01.

2205 Words
CHAPTER ONE "Ano ba, Lyan! Kailan mo ba balak na mag tino? Sa ginawa mo ay alam mo bang ipinakick out ka na naman sa eskwelahan?" sermon sa'kin ni Mama. Mag tino? Matino naman ako ha? Ano bang tingin sa'kin ni mama? Praning? Baliw na? Tsk. Alam kong na-kicked out ako. Ano namang pakielam ko? Bakit nga ba ako na-kicked out? Anong dahilan? Ahh! Sinapak ko nga pala yung kaklase ko. Oo, nanapak ako. Yung kaklase ko kasi na iyon ay nakakainis. Sukat ba namang pag usapan ako patalikod? Gumawa siya ng kwento ukol sa'kin, siniraan niya ako sa iba edi sinira ko mukha niya bilang kapalit. Sino ba naman kasi ang matutuwa na pag usapan ng negatibo? I sighed, "Kung nahihirapan na kayong mag hanap nang mag hanap pa ng eskwelahang papasukan ko edi wag niyo nalang akong pag-aralin" sagot ko. Oh diba? Problem solved. Ayoko na din naman kasing mag-aral. Nakaka-tamad at sobrang nakakaboring. "Naririnig mo ba yang mga pinagsasasabi mo, Lyan!?" inis pang sigaw sa'kin ni mama. She sighed out of frustration, "Wala na kong magagawa kundi ang ipasok ka sa Slamirine" Slamirine? Teka, "Sa pagkakaalam ko, iyon yung eskwelahang pinaka inaayawan niyo? Bakit bigla yatang nag desisyon kayo na doon ako papasukin? Anong dahilan?" tanong ko. Parang ka-edaran ko lang ang kinakausap ko, right? Well, it's because I hate saying po and opo. Walang respeto? Okay fine. I don't care. Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin wala akong paki-elam. Basta wag niyo lang ipaparinig sa akin yang paninirang sasabihin niyo dahil baka bigla nalang lumipad itong kamao ko papunta sa mukha mo. Hindi ko matansa. ..and yes. Ayaw nga ni mama na doon ako pag-aralin sa eskwelahang iyon. Simply because, iniisip niya na baka once na pumasok ako sa eskwelahang iyon ay mas lalo lang akong maging barumbado. It's a school for delinquents. Anong inaasahan niya? Magiging matino ako doon? "Ako at ang papa mo ay pupunta sa Canada for business. We will stay there for more than 5 months" sagot ni Mama. I just nod my head. More than 5 months? Okay. I get the point. Ipapasok nila ako sa Slamirine dahil hindi na nila ako mababantayan for months at kapag sa normal school nila ako ipinasok at na-kicked out na naman ay wala nang mag aasikaso para sa walang kasawaang pag t-transfer ko? Tch. Ayos lang. Mas gusto ko ang ideyang ito dahil sa pagkakataong to, wala ng mangingialam pa sa mga gusto kong gawin. "Bukas ang simula ng pasok mo sa Slamirine at bukas na din ang alis namin dito sa Pilipinas. Iiwan namin sayo itong bahay" what the? Bukas agad? I rolled my eyes and act like it doesn't matter, "Okay fine, "Whatever" *** Kinabukasan ay maaga akong ginising ng isa sa mga kasambahay namin upang mag asikaso para sa unang araw ko sa panibagong paaralan na aking papasukan. Isang oras mahigit din ang ginugol ko para sa daily routine ko. Ang mga bagong kagamitan ko para sa eskwela ay naihanda na kahapon pa, maging ang uniporme'ng aking susuotin. To be honest, sa lahat ng eskwelahang pinasukan ko, school uniform ng Slamirine ang pinaka nagustuhan ko, although I hate wearing skirts. "Nasaan sila mama at papa?" tanong ko sa isang kasambahay na nakasalubong ko sa pagbaba. "Kanina pa po sila nakaalis" sagot nito. Ni-hindi manlang nila nagawang puntahan ako sa kwarto ko para mag paalam. Oh! I forgot. Ayoko nga pala ng may pumapasok