka kasi nagmukhang matanda." pang aasar ko sa kaniya at na kita ko na naman ang pagngisi niya. Ngising kinaasaran ko at the same time nagpapakilig sakin. "Ah ganoon?" Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at pinaghahalikan ang leeg ko. "Oy ano ba! Magising 'yung kambal humanda ka sakin!" Sabi ko sa kaniya at tumingin siya sa orasan. "Mamaya pang 7am ang gising nang mga 'yun madami pa tayong oras," sabi niya at bigla akong binuhat papuntang kwarto. "seryoso ka?" Gulat na gulat kong tanong sa kaniya. "Oo, ilang months lang kita di na kita miss na miss na agad kita." ewan ko kung kikiligin ako or inuuto lang talaga niya ko eh. Pumalag ako at tumalon mula sa buhat niya. "Ayoko eh, wala ako sa mood isa pa di pa ko naliligo," sabi ko at inis na inis siyang umupo sa sahig na parang batang sumalumbaba doon. "Ganiyan ka naman eh, pagod na pagod na ko sa pagtatrabaho di mo man lang ako mapagbigyan!" Sabi niya at sumimangot na. Hindi ko naman alam kung anong irereact kasi nakakaawa siya at talaga namanng kinukunsensya niya ko. "Sige-sige maliligo lang ako," sabi ko at kinuha 'yung tuwalya na nakasabit sa cabinet namin. "Sabay na tayo!" Sabi niya at sinipa ko siya. "Ayoko nga ang liwaliwanag sa CR eh! Kung mamayang gabi na lang kaya? Isa inaantok pa ko eh," lalo siyang nagmaktol. "Ganiyan ka naman eh, tapos mamaya tutulugan niya na ko, alam ko na 'yang style mo Runo Kaelynn Alberona!" napatawa na lang ako at hinalikan siya ng limang beses sa pisngi. "Promise mamaya pagnasa mood ako," natatawa na lang ako sa kaniya napakaisip bata lalo na pag nagmamaktol. "Eh, lagi ka naman wala sa mood kailan ka ba nasa mood?" Umirap siya sakin at biglang naging bored ang expression niya. "Oo na promise mamaya." kahit nahihiya pa din ako sa kaniya at sa usapan na 'to pinipilit ko na lang para sa asawa ko. Wala eh, lalaki sila ganoon talaga. "Promise 'yan ah." tatango na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kambal na pupungaspungas pa. "Ba't dang ninay mo mama?" Sabi ni Aoi at nang makita ang papa niya ay nang laki ang mata. "PAPA!" Sigaw niya at kahit di sila syadong magkasundo ng papa niya ay miss na miss niyang niyakap 'to. "Papa?" Tanong naman ni Akane na medyo inaantok pa at nang maaninag niya ang papa niya ay agad na umiyak at tumakbo sa papa niya. "PAPA TOOOOOO! WAAAH!" Niyakap sila ni Dan at parang maluha-luha na ding hinagkan ang mga anak niya. "Andito na sipapa," sabi niya at na pangiti na lang din ako. To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD