CHAPTER EIGHT Matutulog na sana ako nang marinig ko ang malakas na tunog mula sa cellphone ko. Peste! Gabing gabi na ah? Bumangon ako sa pagkakahiga at umayos ng paupo. Asar kong hinablot ang cellphone at sinagot ang nakaka istorbong tawag. Humiga ako't pikit na nag salita. [Hi] bati sa kabilang linya. Sino ba to? Inilayo ko sa tainga ko ang cellphone at tinignan ang screen upang silipin ang number. Nang makitang galing ang tawag na ito sa isang hindi naka rehistrong numero ay ibinalik ko sa pagkakadikit sa tainga ang aking cellphone at nag salita. "Sino to?" walang ganang tanong ko. [Try to guess..] "Wala akong oras para makipag lokohan sayo. Kung wala kang balak sabihin kung sino ka, wala na kong pakielam. Bahala ka" inis na sagot ko. Nung ibaba ko na ang tawag ay muli itong nag s