sa kwarto ko. Kahit sila mama at papa ay hindi pwedeng pumasok doon. Walang pwedeng pumasok sa kwarto ko. Common sense. Of course, maliban sa'kin. After kong kumain, isinukbit ko na ang bag ko sa likod. Yeah, I use backpack. Mas komportable kasi ako kapag backpack. Mas nakaka-kilos ako ng maayos. Small backpack lang 'to. Tss. Buti nga naiisipan ko pang mag dala nito kahit sa katunayan ay hindi naman ako nag aaral at wala akong ibang ginawa sa loob ng klase kundi ang matulog. Lumabas na ko ng bahay at diretsong pumasok sa loob ng sasakyan. *** AT SLAMIRINE HIGH. "Welcome to myself." I greet myself in a bored way. Should I say Hooray? Cause I made it? I mean, nagawa ko na namang makapasa sa panibagong school. Biruin niyo yon? May tumanggap sa'kin? Magkano kaya ang nagastos nila mama? Ah sabagay, dito nga pala ang bagsakan ng mga katulad ko. This is a school for delinquents. So, hindi na dapat ako mag takha kung bakit tinanggap ako. Attitude ako eh. Bumaba na ko ng sasakyan. Sa pagbaba ko ay may bigla nalang humawak sa wrist ko at itinulak ako papasok ulit sa loob ng sasakyan. Awtomatikong nangunot ang noo ko dahil doon. Kung mant-trip ka. Wag ako. Ngayon pa lang binabalaan na kita. Kapag ako ang gumanti at nantrip pabalik baka bungo mo agad puntiryahin ko. Kawawa ka kapag nagkataon. Ini-angat ko ang aking tingin upang makita kung sino man itong humawak at nagpapasok ulit sa'kin pabalik sa loob. Oo, pumasok din siya kasabay ng pag tulak niya sa akin. Galing diba? Nilingon ako nung babaeng humawak at nanulak sakin. Nung makita ko ang mukha niya ay biglang nawala ang pangungunot ng noo ko at ang ekspresyon ng aking mukha ay agad na bumalik sa pagkaka-blanko. "Anong problema mo?"  iritadong tanong ko. "Shh!" "Tigilan mo ko sa ganyan mo, Jennifer. Hindi ako natutuwa" "Ang kj mo! Ginawa ko lang naman yon dahil gusto kitang makitang magulat and at the same time, syempre para badtripin ka. Effective ba? Na-badtrip ba kita?" aniya at tumawa ito ng malakas "Tara na sa labas. Manong Driver, pagkababa namin pwede na ho kayong umalis" Ang sabihin niya ay wala lang siyang magawa! Bakit hindi niya subukang bilangin iyang hibla ng buhok niya? Makabuluhang gawain yon. Bakit hindi nalang iyon ang gawin niya? Kaysa naman sa namemeste siya ng ibang tao. Tsk. Anyway, congrats sa kanya. Effective ang ginawa niya. Na-badtrip ako. Ang ganda niyang bungad sa umaga! Pagkababa namin ng sasakyan ay agad ko siyang tinignan ng masama, "Gusto mo bang mamatay na ng maaga?" I'm serious with my question. "Hehehe! Ikaw naman, hindi ka mabiro. Namiss lang kasi talaga kita. Tara na sa loob?" aya niya sa'kin papasok sa loob ng Slamirine. "Lyan, alam mo ba nung tinext mo ko at ibinalita sa'kin kagabi na dito ka na mag aaral, na-excite ako! By the way, since dito ka na mag aaral, paaalalahanan na kita. Kailangan lagi kang handa dahil walang araw na hindi ka magugulo. Gets mo? Hmm. Ilan kaya ang masasapak mo sa isang araw? Mahirap na lalo't pikunin ka pa naman" "Gusto mo ikaw na ang una?" "W-Wag naman ako.." "Tch" "Eto ha, Lyan. Magiging honest ako sa'yo. Sa tingin ko, mapagdi-diskitahan ka dito. Ang amo kasi ng muka mo eh. Dagdag mo pa yang height mo. Ang liit mo. Grabe! Hahaha! Mukha ka tuloy mahina. Alam mo ba yung mga mahihirap at mahihinang mga scholar na nakakapasok dito sa Slamirine, sobra silang nabu-bully. Hindi ako naaawa. Isa din kasi ako sa mga nambubully." natatawang sambit nito. "So, anong gusto mong iparating? For your information hindi ako maliit! Sadyang mas malaki ka lang sa'kin. Gusto mo bang—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang mag salita ito at putulin ang linya ko. "Oh! Kalma lang. Sarreh na agad. Hindi naman ako papalag sayo. Sinasabi ko lang na ang amo ng mukha mo at dahil diyan nagmumuka kang mahina" pagpapaliwanag niya. "Jennifer!" napahinto kami sa paglalakad ni Jennifer nung may tatlong babae ang bigla nalang humarang sa aming harapan at tinawag ang pangalan nitong kasama ko. Tinignan ko sila isa isa. They put too much foundation in their faces. They look like a living bread but yet they think that they're beautiful with that kind of make up. "New student?" tanong nung isang babae habang naka tingin ito sa'kin at nakataas pa ang isang kilay. I rolled my eyes. Yes, I am. Pake niya? "Yup!" si Jennifer ang sumagot. "Can we try her?" tanong nung isa pa. Tumingin sa'kin si Jennifer. Nung tumingin ito sa'kin, I mouthed the word 'what' nang may halong pagka-irita sa ekspresyon ng mukha. Binalik niya ang kanyang tingin sa tatlo. Ganoon din ako, ibinalik ko ang tingin sa harap. "I think, she's too weak for us." sabi nung isa sabay tingin nito sa'kin. "Yeah right! Pwede na siyang i-consider agad as a weak girl here" Nagpapatawa ba siya? Kung ibuhol ko kaya siya sa dalawa niyang kasama? "Hahaha! Sa tingin mo? Don't worry hindi ka nag-iisa. Para din sa'kin mukha siyang mahina" tatawa-tawang sagot ni Jennifer. Kung isama ko kaya siya sa tatlong espasol na ito? Masyado na siyang maraming sinasabi! "Pero mukha lang yan, hindi talaga siya mahina. Mas malakas nga yan sa'kin eh. Wanna try her? Sige lang, basta ba ingat kayo sa kanya. Hahaha!" dagdag na sambit ni Jennifer. "Tara sa likod?" aya nung isa. Lumakad na kaming lima, tahimik lang ako habang nakasunod sa kanila. Itong nag sabi na mukha daw akong mahina, ito ang pupuntiryahin ko. Humanda siya sa'kin. Huminto na sila sa paglalakad kaya huminto na rin ako, "Goodluck" bulong ni Jennifer sa'kin bago ito umalis sa tabi ko. "Sabay sabay to ha" sabi nung isa. I rolled my eyes, "Whatever" "Game!" sigaw nung isa. Pagka sigaw nung isa ng game, agad na nag takbuhan ang tatlo palapit sa'kin. Ano bang laban to? Wagwagan? Kung iyon ang gusto nila. Well, sorry not sorry. I don't like that idea. Mas prefer ko ang suntukan para basagan ng mukha. Paglapit sa'kin ng tatlo ay agad akong humila ng buhok ng isa sa kanila at kinaladkad ito ng mabilis sabay suntok sa mukha nito. 1 point, self. Great job! "Hoy Lyan! Sabunutan lang yan!" rinig kong sigaw ni Jennifer. Binitawan ko na yung sinuntok ko saka ako tumakbo ng mabilis. Tumigil ako at humarap muli, tumalon ako para sumipa. Sapul ko sa mukha yung isa kaya bumagsak. Easy as A, B, C. "Hoy Lyan! Naririnig mo ba ko!?" sigaw pa ni Jennifer. Sa lakas ng sigaw niya, malamang ay naririnig ko siya. Hinarap ko na yung isa pa. Ito yung babaeng nag sabi na mukha daw akong weak girl. Weak girl? Talaga lang ha? Umikot ako at pumwesto sa likod ng babaeng ito. Sa totoo lang ang babagal nilang tatlo. Hinawakan ko ang kanyang buhok atsaka ko ito pinaikot sa kamay ko. Malakas kong ibinagsak ang kanyang ulunan sa lapag, "Hindi naman na siguro big deal sayo ang pagpa-plastic surgery. Mukang hiyang ka naman na doon" giit ko. Naramdaman ko na may papalapit sa'kin kung kaya't lumingon ako sa likuran. Sa paglingon ko ay doon ko nakita ang babaeng una kong napa bagsak, susuntok na sana ako kaso napabawi ako. Kung sabunutan ang gusto nila. Then, fine! Pag lipas ng limang minuto, tapos. Wala man lang nangyari sa'kin. Tumayo ng sabay yung dalawa at sinugod ako kanina, muntik na sana ako kung hindi lang sila mabagal kumilos. "Boring" bagsak na yung tatlong tinapay at wala akong balak na ilahad ang kamay ko para tulungan silang tumayo. Lumapit sa'kin si Jennifer at pinat niya ng dalawang beses ang kanang balikat ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. "Expected ko na 'to. Hahaha! Alam mo ba? Silang tatlo yung una kong nakalaban dito sa Slamirine. Nagalusan ako sa tuhod no'n dahil sa pakikipaglaban sa kanila. Aaminin ko nahirapan ako pero samantalang ikaw, hindi ka manlang nila nagalaw! Binigyan mo naman sana sila ng chance. Nga pala, naging kaibigan ko yang mga yan. Share ko lang." I rolled my eyes for the nth time, "Tara na sa classroom." "Paano to?" turo niya sa tatlo "Naging kaibigan mo diba? Edi tulungan mo" "Sabi ko nga tara na! Hehe. Paalala lang, Lyan. Maraming nag P-PDA sa classroom. Ihanda mo na ang mga mata mo. Hahaha!" PDA? Seriously? Ugh. Nakarating na kami sa classroom. I walked straightly. Sa likuran naka pwesto si Jennifer kaya naman dito nalang din ako pumwesto. To clear things out, hindi kami sa pinaka likuran. Gusto ko nga sana na doon kami sa pinaka likod ang kaso nga lang ay may limang lalaki na naka pwesto doon. "Pst! Lyan, napansin mo ba yung limang lalaking naka-upo doon sa dulo?" pabulong na tanong sa'kin ni Jennifer, "Crush ko yung isa dun." bulong niya pa. "Hindi ko tinatanong" "Share ko lang! Yung limang yun na naka pwesto sa likuran, sila yung may pinaka malakas na grupo dito sa slamirine" hindi ako interesado sa mga sinasabi niya. "Yung leader nila na si Warren ang pinaka malakas sa kanilang lima" kaya nga siya ang naging leader dahil siya ang pinaka malakas sa kanilang lima. Common sense. Hindi niya na kailangan pang sabihin yun. "At sa kanilang lima, yung second leader ang gusto ko. Si Sherwin. Sina Sherwin at Warren magkapatid sila" bakit ba sinasabi sa'kin ni Jennifer ang mga to? Mukha bang may pakielam ako? Mukha bang interesado ako? "Wala akong pakielam" "Alam ko. Hahaha!" Napa-ikot ako ng tingin sa loob ng classroom. Napa kagat ako sa lower lip ko dahil sa nakaramdam ako ng pagkabanas sa nakita. Napahawak ako sa aking noo habang ang siko ko ay pinatong ko sa desk. Ginawa ko ito upang bahagyang matakpan ang aking nakikita dito sa loob ng classroom Mga peste! "Masasanay ka din sa mga ganyan. Hahaha!" talking about those couple who are having a Public Display of Affection. "Nakakadiri" ikaw ba naman, harap harapan mo may mga naghahalikan tapos—ugh! Basta. Mas lalo lang mag iinit ang ulo ko kung ie-explain ko pa ang mga detalye. "Nga pala, Lyan may rumble dito mamaya sa loob ng classroom. Mag ready ka ha? Once in a month lang iyon nangyayari dito sa Slamirine. 8 magsisimula then mag e-end din after 20 minutes" Ibinaba ko ang kamay ko at iritableng tumingin sa kanya. "Sa itsura mo mukhang wala kang balak na makisali" kunot noong aniya. "Exactly" —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD