MABILIS na napalingon sa kaniyang likuran si Sky Jewel para alamin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na bigla na lang sumulpot doon. At ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang mapagsino ito. "Reese Balinger?! Ikaw?!" hindi niya napigilan na bulalas nang malakas. It’s been thirteen years? But damn! Tandang-tanda pa rin niya ang lalaking kaharap. At sino nga ba ang makakalimot sa pinakaayaw mong tao sa mundo? Ang huling tao na gusto mong makita sa ganoong sitwasyon? Kaya nga sana, namamalikmata lang siya nang mga sandaling iyon. Pero imposible na pinaglalaruan lang siya ng kaniyang paningin. Dahil kahit ilang beses man siyang kumurap-kurap ay hindi pa rin nawawala sa harapan niya si Reese. Sa halip na sagutin siya ng lalaki ay ngumiti lang ito nang nakakaloko. As if h