03.

3739 Words
CHAPTER THREE LHIYANNA'S POINT OF VIEW. Tumakbo ako papunta sa pwesto ng lalaking nambato sa'kin ng papel. Paglapit ko sa kanya ay agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Kasabay ng paglapit ko ay itinulak ko siya para ihulog mula dito sa itaas. "Sht" I cursed. Pag tulak ko kasi sa kanya ay mabilis niya kong hinablot. Inakbayan niya ako't isinama sa pag hulog. Dahil sa ginawa niya ay pareho kaming bumagsak. Siya ang nasa ibaba at ako ang nasa ibabaw. Ibig sabihin, siya ang mas napuruhan. "Pinoy henyo tayo!" "Sige! Ikaw ang mang hula. May naisip na ko!" "Oh game?" "Game!" "Tao? Bagay? Hayop? " "Hindi!" "Pagkain?" "Oo." "Kinakain ko?" "Malay ko sayo." "Nasa bahay kubo?" "Oo! Oo!" "Ah! Bahay?" "Hindi!" "Kung hindi bahay. Hmm—ah! Alam ko na. Kubo!" "Tangin—" napalingon ako sa gawing kanan nung makarinig ako ng paguusap mula dito. Sa paglingon ko ay nakita ko ang apat na lalaki na paparating.  Yung dalawang nagdadaldalan kanina ay napatigil. "Tanginaanotoliveporn? Shet" mabilis na pagkakasambit nung isa.  "Camera dali!" "Gago. Ang dumi ng utak niyo! Hoy ano? Tatayo lang ba kayo diyan ha? Kung tulungan niyo kaya ako dito?" sigaw nung lalaking naibabawan ko ng katawan. Dali akong tumayo at tumakbo palayo. May nabangga pa ko sa apat na lalaking dumating dahil sa pagmamadali. Nang matanaw ko si Jennifer mula sa hindi kalayuan ay doon ako napatigil sa pag takbo, "Oh Lyan? Anong nangyari sayo? Akala ko ba hindi ka bababa?" agad na tanong nito sa'kin, "Teka, wag mong sabihing napa away ka? Tignan mo yung kamay mo oh, grabe yung gasgas! Anyare?" "Hindi ako napa away.." "Weh? Ano yang gasgas sa kamay mo? Saan mo nakuha yan? Wag mong sabihing bigla lang nagasgasan yang kamay mo nang wala ka namang ginagawa? Ano yun magic?" "Just shut up and mind your own business" I said in a bored way. Wala ako sa mood para mag explain ng mga bagay bagay. "Tss. Sabi ko nga hindi na ko magtatanong eh. Ay nga pala, Lyan. Alam mo ba kanina? Ang cool ng Sherwin ko! Bumanat na naman kasi ang DB. Yun nga lang apat lang sila dahil hindi nila kasama yung tumatayong leader. At sayang din kasi wala ka. Hindi mo tuloy nakita kung paano sila lumaban at mag pabagsak" As if I care—Ah wait. DB? Parang narinig ko iyon sa lalaki kanina. "Wala yung leader?" "Oo, wala. Teka, bakit naging interesado ka yata bigla ha?" Not really, "Tch." "Si Warren. Siya yung gang leader ng Dark Bullet" she stopped and suddenly sighed, "Kakasabi ko lang sayo no'n kanina ah? Nakalimutan mo agad?" So, Warren pala yung pangalan nung lalaki kanina? Wow. Just wow. Yung Leader pa talaga ng pinaka malakas na gang ang nakabangga ko. Exciting? I know right. "Hindi ko tinatanong ang pangalan niya at para sabihin ko sayo, hindi ako interesadong malaman kung sinoman sila" "Talaga lang ha? Pero sige sabi mo eh" *** Bumalik na kami sa loob ng classroom. Napansin kong pumasok din sa klase yung Dark Bullet na sinasabi ni Jennifer. Apat lang sila. Dumiretso siguro sa hospital yung isa. Alam kong alam niyo kung sino ang tinutukoy kong dumiretso sa hospital. I don't need to mention his name. "Lyan! May new student daw bukas" Should I throw a party? I rolled my eyes, "So?" "Magkasunod kayo. Hahaha!" may saltik na yata itong babaeng to. Wala namang nakakatawa sa sinabi niya, "Bukas na papasok yung bagong estudyante at dito siya sa klase natin. Another good news, scholar lang daw yung new student na yon. Oh ano? Pag tripan ba natin?" Scholar? Dito sa school na to? Is that supposed to be funny? "Hindi ako interesado. Ikaw nalang kung gusto mo" "Alam mo, ang KJ mo" "Alam ko" *** The next morning; Ginawa ko na ang daily routine ko. After that syempre pumasok na ko sa Slamirine. Habang naglalakad ako tungo sa aming silid aralan ay may isang babae ang biglang humarang sa harapan ko na siyang dahilan ng pagkahinto ko. "H-Hi! I-I'm Rachel" pagpapakilala niya. Do I asked for her name? "P-Pwede ka bang maging kaibigan?" dugtong niya. Sa tono ng kanyang pananalita ay mahahalatang kinakabahan ito. "Instead of introducing yourself and telling me some nonsense, can you just get out of the way?" malamig kong sagot sa sinabi niya. Wala akong oras para makipagkilala at makipag kaibigan. I don't need it anyway. Mas gusto kong mag isa. "I'm Rachel. Gusto kong maging kaibigan mo" paguulit niya. Tinignan ko lang siya at hindi na ko nag balak pang mag salita ulit. Lumakad na ko at hindi nalang siya pinansin. Hindi pa man ako gaanong nakalalayo ay agad akong napahinto sa paglalakad nung may kamay na bigla na lang humawak sa braso ko. "S-Sa lahat ng estudyanteng dumaan, ikaw ang pinaka sa tingin kong mabuting tao. K-Kaya naman lumapit ako sayo" nauutal niyang sambit. Matapos niyang sabihin iyan ay binitawan niya rin naman na ako. Tch. Patawa. Awtomatiko itong napayuko nung lingunin ko siya at harapin. Mapanlinlang ang panlabas na anyo ng isang tao. Kaya hindi niya dapat sinasabing mabuti o masama ang isang tao kung binabase niya lang ito sa hitsura. "A-Ako yung b-bagong estudyante at nakapasok ako dito sa paaralang ito d-dahil sa scholarship" paliwanag niya. Scholarship? Sa dinami-rami ng eskwelahang pwedeng mapasukan, dito pa ang napili niya. Akala niya ba ay may matututunan siya dito? "Kung sa tingin mong isa akong mabuting tao, nagkakamali ka" mas malala pa ko sa inaasahan. Lahat na nga yata ng negative attitude, na-achieve ko na. "G-Gusto ko pa din na maging kaibigan mo" naka yukong aniya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Since hindi niya pinansin ang sinabi ko, hindi ko nalang din papansinin ang sinabi niya. Tumalikod na ko at nag simula na ulit mag lakad. *** "Lyan! Ayaw mo ba talagang sumali sa gagawin naming pakulo para do'n sa bagong estudyante?" tanong ni Jennifer sa'kin pagka-upo ko sa pwesto ko. I glared at her. How many times should I tell her na ayoko nga? "Sabi ko nga, ayaw mo eh" aniya nung makita ang masamang titig ko sa kanya. "Jennifer!" tawag sa kanya ng isang babae. Lumapit sa kanya si Jennifer and then blah blah blah. Pumangalumbaba nalang ako at hindi nalang sila pinansin. "Ayan na, ayan na!" sigaw ng isang lalaking nakatayo sa harapan, malapit sa pinto. Tumakbo ang mga estudyante papunta sa harapan nung sabihin iyon ng lalaki. Bigla tuloy akong na-curious. Inilibot ko ang tingin ko at napansin kong ako nalang pala ang natitirang nakaupo dito. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa harapan at doon ko nakita ang isang estudyanteng kakapasok pa lang. Pagkapasok pa lang ng estudyanteng iyon ay agad siyang pinagbababato. May papel, may plastic bottle, may itlog at kung anu ano pa. Nangunot bigla ang noo ko nung mamukhaan ko ang estudyanteng iyon. Sa pagkakatanda ko, her name is Rachel? I think I'm right but maybe, not? Nakita kong napaluhod na si Rachel. Nakapangalumbaba lang ako habang pinapanood ang mga nangyayari. Wala akong balak tumulong atsaka bakit ako tutulong? Tss. Ang salitang pag tulong ay wala sa bokabularyo ko. I sighed. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Maya-maya ay bigla nalang nag hari ang katahimikan sa paligid na siyang ipinagtakha ko. Idinilat ko ang mga mata ko para tignan ang nangyari. Nandoon pa rin naman ang lahat sa harapan pero bakit naman yata bigla silang tumahimik? Ahh, alam ko na. Kaya pala.. Nakita kong nakatayo ang limang lalaki malapit sa pintuan, sila yung limang lalaki na naka-pwesto sa likuran at sila rin ang tinatawag na DB. Yes, the Dark Bullet. Mukhang may nakabatong estudyante sa gang leader ng DB ng hindi sinasadya. Wait, leader ng DB? Si Warren? Wow. Ang bilis niya naman yatang maka-recover? "Aw. Yare!" sigaw ng isang lalaki na miyembro ng Dark Bullet. "Sino nag bato nito?" malamig ang tono ng boses ni Warren nung mag tanong ito sa mga estudyanteng nakapalibot sa kanila. Pagka tanong niya no'n ay bigla siyang nag taas ng empty plastic bottle at mukang yung plastic bottle na iyon ang naibato sa kanya.  Much better kung malaking bato ang tumama sa kanya o kaya naman itlog nalang para mas solid. Si Rachel? Bigla siyang nawala sa gitna. May nanghila yata sa kanyang mga estudyante para hindi siya makaharang sa harapan ng DB. Maya maya pa'y may itinulak ang iilang mga estudyante papunta sa gitna at isang babae ang iniharap nila sa dark bullet. Siya siguro yung nakabato ng plastic bottle. I salute you, girl. "H-Hindi ko po sinasadya!" malakas na sigaw nung babae sabay luhod at yuko nito sa harapan ni Warren. I rolled my eyes. What a scene. Tch! She's acting like there's a saint in front of her. "Batuhin niyo siya" utos ni Warren and here's Warren acting like he's a saint. Pagka-utos na pagka-utos nito ni Warren ay agad naman siyang sinunod ng mga estudyante. I sighed. Napailing nalang ako at muling pumangalumbaba. Boring. *** Nauna nang bumaba sa'kin si Jennifer. Inaya niya ko kanina na sabay nalang kami ang kaso tinanggihan ko. Ilang minuto ang lumipas, napag-desisyunan kong bumaba na rin. Nakaka boring sa loob ng classroom. Nababanas lang ako dahil sa mga nag P-PDA do'n. Mag lalakad-lakad nalang ako. Sa pag lalakad-lakad ko, hindi ko namalayan na nakapunta na pala ko sa likod ng 4th year building. "L-Lyan," napa-lingon ako nung marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Rachel. She's crying. How did she know my name? "N-Nakita kita kanina. Nakita kong h-hindi ka sumama sa mga estudyanteng n-nambato s-sa'kin. T-Thank you, L-lyan" uutal-utal na naman nitong sambit. Bakit siya nagpapa-salamat? Wait. Don't tell me, binigyan niya ng kahulugan ang hindi ko pagsama sa pamyemyesta sa kanya kanina? Ghad! Base on her face expression, she is. "S-Sabi ko na nga ba ay mabait ka. Hindi ako nagkamali na i-ikaw ang nilapitan ko" dagdag na aniya sabay ngiti nito ng pilit sa harapan ko. Honestly, kaya lang naman ako hindi sumama sa pambabato sa kanya kanina ay dahil sa tinatamad ako at wala akong pakielam sa pakulo ng mga estudyanteng iyon. Gusto niya bang makita kung sino itong tinutukoy niyang mabait? Ako mabait? Wow. "Please, L-lyan. Pwede ba kita maging kaibigan? Ikaw lang kas—" I cut her off. Okay fine—no. I mean, no. Err. "Sure pero binabalaan na kita ngayon palang. Wag ka masyadong mag pakampante dahil sa pagiging mag kaibigan natin at lalong lalo na wag kang masyadong mag pakampante sa tingin mo sa'kin na mabait ako dahil baka isang araw magulat ka nalang na sinasaksak na pala kita sa likod" I'm just scaring her. Wala akong pakielam kung anong maramdaman niya sa mga binatawan kong salita. Ngumiti ito at masiglang sumagot, "Para sa'kin, isa ka talagang mabuting tao, Lyan! H-Hindi ako naniniwalang kaya mo kong saksakin patalikod. Masayang masaya ako kasi nagkaroon na ko ng kaibigan. T-Thank you, Lyan.." hindi naman siguro siya naging literal sa lagay na yan? I sighed. Paniwalaan niya na kung ano ang gusto niyang paniwalaan. Bahala na siya. Kahit pumayag ako, hindi ko pa rin siya itinuturing na kaibigan ko. Why? Like what I've said, hindi ko kailangan. Pumayag lang ako sa salita para tumigil na siya. Matapos no'n ay hindi na ko nag balak pang mag salita, lumakad na ko at iniwan na si Rachel doon. Hindi naman siya nag tangkang sumunod sa'kin and that's better. I mean, mas okay na yung hindi siya sumunod sa'kin. Maiirita lang ako. "Hoy tabi!" rinig kong sigaw ng isang lalaking hindi pamilyar sa'kin ang boses, "Hindi ka ba tatabi? Tabi sabi!" sigaw pa nito. Hindi ko na dapat papansinin iyon kaso pakiramdam ko, ako ang sinisigawan nito. Huminto ako sa paglalakad at luminga sa paligid. Saan ba galing yung sigaw na yon? Anyway, andito ako ngayon sa tapat ng school clinic. "Sabi ng tabi eh. Puta!" rinig kong gigil na sigaw ng isang lalaki. Sa taas galing ang sigaw. Napatingala ako at sa pagtingala ko ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko na nagawang makaiwas sa lalaking tumalon mula sa second floor ng school clinic. Bumagsak siya sa mismong kinaroroonan ko. Dahil sa pagka gulantang ko at sa bilis ng pangyayari hindi ko na talaga nagawang kumilos. "Sht" He cursed. Malakas na tumama ang likod ko sa sahig. Napa kagat ako sa lower lip ko at napa pikit ng madiin dahil sa sakit na naramdaman ko nung tumama ang likod ko sa lapag. Badtrip! Ang sakit. "Alam mo ba kung bakit ang pangit ng tingin ko sayo?" "Kasi akala mo salamin mo ko." "Mali. Sadyang pangit ka lang talaga!" "Oho!" napahinto ang apat na lalaki nang makita kami. Sila na naman? Ugh. Ang sakit talaga ng likod ko. Tumayo na ang lalaking umibabaw sa'kin. Sumunod na din ako na kahit na hirap ay pinilit ko pa din ang sarili na makatayo.  "Livepornnanaman. Shet" Banas kong tinignan ang lalaking tumalon sa'kin. Mas lalo akong nainis nung malaman kong si Warren ang lalaki. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa aking likuran, pakiramdam ko ay anytime babagsak ako. Hindi pwede to. Bago pa ko tuluyang bumagsak, kailangan ko ng makaalis dito. Tatakbo na sana ako nang biglang may humawak sa wrist ko at pinigilan ako sa binalak kong pag alis.  Inis ko itong nilingon, "Bitaw" giit ko. Hihilahin ko na sana ang kamay ko nang kumirot bigla sa sakit ang likod ko kung kaya't imbis na kunin pabalik ang kamay ko ay napangiwi ako. "Ayan lang ang school clinic sa harap mo." sambit nung lalaking humawak sa palapulsuhan ko na bahagya pang inginuso ang school clinic sa tapat. "Hoy Warren! Hindi ka pa nga tuluyang magaling gumawa ka na agad nang delikadong bagay. Abnormal amputa!" sigaw ng isa sa kanila. "Alalayan na kita" ani ng lalaking nakahawak sa'kin. I give him a sharp look while He—He gave me a look as if he's looking at a blank wall. "I'm serious" he added. He said it with a blank expression on his face. I sighed. Nang maihatid niya na ko ay tinulungan niya pa kong makahiga sa School Clinic's Bed. He smiled at me and I just rolled my eyes. "I don't say thanks" I said. "Welcome" what? Tss. "Ang bigat mo grabe!" napatingin ako sa direksyon na pinagmulan ng sigaw na iyon. Tinulungan ng tatlo si Warren para makahiga sa kama. He's next to me. Don't be misunderstood. Maraming bed dito sa clinic, iba ang akin at iba rin ang kay Warren. "Bakit kasi buhat pa ang ginawa niyo?" "Ewan. Bakit nga ba?" Ilang oras ba ang kailangan kong hintayin para makalabas na ko dito sa clinic? Isang oras? Isang oras lang siguro ay pwede na. Sa isang oras siguro na yon ay makaka kilos na ulit ako ng maayos. "Mukang apat lang tayong lalaban mamaya ah?" animo'y nagpaparinig na sabi nung isa sa DB. "Anong apat lang! Lima tayo! Hindi pwedeng hindi ako makasama sa laban mamaya. Alam mo namang isang beses lang sa isang taon nangyayari ang kompetisyon na yon sa Blackder. Gago ka ba?" inis na sigaw ni Warren. Bakit ba laging naka sigaw ang isang to? Parang siya aso. Tahol ng tahol. Alam ko kung ano ang Blackder, lugar iyon kung saan naglalabanan ang mga malalakas. Never pa kong nakapunta doon. Yup, hindi pa. Naririnig ko lang iyon mula sa iba kaya ko nalaman kung ano yung Blackder na tinutukoy nila. "Hahaha pucha. Kalma! Nagbibiro lang ako" "Tsk! Biro ba yon? Pwes hindi ako natutuwa. Hunghang!" May lumapit sa'king lalaki and yes isa siya sa limang nandito, "Hello! Ako nga pala si Jeno" pagpapakilala niya. "Jeno, tabi. Hi, ako nga pala si Mir" pagpapakilala sa'kin nung isa pa sa lima. May lumapit pang isa sa akin at balak niya rin sigurong magpakilala, "Magpapakilala na rin ako ha? Ako nga pala si JB" pagpapakilala niya. Tinignan ko lang silang tatlo. Sa ekspresyon ng mukha ko ay parang hinuhusgahan ko ang kanilang mga hitsura. Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa. Sila yung mga kinakatakutang gangsters? "At dahil mukang hindi naman balak magpakilala nito, ako na ang magpapakilala sa kanya. Ito nga pala si Sherwin. Yung nakahigang iyon naman, wag mo ng kilalanin. Living stress ang isang iyan." dugtong na sambit ni JB. Kung ganoon ay Sherwin pala ang pangalan ng taong tumulong sa'kin. "Hoy mga kupal! Baka nakakalimutan niyo yung tungkol sa RVM?" inis na sigaw ni Warren. Naka sigaw na naman ang isang to. Ang sakit niya talaga sa tenga! Nakita kong napahawak sa batok si Mir. Base sa ekspresyon ng mukha nila ay para bang may isang bagay silang muntik ng makalimutan kung hindi pa ito napaalala sa kanila, "Oo nga pala. Hahaha! Oh sige, maiwan nanamin kayo dito ha? Ba-bye!" pagpapaalam ni Jeno. Hinila niya si Mir at sabay silang lumabas pero bago sila tuluyang makalabas ay nag hand wave pa ito saming dalawa ni Warren. Pagkalabas nung apat, ipinikit ko na ang mga mata ko. Dumaan at lumipas ang ilang minuto pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaiglip. Naka pikit lang talaga ako. Siguro ay dahil sa nararamdaman kong may nakatingin sakin. Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa gawing kanan. Pag lingon ko, nakita ko si Warren na naka titig sa direksyon ko. Sabi ko na nga ba.. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na" I said using the cold tone of my voice. "You look like an old woman" He said. Anong problema nito? "You look like an askal dog" I said with a blank expression on my face. Nang sabihin ko ito sa kanya ay napa ngisi siya. I'm serious. Para na ngang siya aso, mukha pa siyang aso. "Pandak" halos pabulong nitong saad. Kahit na sinabi niya ito ng mahina ay narinig ko pa din ito ng malinaw. Ang pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay ang pinupuna ang height ko dahil naiinis agad ako. "Kung ako sayo, ititikom ko nalang ang bibig ko at mananahimik" I said coldly while looking at him sharply. "Unano" "Pwede ba manahimik ka?" may inis na sabi ko. "Duwende," "Bibwit," "Hindi ka ba talaga mananahimik ha?" gigil na sabi ko habang nakatingin sa kanya ng may banas sa'king mukha. "Bakit natatamaan ka?" tanong niya while wearing an innocent expression on his face. Obvious naman na ako ang kinakausap niya at akong tinutukoy niya sa mga binabanggit niya. Maya maya ay may isang babae ang biglang lumapit kay Warren at base sa ekpresyon ng mukha ng babaeng ito ay nag aalala siya, "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na mag stay ka lang dito sa school clinic at wag tatakas ha? Nakasalubong ko sila Sherwin at ang sabi sa'kin ni Sherwin ay tumalon ka daw mula dito sa second floor para makatakas. Alam mo namang hindi pa tuluyang gumagaling yang likod mo diba? Umalis lang ako sandali gumawa ka na agad ng delikadong bagay!" galit na sambit nung babae kay Warren. "Malapit ng bumalik dito si mama at sasabihin ko sa kanya ang lahat ng mga kalokohan mo. Sayo pa man din iniwan ni mama itong eskwelahan pero anong ginawa mo? Ginawa mong tambayan ito ng mga delikwenteng tao!" dugtong ng babae. "Tumigil ka na nga ate. Kahit anong dada mo diyan ay wala ka namang magagawa. Oo, sa'kin iniwan ni mama itong eskwelahan at kung anong gusto kong gawin dito, gagawin ko!" bakit ba ko nakikinig sa usapang nila? Tss. "Bahala ka na nga diyan!" inis na sigaw ng babae sabay walk out nito. Buti naman at tatahimik na. Muli kong ipinikit ang mga mata ko subalit.. "Hoy pandak" "Hoy bibwit" Pagdilat ko ng mga mata ay agad akong umayos ng paupo. Hinablot ko ang unan na ginagamit kong sandalan ng ulunan ko. Pagkahablot ko ng unan ay agad ko itong inihagis ng malakas kay Warren at nasapol ko ang mukha niya. Ugh. Yung likod ko. "Manahimik ka pwede?" irtableng pakiusap ko. "Alam mo ba kung sino tong binato mo ha?" inis niyang sigaw nung umayos ito ng paupo. Hawak niya na yung unan na binato ko.  "Hindi kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka" kung hindi lang talaga masakit ang likuran ko baka itong kama pa ang ibinato ko sa kanya. "Ah talaga? Hoy unano! Akala mo ba balak kong mag pakilala sayo?" hinagis niya sa'kin pabalik ang unan sa paraang palobo. Inilagay ko na ulit yung unan sa dati niyang pwesto. Hindi ko na siya pinansin at humiga nalang. "Hoy unano! Gusto mo bang magaya dun sa estudyanteng nakabato sa'kin kanina ha?" sigaw pa nito. Wala akong pakielam sa mga pinagsasabi niya. Hinila ko ang kumot ko at nag taklob nalang. Bahala siya sa buhay niya. Peste siya. *** Kakagising ko lang. Hindi na masyadong masakit ang likuran ko. Napatingin ako sa kamang hinihigaan ni askal. Wala na siya doon. Tumayo na ko at lumabas. Pagkalabas ko ng clinic, dumiretso agad ako sa classroom. Papasok na sana ako ng classroom nang bigla akong mapatigil. "Magtuturo ako! Umayos at tumahimik na kayo!" sigaw ng gurong nasa harapan. Napa iling nalang ako. Walang magagawa ang sigaw niyang iyan. Pagkapasok ko ay tuloy-tuloy lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa pwesto ko. "L-Lyan" dinig kong tawag sa'kin ni Rachel. Napatingin ako sa kanya. Pumwesto siya sa tabi ng seat ko. I just rolled my eyes then umupo na ko.  "Lyan, nakipag kaibigan ka ba sa kanya?" tanong sa'kin ni Jennifer. Tumingin ako kay Rachel at nakita kong napayuko ito. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at inilipat kay Jennifer ang tingin ko na ngayon ay nginungusuan si Rachel. "Siya ang nakipag kaibigan sakin" bored kong sagot. "Pumayag ka naman?" I sighed, "Wala akong paki-elam kung kaibiganin niya ko. Walang masama dun. And yes, pumayag nga akong maging kaibigan niya pero hindi ibig sabihin nun pumapayag na rin akong ituring siya na kaibigan ko" sagot ko. Alam kong narinig ni Rachel ang isinagot ko kay Jennifer. Masaktan man siya sa sinabi ko, wala akong paki-elam. RACHEL'S POINT OF VIEW "Wala akong paki-elam kung kaibiganin niya ko. Walang masama dun. And yes, pumayag nga akong maging kaibigan niya pero hindi ibig sabihin nun pumapayag na rin akong ituring siya na kaibigan ko" Ako si Rachel. Rachel Fajardo. Ang babaeng nakapasok dito sa Slamirine High dahil sa scholarship. Ang babaeng unang pasok palang sa loob ng Slamirine High ay binully agad. Ang babaeng walang kaibigan dati na ngayon ay meron na. Ito ang unang beses na nilakasan ko ang loob kong makipag usap at masayang masaya talaga ako dahil simula ngayon ay may kaibigan na ko.  At iyon ay si Lyan. "Lyan, sasama ka ba mamaya?" rinig kong tanong ni Jennifer. "Saan?" "Sa Blackder. Nood tayo!" "Anong oras?" "9PM" "Okay." "Uhm, ano.." biglang singit ko sa usapan. Nakapangalumababa akong tinignan ni Lyan samantalang si Jennifer naman ay naka taas ang isang kilay nung lingunin ako. Alam ko. Alam kong ayaw sa'kin ni Jennifer at alam ko rin na ayaw sa'kin ni Lyan. "P-pwede ba akong sumama s-sa inyo?" tanong ko. "Okay lang naman pero kapag napasama ka sa mga napiling lumaban galing sa mga manonood.." huminto sa pagsasalita si Jennifer at umiling, "hindi ka namin tutulungan" Napalunok ako bigla. Tumingin ako kay Lyan. Nakapangalumbaba pa din siya, naka tingin lang siya sa'kin na para bang hinihintay niya ang isasagot ko sa sinabi ni Jennifer. "O-Okay lang" nautal pang sambit ko. "Sasama ka?" paninigurado ni Lyan. Tumango ako at nung tumango ako ay inalis niya na ang tingin sa'kin. Gusto kong sumama sa kanila dahil baka sa paraang ito ay tanggapin na nila ako at baka ito na din ang paraan para maging malapit ako sa kanila. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD