04.

2709 Words
CHAPTER FOUR JENO'S POINT OF VIEW Jeno nga pala. Nickname ko lang yan. Ang buong pangalan ko talaga ay Jeffrey Novien. JE sa Jeffrey at NO naman sa Novien. Walang problema kung anong gusto niyong itawag sa'kin. Pwedeng Jeff, Je, Rey, Novien o kaya gwapo nalang. Mas pabor sa'kin ang gwapo. Wahaha! Nandito kaming lima ngayon sa bahay na abandunado na. Dito kami madalas tumambay. Ayon kay Warren this is DB's property so malaya kaming pumunta dito kahit kailan pa namin gustuhin. "Warren!" may itatanong ako sa kanya kaya ko siya tinawag. Tumingin siya sa'kin at yung tingin niya na ito ay akala mo pader lang akong nilingon niya. "Anong pangalan nung babae kanina? Hindi ba't siya din yung babaeng kasama mong mahulog sa puno kahapon?" nakalimutan ko kasing itanong sa babae kanina ang pangalan niya. "Shorty" maikling sagot ni Warren. Pagka-sagot niya ay inalis niya ang tingin sakin. Shorty? Shorty talaga? Hahaha. Ang cute! "Hindi nga? Shorty talaga?" paninigurado ko. Tumango siya kaya tumango nalang din ako. Shorty? Hahaha. Ang cute talaga! Kung anong kinacute ng pangalan niya ganoon din ang kinacute niya. Ang cute cute niya! JETY, bagay diba? Unang kita ko pa lang kasi kay Shorty ay naging crush ko na siya. Mag mula nung makita ko siya ay hindi na mawala ang larawan ng kaniyang mukha sa aking isipan. Ito na yata ang sinasabi nilang.. love at first sight. "Tara na" aya saming apat ni Warren. Tumayo na ko mula sa pagkakaupo, unang lumabas si Warren tapos sumunod ako at ang tatlo pa. Dumaan muna kami sa likod ng abandunadong bahay na ito, doon kasi naka park ang mga motor namin. Nakiki-namin lang ako pero wala talaga akong motor. Silang apat lang. Hindi kasi ako marunong mag drive. Ilang beses na kong nag take para magkaroon ng license pero sa dami no'n palagi akong bagsak! At dahil wala akong motor na ginagamit, nakikisakay lang ako kay Mir. LHIYANNA'S POINT OF VIEW Sasakyan ni Jennifer ang gagamitin namin papuntang Blackder. Nandito na ko sa tapat ng 7-Eleven at kasama ko ngayon si Rachel. Mas nauna siyang dumating sa'kin. At ngayon, hinihintay nalang namin na dumating si Jennifer. This is the reason why I always want to be late. Ayoko ng pinaghihintay ako. Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas, dumating na din ang bruha. "Bakit hindi ka nagsama ng driver?" tanong ko. "Wala lang. Tara, sakay na kayo." sumakay na nga kami gaya ng sabi niya. Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa Blackder. Pinark lang ni Jennifer ang sasakyan niya tapos bumaba na kami. Pagkababa ko, nakita ko ang dami ng taong pumapasok sa loob. Mukhang madami silang audience ngayong taon. "Tara na." aya ko sa dalawa tapos lumakad na kami papasok ng Blackder. Huminto kami sandali para ibigay ang tickets namin. Yup, merong tickets. Binili namin ito kanina. Second row #32A, yan ang seat ko. Malapit kami sa malaking pabilog na stage, it means kitang-kita namin ang mga maglalaban mula roon. *** 10 minutes more, mag s-start na ang competition. After 10 minutes, namatay na ang mga ilaw na nakapalibot sa audience seat. Ibig sabihin, magsisimula na. Binuksan na ang mga ilaw ng ceiling, nakatapat ito sa malaking pabilog na stage. "Para sa paninimula, kami ay kukuha ng mga manlalaro mula sa mga manonood. Kung kayo ang natapatan ng ilaw, ibig sabihin kayo ang napiling lumaban. Simulan na!" announce ng host sa event na ito bago nila binuksan ang isa pang ilaw ng ceiling. Ang ilaw ng ceiling na iyon ay medyo maliit kumpara sa mga ceiling na naka palibot sa stage at ang spotlight na ito ay sakto lang para sa isang tao. Nag simula ng umikot ang ilaw ng ceiling. Para itong nagwawala dahil sa bilis. Maya maya lang ay huminto na sa pag galaw ang spotlight at natapatan nito ang isang babae. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Rachel kung kaya't nailipat ko ang tingin sa kanya. Bakit niya ba kasi pinilit pa na sumama dito kung natatakot naman siya? Tch. Tulad kanina, umikot muli ang ilaw ng ceiling. Huminto ito at natapatan ang katabi ko. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang biglang panginginig ng mga kamay niya. I guess she didn't expect that. Si Rachel ang natapatan. Wow, right? "Lagot ka ngayon" nakangising pananakot ni Jennifer kay Rachel. Pumikit ito ng mariin bago tumayo. Awtomatikong kumunot ang aking noo nung makitang walang pag aalinlangang lumakad ito tungo sa sentro. Seryoso ba ito? Lalaban siya? Wow. Meron naman pala siyang tinatagong katapangan. "Goodluck" biglang sambit ni Jennifer bago pa man makalayo si Rachel mula sa pwesto namin. Narinig iyon ni Rachel kung kaya't napatigil ito at lumingon sa aming gawi. Nginitian niya si Jennifer. After she smiled at her, inilipat niya ang tingin sa'kin at ako naman ngayon ang tinapunan ng isang maamong ngiti. I just look at her with a blank expression in my face. Wala akong balak na ngumiti pabalik.  Binaling ko ang tingin kay Jennifer, "Okay ka na sa kanya?" tanong ko out of nowhere. Tumango siya bilang sagot na ipinagtakha ko. Parang kanina lang ay tinatakot niya pa ito.  Weird. "I don't get it." saad ko. "Ayoko kasing makitungo sa mga taong mahihina like Rachel. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya. But now, hindi na. Akala ko mananatili lang siyang nakaupo diyan at hindi lalaban pero mali ako" tumango nalang ako at tumingin na sa stage para manuod. Ganoon rin si Jennifer. Now, I get her point. Nang pumwesto na ang manlalaro sa gitna ay sinabi na ng announcer ang mga mechanics. As what he said earlier, ang mga manlalaro ay pwedeng gumamit ng kahit na ano kagamitan nang hindi na di-disqualified. Nag simula na ang laban. Naglabas ng patalim ang babaeng kalaban ni Rachel. Kung kanina pa takot si Rachel, paano pa kaya ngayon na lumalaban na siya at ang kalaban niya ay may dala pang patalim? Atras lang ng atras si Rachel habang ang kalaban naman niya ay palapit ng palapit sa kanya. Biglang hinagis nung babae ang hawak niyang patalim sa direksyon ni Rachel, iniwasan ito ni Rachel subalit nadaplisan pa din siya sa kanang braso at ngayon ay nagsisimula ng tumulo ang dugo mula roon. Napaupo si Rachel habang hawak niya ang kanang braso niya. Pagkaupo niya ay lumapit ang babae kay Rachel at agad naman siya nitong tinadyakan ng malakas. Isinandal ko ang likod ko at nag crossed arms. "I will help her" rinig kong sabi ni Jennifer na ikinalingon ko. Yes, she can help Rachel, I can also help Rachel and everyone here can help Rachel at ganoon rin do'n sa babaeng kalaban niya. 'A player can be help by someone.' ibig sabihin ang labanang ito ay pwedeng tulungan. Ang paraan para manalo ay kailangan mong mailabas ang kalaban sa bilog na stage na iyan. Ganun lang kasimple. Pwede ngang tumakbo nalang si Rachel palabas para sa ikapagtatapos agad ng laban. But to clear, ang player na matatalo ay makaka tanggap ng punishment but that punishment is not just a simple one. Tumayo si Jennifer mula sa pagkakaupo at balak niya yata talagang tulungan si Rachel doon. Bago bumaba si Jennifer ay tumingin muna siya sa'kin. "I will help her.." ulit niya. "You already said that" sabi ko in a bored way. Lumakad na siya paalis. Nakasandal pa din ako at kalmadong nakahalukipkip. Uunahan ko na kayo, wala akong balak tumulong. Lumakas ang hiyawan ng mga manonood nung may makisali na. Umakyat na ng stage si Jennifer at tumakbo siya palapit doon sa babaeng kalaban ni Rachel at agad niya itong sinipa. Maya maya pa'y may dalawang babae ang bumaba at ang dalawang ito ay patakbong lumapit kay Jennifer. Ang isa ay nasa likuran ni Jennifer at ang isa naman ay nasa harapan niya. Tumayo si Rachel at lumapit ito doon sa kalaban niya. Hinawakan ni Rachel sa braso ang babaeng kalaban niya saka ito hinila subalit hinawakan naman siya ng isang babae na nakisali sa paanan kung kaya't napahinto ito sa pangangaladkad sa kanyang kalaban. Tumakbo si Jennifer sa babaeng humawak kay Rachel at agad niya itong hinila palapit sa kanya at walang pasintabing sinuntok agad ang mukha nito. Lumapit ang isa pang babae kay Jennifer at mula sa likuran ay hinawakan niya si Jennifer. Tumayo ang babaeng nasuntok ni Jennifer at agad siya nitong sinipa sa tiyan. Napailing nalang ako sa'king nakita. Muling tumayo mula sa pagkakabagsak si Rachel at ipinagpatuloy ang pangangaladkad palabas sa kanyang kalaban. Bago pa man niya mailabas ang kalaban ay may dalawa pang babae mula sa manonood ang bumaba. Ang daming back up ah? Yung dalawang babae na kakababa pa lang ay agad na lumapit sa pinaroroonan nila Rachel. Ang isang babae ay hinila si Rachel palayo sa kalaban nito at ang isa pa ay tinulungan ang kanyang kalaban upang tumayo.  Ang mga tumutulong ay hindi pwedeng ilabas ang main player. Ang main player ay para sa main player lang at ang tumutulong ay para sa tumutulong lang. Itinulak ni Jennifer ang babaeng nasa harapan niya gamit ang paanan niya at dahil nasa gilid lamang sila, nagawang ihulog ni Jennifer ang babaeng nasa harapan niya. It means ang babaeng tumulong na iyon na nalaglag ay hindi na pwedeng umakyat pa. Itinayo na ng tuluyan ng dalawang kakarating pa lang ang babaeng kalaban ni Rachel. Lumakad ang main player palapit kay Rachel habang hawak ang sariling tiyan nito. Sa tiyan kasi siya sinipa ni Jennifer kanina. Pagkalapit ng babae kay Rachel ay agad niya itong hinigit sa kanang kamay dahil doon ay mas lalong dumugo ang hiwa sa kanyang braso. Hinila ng hinila nung babae si Rachel hanggang sa mapunta sila sa gilid. Binitawan ng babae ang kanang kamay ni Rachel at agad niya itong tinulak. Pero hindi pa doon ito nagtatapos.. Ang move na nasa isip ko ay nagawa ni Rachel. Nung itutulak na siya ng babae ay agad na hinila ni Rachel ang babae sa kamay nito, napa ikot silang dalawa at parehong bumagsak sa labas ng stage. Ang na sa baba ay ang kalaban samantalang ang na sa ibabaw naman ay si Rachel. Nangangahulugan lang na si Rachel ang panalo para sa larong ito. Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang laban. Si Rachel ang nanalo. Tumakbo si Jennifer pababa at agad niyang nilapitan si Rachel. Inalalayan niya itong tumayo. Maya-maya lang ay may mga nurse nang lumapit sa mga lumaban. Dinala sina Rachel at Jennifer sa itaas at iyon ay upang gamutin sila. Ang Blackder ay may dalawang palapag. Ang unang palapag ay ang stage para sa mga manlalaro para sa labanan. Ang pangalawang palapag naman ay doon ginagamot ang mga lumaban at doon din nag s-stay ang mga manlalarong mga naka takda para sa inaabangang kompetisyon; naroon ang mga miyembro ng bawat gang na kasali sa palaro. Bawat gang ay may kanya-kanyang shed. JENNIFER'S POINT OF VIEW Habang inaalalayan ko si Rachel sa pag akyat ay bigla akong napahinto. "X-Xian?" Huminto sa harapan naming dalawa ni Rachel si Xian. Tumingin ito sa'kin at ngumiti. Hindi ko na nagawang ngumiti pabalik dahil sa natulala na lamang ako sa kanya. Si Xian ba talaga ito? "Need help?" tanong niya. Dahan-dahan naman akong tumango bilang sagot. Nang sagutin ko siya ng tango ay muli siyang ngumiti sa'kin. At dahil nakaalalay na ko sa kanan, sa kaliwa na siya pumwesto. Naiakyat na namin si Rachel. Matapos no'n ay nurse na ang bumahala rito. Ako? Ayos lang ako. Medyo masakit nga lang ang binti ko. Andito ako ngayon nakaupo katabi ni Xian. "Kamusta na?" paninimula ko. Kaibigan naming dalawa ni Lyan itong si Xian. Actually childhood friends kaming tatlo. "Okay lang. Kayo?" tinutukoy niya kaming dalawa ni Lyan. "Okay lang din naman." sagot ko. "Buti namukhaan mo ko?" "Paanong hindi kita mamumukhaan? Wala namang nag bago sa itsura mo. Uy Xian! Nakakamiss ka, alam mo ba yon? Hahaha! Mahigit walong taon ka naming hindi nakita ni Lyan. Saan ka ba kasing planeta pumunta?" sabi ko at pabirong nag tanong. Sa totoo lang, nag dalawang isip talaga ako kung siya ba talaga yung taong nakasalubong namin. Sobrang taba niya kasi noon.  "Si Lyan? Mamukhaan kaya ako no'n?" tanong niya. "Siguro. Hindi ko alam. So saan ka ngang planeta nanggaling, aber?" "Hahaha. Wait lang, aalalahanin ko. Saan nga ba planeta ko noon? Ah. Sa Mars yata? Ay wait, baka sa Venus?" "Baliw neto. Ang sabi mo samin noon sa Mercury!" ang corny pero sige push ko 'to. "Ay, Mercury ba? Sorry na agad. Hahaha! Teka, bakit mo pa ko tinanong eh alam mo naman pala kung saan'g planeta ako pumunta?" tanong niya. "Tinetest ko lang ang memorya mo" sabi ko. Ay saglit, bakit nga pala nandito sa Blackder itong si Xian? "Bakit ka andito?" tanong ko. "Sabi ko na nga ba at itatanong mo sa'kin yan. Andito ako kasama ang mga kagrupo ko, lalabanan namin ngayong taon ang Dark Bullet" sagot niya na bahagyang ikinagulat ko. Lalaban sila sa Dark bullet? Sa pagkakatanda ko, ang kakalabanin ng Dark Bullet ngayong taon ay ang grupong pangalawa sa malakas na gang. Pero wait lang, hindi kaya grupo nila ang pangalawang malakas? Kaso imposible eh. Niloloko ba ko ng taong to? Pano naman kasing napasama siya sa ganito? Napaka bait kaya nito ni Xian! "Paano ka naman—" natigilan ako sa'king nais sambitin nang mag salita agad si Xian. "Mukang alam ko na ang itatanong mo. Alam mo kasi, Jennifer.. sa loob ng apat na taon ay tinrain ako ng kuya ko para maging mahusay sa pakikipaglaban at sa loob ng apat na taon na iyon ay natuto ako. Nakakasawa rin kasi ang maging lampa. Matapos ang apat na taon na iyon, gumawa ako ng grupo at ang grupong ginawa ko noon ay ikinukunsidera na ngayon bilang pangalawang malakas na gang" paliwanag niya. Kung ganon, siya ang leader ng pangalawang pinaka malakas na grupo?! Ang hirap paniwalaan pero dahil nanggaling na kay Xian, maniniwala ako. Parang kailan lang, candy lang iniiyakan niya pa. Hahaha! Ngayon siya na ang gang leader ng pangalawang malakas na grupo. Sino kaya ang mananalo mamaya? "Ah, Xian. Itinuturing kitang kaibigan ko, promise. Maniwala ka! Pero pasensya ka na sa itatanong ko ha? Wag ka sanang mag tampo kung sabihin kong hindi ko alam kung saan ka kabilang. Pwede ko bang malaman?" tanong ko. Mas binibigyan ko kasi ng pansin ang Dark Bullet kaya wala kong alam pag dating sa iba. "Ayos lang. 6RXY, iyan ang pangalan ng grupo namin" sagot niya. "Six-ar-ex-wai? Ganun talaga?" "Six Rex-Zei siya kung i-pronounce, ini-spell out ko lang" Tumango nalang ako. "Diba lima lang kayo?" tanong ko. Lima nga ba? Ewan ko, hindi din ako sure. Hahaha! Naisip ko lang iyon. Diba kakalabanin nila ang Dark Bullet? Naisip ko lang na baka lima lang din sila? "Lima nga lang kami" sagot niya. Lima lang sila pero bakit 6? "Paano naging six?" tanong ko "Secret! Hahaha. Kasama mo ba si Lyan?" tanong niya. Tumango ako, "Andoon siya sa audience seat, hindi nga iyon tumulong samin ng kasama ko eh. Nakakatampo" sabi ko at ngumuso na parang bata. "Saan siya nakapwesto?" tanong niya. "Second row #32A" diretsong sagot ko. "Ah ganun ba? Sige, una na ko ha? Pupunta na ko sa mga kagrupo ko" tumango ako bilang sagot. Pagkatayo niya ay ipinatong niya ang kanyang palad sa taas ng aking ulo, kasunod non ay bigla niyang ginulo ang ayos ng buhok ko.  "Bwisit ka, Xian" giit ko at tumawa lang ito. LHIYANNA'S POINT OF VIEW Kakabalik lang nila Rachel at Jennifer. Ito na ang huling laban ng palaro. Ang palarong ito ay sa sa pagitan ng pinaka malakas na grupo laban sa pumapangalawang grupo. Ayon sa sinabi ng announcer kani-kanina lang, ang dalawang kupunan na mag lalaban sa huli ay kailangang mamili ng babaeng manlalaro galing sa manonood bilang twist ngayong taon. Pinapasok na ang dalawang kupunan. Ang grupong Dark Bullet laban sa 6RXY. Nangunot bigla ang noo ko nung makita ko ang isang lalaki na kumakabilang sa grupong 6RXY. "Namumukaan mo ba siya? Si Christian yan." biglang sabi ni Jennifer. Napatingin ako kay Jennifer at muling napatingin doon sa lalaki. "Si Xian?" "Yup." aniya na ikinatango ko na lamang. Pumwesto na sa gitna ang dalawang lalaking tumatayong lider ng magkabilang grupo. Si Warren sa Dark Bullet at si Christian naman ang sa 6RXY. Wow. Just wow? Siya ang leader ng pangalawang malakas na gang? Kailan man ay hindi sumagi sa isipin ko na mangyayari ito. "Ang dalawang kupunan ay mamimili ng isang babae galing sa mga manonood. Ang mabanggit na pwesto nang magkabilang grupo ay s'yang bababa para sumali sa huling palaro na ito" after sabihin ito ng announcer ay agad na nag salita ang dalawang lider ng magkabilang grupo. "Second row #32A." halos magkasabay na sabi ng dalawang tumatayong lider. "That's your seat." tumingin ako kay Jennifer at awtomatikong tumaas ang isang kilay ko nang ma-realize kong seat ko nga ang binanggit ng dalawa iyon. Seriously? —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD