CHAPTER TWO
Isang malakas na tunog ng school bell ang biglang umalingawngaw sa paligid. Yung mga naglalampungan—I mean yung mga nag P-PDA, nagsitigil at halos lahat ng estudyante sa loob ng silid ay nagsitayuan. Ito na siguro ang sinasabi ni Jennifer kanina.
Tulad nila ay tumayo din ako mula sa pagkakaupo. Tumayo ako hindi para sumunod sa gagawin nila. Tumayo ako kasi hihilahin ko ang bangko'ng inuupuan ko papunta sa gilid.
Akmang hihilahin ko na sana ang bangko nang bigla akong hawakan ni Jennifer sa braso na naging dahilan ng pagkatigil ko. Aniya, "Seryoso ka? Hindi ka talaga makikisali? Maraming makakapansin sayo—" hindi niya na naituloy pa ang kanyang sinasabi nang hawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at ibaba ito para bumitaw sa'kin.
"Kung may sumugod man sa'kin then fine. I'm not that stupid para hindi lumaban"
She sighs, "Sige. Goodluck nalang kapag maraming sumugod sayo. Aakalain kasi ng iba kaya ka lang nagpunta dito sa gilid ay para makaiwas sa gulo, iisipin ng iba mahina ka. At dahil bago ka palang dito, iyon talaga ang iisipin nila"
"As if I care" hinila ko na ang upuan ko sa gilid. I'm too lazy to do something mas prefer kong matulog na lang.
Nag bell ulit ng malakas at sa pag ring ng bell na iyon, nag simula na ang kaguluhan sa loob ng classroom. Animo'y mga hayop na nakawala sa kani-kanilang mga selda. Tss. Napansin ko yung limang lalaki na naka puwesto sa dulo. Katulad ko ay naka-upo lamang sila at nanunuod sa mga estudyanteng nagrarambulan.
Isa sa kanila ang biglang napa lingon sa direksyon ko kung kaya't agad kong iniwas ang aking tingin at itinuon nalang ang pansin kay Jennifer.
Limang estudyante ang kalaban ngayon ni Jennifer. Masyado siguro siyang malakas para sa kanila at kinailangan pang lima ang humarap sa kanya. Nasuntok sa tiyan si Jennifer at sa pagkakataong iyon ay sabay-sabay na sumugod ang iba pang naka palibot sa kanya.
Nakita kong nahila nung isang lalaki si Jennifer. Pagka-hila sa kanya ay agad siya nitong idinikit sa pader. Idinikit sa pader? Err—hindi ko alam kung anong word ba dapat ang gamitin ko. Basta! Iyon ang base sa nakita ko.
Nasikmuraan ni Jennifer ang lalaki sa tiyan gamit ang tuhod bago pa man magawa ng lalaki ang binabalak. Yeah, It's a pay back time.
Napatingin ako sa gawing kanan nung may maramdaman ako mula rito. Sa pag lingon ko ay nakita kong may patama ng plastic bottle sa akin. Mabilis akong kumilos kung kaya't nagawa ko itong iwasan. Sinundan ko ng tingin ang direksyong pinanggalingan ng plastic bottle na iyon at doon ay nakita ko ang tatlong lalaki na ang mga itsura ay maaari nang maihalintulad sa mukha ng impakto.
Mga dugyot!
Tumakbo palapit sa'kin ang tatlo kaya naman agad akong tumayo mula sa pagkakaupo. Hinila ko ang upuang malapit sa'kin atsaka ito binuhat. Hindi ito yung inuupuan ko.
Agad kong inihagis sa direksyon ng tatlo ang bangko'ng buhat ko.
Triple kill..
Tumama yung bangko na inihagis ko sa tatlong dugyutin, hindi nila nagawang umiwas sa ginawa kong iyon dahil doon ay bumagsak sila ng sabay-sabay. Sinapian agad ako ng espiritu ng katamaran kaya naman bumalik din ako mula sa pagkakaupo pagkatapos ng ginawa ko.
Muli akong tumingin sa direksyon kung saan naroroon si Jennifer at sa pagbalik ko ng tingin sa kanya ay napansin ko ang mga mata niyang nakapukol sa'kin.
What's with that look?
