05.

2432 Words
CHAPTER FIVE JENO'S POINT OF VIEW "Second row #32A" halos magkasabay na sabi ni Warren at ng gang leader ng kabila. Base sa pagkakadinig ko ay mas naunang mag salita ang leader ng kalaban. Tumingin ako sa audience seat para malaman kung sino iyon'g nakaupo doon at laking gulat ko na lamang nung makita ko kung sino ang may ari ng pwestong iyon. SHORTY KO! B-Binabawi ko na yung sinabi ko. Binabawi ko na! Leader namin ang naunang nag salita! Sa amin kakampi si Shorty! "The Leader of 6RXY pick it first. For the gang leader of Dark Bullet, you need to choose another one" Nakakainis naman! "Fourth Row #29B" bored na sabi ni Warren. Nakakainis talaga! Ayoko maging kalaban si Shorty. Paano ako makakapag seryoso kung ang kalaban ko ay si crush? Pero sandali, alam kaya ni Warren na iyon ang seat ni Shorty ko o sadyang nagkataon lang na pareho silang naisip nitong leader ng kabila? Astig! Upuan ng shorty ko ang naisip nila kaso badtrip pa din kasi sa kabila siya napunta. Nawalan tuloy ako ng gana. Hmp! LHIYANNA'S POINT OF VIEW "Huy Lyan, wala ka bang balak na tumayo diyan at pumunta na roon?" tanong ni Jennifer sabay nguso nito sa sentro. Sa dinami-dami ng pwedeng sabihing pwesto bakit sa'kin pa? Naiinis ako. Naiinis ako dahil hindi pa masyadong magaling ang likod ko kung kaya't nahihirapan pa akong kumilos ngayon. Naiinis din ako dahil alam kong magiging advantage to para sa taong makakaharap ko mamaya. Sinamaan ko ng tingin si Jennifer bago ako tumayo mula sa pagkakaupo. Kahit sabihin kong ayoko, kailangan ko pa din ito gawin dahil kapag hindi ako lumaban ay tiyak na magmumukha akong mahina sa mata ng nakararami. "G-Goodluck, Lyan" rinig kong saad ni Rachel. Goodluck? Tsk. Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang ito bagkus ay dumiretso na ko sa baba at pumwesto kasama ng 6RXY. Pero bago iyon.. Bago ako nakababa ay nakarinig pa ko ng ilang mga bulungan. Anila, "Pareho pang sinabi ng dalawang hot leaders ang seat niya eh mukha naman siyang lampa" naguusap ba sila o pinariringgan ako? Sakto kasing pagdaan ko sa kanila ay nag usap sila ng ganito. "Yeah right. Mapapahiya yan, for sure." napa ngisi ako no'n sa narinig ko. Huminto pa nga ako sa paglalakad at hinarap ang dalawang babaeng ito pero tinaasan lang nila ko ng kilay. "After the match, magkita-kita nalang tayo" pagkasabi ko niyan ay nag patuloy na ako sa paglalakad. At heto na nga, narito na ko kasama ang grupong kinabibilangan ni Christian. Nginitian niya ko pero dinedma ko lang ito. Kasalanan niya kasi kung bakit nandito ako ngayon kaya naiinis ako sa kanya. Masakit ang likod ko kaya wala ako sa mood para sa ganitong bagay! Ibinaling ko ang aking tingin sa harapan at sa pag harap ko sa Dark Bullet ay nakuha ng atensyon ko ang presensya ni Warren. Matalim ang mga tinging ibinabato niya sa'kin at sa hitsura niyang ito ay para bang ako lang ang taong nakikita niya. Imbis na dedmahin ko nalang siya ay nakipagpalitan pa ako ng masamang tingin. I looked at him sharply and by that I saw a devil's smile played on his lips. "This is a Random fight." bago bumaba ang announcer ay sinabi niya ang mga mechanics. Ganoon pa din pero tinanggal lang ang pakikisali ng mga manonood. "Siguraduhin mong mapapakinabangan ka" rinig kong sabi ni Warren do'n sa babaeng makakasama nila. "Sure akong hindi ako matatalo." confident na sagot ng babae, "Cause, I have this" dagdag na aniya at inilabas ang kanyang dalang maliit na patalim. "Kung sigurado ka na mananalo ka at alam mong malakas ka hindi mo na kakailanganin niyan" malamig na tugon ni Jeno. Tumunog na ang bell hudyat ng pagsisimula ng laban. Nakita kong itinago ng babae ang patalim na dala niya mula sa pinagkuhaan niya nito, nang maitago ay agad itong tumakbo palapit sa akin. I sighed. Wala talaga ako sa mood. Tumakbo na rin ako palapit sa kanya at nung magkaharap na kami ay agad akong yumuko at nag punta sa kanyang likuran. Sinamantala ko na ang pagkakataong ito, dali ko siyang sinipa ng malakas sa likod na s'yang naging dahilan ng pagka-daubsob nito sa lupa. Sa ginawa kong pag sipa ay bigla nalang kumirot ang likuran ko. Napangiwi ako at pinilit ang sarili na hindi indahin ang sakit. Hindi ko maaaring ipahalata ang tungkol dito kaya naman, hindi na ko mag papaligoy-ligoy pa. Didiretsuhin ko na ito. Nilapitan ko ang babae at hinila ito pataas. Nang maitayo ko siya ay dali ko itong sinapak sa panga. Uunahan ko na kayo, wala akong pakielam kahit na babae pa itong kaharap ko. Babae rin naman ako so it's fair. Babalik sana ito mula sa pagka bagsak sa lupa dahil sa kamaong binitawan ko subalit pinigilan ko ito. Nung akmang malalaglag na ito ay mabilis ko siyang hinawakan sa magkabilang braso upang mapigilan siya sa pag tumba. Nang mahawakan ko ang magkabilang braso niya ay marahas ko siyang iniharap sa'kin. Sinikmuraan ko siya gamit ang tuhod ko at doon ay tuluyan na siyang bumalik sa pagkaka bagsak. "Hindi mo naman kailangan maging marahas. Babae lang yan" rinig kong bulong ng isang taong pumwesto sa tabi ko. Nilingon ko siya at sinabing, "Mind your own business." bakit ba siya nangingielam sa ginagawa ko? Eh siya ngang kalalaking tao ay pumapatol sa babae. Lakas mamuna, huh? Ngumisi ito at malakas na sinapak ang taong kinakalaban niya nung akmang susugurin siya nito. Kitang kita ko kung paano bumagsak ang isa sa mga kagrupo ni Christian dahil sa lakas ng binatawang iyon ni Warren. Nang maipa-bagsak niya ang kaharap ay muli itong ngumisi at humarap sa akin. Hindi ako nagpatalo. Hinarap ko siya ng walang bahid ng takot. "Kung tayo nalang kaya ang mag laban?" "Sige, walang problema." sagot ko ng blangko lang ang ekspresyon ng mukha. "Sigurado ka?" Lumapit ako sa kanya at mahinang sinabing, "Akala mo ba aatras ako? Kung iyon ang inaakala mo pwes para sabihin ko sayo, mali ka ng akala. Ingat ka, maraming namamatay diyan"  Lumakad siya at mas lalong lumapit sa'kin hanggang sa naging ilang pulgada nalang ang aming pagitan, "Salamat sa pagiging concern" "You know what? May kamukha ka" dugtong na aniya. "You know what? I don't care" sagot ko. Marahas kong ini-angat ang tuhod ko para masikmuraan siya. Pagkatapos no'n ay mabilis akong dumiretso sa likod niya. Tumalon ako para sabay kong magamit ang dalawang paa upang sipain ang kanyang likuran. Napaluhod siya dahil doon. Remember? Hindi pa tuluyang magaling ang likuran niya. Ibig sabihin, dobleng sakit ang mararamdaman niya dahil sa ginawa ko. I know He didn't expect that coming. "Ah. Sht." bulong ko. Napababa ako ng tingin at doon ay nakita ko ang babaeng kalaban ko na sinugatan ang kanang paa ko gamit ang patalim niyang hawak. Gamit ang kaliwang paa ko ay malakas kong sinipa ang kamay niyang may hawak na patalim. Matapos ang pag sipa kong iyon ay napaluhod ako. Bago makatayo ang babae ay sinipa ko agad ang tiyan niya ng malakas na naging dahilan upang bumagsak ito paatras. Kahit na sobrang sakit ng nararamdaman ko sa kanang paa ko ay tumayo pa rin ako at paika-ika akong lumapit sa babae. Pag lapit ko sa kanya ay umupo ako at umibabaw sa kanya. Sa inis ko, pinaulanan ko siya ng suntok. "Stop! Please stop!" mangiyak-ngiyak na sigaw nito. Sorry not sorry but wala akong balak na tumigil hanggang sa hindi ko nababasag ang mukha niya. Subalit, Napatigil ako sa pagsuntok nang biglang may humigit sa palapulsuhan ko. Napatayo ako at napatingin sa taong humawak sa'kin. "Tayo ang naglalaban, hindi ba?" aniya ng blanko lang ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tch! Kasalanan ko ba na biglang may umepal? Napansin ko si Christian sa likuran ni Warren. Hinarap niya sa kanya si Warren at agad niya itong sinapak. Ibinalik ko ang tingin ko sa babae. Lumapit ulit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso. Hinila ko siya tungo sa gilid. Ihuhulog ko na ang isang 'to. JENNIFER'S POINT OF VIEW Nailaglag na ni Lyan ang kalaban niya, nangangahulugan lang na hindi na ito maaaring sumali. Kahit papano ay naaawa ako doon sa babae. Grabe kasi. Halos basagin na kaya ni Lyan yung mukha niya! Apat pa ang natitira sa Dark bullet at iyon ay sina Warren, Jeno, JB at Sherwin ko. Sa 6RXY naman ay dalawa nalang ang natira, iyon ay sina Xian at Lyan. Biruin niyo yon? Dinaig pa ni Lyan ang miyembro ng 6RXY. Wala na si Mir dahil pinagtulungan siya kanina at mabilis itong inihulog. Magkakaharap sila ngayon. Maya maya ay tumakbo palapit si Jeno kay Lyan. Nang makalapit ay agad niyang binuhat si Lyan mula sa likuran pero mabilis lang siyang siniko nito sa mukha kung kaya't napakalas ang pagkakahawak ni Jeno.  Ilang sandali ay lumapit si Warren kay Lyan at binuhat ito na animo'y isang sako ng bigas. Nagpupumilit na kumawala si Lyan mula sa pagkakabuhat na iyon ni Warren sa kanya pero hindi nito magawang makaalis dahil na rin siguro sa masyadong malakas si Warren at sa sugat na natamo niya sa paa kung kaya't hirap din itong kumilos. LHIYANNA'S POINT OF VIEW "Sorry Shorty" bulong sa'kin ni Jeno. Anong shorty ang pinagsasabi niya diyan? Tss! Pumwesto ito sa aking likuran at binuhat ako subalit mabilis ko lang itong siniko. Nabitiwan niya ako at napaatras ito habang hawak ang mukha niyang nasiko ko. Maya maya ay sunod na lumapit sa'kin si Warren at binuhat ako sa kanyang balikat. Nagpupumiglas ako mula sa pagkakabuhat niya sa'kin kaso nahihirapan ako. Nahihirapan ako dahil kumikirot sa sakit ang likuran ko ganoon din sa paanan kong nasugatan ng babaeng 'yon at aaminin ko na nahihirapan akong makawala dahil na din sa masyadong malakas ang lalaking ito. "Shorty ko!" bigkas ni Jeno at tumakbo ito palapit sa aming dalawa ni Warren. Naidala na ako ni Warren sa gilid ng platform. Nang makarating na kami sa gilid at nang ilalaglag niya na ko ay mabilis kong hinawakan ang braso ni Jeno gamit ang dalawang kamay ko. Dahil do'n ay nagawa ko siyang mailaglag kasabay ko at oo, pareho kaming bumagsak palabas. Napangiwi nalang ako sa sakit na naramdaman ko sa paa at likod ko. Pinilit kong makatayo at nang makatayo na ko ay paika-ika akong naglakad palayo sa platform. "Shorty!" rinig kong sigaw nung Jeno. Bakit ba shorty siya ng shorty? Tumakbo siya palapit sa'kin at nang makalapit ay sumabay na ito sa aking paglalakad. "Short—" "Can you stop calling me shorty?" inis kong sabi. Pakiramdam ko kasi ay pinapatamaan niya ko dahil sa height ko. "B-Bakit naman? Hindi ba't iyon naman ang pangalan mo?" tanong niya. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya ng kunutan ang aking noo. "Sino naman ang nag sabi sayo na Shorty ang pangalan ko?" "Si Warren" diretsong sagot nito. Si Warren? Si Askal? Tss. Kailan ko naman siya binigyan ng permiso para pangalanan ako? "Hindi shorty ang pangalan ko." giit ko bago nag simulang muli sa paglalakad. "Ha? Edi ano pala?" tanong niya habang naglalakad kami. "You don't need to know my name" "Please?" hindi ko siya pinansin, "Sige na naman crush oh? Sabihin mo na sa'kin kung anong pangalan mo.." anong crush ang pinagsasabi niya diyan? "Wala ako sa mood, okay? Umalis kana." "Ang haba ng pangalan mo." I rolled my eyes, "Hindi mo ba ko naintindihan?" "Please? Anong pangalan mo? Sabihin mo na please? Please? Please?" "Ayoko." "Please?" "Tigilan mo nga ako." "Sabihin mo na kasi sakin kung anong pangalan mo" "Ayoko nga" "Bakit ayaw mo? Okay lang naman sa'kin kahit napaka baho ng pangalan mo eh. Tatanggapin ko kahit ano pa yan" What the? "Lhiyanna" there, I said it. "Just call me, Lyan" dugtong ko. Siguro naman ay mananahimik na siya? "Talaga?" aniya gamit ang masayang tono ng kanyang boses. "Oo" maikli't inis kong sagot. JENO'S POINT OF VIEW Panalo ang grupo namin kung kaya't kami pa din ang itinuturing na pinaka malakas na gang hanggang ngayon. Matapos ang laban ay dumiretso kami sa aming tambayan at dito nagpalipas. Si Sherwin at Mir natutulog, si JB nakaupo habang nag t-text samantalang si Warren naman ay katabi ko, naglalaro sa cellphone niya. "Hoy Warren, sinungalang ka! Epal ka talaga eh noh?" inis kong sabi kay Warren nung bigla akong may maalala. Napahinto siya sa paglalaro at kunot noong nilingon ako. "Pinagsasabi mo? Anong ginawa ko sa'yo? Tss." iritableng aniya. May gana pa siyang mairita, ha?Eh' ako nga dapat ang mairita dahil sa panlolokong ginawa niya sa'kin! Nabawasan tuloy ako ng puntos sa puso ng crush kong si Lyan. "Sabi mo sa'kin shorty ang pangalan niya?" giit ko sa paraang pasigaw. Kahit hindi ko na banggitin ang pangalan ni Lyan alam kong kilala niya na kung sino ang tinutukoy ko. "Si unano ba? Wag mong sabihing naniwala ka? Sa totoo lang hindi ko naman talaga alam kung ano ang pangalan no'n" natatawang sambit nito. Nakakainis talaga itong si Warren. Hindi naman pala niya alam tapos sasagot-sagot siya diyan! "Hindi unano ang pangalan niya kaya huwag mo siyang tawaging ganoon! Akala mo ba ay maniniwala pa ko sayo? Hindi na hoy!" sigaw ko tapos isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan. Akala niya ha! Tsk. "Kung makapag salita ka ay parang alam mo na ang pangalan niya, ha? Bakit? Alam mo na ba kung anong pangalan nung pandak na yon?"  "Oo. Alam ko na" "Weh?" "Edi wag kang maniwala!" "Oh sige, ano? Anong pangalan niya?" "Bakit ko sasabihin sayo?" "Ano nga?" iritadong tanong niya. Bakit naiirita siya diyan? Problema niya? "Ayoko nga sabing sabihin. Suntukan nalang oh? Ano! Suntukan nalang?" paghahamon ko. Ibinulsa niya ang cellphone niya at tumingin sa'kin ng masama. Teka lang! Hindi niya naman siguro sinerysoso yung sinabi ko, hindi ba? "Joke lang" mabilis kong sambit kasabay ng pagtaas ko sa aking dalawang kamay sa ere, nagpapahiwatig ng pag suko "Lyan ang pangalan niya!" "Tch. Wala akong pakielam" anito na ikinakunot ko ng noo. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at muling naglaro doon. Walang pakielam? Eh' halos patulan niya na nga paghahamon ko kanina para lang sumagot ako. Sus. LHIYANNA'S POINT OF VIEW "Bakit ba hindi pa tayo umuwi? Sino ba ang hinihintay mo, Lyan?" sa totoo lang ay naiinis na ko sa paulit paulit na tanong na ito ni Jennifer. Hindi ko nalang siya pinansin at luminga sa paligid. Nakita ko na yung dalawang babae na kaninang ininsulto ako. Lumakad ako palapit sa kanila, "Ready?" mukhang nagulat silang dalawa sa biglang pang haharang ko.  Yung isang babae ay napakapit sa braso ng kasama niya at yung babae namang pinagkapitan niya ay agad na inalis ang pagkakahawak nito. Halatang halata sa ekspresyon ng kanilang mukha ang takot. Maya-maya'y biglang tumakbo ng mabilis yung isang babae at iniwan ang kasama. Ngumisi ako at diretsong tinignan yung iniwan, "Hindi ka ba tatakbo?" Napa atras ito at nag madaling sumunod sa pag takbo ng kasama. Sinundan ko nalang siya ng tingin at nakitang muntik pa itong matalisod sa pagmamadali. "Naghintay tayo ng matagal para lang sa dalawang yon? Hay nako. Parang wala lang din! Hindi mo naman kasi binanatan" Inis na saad ni Jennifer. Akala ko ba ay gusto niya ng umuwi? Tinakot ko na nga lang sila eh. Magpasalamat nalang siya. Tss. "Gusto niyo ng umuwi, hindi ba? Tara na." —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD