CHAPTER SIX
LHIYANNA'S POINT OF VIEW
Kinabukasan, habang naglalakad ako sa hallway tungo sa aming silid aralan ay bawat yapak ng aking paa ay tila ba may kakaiba akong nadarama. Sa tuwing nakakaramdam pa naman ako ng ganito ay palaging may kaakibat itong pangyayari na hindi maganda.
Pag tapak ko papasok ng classroom ay agad akong umatras at lumayo sa doorway. Sa pag layo ko ay harap-harapan kong nakita ang pag bagsak ng harina mula sa itaas. So, ito pala ang dahilan kung bakit tila nakakaramdam ako ng pagkabahala kanina?
Para sa akin ba ito?
Kung sino man ang nag lakas ng loob gawin sa'kin ito, humanda siya dahil sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang araw na isinilang siya!
Matapos maubos ng harina'ng bumagsak sa aking harapan ay lumakad na ko papasok at dumiretso sa seat ko. Inis kong ibinagsak ang bag ko sa upuan at matalim na tumingin kanila Rachel at Jennifer na ngayon ay nakayuko at hindi magawang tumingin sa akin.
Tch!
I rolled my eyes.
Umupo na ako at idiniretso ang paningin sa harapan, "Sabihin niyo nga sa'kin, sino ang may pakana no'n?" kahit hindi ko na sabihin ng eksakto, alam kong alam naman na nila kung ano ang tinutukoy ko.
"P-Pakana ng alin? Anong sinasabi mo diyan, Lyan?" hindi siya magaling sa pagsisinungaling. Ang pangit niya umarte. Halatang-halata naman na alam niya kung ano ang tinutukoy ko at paniguradong alam nila kung sino ang tao sa likod no'n.
"Wag mong sabihing naki-isa ka do'n, Jennifer?"
"H-Hindi ah!" sagot niya kasabay nang pag tingin sa'kin ng naka chin up pa. See? Ibig sabihin, alam niya talaga kung ano ang tinutukoy ko.
"S-Si Warren ang nag utos sa mga estudyante na gawin iyon, L-Lyan" pabulong na sambit ni Rachel pero sakto lang para marinig ko. Awtomatikong nangunot ang aking noo dahil sa narinig. Si Warren?
Maya-maya'y napansin kong palihim na sinitsitan ni Jennifer si Rachel kung kaya't ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Nang mapansin niyang naka tingin ako sa kanya ay agad itong napayuko, "Sinasabi ko na nga ba ay alam mo" madiin kong bigkas.
Ibinaling ko ang tingin sa likuran at nakita ang isang demonyo ro'n. Nakatingin ito ng diretso sa direksyon ko habang may ngisi ito sa kanyang labi. Si Warren ang demonyong tinutukoy ko.
Hindi naman ako papayag na magpadaig sa kanya kaya bago ko inalis ang paningin ko doon ay nag palitan muna kami ng matalim na tinginan.
"Saan kumakain ang Dark Bullet?" tanong ko nung lingunin ko si Jennifer.
"Sa plato?" sagot ni Jennifer at tumingin sa'kin na para bang nag aalangan. Pagkasagot niya ay binato ko siya ng isang masamang tingin. Aayusin niya ba ang sagot o hindi? "I-I mean sa rooftop sila kumakain. Dito kasi sa Slamirine, rooftop ang tambayan nila at minsan lang sila kung kumain sa cafeteria" pang bawi'ng sagot ni Jennifer.
Tumango ako sa impormasyon'g nalaman.
Humanda ka sa'kin, Warren.
"T-Teka! H-Hoy Lyan, anong balak mong gawin ha?" taas kilay na tanong sa'kin ni Jennifer. Tinignan ko lang siya gamit ang blankong ekspresyon ko. Wala akong balak na sumagot. Bakit ko sasabihin?
"Hindi ka pwedeng umakyat sa rooftop.." pabulong na sambit ni Jennifer.
"At bakit hindi?"
"Kasama kasi sa properties ng DB ang rooftop. Ang isang bagay na naging property ng DB ay hindi pwedeng puntahan o lapitan manlang ng mga estudyante dito sa Slamirine. Nakukuha mo ba ang gusto kong iparating?" I get it, hindi ako slow pero who cares?
"I don't care" DB's property? Kalokohan. Kung gusto kong pumunta doon, pupunta ako. Ano bang ikinakatakot nito ni Jennifer? Akala ko ba ayaw niya sa mga taong may mahihinang loob? Ibig sabihin ba nito, ayaw niya sa sarili niya? Tch.
***
Oras na ng recess at masasabi kong ang boring talaga sa loob ng klase. May guro'ng nag lakas ng loob na pumasok kanina subalit hindi ko naman naintindihan ang mga pinagsasabi niya sa harapan dahil napaka ingay ng mga estudyanteng kasama ko dito. Pero sabagay, kahit naman maging tahimik ang klase na ito ay wala pa din akong balak na makinig ng mga lesson.
"Tara na sa baba" aya ni Jennifer sa aming dalawa ni Rachel. Tumayo na ako at nauna sa kanilang lumabas ng classroom.
"Lyan!" nasa labas na ko ng classroom nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Boses ng lalaki. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakitang si Jeno ang tumawag sa pangalan ko. Nung lingunin ko siya ay tumakbo ito palapit sa'kin.
"G-Gusto ko lang sabihin na hindi ako sumama do'n sa pambubulaga sayo, promise! Kahit na member ako ng Dark Bullet ay nagawa kong tumanggi sa pant-trip sayo ni Warren. Promise talaga! Kaya wag kang magagalit sakin ha, Lyan?"
"T-Tumanggi din sila Sherwin at alam mo ba, Lyan? Ang totoo niyan, si Warren lang ang may gustong gawin sayo iyon. Si Warren lang talaga ang may gusto no'n kaya kung magagalit ka dapat kay Warren lang. Para kasing tanga yun!" dagdag na aniya.
"Hoy Jeno!" sabay kaming napalingon ni Jeno sa sigaw na ito. Sa pag lingon ko ay nakita ko si Warren na magkasalubong ang kilay ngayon, "Bakit nakikipagusap ka sa unanong yan? Ano bang sinasabi mo diyan ha? Tara na nga!" giit pa nito sa paraang pasigaw. Kapag nakikita ko talaga ang pagmumukha nitong Warren na ito ay hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mainis.
"Wala!" pasigaw na sagot ni Jeno.
"..wala ka na dun." dugtong niya ngunit pabulong sa sarili.
"Sige crush, kita nalang tayo mamaya ha?" pagpapaalam ni Jeno sabay takbo nito palapit do'n sa apat niyang kaibigan.
Napansin ko sina Jennifer at Rachel na kakalabas lang ng classroom, pagkalabas nila ay agad na napadako ang mata nila sa direksyon ko, "Lyan!" tawag sa'kin ni Jennifer nung makita ako.
"Bakit ba nauna kang lumabas? Hindi mo kami hinintay"
***
Pagkarating namin sa Cafeteria ay bumili ako ng isang chicken sandwich at softdrink. Yung softdrink nila dito ay hindi nakalagay sa bote kundi sa plastic cup na may lid. After umorder ay humanap na kaming tatlo ng pwesto na pwedeng upuan.
Habang naghahanap ng mapu-pwestuhan ay bigla akong siniko ni Jennifer na ikinais ko. Nilingon ko siya then I mouthed the word 'ano' sa paraang naiirita. Ngumuso ito sa bandang harapan kung kaya't nailipat ko ang pansin doon. Pagtingin ko, nakita ko ang grupo ng Dark bullet.
I smirked.
"After ng eksenang gagawin ko, sumunod kayo sa'kin. Kung ayaw niyo, hindi ko kayo pipilitin" I said using the cold tone of my voice.
Lumakad ako papunta sa direksyon nila Warren. Mukhang may hinahanap silang kung ano kaya hindi pa nila ako napapansin na palapit na sa kanila. Nang makalapit ako ay sadya kong binangga ang sarili ko kay Warren na ikinagulat nito.
Nang banggain ko siya ay tumapon ang softdrink na dala ko, which is sinadya ko. Sinadya kong itapon ang hawak kong inumin sa unipormeng suot niya.
Ito ang trip.
Nakita ko ang biglang pag kunot ng kanyang noo habang nakatingin sa unipormeng suot niya. Iniangat niya ang kanyang ulunan at inis na tumingin sa'kin. Nung makita niyang ako ang bumangga sa kanya ay mas lalong kumunot ang noo nito.
"Hoy unano! Sinusubukan mo ba talaga ako ha?" inis na bulyaw niya sa harap ko.
"Wag mo kong matawag-tawag na unano! Isa pa, sinundan lang kita para quits" alam kong ang lahat ng mga estudyanteng nandito ngayon sa canteen ay na sa amin ang atensyon pero wala akong pakielam. Tumingin lang sila ng tumingin hanggang lumuwa yang mga mata nila. Tch.
"Unano! Unano! Unano! Unano!" paulit-ulit na sigaw niya. Nasiraan na ng bait ang isang to. Tinakpan ko ang dalawang butas ng aking tainga gamit ang parehong hintuturo. Tumalikod ako at pilit na hindi siya pinakinggan.
Hindi pa rin siya tumitigil!
Ibinaba ko ang kamay ko at humarap ulit sa kanya. Sa pagharap ko ay mabilis kong tinuhuran ng malakas ang pinaka sensitibong parte ng kanyang katawan. Napa singhap ito at napahawak sa parteng iyon.
Napayuko ito sa sakit na naramdaman kaya naman hinawakan ko siya sa buhok at inangat ang kanyang ulunan upang iharap sa akin. Nang mai-angat ko ang kanyang ulunan ay walang pasabing isinampal ko sa mukha niya ang burger na hawak ko.
Sayang pero worth it.
WARREN'S POINT OF VIEW
Nandito kaming lima ngayon sa Rooftop. Dito sa Slamirine, rooftop ang madalas naming pagtambayang lima. Hanggang ngayon ay masakit pa rin yung ano ko dahil sa tinuhuran ito nung babaeng unano na yon kanina. Kasalanan niya kapag ako hindi nagkaanak sa future!
Badtrip!
"Okay na ba ang ibon, Warren?" natatawang tanong ni JB.
"Gago! Sipain ko kaya yang iyo, tignan ko lang kung sa sampung minutong lumipas ay maging ayos ka na" inis na sigaw ko sa kanya na para bang susugurin ito anomang oras. Kaasar. Tatanong-tanong pa. Malamang hindi pa! Sobrang lakas kaya ng ginawa sa'kin nung unano na yon!
Pasalamat siya at sa tuwing nakikita ko siya ay may isang babae akong naaalala. Yung tapang no'n? Tss. Wala yun! Kung hindi lang talaga niya naging kahawig si Dianne, siguro ay naging isa na rin siya sa mga babaeng lumuhod sa harapan ko para hingin ang kapatawaran ko.
Nabanggit ko na naman ang pangalan niya. Kainis! Naalala ko na naman tuloy siya. Gusto niyo bang malaman kung sino si Dianne? Wag na! Patay na yung tao eh, paguusapan pa ba natin?
Hindi, biro lang. Hindi pa siya patay. Sadyang bitter lang ako kaya sinasabi kong patay na siya. Bitter ako kasi hanggang ngayon pakiramdam ko ay mahal ko pa din yung babaeng iyon. Tangina!
Alam niyo ba dati? Itong Slamirine high ay matino noon? Simula nung mapunta ito sa'kin ay naging barumbado na ang mga mag aaral. Hindi ko alam kung paano nauwi ang lahat sa ganito pero ayos lang dahil taon taon ay mas dumadami ang may gusto na makapag enroll dito. Advantage na yon kanila mama kaya hindi nila pinakikielaman ang pamamalakad ko. Si Ate lang talaga ang mahilig mangielam sa'kin. Tss.
Mabalik sa ikinukwento ko, dito sa eskwelahan na ito nag-aral si Dianne. Dalawang taon din siya dito at noong tumungtong kami ng 2nd year ay naging official ang relasyon na meron kami. Akala ko gusto niya rin ako kaya niya ko sinagot pero hindi pala. Mali ako. Nung nag break kami, sinabi niya sa'kin ang lahat.
Ang sabi niya sa'kin noon, kaya niya daw ako sinagot ay dahil sa pag aakalang kapag naging kami ay mapapansin na siya ni Sherwin. Nakakagago, hindi ba?
Bumuntong hininga ako at napa iling.
Sabagay, kasalanan ko din kung bakit ako nasaktan kaya hindi dapat ako manisi. Una palang naman kasi noon ay alam ko nang si Sherwin ang gusto ni Dianne. Nag assume lang talaga ako na gusto niya rin ako. Ang bading pakinggan pero sige, ipagpapatuloy ko ang kwento.
Si Sherwin? Sinadya niyang hindi pansinin si Dianne noon kahit pa may gusto din siya rito tulad ko. Hindi niya pinansin si Dianne at isinantabi nalang ang kanyang nararamdaman dahil sa pakiusap ko. Nakiusap ako sa kanya na itago ang pagkagusto niya kay Dianne at ipakitang hindi niya masusuklian ang pagmamahal nito. Oo, alam kong mali ang ginawa kong nakiusap ako sa kapatid ko pero wala na eh. Tapos na, nangyari na.
Gago ako eh.
Sobrang gago.
"Sherwin, gusto mo din si Dianne, hindi ba?" tanong ko.
"Sinagot ko na yan dati ha? Bakit? Anong meron?"
"Please para sa'kin, wag mong bibigyan ng pansin ang lahat ng ginagawa ni Dianne. Kahit na gusto mo siya, huwag mo siyang liligawan. Kung maaari, isantabi mo na lang ang nararamdaman mo para sa kanya"
Ito ang naging usapan namin noon ni Sherwin.
Ang immature ko no? Dahil sa pakiusap kong iyon ay hindi na nga talaga pinansin ni Sherwin ang lahat ng ginagawa ni Dianne para sa kanya. Kahit na gusto niya si Dianne ay hindi niya sinabi kung ano talaga ang nararamdaman niya para dito at lahat ng iyon ay dahil sa pakiusap ko. Sa pakiusap kong iyon hindi kalaunan, kami ni Dianne ang nagkatuluyan pero hindi din yun nag tagal.
Kinailangan kasi ni Dianne na sumama sa tita niya sa ibang bansa. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Basta, ang sabi niya lang ay kailangan niya daw talagang sumama papunta ro'n.
Kinagabihan bago siya umalis, nakipaghiwalay siya sa'kin. Sinabi niya sa'kin na si Sherwin talaga ang gusto niya at hindi ako. Sinabi niya din sa'kin na sinagot niya lang ako para maging daan ako sa kanila Sherwin.
Ang bading pero aaminin ko, umiyak ako no'n. Tao din naman kasi kaming mga lalaki, nasasaktan at naluluha din tulad ng mga babae.
At heto pa pala. Matapos yung araw na 'yon, alam niyo bang sobra kong kinainisan si Sherwin? Nag tanim din ako ng galit kay Dianne. Subalit sa paglipas ng panahon, nakuha ko naman na makipagkasundong muli kay Sherwin. Hindi ko na matandaan kung paano nangyari. Basta isang araw, nagkasundo nalang kami ulit.
Si Dianne?
Hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya nakakalimutan. Pakiramdam ko sa loob ng dalawang taon na hindi namin pagkikita ay may puwang pa din siya dito sa puso ko. Iyon ang nararamdaman ko.
Hay, tama na nga!
"Hoy Mir!" tawag ko kay Mir.
"Oh?"
"Tawagan mo sila Iggy. May ipapagawa ako sa kanila" curious kayo kung ano ang ipapagawa ko? Hintayin niyo nalang.
"Hoy Warren! Balak mo bang gumanti kay Lyan ha?" sigaw sa'kin ni Jeno kasabay ng pag tayo nito mula sa kinauupuan. Ano naman sa kanya kung gumanti ako?
"Wala ka nang pakielam dun" mahinang saad ko.
"Subukan mo lang!" aniya na para bang binabantaan ako.
"Tinatakot mo ba ko?" malaming kong tanong.
"Hoy! Kahapon pa kayong dalawa!" sigaw ni JB sa aming dalawa ni Jeno.
"Kung uutusan mo sila Iggy na gumawa ng masama kay Lyan, sa'kin nalang nila gawin! Ako na ang sasalo sa lahat" sigaw ni Jeno habang dinuduro ako. Teka nga, gusto niya ba yung unano na yon? Kung gusto niya yung babaeng iyon, anong nakita niya don? Yung height no'n? Tsk.
"Ano ka ba niya at bakit napaka protective mo ha?" tanong ni Mir kay Jeno.
"Soon-to-be-her-husband!"
"Pfft. Hahahaha! Hoy Jeno! Mukang antok na antok ka ha? Mag kape ka nga!" natatawang sabi ko. Bakit para naman yatang patay na patay siya sa unano na yon? Eh' wala naman akong nakikitang maganda sa babaeng yun. Ewan ko ba dito. Nabulag na yata.
Ah basta! Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin.
"Hoy Jeno! Tama si Warren, mag kape ka muna!" sigaw ni Mir.
"Meron ditong baso, hugasan mo nalang!" sigaw ni Sherwin.
"O kaya, itulog mo nalang yan hahahaha!" sigaw naman ni JB.
"Edi kayo mag kape! Ikaw JB, matulog ka tapos doon ka pumwesto sa gitna ng kalsada. Hayaan mo kapag may nangyaring masama sayo magpapadala nalang ako ng isang box ng tsitsirya sa inyo!" galit na sigaw ni Jeno.
"Pero maganda si Lhiyanna ha.." sabay sabay kaming napalingon sa gawi ni Sherwin nung bigla niya itong sabihin. Napaubo pa ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.
"Wala naman kaming sinasabing hindi siya maganda. Itong si Jeno lang talaga ang problema. Napaka feelingero" tumatawang giit ni JB.
Nasaan ang ganda nun? Tss.
LHIYANNA'S POINT OF VIEW
Kinabukasan.
"Huy Lyan! Mag hintay ka naman!" rinig kong sigaw ni Jennifer mula sa likuran ko. Bahala sila diyan! Ang bagal naman kasi nilang dalawa eh. Tch. Dire-diretso lang ako sa paglalakad at nagpanggap na hindi narinig ang pagrereklamong iyon ni Jennifer. Sino ba kasing nag sabi na sabayan nila ako?
Teka. Bakit nga pala ako nagmamadali?
Napahinto ako sa paglalakad nang bigla akong mabuhusan ng tubig mula sa magkabilang gilid. Napapikit ako ng mariin dahil sa lamig ng tubig na iyon. Iminulat ko ang mga mata ko at mabilis na sinundan ng tingin ang dalawang lalaki na nagmadaling tumakbo palayo habang bitbit ang baldeng pinaglagyan nila ng tubig na ibinuhos sa akin.
"Anong problema niyo?" sigaw ko. Tatakbo na sana ako para habulin sila pero masyadong malakas ang ihip ng hangin kung kaya't nanginginig akong napayakap na lamang sa sarili.
"HAHAHAHA!" narinig ko bigla ang hagalakpak na tawa ni Jennifer mula sa likuran kung kaya't nilingon ko siya at tinapunan ng masamang tingin.
Nung makita niyang naka tingin ako sa kanya ng masama ay tumigil agad ito sa pag tawa. Tinapik niya ng mahina si Rachel at sinenyasan itong lapitan ako. Tumango naman si Rachel at kasabay no'n ay ang pag takbo nila palapit sa'kin.
"Tara sa locker room" aya ni Jennifer.
"Anong gagawin natin do'n?" mataray kong pagtatanong.
"Common sense naman, Lyan. Edi kukuhanin natin sa locker mo yung extra school uniform mo para makapagpalit ka. Hay nako! Feeling ko tuloy ang brainy ko today" sagot ni Jennifer.
"Sa tingin mo ba may pakielam ako sa locker ko?" miski isang gamit nga ay wala pa akong nailalagay doon. Ni hindi ko pa nga iyon nabubuksan.
"Oh edi, ano nang gagawin mo?"
"Uuwi" maikling sagot ko.
"A-Ako, Lyan. Meron akong extrang school uniform sa locker ko. H-Hindi ko pa yun nagagamit" pag presinta ni Rachel.
"Undergarments?"
"M-Meron din kaso nga lang ay nagamit ko na iyon.." sagot ni Rachel sabay yuko nito. I sighed out of frustration. Giniginaw na ko!
"Uuwi na ko" madiing sambit ko sa kanilang dalawa.
Nag simula na kong mag lakad nang mapahinto akong muli. Napahinto ako nung biglang may nag patong sa akin ng tuwalya, pagkapatong niya ng tuwalya sa'kin ay agad niya itong binalot sa katawan ko. Kumunot ang noo ko at sinilip ang taong may gawa nito.
Si Jeno.
"May nakita ka bang dalawang lalaking mataba?" tanong ni Jeno na ikinatango ko bilang sagot. Sila yung nakita kong tumakbo palayo ng mabilis habang may hawak na balde.
"Si Warren ang nag utos sa dalawang iyon para buhusan ka ng tubig. Kagabi ko lang nalaman ang tungkol sa ipinapagawang iyon ni Warren kaya naman bago ako pumasok sa school ay nagpabili ako ng tuwalya para sayo. Hehe." kung sinabihan niya nalang sana ako, diba? Tss.
"Alam mo ba kung nasaan yun ngayon?" tanong ko.
"Sino?"
"Si Warren"
"Hmm, kung wala sa rooftop baka nasa itaas siya ng puno ngayon"
"Jeno.." tawag ko sa kanya.
"B-Bakit?"
"Pwede bang bitawan mo na ko?" malamig na pakiusap ko. Nakayakap kasi siya sa'kin. Nung ibalot niya sa katawan ko ang tuwalya ay hindi niya na ko inalis sa mga bisig niya. Habang nagsasalita siya ay nawala na yata sa isipan niya na bitiwan ako.
"Hehe. S-Sorry." bumitaw naman ito agad nung mapagtantong nakayakap siya sa'kin.
"Samahan mo ko."
"S-Saan?"
"Maghahanap tayo ng baso at sasamahan mo rin ako kung nasaan si Warren." sabi ko suot ang blankong ekspresyon.
"Maghahanap t-t-tayo ng baso? At s-sasamahan k-kita kung nasaan si W-Warren? O-Oo sige. T-Tara!" bakit ba siya nauutal?
JENNIFER'S POINT OF VIEW
Susunod na sana kami ni Rachel kay Lyan nang matigilan ako at ganoon din si Rachel. Nakita kasi naming dalawa ni Rachel ang biglang pagdating ni Jeno habang may bitbit itong tuwalya. Nang makalapit siya kay Lyan ay agad niyang ibinalot sa katawang basa ni Lyan ang tuwalyang dala. Mula dito sa kinatatayuan namin ay hindi namin marinig ni Rachel ang kanilang pinaguusapan.
"B-Boyfriend ba ni Jeno si Lyan?" pabulong na tanong ni Rachel sa akin. Pinakilala ko na noon kay Rachel ang Dark Bullet kaya kilala niya na ang mga ito.
"Ewan ko, hindi ko din alam" sagot ko ng hindi tumitingin kay Rachel. Nakatuon kasi ang pansin ko kanila Lyan at Jeno. Sa harapan pa talaga namin sila nagyayakapan ha? Ay mali. Si Jeno lang pala ang nakayakap.
Baka silang dalawa na nga? Sila nga ba? Hay, ewan ko! Maya-maya ay lumakad na ang dalawa paalis. Saan pupunta yung mga iyon?
"Susundan ba natin sila?" tanong ni Rachel.
"Wag na. Baka mag d-date lang yung dalawang yun"
"H-Huh? Sila ba?" tanong ulit ni Rachel.
"Ha? Ewan ko. Pwedeng oo sila nga pero feeling ko hindi?" naguguluhang sagot ko kasabay ng pag kibit balikat. Imposible kasi na mag boyfriend si Lyan, may hinihintay kasi yun eh.
"Tara Rachel. Kain nalang muna tayo" aya ko.
"Hindi tayo papanik?" tanong niya
"Mamaya na, maaga pa naman" sagot ko na ikinatango niya na lang.
—