Nag ring ulit ang bell ng malakas at sa bell na iyon ay huminto na ang mga estudyanteng kanina'y nag ra-rambulan dito sa loob ng silid aralan. Maybe that's it? Tapos na.
Tumayo na ko at hinila ang upuan ko pabalik sa kaninang pwesto ko. Bumalik na rin si Jennifer. Pawisan ito nung bumalik. That's the reason why, ayokong maki-sali. Sayang ang ligo.
"Tara sa baba, kain na tayo" aya sa'kin ni Jennifer. Recess na agad? Ganun ba talaga dito? Walang gurong pumapasok? O baka naman mapag desisyon lang sa oras itong babaeng to? Pero sabagay, may papasok pa bang guro dito? Tss. Dinaig pa ang class D sa gokusen. Sino ba naman kasing guro ang may lakas na loob para pumasok pa sa klaseng ganito, hindi ba?
May pumasok man para mag turo, paniguradong wala namang makikinig sa kanya. Magsasayang lang siya ng laway.
"Ikaw nalang. Matutulog ako" sagot ko.
"Nagugutom na ko kaya hindi na kita pipilitin" tumayo na siya at dire-diretsong lumabas ng classroom. Napansin ko na marami-rami na din ang nagsilaban pero kahit papaano naman ay may mga natitira pa din para mag stay dito sa loob.
Inub-ob ko ang mukha ko sa braso kong naka patong sa desk, kasunod no'n ay ang pag pikit ko ng mga mata subalit wala pang ilang minuto ay napa dilat agad ako. Paano ako makakatulog kung ganito kaingay? Tch! Isinukbit ko ang bag ko atsaka ako tumayo.
Bababa ako para mag hanap ng puno na pwedeng pag tulugan.
Lumakad na ko para lumabas ng classroom. Sa panahon ngayon, uso na talaga ang mga papansin, pampam at epal.
Palabas na kasi ako ng classroom nang may dalawang lalaki ang bigla nalang humarang sa harapan ko.
"Hello! Ms. New girl" bati sa'kin nung isa. Wala akong balak na bumati pabalik. Kung pwede lang sana ay umalis na sila sa harapan ko bago pa man ako mabadtrip sa pagmumukha nila.
"Can we taste you?" Can we—what? Ugh. Seriously? Gusto niya bang malagutan ng hininga ngayon? Sabihin niya lang, pagbibigyan ko siya.
Napakagat ako sa lower lip ko dahil sa inis. Patulan ko pa ba tong mga to? If yes then it means magsasayang lang ako ng oras. So, I choose not.
Lumakad na ako at sadya ko silang binangga. Kung hindi sila nakaharang sa dadaanan ko hindi ko sila matatamaan.
Natigilan ako sa paglalakad nang may humawak sa palapulsuhan ko. Agad akong umikot at hinarap ang may-ari nito. Pagka-harap ko sa kanya ay agad kong pinilipit ang kamay niya dahilan para bumagsak ang parehong tuhod nito sa sahig at mapaluhod sa harap ko.
Nakita ko sa aking peripheral view na itutulak ako nung lalaking kasama nitong hawak ko. Tss. Agad kong tinadyakan ang tuhod ng lalaking balak akong itulak. Malakas ang pagkaka tadyak kong iyon kaya naman gaya nitong kasama niya ay napaluhod din ito sa harap ko.
Binitawan ko na ang hawak kong lalaki bago ko ito sinipa ng malakas, "Next time, wag kayong paharang harang sa dadaanan ko" walang ganang sambit ko bago tumalikod sa kanila.
***
WARREN'S POINT OF VIEW.
I'm the gang leader of DB. DB short for Dark Bullet. Dark Bullet? That's the name of our gang.
Ang grupo namin ang pinaka kinakatakutan ng lahat ng estudyante dito sa Slamirine. Siguro ay dahil na rin sa kami ang pinaka mahusay pag dating sa larangan ng pakikipaglaban.
Nandito ako ngayon sa itaas ng puno, madalas akong nandito para matulog at walang sinoman ang pwedeng pumunta rito bukod sa'kin at doon sa apat. This is one of DB's property.
Nangunot ang noo ko nung may makita akong babae na lumapit sa punong ito.
"Kakasabi ko lang.." mahinang bulong ko sa sarili nung makita ko ang babae. What is she trying to do? May balak pa yata siyang umakyat dito.
Ah, I get it. Napansin ko siya kanina. She's the new student from our class.
Gusto kong sabihin sa kanya na ang isang bagay na pagmamay-ari ng grupo ko ay hindi pwedeng lapitan ng kahit na sino. Katulad ng sinabi ko kanina walang kahit na sino—maliban sa akin at sa apat.
Kumapit siya sa puno atsaka ito tumalon ng mataas. Pumwesto siya sa unang sangay. Nasa pinaka tuktok ako at mukhang hindi niya pa ko nakikita. Matibay tong puno na ito, hindi ito basta bastang napuputol.
Ibinaba niya ang kanyang bag at ipinatong ito sa kanyang mga binti. Kung inaakala niyong pagbibigyan ko siya dahil bago pa lang naman siya dito, nagkakamali kayo.
Nakita kong isinandal na ng babae ang ulunan niya at kasunod nito ay ang pag pikit ng kanyang mga mata. Kinuha ko ang nag iisang notebook sa bag ko. Kahit wala akong pakielam sa pag aaral, naiisipan ko na mag dala ng notebook pero hindi naman ito para sa mga notes na kailangan isulat. Masyado akong tamad para mag sulat. Pinang babato ko lang ito kapag trip ko at wala akong magawa.
Pumilas ako ng isang papel. Pagkapilas ko ng isa ay ibinalik ko din agad ang notebook sa loob ng bag ko. Nilukot ko ang papel pabilog atsaka ko ito saktong ibinato sa babae. Dahil sa ginawa kong iyon ay napa-mulat siya ng kanyang mga mata at napatingin sa direksyon ko.
Matalim ang ibinigay niyang tingin sa'kin. Kitang kita ko ang banas sa kaniyang mukha. Pikunin siguro.
"Sawa ka na ba sa buhay mo?" tanong niya na ikinangisi ko.
"Hindi pa" sagot ko. Kahit ganito ako, naiisipan ko pa din namang magka anak in the future.
"Anong problema mo?"
Ayoko na mag paligoy-ligoy pa, "Didiretsuhin na kita. Dahil bago ka palang dito, tiyak na wala ka pang alam. Para sabihin ko sayo, this tree is one of DB's property" I'm too lazy to explain kaya hindi detelyado ang isinaad ko.
"So?" mabilis akong ma-pikon. Kung pikunin siya, mas pikon ako. Aminado ako doon. Kaya kung ako sa kanya, aalis na ko.
"Alam mo dapat siguro umalis ka na" sabi ko ng blanko lang ang ekspresyon ng mukha ang ipinapakita.
"Bakit hindi nalang ikaw ang umalis?" malamig na sambit niya.
"Alam mo, napatol ako sa mga babae" hindi kabaklaan ang tawag dito, minsan kasi talagang nakakapikon na.
"Same. Pumapatol din ako sa mga babae, specially sa mga lalake" naka tingin lang siya sa'kin ng diretso. Bakit ba hindi nalang siya umalis? Tss. Nawala na ko sa mood. Ayoko na makipag-talo.
"Umalis ka na dito bago pa kita patulan" pagkasabi ko niyan ay isinandal ko na ang ulunan ko atsaka ako umayos ng pahiga. Ipinikit ko na ang mga mata ko at ilang sandali lang ay napa-mulat din ako agad.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umayos ng paupo. Nangunot ang noo ko nung makita kong nasa tabi ko na yung babae.
Kasabay ng pag lapit niya ay ang pag-tulak niya sa'kin. H-Hindi pwedeng ako lang! Nang itulak niya ko ay mabilis ko siyang hinablot sa paraang pag-akbay.
"Sht" she cursed. Kasalanan niya yan. Pareho pa tuloy kaming madi-disgrasya. Okay lang sana kung siya lang. Tch!
Malakas na tumama ang likuran ko sa lapag. Nang bumagsak kami ay tinanggal ko din agad ang pagkakaakbay ko sa babaeng nakapa ibabaw sa'kin ngayon. Napa-kagat ako sa ibabang labi ko at napa pikit dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking likuran dahil sa mataas na pag bagsak.
Badtrip!
—