07.

1667 Words
CHAPTER SEVEN JENO'S POINT OF VIEW "Hihingi nalang ako sa canteen. Paniguradong bibigyan nila ako doon" naghahanap kami ng baso ngayon ni Lyan pero hindi ko alam kung bakit at ano ang gagawin niya sa baso. Nauuhaw ba siya? Kasi kung nauuhaw siya, pwede ko naman siyang bilhan nalang ng bottled water. Isang bottled water na malinis ang tubig. Kasing linis ng intensyon ko sa kanya. Oh diba? Panis. Lupit ko. "Tara" aya niya at nag simula itong mag lakad na sinundan ko. Hindi ba siya giniginaw? Basang-basa kasi siya tapos sobrang lakas pa ng ihip ng hangin dito sa labas. Hay ano ba yan! Ano bang klaseng tanong yan, Jeffrey? Malamang sa alamang ay nilalamig yang crush mo! Nang makarating kami sa canteen ay agad akong dumiretso sa kakilala kong tindera at doon ay humingi ako ng isang plastic cup at nung makahingi ako ay dali akong bumalik kay Lyan. "Ano bang gagawin mo sa baso?" tanong ko. "Lalagyan ko ng tubig." "Iinom ka?" kung nauuhaw siya dapat sinabi niya nalang sa'kin para binilhan ko nalang siya ng maiinom. "Samahan mo nalang ako para malaman mo" aniya na ikina tango ko. Tango na may halong pagtatakha. Heto naman akong si lover boy todo sunod sa kanya. Hindi na ako nag dalawang isip, pumayag agad ako. Syempre, pagkakataon ko na ito para mapalapit kay Lyan. Sasayangin ko pa ba? Malamang hindi! Mahirap na baka may pumapel pa. *** "G-Gagantihan mo si Warren?" medyo gulat kong tanong na ikinatango niya bilang sagot. Itinapat sa'kin ni Lyan ang basong may lamang tubig. Napa urong ako ng mukha sa ginawa niyang iyon dahil inilapit niya ng husto ang baso sa mukha ko na halos dumikit na ito sa matangos kong ilong. "Duraan mo" utos niya. "D-Duraan ko?" nag linis ako ng tenga ko kahapon pero tama ba yung pagkakadinig ko? Duraan ko daw? Napakamot ako ng ulo, "S-Sige pero may kapalit.." Ibinaba niya ang kamay niyang may hawak na baso atsaka ito diretsong tumingin sa'kin, "Ano yon?" "Ngiti ka muna.." pabebeng sabi ko. Oo, ngiti niya ang gusto kong kapalit ng pag dura ko sa tubig sa baso na iyan. Bakit? Wala lang. Gusto ko lang talagang makita kung paano siya ngumiti. Palagi kasi siyang naka simangot pero kahit na ganoon ay hindi pa din naman siya nakakasawang titigan. Kahit saang anggulo, kahit anong ekspresyon ang gawin niya ay maganda siya sa paningin ko. Tumalikod siya sa'kin at nag simulang mag lakad palayo matapos marinig ang kahilingan kong isinambit. Nangangahulugan lang na ayaw niyang gawin ang pakiusap ko. "Teka," hinabol ko siya't mabilis na hinablot ang kanyang kamay upang pigilan ito sa binabalak na pag iwan sa'kin. Hindi ako hokage! "S-Sige na nga, wag na. Gagawin ko na" bumitaw ako mula sa pagkakahawak ko at kinuha mula sa kanya ang baso. Marupok ako sa taong gusto ko. Gusto ko siya kaya hindi ko siya natiis, "Tingin ka muna do'n" giit ko kasabay ng pag nguso ko sa gawing kanan. "Bakit?" "B-Basta.." ang totoo niyan kaya ko siya pinapalihis ng tingin ay dahil baka mandiri siya sa gagawin ko. Hindi naman kasi pwedeng dudura ako tapos naka tingin siya, hindi ba? Ang baboy tignan no'n! Isa pa nakakahiya, "Sige na, tingin ka na dun. Hehe" bumuntong hininga ito at sumunod nalang sa sinabi ko. Nang maialis niya ang tingin sa'kin ay agad kong dinuraan ang baso, "O-Okay na" saad ko matapos kong dumura. Tumingkayad siya at akmang sisilipin sana ang loob ng baso nang bigla ko itong takpan. "Hindi pwede, bawal!" malakas at natataranta kong sabi pagkatakip ko sa baso. Nakalutang kasi yung dura ko, nakakahiya naman pag nakita niya yun. Crush ko siya kaya ayokong ma-turn off siya sa'kin. Maya maya'y bigla itong napangiti matapos ang nasabi ko. Ngiti na parang natatawa. TEKA! T-Taympers! Ngumiti siya! Napa atras ako at napaturo sa napaka ganda niyang mukha, "N-Nakita ko yon! Nakita ko talaga. Wag mong itatanggi! Ngumiti ka! Ngumiti ka talaga, nakita ko!" nagmamadali at parang timang na sabi ko. Hindi kasi ako makapaniwala. Buong akala ko ay hindi siya ngingiti sa kahit na sino dahil tanging blanko lang ang ekspresyon ang nakarehistro sa kanyang mukha pero mali ako dahil ngumiti siya. Nginitian niya ako! "Tss." ngumisi ito at tinalikuran ako. Sa pagtalikod niya ay nag simula na itong mag lakad na sinundan ko na naman. "Pwedeng isa pa? Hindi ako ready kanina eh. Sige na please?" nagmamakaawang sabi ko habang magkadikit ang parehong palad ko. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad at hindi pinansin ang sinabi ko. Malungkot tuloy akong napa nguso. *** Hinahanap namin si Warren. Una naming pinuntahan ang rooftop pero wala siya do'n. Ngayon, papunta na kami sa punong madalas niyang pag tambayan. Habang naglalakad tungo ro'n ay natanaw ko sina Sherwin, Mir at JB sa hindi kalayuan kaya naman napahinto ako sa paglalakad at humawak sa palapulsuhan ni Lyan upang patigilin din ito. "A-Ako muna. Sumunod ka nalang kapag bumaba na si Warren" sambit ko at binitiwan ang kanyang kamay. Walang ekspresyon itong tumango bilang pag sang ayon. Ngumiti ako ng tipid, matapos no'n ay tumakbo na ako palapit sa kinaroroon ng mga kasamahan ko. LHIYANNA'S POINT OF VIEW Mula dito sa kinatatayuan ko ay malinaw kong naririnig ang kanilang usapan, "Hoy Warren! Bumaba ka nga dito!" sigaw ni Jeno na akala mo ay naghahamon ng isang kaguluhan. "Oo na, bababa na" rinig kong pasigaw na sagot ni askal. "Dalian mo, may laban pa tayo!" sigaw nung JB. Tumalon na pababa si Warren at agad na lumapit sa apat. Hindi na ko makapag hintay na gawin ang binabalak ko. Pwede na siguro ang pagkakataong ito. Tumakbo ako palapit sa lima. Kung hindi ko pa isinigaw ang pangalan ni askal ay hindi pa nila mapapansin na palapit ako sa kanila. Tch! Pagkatingin ni Warren sa direksyon ko ay agad kong itinapon sa mukha niya ang tubig na laman ng basong dala ko. Sinakto ko talaga sa mukha niya. Dahil sa ginawa ko ay napalitan ng pagka busangot ang ekspresyon ng mukha niya. Base sa ekspresyon ng kanyang mukha ay nabanas ito. Nang idilat niya ang mga mata niya ay inis itong tumingin sa'kin. Sa hitsura niya ngayon ay para bang papatulan at susugurin niya ako. Kung gusto niya kong sugurin, bakit hindi niya pa gawin? "Naduduwag na ba kayo kaya nagtatago kayo dito? Mga walang kwenta!" isang boses na galing sa aming likuran ang aking narinig. Base sa tono ng boses na iyon, isa itong lalaki. Lumingon ako at ganoon din ang Dark Bullet. Sa paglingon ko ay nakita ko ang sampung lalaki. Hindi ko sila kilala at wala akong balak na kilalanin sila. "Nagtatago? Nagpapatawa ka ba?" "Tawanan nalang natin, Mir" sabat ni Jeno. "Wahahaha!" at tumawa naman ang dalawa na parang mga sira. "Tama na yan" saway ni Sherwin kanila Mir at Jeno. Tumigil at bumalik sa pagkaka seryoso ang dalawa matapos silang masaway. "Mag simula na tayo para magkaalaman" giit ni JB. "Sandali lang. Mamaya na namin kayo paiiyakin. Masyado naman kayong atat!" natatawang sabi nung isa sa sampu kasabay ng pagtaas nito ng dalawang kamay sa ere. Ngumisi ito at tumingin sa gawi ko. Ibinagsak niya ang kanyang kamay pababa at lumakad palapit sa akin. "Ikaw na ba ang bagong miyembro ng Dark Bullet? Ha! Pipili na nga lang ng magiging bagong miyembro yung halatang mahina pa! Bwahaha! Ah mali. Baka naman syota mo ang isa dito at hindi ka naman ka-isa nila?" tanong nito sa'kin na tila ba iniinsulto ako. Lumipat ang tingin nilang lahat sa direksyon ko at maya maya'y napansin ko ang biglang pag dagsa ng mga estudyante sa paligid. Siguro ay para maki-osyoso sa laban na magaganap sa pagitan ng Dark Bullet at ng sampung lalaking ito.  Hindi ako kasali, okay? Tch! Hindi ako bagong miyembro ng Dark Bullet at hindi rin ako syota ng isa sa limang yan. I rolled my eyes. Nakakapikon ang isang 'to. Ngumisi ako at matapang na hinarap ang lalaki. Sa ekspresyon ng mukha ko ay para bang iginigiit ko na din ang katanungang, 'nagpapatawa ka ba?' "Bitaw" madiin kong sambit. Hinawakan niya kasi ang baba ko na lalong nakapandagdag sa inis ko. "Paano kung ayoko?" natatawang anito. Ayaw niya? Edi sige. Tinaas ko ang kaliwang kamay ko at iyon ang ginamit kong pang suntok sa tiyan niya upang masikmuraan ito. Hindi ako nagkamali sa ginawa ko dahil nang magawa ko iyon ay napabitaw ito mula sa pagkakahawak sa'kin. Nilingon ko ang lima, "Pwede ba kong makisali?" "Pwede! Pwedeng-pwede!" mabilis na sagot ni Jeno. "Simulan na" ani Warren sabay suntok nito sa lalaking kaharap niya. Bahala na sila diyan. Napabalik ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. Hinintay kong maka ayos ito ng tayo. Nang makatayo na siya ng diretso. I give him a side kick to the back of his head. Naka cycling naman ako kaya hindi problema sa'kin ang ginawa kong move. Side kick to the back of head may lead to broken neck or loss of consciousness. Minsan ko lang ginagawa ang move na iyon dahil sa masyadong delikado but wala naman itong dapat ipagalala dahil hindi ko naman ito tinodo.  Ngayon niya ako sabihan na mahina. Mabilis na natapos ang laban. Hindi muna ako umalis dahil pinanood ko pa ang Dark Bullet na lumaban sa grupong puro mayayabang pero mga mahihina naman. Tss. Akala mo kung sinong makapagsalita kanina. Nang mapa bagsak na ng lima ang siyam na lalaki ay napag desisyunan ko ng umalis. Paalis na sana ako nang marinig ko ang pag tawag sa'kin ni Jeno. Hindi ko iyon pinansin at nag patuloy na lamang sa paglalakad. "Lyan!" nahagip ng mata ko si Jennifer nung bigla niya kong tinawag mula sa mga estudyanteng kumpulan. Nakita ko ito kasama si Rachel. Hindi ako komportable ngayon dahil medyo basa pa rin ako. Bwisit na Warren yun! Napansin kong wala na pala sa'kin ang tuwalyang ibinigay ni Jeno kanina. Lumingon ako sa likuran at nakita ang tuwalya na hawak na ngayon ni Jeno. Yakap niya ito habang may ngiti sa kanyang labi. What the? Napairap nalang ako sa nakita at hindi na ito pinansin pa matapos. Lumakad na ako at akmang lalagpasan na sana ang dalawa nang tawagin ako ni Jennifer. "Saan ka pupunta?" tanong ni Jennifer. Nilingon ko siya, "Uuwi, mag c-cutting" sagot ko bago ko ipinagpatuloy ang paglalakad. Mukhang wala naman silang balak na pigilan ako at wala din naman akong balak na magpapigil kaya diretso na kong nag lakad at hindi na sila hinintay. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD